Nagimpake si Darryl, pumara ng taxi at umalis papuntang Yunzhou City para kumbinsihin ang magkakapatid na Dixon. Kinakailangan niyang mapasali ang mga ito sa itatayo niyang sekta anuman ang mangyari. Hangga’t magagawa ng mga itong sumangayon, magagawa na rin ni Darryl ang unang hakbang sa pagtatayo ng sarili niyang sekta. Nagkulong ang apat na ito sa loob ng mansyon na pagmamayari ng mga Dixon na malapit lang sa mansyon na pagmamayari ng mga Carter.Nagring ang kaniyan cellphone habang sumasakay sa taxi. Napasimangot siya nang makita na mula ito kay Pearl Hahn. Siya ang ginawang in charge ni Darryl sa pamamahala ng Platinum Corporation. Pangkaraniwang tumatawag lamang ito kung mayroon siyang mga issue na hindi maresolba, na naging pambihira para sa kaniya.Nang sagutin niya ito, agad na nagsimula sa paglalabas ng problema ang nababagabag na si Pearl. “May masama po akong balita, Mr. President. Nagkaisa ang buong Donghai City para iboycott ang Platinum Corporation. Malaki na po ang na
Walang tigil na sumigaw ang apat kay Darryl. Kung hindi lang nakatali ang mga ito, kanina pa sana patay ang pumasok na si Darryl.Tumawa naman dito ang hindi nagsabi ng kahit na anong si Darryl. Hinayaan niyang maglabas ang tatlong ito ng kanikanilang mga galit.Nang malapit na silang matapos sa kasisigaw, humila siya ng isang upuan at umupo sa harap ng mga ito. “Sa paningin ninyong apat, dapat na akong mamatay dahil pinatay ko ang buong pamilya Dixon. Pero tatanungin ko kayo, maraming mga pinatay at ninakawan na inusenteng mga sibilyan ang pamilya Dixon. Karapat dapat din ba ang mga taong iyon na mamatay?”Dito na nagtinginan ang apat, hindi na sila nakasagot sa tanong ni Darryl. Tama nga ito. Kilala ang mga Dixon bilang pamilya na naghahasik ng kasamaan sa Yunzhou City ng napakaraming taon.Dito na nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita si Darryl, “At kayong apat! Hinayaan niyo ang mga Dixon na gawin ito! Alam niyo ba kung gaano kalaking gulo ang ginawa ninyo sa buong Yunzhou City?”
Pagbuo ng isang sekta? Paggawa ng mabuti? Pagbibigay ng hustisya sa sangkatauhan?Sa mga sinabing ito ni Darryl nagtinginan ang magkakapatid. Nasabik sila nang husto sa ideyang iyon, naramdaman nilang mayroong apoy na muling nagliliyab sa kanilang mga puso.Dito na ipinakita ni Darryl ang apat na mga pill. At ang lahat ng ito ay mga Godly Pill!Dito na natigilan nang tuluyan ang magkakatapid. Alam nil ana nagkakahalaga ng ilang bilyon ang bawat isang pill na iyon kaya paano nagkaroon si Darryl ng apat na piraso nito.Ngumiti si Darryl habang binibigyan sila ng tigiisang Godly Pill. “Alam kong nastuck na kayo sa Level Five Master General ng napakatagal na panahon, kaya tanggapin ninyo ito bilang isang munting regalo mula sa akin.Para sa kanila? Nagulat pero agad na nakaramdam ng pananabik ang mga ito sa kanilang mga dibdib.Halos isang taon na silang nastuck sa Level Five Master General! At noong mahuli sila ni Darryl, nawalan na sila ng pagasa na makatawid pa sa susunod na level
“Huwag kayong magalala, Master. Hindi namin kayo bibiguin!” iisang sinabi ng apat.“Magaling!” Natuwa rito si Darryl. Dito na niya dinagdag na, “Sa halip na mansyon ng mga Dixon, tatawagin na natin ang lugar na ito bilang Mansyon ng Elysium mula sa araw na ito. Ang lugar na ito ang magiging pansamantala nating altar. Kaya humayo na kayo at maghanap ng mga bago nating miyembro!”Dito na tumalikod si Darryl at umalis.Agad na kumalat ang balita tungkol sa Elysium Gate sa buong city pagkatapos ng tatlong araw.Ang mga bago nitong miyembro ay mabibigyan ng tigiisang Black Spirit Pill sa sandaling maging opisyal silang miyembro ng sektang ito, siguradong hindi matitiis ng kahit na sinong cultivator ang alok na ito ni Darryl!Maraming malalakas at makapangyarihang mga cultivator ang bumisita kay Darryl. Sa loob lang ng tatlong araw, agad na nagkaroon ng pundasyon ang Elysium Gate sa mundo ng mga cultivator!Naging kilala rin ang pinuno ng sektang ito na si Indomitable Darby! Walang kah
