“Huwag kayong magalala, Master. Hindi namin kayo bibiguin!” iisang sinabi ng apat.“Magaling!” Natuwa rito si Darryl. Dito na niya dinagdag na, “Sa halip na mansyon ng mga Dixon, tatawagin na natin ang lugar na ito bilang Mansyon ng Elysium mula sa araw na ito. Ang lugar na ito ang magiging pansamantala nating altar. Kaya humayo na kayo at maghanap ng mga bago nating miyembro!”Dito na tumalikod si Darryl at umalis.Agad na kumalat ang balita tungkol sa Elysium Gate sa buong city pagkatapos ng tatlong araw.Ang mga bago nitong miyembro ay mabibigyan ng tigiisang Black Spirit Pill sa sandaling maging opisyal silang miyembro ng sektang ito, siguradong hindi matitiis ng kahit na sinong cultivator ang alok na ito ni Darryl!Maraming malalakas at makapangyarihang mga cultivator ang bumisita kay Darryl. Sa loob lang ng tatlong araw, agad na nagkaroon ng pundasyon ang Elysium Gate sa mundo ng mga cultivator!Naging kilala rin ang pinuno ng sektang ito na si Indomitable Darby! Walang kah
Sa loob ng mansyon na pagmamayari ng mga Carter sa Mid City, kasalukuyang naghuhum si Darryl ng isang kanta. Pumuna siya sa sala matapos siyang tawagin ni Zoran at nagmamadaling papuntahin doon.Nang makarating siya rito, nakita niyang nakikipagtawanan si Zoran sa isang napakagandang babae. Isa itong napakaselang babae! Nakasuot ito ng mahaba at kulay dilaw na dress na nakapagpasosyal sa kaniyang itsura. Pero kung tama ang hula ni Darryl, siguradong ito na ang asawa ni Zoran na si Susan Creek!Kasama ng dalawang ito sina Rachel, Sara at Ewan.“Buwisit. Bakit nandito nanaman ang isang ito?” Isip ni Darryl.“Darryl!” natutuwa siyang tinawag ni Sara. Tumakbo siya palapit dito at agad na niyakap ang kaniyang braso. Ngumuso siya habang sinasabi na, “Saan ka ba nagpupupunta! Namiss kita!”Natutuwa ring hinawakan ni Darryl ang ulo nito. At pagkatapos ay humarap siya para magalang na yumuko sa harapan nina Zoran at Susan. “Ninong, Ninang.”Tumango at ngumiti si Susan nang makita nito si
Nang makaalis ang apat, niyakap ni Zoran si Susan mula sa likuran at sinabing. “Mukhang mabuting bata talaga itong si Darryl,” bulong niya, “Nagdesisyon na akong siya ang pakakasalan ni Rachel, ano sa tingin mo?”Ano? Nagulat dito nang husto si Susan.Si Rachel—ang pinakamatanda niyang anak—at si Ewan ay mayroon nang relasyong malapit na sa kasalan, at alam na ito ng buo nilang pamilya. Kaya bakit biglang nagbago ang isip ni Zoran?Nagisip si Susan sa kaniyang sarili at nagtanong ng, “Alam na ba ito ni Rachel? Ano ang naramdaman niya tungkol sa bagay na ito?”“Tutol na tutol siya rito. Si Ewan lang ang gusto niyang pakasalan kaya naisip ko na baka magawa mo siyang kumbinsihin na pakasalan si Darryl,” Mapait na tumawa rito si Zoran.“Gusto niya si Ewan kaya bakit mo siya pipiliting magpakasal kay Darryl? Isa rin namang mabuting bata si Ewan—hindi magiging kahihiyan sa atin ang pagpapakasal ni Rachel kay Ewan.”Mahal na mahal ni Susan ang kaniyang mga anak na babae. Kaya ayaw niyan
Ano bang mahiwagang kagubatan ng peach blossom ito? Natuwa nang husto si Ewan sa ideyang iyon.“Gagawin natin ang plano mong iyon, Rachel. Papupuntahin natin si Darryl sa kagubatang iyon!” Nagliliwanag na sinabi ni Ewan.Magaling! Dito na sila nagmamadaling pumunta sa kuwarto ni Darryl.Katatapos tapos lang ni Darryl na magshower. Nakasuot ito ng kaniyang mga pajama para pumunta sa kaniyang kama.Slam! Binuksan ni Rachel ang pinto nang walang paalam. Napamura na lang si Darryl sa kaniyang sarili habang nakangiting sinasabi na. “Ano ang problema natin ngayon, kapatid?”“Sinong kapatid?” Simangot ni Rachel habang naiiritang nagtatanong. Nakakadiri talaga para sa kaniya maging ang presensya ni Darryl na kaniyang nararamdaman sa loob ng mansyong ito.Tumawa naman dito si Darryl at nagtanong ng, “Ako ang kapatid mo dahil ninong ko ang ama mong si Zoran. Kaya kung hindi kita kapatid, ano kita?”Tumitig sa kaniya si Rachel na nagsabing. “Gusto ka raw makita ni papa sa peach blossom f
