Tumawa si Darryl nang marinig niya ang mga sinabi ni Lana. Ito kasi ang pinakakinatatakutan niyang teacher noon sa high school. Masyado itong naging strikto sa kaniya na umabot sa punto kung saan nagawa siya nitong sampalin matapos makakuha ng pinakamababang score sa isang test. “Masyado kang naging strikto sa akin noong high school, Ms. Lana.” Hindi maiwasang sinabi ni Darryl. “Noong umattend ka ng inyong class reunion ilang araw na ang nakalilipas, hindi mo ba nakita kung gaano na kasucessful ang mga kaklase mo ngayon? Isa nang superstar si Giselle Lindt, habang si Dianne Jackson naman ay isa ng manager ng Eleganza Corporation. Tingnan mo nga ang sarili mo. Hindi ka ba nagsisisi sa mga pinagagawa mo?” Sabi ni Lana habang iniiling ang kaniyang ulo. Kasabay nito ang pagtawa ng lalaking nasa tabi ni Lana, “Ikaw ba si Darryl? Haha! Ilang taon na rin ang nakalilipas mula noong huli kitang nakita. Ang laki na ng pinagbago mo!” Inisip ni Darryl na mukhang pamilyar ang itsura ng lala
Mukhang hindi natuwa rito si Darryl. “Sino kaya ang dapat na mahiya sa kaniyang sarili?”“Ano ang ibig mong sabihin!?” Sigaw ni Markus habang isinasara ang kaniyang kamao at pinagbabantaang susuntukin si Darryl. Isa siyang PE teacher na may matangkad at magandang pangangatawan. Kaya wala lang para sa kaniya ang pagbugbog sa batang ito. Sakto naman ang ginawang pagawat ni Lana sa kaniya. “Huwag kang magpadala sa emosyon mo, Markus!”Kahit na nagawang tulungan ni Lana si Darryl, Nafrustrate din siya sa batang ito. Masyado na itong rebellious mula noong estudyante pa lang niya ito noong high school. Isang bagay ang biglang pumasok sa kaniyang isipan nang marealize ang ginawang pagparada ni Darryl ng dala niyang motorsiklo rito. “Ano rin ba ang ginagawa mo rito Darryl? Nagtatrabaho ka ba sa Platinum Corporation?” Tanong ni Lana.Nakatayo ang kumpanyang ito sa loob ng isang high-end business area, ang pangkaraniwang nagiging bisita ng Platinum Corporation ay mayayaman at mga sikat
Pero mabilis na huminto sa paglalakad si Pearl Hahn sa harapan ni Darryl at agad itong binati sa pamamagitan ng isang 90 degree bow.“Patawad po President Darryl. Sinisiguro ko po sa inyo na hinding hindi na po ito mangyayari kahit na kailan!” Ninenerbiyos na sinabi ni Pearl habang tumutulo ang malalamig na pawis sa kaniyang noo.Magkasabay niyang naramdaman ang nerbiyos at pagkabagabag sa mga sandaling ito. Bilang isang sekretarya, siya ang in charge sa lahat ng maliliit na bagay na nangyayari sa korporasyon kabilang ang pamamahala sa pagmamayari nitong parking lot. Ganito rin ang bagay na nangyari noong pumirma si Giselle ng kontrata sa Platinum Corporation. Pero nangyari muli ito nang pumunta si Lana sa Platinum Corporation para pumirma ng isang kontrata! Kahit na gaano kabait si Darryl, hindi na kagulat gulat kung bigla na lang itong magagalit. “Huh? President? Tinawag ni Secretary Hahn si Darryl bilang president?” Isip ng mga tao sa kanilang paligid. Nagulat dito ang lahat.
