Agad na nanikip ang dibdib ni Lily sa mga sinabing ito ni Grandma Lyndon, pero nanatili pa rin siyang kalmado sa kaniyang kinauupuan.“Ok lang po ito, Grandma. Ok lang po na mapagod ako. Mula noong bata pa lang po ako, mas mabuti na para sa aking magsumikap nang husto kaysa sa aking mga kasabayan.” Sabi ni Lily. “Haha!” Tawa ng kanilang mga kamaganak sa kanilang mga sarili. “Huwag ka nang magkunwari Lily. Kahit na gaano ka pa kasipag. Kung titingnan ang iyong mga kakayahan, hinding hindi mo magagawang pamahalaan nang maayos ang ating mga negosyo,” nanlolokong sinabi ni William sa isang tabi. Sumasangayon namang tumango ang mga miyembro ng pamilya Lyndon sa kanilang paligid. Walang sinuman sa kanila ang kumbinsido sa kakayahan ni Lily na mamahala sa kanilang mga negosyo. Napakagat na lang sa kaniyang mga labi si Lily at sinabing. “Ano ba ang dapat kong gawin para mapasaya ka, Grandma Lyndon? Dapat ko bang ibigay ang aking share?”“Oh Lilybud, hindi naman sa wala akong tiwala s
Walang kahit na anong appointment si Giselle maging sa araw na ito na nagpakita ng matinding kawalan ng nangyari sa kumpanya. Kakaiba ang nangyaring ito dahil popular naman si Giselle sa maraming fans kaya imposible na wala nang kahit na sino ang may gustong pumirma collaboration para sa kaniya. Naramdaman ni Darryl na mayroong mali kay agad siyang nagpunta para malaman ito.“Pasensya ka na, Darryl. Kung hindi lang dahil sa akin, hindi ka sana papasok dito ngayon gamit ang motorsiklong iyan.” Sabi ni Shelly na humihingi ng tawad.Hanggang ngayon, wala pa ring ideya si Shelly kung bakit niya nagawang bumangga sa poste ng sign na iyon. “Huwag kang magalala dahil sanay naman akong pumasok ng nakamotorsiklo rito.” Tawa ni Darryl, hindi niya ito inisip habang ipinaparada ang kaniyang motorsiklo sa parking lot hindi kalayuan sa Platinum Corporation. Ring! Matapos niyang iparada ang kaniyang motorsiklo, agad na nagring ang kaniyang cellphone. Isa itong text message mula kay Yvonne You
Tumawa si Darryl nang marinig niya ang mga sinabi ni Lana. Ito kasi ang pinakakinatatakutan niyang teacher noon sa high school. Masyado itong naging strikto sa kaniya na umabot sa punto kung saan nagawa siya nitong sampalin matapos makakuha ng pinakamababang score sa isang test. “Masyado kang naging strikto sa akin noong high school, Ms. Lana.” Hindi maiwasang sinabi ni Darryl. “Noong umattend ka ng inyong class reunion ilang araw na ang nakalilipas, hindi mo ba nakita kung gaano na kasucessful ang mga kaklase mo ngayon? Isa nang superstar si Giselle Lindt, habang si Dianne Jackson naman ay isa ng manager ng Eleganza Corporation. Tingnan mo nga ang sarili mo. Hindi ka ba nagsisisi sa mga pinagagawa mo?” Sabi ni Lana habang iniiling ang kaniyang ulo. Kasabay nito ang pagtawa ng lalaking nasa tabi ni Lana, “Ikaw ba si Darryl? Haha! Ilang taon na rin ang nakalilipas mula noong huli kitang nakita. Ang laki na ng pinagbago mo!” Inisip ni Darryl na mukhang pamilyar ang itsura ng lala
Mukhang hindi natuwa rito si Darryl. “Sino kaya ang dapat na mahiya sa kaniyang sarili?”“Ano ang ibig mong sabihin!?” Sigaw ni Markus habang isinasara ang kaniyang kamao at pinagbabantaang susuntukin si Darryl. Isa siyang PE teacher na may matangkad at magandang pangangatawan. Kaya wala lang para sa kaniya ang pagbugbog sa batang ito. Sakto naman ang ginawang pagawat ni Lana sa kaniya. “Huwag kang magpadala sa emosyon mo, Markus!”Kahit na nagawang tulungan ni Lana si Darryl, Nafrustrate din siya sa batang ito. Masyado na itong rebellious mula noong estudyante pa lang niya ito noong high school. Isang bagay ang biglang pumasok sa kaniyang isipan nang marealize ang ginawang pagparada ni Darryl ng dala niyang motorsiklo rito. “Ano rin ba ang ginagawa mo rito Darryl? Nagtatrabaho ka ba sa Platinum Corporation?” Tanong ni Lana.Nakatayo ang kumpanyang ito sa loob ng isang high-end business area, ang pangkaraniwang nagiging bisita ng Platinum Corporation ay mayayaman at mga sikat
Pero mabilis na huminto sa paglalakad si Pearl Hahn sa harapan ni Darryl at agad itong binati sa pamamagitan ng isang 90 degree bow.“Patawad po President Darryl. Sinisiguro ko po sa inyo na hinding hindi na po ito mangyayari kahit na kailan!” Ninenerbiyos na sinabi ni Pearl habang tumutulo ang malalamig na pawis sa kaniyang noo.Magkasabay niyang naramdaman ang nerbiyos at pagkabagabag sa mga sandaling ito. Bilang isang sekretarya, siya ang in charge sa lahat ng maliliit na bagay na nangyayari sa korporasyon kabilang ang pamamahala sa pagmamayari nitong parking lot. Ganito rin ang bagay na nangyari noong pumirma si Giselle ng kontrata sa Platinum Corporation. Pero nangyari muli ito nang pumunta si Lana sa Platinum Corporation para pumirma ng isang kontrata! Kahit na gaano kabait si Darryl, hindi na kagulat gulat kung bigla na lang itong magagalit. “Huh? President? Tinawag ni Secretary Hahn si Darryl bilang president?” Isip ng mga tao sa kanilang paligid. Nagulat dito ang lahat.