Kahit na wala siyang internal energy, hindi pa rin niya magagawang umupo at hintaying mamatay si Dax! Kinamuhian niya si Abbess Mother Serendipity at ang mga tagasunod nito. Umalis na rin siya sa Donghai City pero sinubukan pa rin nitong sundan siya.Galit na galit dito si Darryl. Tatalikod na sana siya para umalis nang tawagin siya ni Rachel.“Darryl, hinihintay ka na ni Dad sa loob. Saan ka ba pupunta?”“Sabihin mo kay Dad na mayroon akong emergency na kailangang puntahan!” Nababahalang sinabi ni Darryl.“Sa tingin mo ba ay puwede mo na akong maging mensahero?” Ngisi ni Rachel. “Kung mayroon kang pupuntahan, ikaw mismo ang dapat na magsabi nito sa kaniya.”Sumimangot naman dito si Darryl. “Magpapaliwanag na lang ako sa kaniya pagbalik ko.” Nasa panganib ngayon si Dax kaya kinakailangan niya itong tulungan.“Tabi!” Sigaw ni Darryl kay Rachel.“Paano kung ayaw ko?” Malisyosong ngisi ni Rachel.“Ang sabi ko, tumabi ka!” Dito na muling sumigaw si Darryl.Dito na nanlalamig na su
Dito na nagpanic si Darryl. Sa sandaling may mangyari kay Dax, siguradong pagsisisihan niya ito habambuhay!“Palabasin mo na ako, Rachel Carter!” Sigaw ni Darryl pero walang kahit na sino ang sumagot sa kaniya.“Buwisit!” Sinuntok ni Darryl ang isang puno. Matapos makita ang papalubog na araw, wala nang nagawa si Darryl kundi maglakad ng diretso. Naisip niya na parang isang maze ang kagubatang ito na hangga’t magagawa niyang maglakad ng diretso ay magagawa niyang makita ang daanan palabas sa lugar na ito.Mabilis na naglakad si Darryl, pero matapos ang kalahating oras ay hindi pa rin niya nakita ang daanan na kaniyang pinanggalingan. Wala siyang nakita kundi walang katapusang mga puno sa paligid! Naging kakaiba ang bagay na ito para kay Darryl. Siguradong makakarating na siya sa labasan papunta sa mansyon ng mga Carter sa sandaling maglakad siya ng 30 minutes sa direksyon na kaniyang pinanggalingan, pero hindi pa rin niya nagawang makalabas sa gubat na ito. Maliban na lang kung isa
Agad na napatayo rito si Zoran. Agad ding namutla ang mukha ni Susan habang nagtatanong ng, “Sigurado ka ba na mga bakas ng yapak ang nakita mo roon?”Ang Peach Blossom Forest ay isang uri ng complex na Formation! Ang sinumang pumapasok doon ay hindi na nakakabalik pang muli!Nang pakasalan niya si Zoran, gustong gusto nang intindihin ni Susan ang Formation na bumabalot sa gubat na iyon. Maraming taon din ang ginugol niya para mapagaralan ito pero hindi pa rin niya mahanap ang solusyon para rito.Ilang taon na rin ang nakalilipas nang pumasok dito ang ilang mga nacucurious na tagasunod. Hindi na sila muling nakabalik pa mula noong araw na iyon.Wala ring kahit na anong signal sa loob ng gubat, at hindi rin magagamit ng kahit na sino ang kanilang internal energy sa loob nioto. Kahit na gaano pa ito kalakas, hindi magagawang lumipad ng kahit na sino papunta sa ibabaw ng peach blossom forest! Kaya naglagay ang mga Carter ng isang dambuhalang tablet nitong nakaraan sa daanan papasok sa
Tumayo si Zoran sa daanan papasok sa peach blossom forest para tingnan ang mga yapak na nakita ng kanilang mga maid. Nagkalat ang mga buhangin sa paligid kaya hindi nito malaman kung kay Darryl ba ang mga yapak na ito o hindi.Papasok na sana siya sa gubat nang hilahin siya ng kaniyang mga tagasunod. Sinabi ng isa sa mga ito na, “Master, hindi po tayo sigurado kung si Darryl ba talaga ang pumasok sa gubat na iyon. Ano na po ang mangyayari sa sandaling hindi na po kayo makalabas sa gubat?”Kumalma na rin si Zoran nang marinig niya ito at nagisip ng isang sandali. “Kumuha ka ng mga tao para bantayan ang lagusang ito sa lahat ng oras, “ utos nito, “Maghanap ka rin ng mga taong maghahanap kay Darryl sa labas ng mansyon.”“Opo, Master.”Napanghinaan dito nang husto ng loob si Zoran. Ayaw niyang maniwala na kay Darryl ang mga bakas ng yapak na ito pero itinuturo ng ibang mga detalye sa pagkawala ni Darryl na nakulong nga ang kaniyang inaanak sa gubat na ito.Nakaramdam siya ng matinding