Mukhang malungkot si Lily sa mga sandaling ito, bumagsak ang kaniyang mga kilay na parang isang cresent na buwan. Higit isang linggo na ang nakalipas mula noong huli niyang makita si Darryl. Hindi pa ito tumatawag o umuuwi sa kanila. Mayroon ding ilang pagkakataon na kung saan gusto na niya itong tawagan, pero agad niyang naaalala ang nangyari noon sa ospital.“Bakit ba napakalaki ng ego ng lalaking iyon? Ako ba muna dapat ang tumawag sa kaniya? Ah, kung ganoon, bahala na!” Isip ni Lily habang naglalakad papasok sa lobby. Nang pumasok siya sa lobby, agad niyang naramdaman ang kakaiba sa paligid. Pangkaraniwang tumatayo ang mga staff sa front desk para batiin siya, pero nanatiling nakaupo ang mga ito at nagpatuloy sa kanilang pagkukuwentuhan nang makita siyang pumasok sa lobby. Agad na napasimangot dito ang nacoconfuse na si Lily. Mukhang naging masama ang weekend nila? Isa lang naman iyong maliit na pagkakamali kaya hinayaan niya lang ang mga ito at nagpatuloy papunta sa kaniyang
“Ganoon nalang iyon? Papatalsikin niyo na lang ako nang basta basta?” Isip ng nadidismayang si Lily.Sa mga sandaling ito, naramdaman na rin ni Lily ang tunay na desperasyon. Tumusok ang mga sinabing ito ni Grandma Lyndon sa kaniyang puso na parang mga karayom. Pinigilan niyang umiyak habang nararamdaman ang paggaan ng kaniyang katawan. Matapos niyang kunin ang kaniyang mga gamit, padabog siyang lumabas ng opisina nang may luhang tumutulo sa kaniyang mga pisngi.Kinaumagahan, umupo si Lily sa sofa nang may kulay pulang mga mata matapos umiyak nang buong gabi. “Ano na ang gagawin natin ngayon? Paano na tayo makakasurvive ngayong wala na tayong shares?” Buntong hininga ni Samantha sa kaniyang tabi. “Ma, huwag ka nang magpanic. Iisip ako ng paraan para kumita ng pera,” sabi ni Lily.“Iisip ng paraan para kumite ng pera?” Nagpapanic na sinabi ni Samantha. “Hindi na madaling kumita sa panahong ito, alam mo ba iyon? Ano rin ang magagawa mo sa pagkakaroon ng sahod na nasa 3 to 4 thousa
Naglakad paabante si Darryl. Agad na napapigil sa kanilang paghinga ang mga tao sa kanilang paligid habang ipinagdadasal ang lalaking iyon. Maaari siyang tanggalin ng presidente sa kaniyang trabaho matapos mahuling naglalaro sa kaniyang cellphone. “Ano ang pinapanood mo?” Ngiti ni Darryl habang humihinto sa harapan ng isa sa kaniyang mga tauhan.Mr. President? Narinig ng staff ang boses ni Darryl kaya halos mahulog na nito ang hawak niyang cellphone sa sobrang pagkagulat. Mabilis nitong ibinalik ang kaniyang postura habang sumasagot ng, “Mr. President.” Huh? Agad na nakuha ng hawak niyang cellphone ang atensyon ni Darryl. Isang babae ang naglilive stream sa kaniyang sarili habang naglalabas ng isang hindi maipaliwanag na charm na siguradong magtatangal sa kahit na sinong lalaki sa tamang katinuan. Ilang tao lang ang nanonood sa live streaming page na ito. Naging maganda ang mood nito habang pinapaulanan ng lahat ang babae ng walang katapusang papuri. [Napakaganda ng diyosa
Ano na ngayon? Tumayo lang doon si Lily, napuno siya ng panic sa dibdib habang ngumunguso ang kaniyang mga labi. Nang biglang isang kagulat gulat na eksena ang nagpakita sa screen. Isang wala sa sariling tao ang nagpadala ng isang damukal na mga regalo sa kaniyang platform na nagkakahalaga ng 2 million dollars! Wow! Agad na umingay nang dahil dito ang buong chatbox! Nagawa nitong magbigay ng 2 million dollars na halaga ng regalo sa isang iglap? Isa kaya itong bilyonaryo? Nanginig sa pagpapasalamat si Lily habang tinitingnan ang pangalan ng taong ito: Hill. Matapos magdonate ng pera, nagcomment ang user na si ‘Hill’ sa chatbox.[Wala ka nang kailangan pang gawin. Kumanta ka kung gusto mo nang kumanta.]Agad na natahimik dito ang user na si ‘Donghai Boss’.Matapos basahin ang comment ni ‘Hill’, napuno ng pagpapasalamat sa kaniyang puso si Lily. Tatayo na sana siya para pasalamatan ito pero agad niyang nakita ang pagalis ni Hill sa kaniyang page. Knock! Knock! Knock! “
“Seryoso ka ba?! Sige, magpapalit na po ako ng damit!” Agad na nasabik dito si Yvonne. Walang tigil siyang nangarap para sa isang pares ng Worship of Crystal para sa kaniyang sarili. Nang makita niyang suot ni Lily ang isang pares nito, agad siyang nagpatulong dito na makakuha ng isa pang pares nito.Nakanda rin siyang magbayad ng doble sa pangkaraniwan nitong presyo para rito! Pero sa kasamaang palad, isang misteryosong tao ang nagregalo ng pares na ito kay Lily.Matapos ang isang sandali, lumabas si Yvonne sa kaniyang kuwarto matapos magpalit at magsuot ng isang t shirt at denim shorts. Naging malinis ang kaniyang itsura sa mga sandaling ito na nakapagpanatili sa kaniyang ganda. Tumango si Kingston habang sabay na lumalabas ng bahay ang magama.Isang BMW ang makikitang nakapark sa entrance. At isang guwapong lalaki na nakasuot ng isang mamahalig suit ang bumaba mula rito matapos makita ang magama.“Uncle Young. Yvonne.” Bati nglalaki habang naglalakad palapit sa kanila.“Tristan