Home / Urban / Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat / Kabanata 171 - Kabanata 180

Lahat ng Kabanata ng Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Kabanata 171 - Kabanata 180

7044 Kabanata

Kabanata 171

“Kahit na si Darryl ang gumawa ng kahindik hindik na bagay na iyon, bilang ama, hindi ka makakalampas sa parusang ibibigay ko! Kaya kung hindi ka pa aamin sa ginawa ng anak mo, papahirapan kita hanggang sa mamatay ka na!” Nanlalamig na sinabi ng nakatatandang Darby.Smack! Smack! Tumama ang rattan sa katawan ng ama ni Darryl habang umaagos ang sariwa nitong dugo sa sahig.Naubos na rin ang boses ni Luna sa tindi ng kaniyang pagiyak habang sumisigaw ng. “Pakiusap, huwag niyo na siyang saktan! Tama na! Mapapatay niyo na siya!”“Huwag na naming siyang saktan?” Dito na naglakad si Yumi papunta sa nakatatandang Darby, “Grandpa, mukhang hindi aamin si Daniel Darby hanggang mamatay siya. Mukhang iniisip niya na masyado na siyang matanda kaya hindi na siya naaapektuhan ng parusang ito!”“Oo nga, Grandpa! Hindi magiging patas kung hindi natin makikitang pinaparusahan si Darryl kasama ng kaniyang mga magulang!” Sigaw ng mga tao sa kanilang paligid.Matapos marinig ang mga sinabi nito, aga
Magbasa pa

Kabanata 172

“Pa! Pa!” Sigaw ng may mapupulang mga matang si Darryl habang pinuputol ang taling nakapulupot sa kaniyang ama gamit ang hawak niyang espada. Matapos nito ay agad niyang kinarga ang nanghihina niyang ama.Pero nasira na nang tuluyan ang buong katawan ni Daniel sa mga sandaling ito. Naglabas ito ng sunog na amoy ang habang dumidikit sa isa’t isa ang nasusunog niyang laman at ang suot niyang damit.“Darryl…anak. Sabihin mo sa akin, ginawa mo ba iyon? Ginawa mo ba ang bagay na iyon?” Bulong ni Daniel gamit ang namumutla niyang mga labi habang nararamdaman ang napakatinding sakit na nakapagpanginig sa buo niyang katawan.“Hindi po. Hindi po!” Iyak ni Darryl, dito na bumuhos ang luha mula sa kaniyang mga mata.“Mabuti…kung ganoon…” sabi ni Daniel gamit ang natitira niyang lakas.Ngumiti ito nang bahagya at pumikit. Wala nang kahit na sino ang nakakaalam kung buhay pa ba ito o hindi.“Pa! Papa, huwag mo akong takutin. Huwag mo akong takutin Papa!” Sigaw ni Darryl hanggang sa mamaos ang
Magbasa pa

Kabanata 173

Nang mawala si Darryl sa kanilang paningin, dahan dahang gumapang si Yumi, agad siyang pumunta sa nakatatandang Darby at sinabing. “Hindi natin ito maaaring palampasin, Grandpa!”Nagliyab sa sobrang galit si Yumi, makikita ang mga marka ng ginawang sampal ni Darryl sa napakaganda at nagdudugo sa dami ng sugat niyang mukha.Nanginig naman dito ang nakatatandang Darby. Hindi niya pinansin si Yumi habang nakatingin sa kabilang bahagi ng hall. Makikita namang nakatayo sa entrance si Dax Sanders kasama ng daan daan niyang mga tauhan.Habang bugbog sarado naman ang mga miyembro ng pamilya Darby, nagkalat ang kanilang dugo sa sahig ng hall.“Sino ka!” Tanong ng nakatatandang Darby habang nakatingin kay Dax.Naglakad paabante si Dax at nakangiting sumagot ng, “Dax ang una kong pangalan at Sanders naman ang aking apilyedo.”Ano?Dito na napapigil hininga ang lahat. ‘Dax…Dax Sanders? Kilala ng buong Donghai City ang pangalang iyon.’Si Dax Sanders.Tumayo ang nakatatandang Darby at sina
Magbasa pa

