A U T U M N Pumunta kami si Poirot’s pagkatapos ng pasok namin. Kailangang magtrabaho ni Ty at Colton samantalang marami naman kaming pag-uusapan ng girls. Umupo kami sa lamesa namin sa may bintana. Nagtsaa si Mey at Norma, nag-cappuccino naman si Jess, at nag-order ako ng hot chocolate. Paparating na ang period ko; nararamdaman ko. Sa oras na nag-crave na ako ng tsokolate at matatamis na mga bagay, alam kong paparating na iyon. Maging si Jess na alam ‘yon ay napansin ang hot chocolate at tiramisu ko. “Coming soon?” “Soon enough,” I groaned. Ayaw ko talaga ng periods. Sino ba ang may gusto? Ito ‘yong panahon kung saan kahit anong bagay, kahit ‘yong pinakamaliit ay nakakapagpainis sa akin. Mabilis akong mainis at magalit lahat ng oras. Oh, at huwag niyo akong simulan tungkol sa cramps. Ang hirap ng sakit sa puson, kasing sakit ng toothache. “Kumusta ka?” tanong ni Mey pagkatapos um
Read more