"Hoy, bakit ang tahimik mo?"Kumaway-kaway pa si Alise nang maramdaman niyang wala ako sa sarili."Paki-play ng music then practice na tayo ulit," lutang kong sagot.'Di na rin naman nagreklamo si Alise at sinunod na ang utos ko.Hanggang ngayon ay 'di matanggap ng utak ko ang mga narinig ko kay Ismael noong nakaraan. After that day, 'di na ulit kami nagkita. As if naman, gusto ko siyang makita. Naguguluhan ako sa kaniya. Baka nag-away lang sila ni Chytzy that time kaya wala siyang mapagtripan.Nagchachat lang siya sakin every morning just to greet and remind me not to skip my meals. Gano'n din sa gabi, mag go-goodnight lang siya, then wala na. 'Di ako nagrereply sa mga chat niya. Hanggang seen lang. Natatakot kasi ako na baka iba ang maisagot ko. Nagiging bobo pa naman ako kapag siya ang kausap ko.Todo practice na kami dahil malapit na ang presentation. Every a
Read more