Kabanata 174

Tumingin ang nakatatandang Darby sa hall.Dito niya nakitang nakahandusay ang mga nakababatang miyembro ng pamilya Darby habang kumakalat ang mga dugo nito sa sahig, mukhang wala na ring buhay ang ilan sa mga ito.“Tumawag kayo ng mga medic! Asikasuhin ninyo ang mga nasugatan nating mga kapamiyla.” Utos ng nakatatandang Darby habang humihingal nang malalim.Agad niyang tinawag si Drake na nasa kaniyang tabi para asikasuhin ang mga sugatang miyembro ng pamilya Darby. Agad na napuno ng hinanakit at galit ang hangin sa paligid ng mansyon.Kasalukuyan pa ring nagdudugo ang mga labi ni Yumi habang namamaga pa rin ang magkabilang bahagi ng kaniyang mukha.“Bakit hindi mo po sila nilabanan, Grandpa?” Sigaw ni Yumi habang nararamdaman ang mahapdi niyang mukha, malinaw na makikita ang galit na nabubuo sa kaniyang mga mata.Limang taong nagpalakas ang nakatatandang Darby kaya kasalukuyan na siyang isang Level 3 na Master General. Hindi sana mangyayari ang bagay na ito kung lumaban lang ang
Magbasa pa

Kabanata 175

Samantala, sa loob ng private room, makikita ang matinding pagkagulat ni Drake.“Gagawin nating mga cultivator ang buo nating pamilya? Pero paano natin ito gagawin?” Isip ni Drake.“Pero mangangailangan po tayo ng isang Spiritual Herb o isang Spiritual Elixir para gawing cultivator ang katatawan ng bawat isang miyembro ng ating pamilya. Maituturing pong rare ang mga Spiritual Herb at Elixir sa merkado kaya kahit na gaano pa po tayo kayaman, magiging imposible pa rin po para sa atin na makakuha nito nang walang sapat na kuneksyon.” Sabi ni Drake.Spiritual Herb ang ininom noon ni Darryl. Ibinigay ito nina Brandon at Abby Guy sa kaniya. Matapos kainin ang Spiritual Herb ay agad na naging isang cultivator si Darryl. Ang Spiritual Elixir ay nagmula sa Spiritual Herb, ito ang dahilan kung bakit naging epektibo ang mga Elixir Pill na maaaring gamitin ng kahit na sinong gustong maging isang cultivator.“Huwag mo nang alalahanin ang tungkol sa bagay na iyan, gawin mo na lang ang mga sinasa
Magbasa pa

Kabanata 176

Narinig din ni Lily ang boses ng Dalaga na nagmula sa ward. Napakasweet ng boses ng dalagang ito.“Bakit may iba pang babae sa loob ng ward na ito? Ano ba ang kinalaman niya kay Darryl?” Mukhang nainis si Lily nang pumasok ang mga bagay na ito sa kaniyang isipan.Makikita sa bintana ng ward si Daniel Darby na balot na balot ng bandages sa buo niyang katawan, makikita rin ang ilang mantsa ng dugo sa mga bandage na ito. Makikita ring nakakonekta ang mga tubo sa isang machine habang nasa tabi naman ng kama ang ilang bag ng mga dugo. Mukhang matindi ang pinagdaanan ng ama ni Daniel. Kaya masuwerte siya na nagawa pa niyang makaligtas sa pangyayaring ito.Inakala kahapon ni Daniel na iyon na ang katapusan niya. Kahit na gaano pa kalakas ang kaniyang katawan, magiging imposible pa rin ang paglabas ng buhay mula sa napakatinding klase ng torture na ginawa ng mga Darby sa kaniya! Makikitang nakaupo si Luna habang nakangiti sa tabi ng kama. Nang maadmit ang kaniyang ama sa ospital, punong pun
Magbasa pa

Kabanata 177

Agad na napuno ng tensyon ang hangin sa loob ng ward. Dito na nagdilim ang itsura ni Darryl na kasalukuyang nakatayon sa isang tabi. Inakala niya na gusto lang bisitahin ng mga ito ang kaniyang mga magulang, pero sa halip, ay nagawa pa nilang gumawa ng gulo! Hindi nagawang bisitahin ng mga ito ang kaniyang mga magulang sa tatlong taon nilang pagsasama ni Lily, pero nagawa pa ring magsalita nang ganito ni Samantha sa una nilang pagkikita. Matapos marinig ang mga sinabi ni Samantha, hindi manlang ito pinigilan ni Lily. At sa halip ay nagawa pa nitong manahimik habang ipinapakita ang walang emosyon itong mukha sa tabi ng kaniyang ina.“Anong tinitingin tingin mo riyan Darryl? Ano na ngayon? Iniisip mo bang nagpunta kami rito para gumawa ng eksena?” Sigaw ni Samantha.“Wala akong sinabing ganoon. Ikaw mismo ang nagsabi niyan sa sarili mo,” Nanlalamig na tawa ni Darryl.Mahahalatang gumagawa na ng eksena ang dalawa at wala na rin sa tamang mga rason.Ito ang gumalit nang husto kay Saman
Magbasa pa