Sa loob ng mansyon na pagmamayari ng mga Carter sa Mid City, kasalukuyang naghuhum si Darryl ng isang kanta. Pumuna siya sa sala matapos siyang tawagin ni Zoran at nagmamadaling papuntahin doon.Nang makarating siya rito, nakita niyang nakikipagtawanan si Zoran sa isang napakagandang babae. Isa itong napakaselang babae! Nakasuot ito ng mahaba at kulay dilaw na dress na nakapagpasosyal sa kaniyang itsura. Pero kung tama ang hula ni Darryl, siguradong ito na ang asawa ni Zoran na si Susan Creek!Kasama ng dalawang ito sina Rachel, Sara at Ewan.“Buwisit. Bakit nandito nanaman ang isang ito?” Isip ni Darryl.“Darryl!” natutuwa siyang tinawag ni Sara. Tumakbo siya palapit dito at agad na niyakap ang kaniyang braso. Ngumuso siya habang sinasabi na, “Saan ka ba nagpupupunta! Namiss kita!”Natutuwa ring hinawakan ni Darryl ang ulo nito. At pagkatapos ay humarap siya para magalang na yumuko sa harapan nina Zoran at Susan. “Ninong, Ninang.”Tumango at ngumiti si Susan nang makita nito si
Nang makaalis ang apat, niyakap ni Zoran si Susan mula sa likuran at sinabing. “Mukhang mabuting bata talaga itong si Darryl,” bulong niya, “Nagdesisyon na akong siya ang pakakasalan ni Rachel, ano sa tingin mo?”Ano? Nagulat dito nang husto si Susan.Si Rachel—ang pinakamatanda niyang anak—at si Ewan ay mayroon nang relasyong malapit na sa kasalan, at alam na ito ng buo nilang pamilya. Kaya bakit biglang nagbago ang isip ni Zoran?Nagisip si Susan sa kaniyang sarili at nagtanong ng, “Alam na ba ito ni Rachel? Ano ang naramdaman niya tungkol sa bagay na ito?”“Tutol na tutol siya rito. Si Ewan lang ang gusto niyang pakasalan kaya naisip ko na baka magawa mo siyang kumbinsihin na pakasalan si Darryl,” Mapait na tumawa rito si Zoran.“Gusto niya si Ewan kaya bakit mo siya pipiliting magpakasal kay Darryl? Isa rin namang mabuting bata si Ewan—hindi magiging kahihiyan sa atin ang pagpapakasal ni Rachel kay Ewan.”Mahal na mahal ni Susan ang kaniyang mga anak na babae. Kaya ayaw niyan
Ano bang mahiwagang kagubatan ng peach blossom ito? Natuwa nang husto si Ewan sa ideyang iyon.“Gagawin natin ang plano mong iyon, Rachel. Papupuntahin natin si Darryl sa kagubatang iyon!” Nagliliwanag na sinabi ni Ewan.Magaling! Dito na sila nagmamadaling pumunta sa kuwarto ni Darryl.Katatapos tapos lang ni Darryl na magshower. Nakasuot ito ng kaniyang mga pajama para pumunta sa kaniyang kama.Slam! Binuksan ni Rachel ang pinto nang walang paalam. Napamura na lang si Darryl sa kaniyang sarili habang nakangiting sinasabi na. “Ano ang problema natin ngayon, kapatid?”“Sinong kapatid?” Simangot ni Rachel habang naiiritang nagtatanong. Nakakadiri talaga para sa kaniya maging ang presensya ni Darryl na kaniyang nararamdaman sa loob ng mansyong ito.Tumawa naman dito si Darryl at nagtanong ng, “Ako ang kapatid mo dahil ninong ko ang ama mong si Zoran. Kaya kung hindi kita kapatid, ano kita?”Tumitig sa kaniya si Rachel na nagsabing. “Gusto ka raw makita ni papa sa peach blossom f
Kahit na wala siyang internal energy, hindi pa rin niya magagawang umupo at hintaying mamatay si Dax! Kinamuhian niya si Abbess Mother Serendipity at ang mga tagasunod nito. Umalis na rin siya sa Donghai City pero sinubukan pa rin nitong sundan siya.Galit na galit dito si Darryl. Tatalikod na sana siya para umalis nang tawagin siya ni Rachel.“Darryl, hinihintay ka na ni Dad sa loob. Saan ka ba pupunta?”“Sabihin mo kay Dad na mayroon akong emergency na kailangang puntahan!” Nababahalang sinabi ni Darryl.“Sa tingin mo ba ay puwede mo na akong maging mensahero?” Ngisi ni Rachel. “Kung mayroon kang pupuntahan, ikaw mismo ang dapat na magsabi nito sa kaniya.”Sumimangot naman dito si Darryl. “Magpapaliwanag na lang ako sa kaniya pagbalik ko.” Nasa panganib ngayon si Dax kaya kinakailangan niya itong tulungan.“Tabi!” Sigaw ni Darryl kay Rachel.“Paano kung ayaw ko?” Malisyosong ngisi ni Rachel.“Ang sabi ko, tumabi ka!” Dito na muling sumigaw si Darryl.Dito na nanlalamig na su