“SIyempre, masusunod ang lahat ng gusto ko. Kailangan mong seryosohin ang bawat bagay na sasabihin ko,” Dagdag ni Ophelia. Alam niya na si Darryl ay parang isang ligaw na hayop na kinakailangan niyang turuan. Hindi kasi nito talaga gustong maging isa sa kaniyang mga disipulo.Kaya kinakailangan niyang maging istrikto kay Darryl, para hindi na siya mahirapan pa rito sa susunod.Dito na walang nagawa si Darryl kundi yumuko at sumagot ng, “Susundin kita.”Nasa kamay na ni Ophelia Lane ang pagbalik ng dati niyang lakas. Kinakailangan na niyang sundin ang bawat utos nito ngayon.Natuwa nang husto si Ophelia sa narinig niyang sagot ni Darryl. Ngumiti ito at tumatangong sinabi na, “Magaling aking disipulo.”Sa Mansyon ng mga Darby sa Donghai City, nabahala at nagalala nang husto si Lily. Nang magising ito matapos mawalan ng malay, nakita niya ang kaniyang sarili na nasa loob ng isang mansyon. Ang una niyang naging reaksyon ay ang pagalis sa lugar na ito, pero masyadong marami ang mga ban
Last Updated : 2021-08-03 Read more