Kabanata 178

Dahil isa lang itong misunderstanding, wala nang pakialam si Darryl kahit makita pa siya ng mga Lyndon na kumain kasama si Shelly. Malaki na ang naitulong ni Shelly sa kaniyang ama mula noong una itong maadmit sa ospital. Pero ngayon ay nagawa pa itong ipahiya ni Samantha dahil sa mali nitong pagkakaintindi, kaya naramdaman ni Darryl na kinakailangan niyang ilibre ito ng pagkain. “Sigurado ka bang ok lang ang bagay na ito, Kuya Darryl?” Sabi ni Shelly habang kinakagat ang kaniyang mga labi at halatang napapahiya sa harap nilang lahat. Kanikanina lang ay nagawa na siyang pagisipan ng kung ano ano ni Samantha. Kaya sa sandaling kumain siya kasama ni Shelly, siguradong iba na ang iisipin sa kanila ng mga Lyndon. Pero mukhang wala namang pakialam dito si Darryl. “Ano ba ang dapat mong ikatakot? Gusto ko lang magpasalamat sa pagaalaga mo sa aking mga magulang nitong mga nakaraang araw.”Habang sinasabi ang mga bagay na ito, buong pasasalamat na tumingin si Darryl kay Shelly. Hindi maik
Magbasa pa

Kabanata 179

Agad na nanikip ang dibdib ni Lily sa mga sinabing ito ni Grandma Lyndon, pero nanatili pa rin siyang kalmado sa kaniyang kinauupuan.“Ok lang po ito, Grandma. Ok lang po na mapagod ako. Mula noong bata pa lang po ako, mas mabuti na para sa aking magsumikap nang husto kaysa sa aking mga kasabayan.” Sabi ni Lily. “Haha!” Tawa ng kanilang mga kamaganak sa kanilang mga sarili. “Huwag ka nang magkunwari Lily. Kahit na gaano ka pa kasipag. Kung titingnan ang iyong mga kakayahan, hinding hindi mo magagawang pamahalaan nang maayos ang ating mga negosyo,” nanlolokong sinabi ni William sa isang tabi. Sumasangayon namang tumango ang mga miyembro ng pamilya Lyndon sa kanilang paligid. Walang sinuman sa kanila ang kumbinsido sa kakayahan ni Lily na mamahala sa kanilang mga negosyo. Napakagat na lang sa kaniyang mga labi si Lily at sinabing. “Ano ba ang dapat kong gawin para mapasaya ka, Grandma Lyndon? Dapat ko bang ibigay ang aking share?”“Oh Lilybud, hindi naman sa wala akong tiwala s
Magbasa pa

Kabanata 180

Walang kahit na anong appointment si Giselle maging sa araw na ito na nagpakita ng matinding kawalan ng nangyari sa kumpanya. Kakaiba ang nangyaring ito dahil popular naman si Giselle sa maraming fans kaya imposible na wala nang kahit na sino ang may gustong pumirma collaboration para sa kaniya. Naramdaman ni Darryl na mayroong mali kay agad siyang nagpunta para malaman ito.“Pasensya ka na, Darryl. Kung hindi lang dahil sa akin, hindi ka sana papasok dito ngayon gamit ang motorsiklong iyan.” Sabi ni Shelly na humihingi ng tawad.Hanggang ngayon, wala pa ring ideya si Shelly kung bakit niya nagawang bumangga sa poste ng sign na iyon. “Huwag kang magalala dahil sanay naman akong pumasok ng nakamotorsiklo rito.” Tawa ni Darryl, hindi niya ito inisip habang ipinaparada ang kaniyang motorsiklo sa parking lot hindi kalayuan sa Platinum Corporation. Ring! Matapos niyang iparada ang kaniyang motorsiklo, agad na nagring ang kaniyang cellphone. Isa itong text message mula kay Yvonne You
Magbasa pa
PREV
1
...
1617181920
...
705
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status