Mukhang malungkot si Lily sa mga sandaling ito, bumagsak ang kaniyang mga kilay na parang isang cresent na buwan. Higit isang linggo na ang nakalipas mula noong huli niyang makita si Darryl. Hindi pa ito tumatawag o umuuwi sa kanila. Mayroon ding ilang pagkakataon na kung saan gusto na niya itong tawagan, pero agad niyang naaalala ang nangyari noon sa ospital.“Bakit ba napakalaki ng ego ng lalaking iyon? Ako ba muna dapat ang tumawag sa kaniya? Ah, kung ganoon, bahala na!” Isip ni Lily habang naglalakad papasok sa lobby. Nang pumasok siya sa lobby, agad niyang naramdaman ang kakaiba sa paligid. Pangkaraniwang tumatayo ang mga staff sa front desk para batiin siya, pero nanatiling nakaupo ang mga ito at nagpatuloy sa kanilang pagkukuwentuhan nang makita siyang pumasok sa lobby. Agad na napasimangot dito ang nacoconfuse na si Lily. Mukhang naging masama ang weekend nila? Isa lang naman iyong maliit na pagkakamali kaya hinayaan niya lang ang mga ito at nagpatuloy papunta sa kaniyang
“Ganoon nalang iyon? Papatalsikin niyo na lang ako nang basta basta?” Isip ng nadidismayang si Lily.Sa mga sandaling ito, naramdaman na rin ni Lily ang tunay na desperasyon. Tumusok ang mga sinabing ito ni Grandma Lyndon sa kaniyang puso na parang mga karayom. Pinigilan niyang umiyak habang nararamdaman ang paggaan ng kaniyang katawan. Matapos niyang kunin ang kaniyang mga gamit, padabog siyang lumabas ng opisina nang may luhang tumutulo sa kaniyang mga pisngi.Kinaumagahan, umupo si Lily sa sofa nang may kulay pulang mga mata matapos umiyak nang buong gabi. “Ano na ang gagawin natin ngayon? Paano na tayo makakasurvive ngayong wala na tayong shares?” Buntong hininga ni Samantha sa kaniyang tabi. “Ma, huwag ka nang magpanic. Iisip ako ng paraan para kumita ng pera,” sabi ni Lily.“Iisip ng paraan para kumite ng pera?” Nagpapanic na sinabi ni Samantha. “Hindi na madaling kumita sa panahong ito, alam mo ba iyon? Ano rin ang magagawa mo sa pagkakaroon ng sahod na nasa 3 to 4 thousa
Naglakad paabante si Darryl. Agad na napapigil sa kanilang paghinga ang mga tao sa kanilang paligid habang ipinagdadasal ang lalaking iyon. Maaari siyang tanggalin ng presidente sa kaniyang trabaho matapos mahuling naglalaro sa kaniyang cellphone. “Ano ang pinapanood mo?” Ngiti ni Darryl habang humihinto sa harapan ng isa sa kaniyang mga tauhan.Mr. President? Narinig ng staff ang boses ni Darryl kaya halos mahulog na nito ang hawak niyang cellphone sa sobrang pagkagulat. Mabilis nitong ibinalik ang kaniyang postura habang sumasagot ng, “Mr. President.” Huh? Agad na nakuha ng hawak niyang cellphone ang atensyon ni Darryl. Isang babae ang naglilive stream sa kaniyang sarili habang naglalabas ng isang hindi maipaliwanag na charm na siguradong magtatangal sa kahit na sinong lalaki sa tamang katinuan. Ilang tao lang ang nanonood sa live streaming page na ito. Naging maganda ang mood nito habang pinapaulanan ng lahat ang babae ng walang katapusang papuri. [Napakaganda ng diyosa