A U T U M N S U M M E R S Kinabukasan, gumising ako na masakit ang ulo. Tumakbo ako sa banyo sa oras na mapansin ko na nasobrahan ako sa tulog. Nilagpasan ang lahat ng world records sa bilis ng pagligo at paglalagay ng makeup, bumaba ako sa kusina sa loob ng labing-limang minuto. Nasurpresa naman ako nang makita si Kuya at Dad na nakaupo sa dining table, sa sobrang gulay ko, muntik ko nang sipain ang sarili ko para siguraduhin na hindi ito isang panaginip. At hindi pa magkalayo ang mga upuan nila -- madalas nilang gusto na iwasan ang physical contact. Ngayon, magkatabi sila at mukhang magtatay nga.Kinamumuhian ang parehong lalaki sa isa’t isa.Okay, nasobrahan naman ang “kinamumuhian”. Hindi gusto ni Dad ang desisyon ni Kuya na magtrabaho sa entertainment industry. Sa tingin niya, mas okay kung sasama si Steven sa kumpanya kaysa
Read more