Home / Romance / STEPBROTHER / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of STEPBROTHER: Chapter 31 - Chapter 40

52 Chapters

Chapter 31

Huli na para kumawala dahil nakakulong na ako sa mga bisig niya. "H-Hyujin." Bigla ko siyang naitulak dahil sa gulat ko pero hindi siya nagpatinag. Halos hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya nang itulak ko siya. "Come here," sabi niya saka ako hinila papasok sa loob ng kuwarto niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya lalo pa ng marinig ko ang pag-lock ng pinto sa likod ko. "What are you doing?!" nag-hi-hysterical kong tanong at balak sanang lumabas nang iharang niya ang sariling katawan sa pinto. "No! It's dangerous. Why are you here? Paano ka nakapasok dito sa loob ng bahay? Where is Dad?" sunod-sunod niyang tanong. Hawak-hawak niya ako sa magkabilang balikat habang seryosong nakatitig sa akin. Naiilang ako sa mga titig niya na parang nanghahatak. Madilim sa loob ng kuwarto dahil nakapatay ang ilaw kaya hindi ko siya medyo makita. "What are you saying? Dito na kami titira at ka
Read more

Chapter 32

Binuhat ko si Seira patungo sa kama ko nang makatuog siya dahil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit niya ako pinipigilan sa plano ko upang hindi matuloy ang magiging kasal dahil hindi niya naman nasabi sa akin kanina. Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko ang mugtong mata ni Seira nang buksan ko ang lampshade sa tabi ng kama ko. Kinumutan ko siya hanggang sa dibdib at saka ako tumabi sa kaniya. Tinanggal ko ang mga buhok na nakaharang sa kaniyang mukha at saka inayos iyon sa likod ng kaniyang tenga. Ngayon ko na nga lang ulit siya nakita at nakausap, pinaiyak ko na naman agad. Napakawalang kuwenta ko talaga. Ilang beses ko na siyang pinaiyak. Siguradong natakot siya sa akin kanina noong nagalit ako. Hindi ko sinasadyang magalit sa kaniya. Nabigla lang ako sa ibinalita niya kaya nakapag-react ako ng ganon. Hinalikan ko siya sa noo at saka ko siya niyakap. Mas mabuting lubos-lubusin ko na dahi
Read more

Chapter 33

Napasandal ako sa pinto at napaupo sa sahig pagkasara na pagkasara ko ng aking kuwarto. Tuloy-tuloy na pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sinabi ko ang mga bagay na iyon. Para na rin akong kumuha ng patalim at saka iyon isa-isang sinaksak sa sarili ko.  "Bakit ba pinoproblema mo ito, Hyujin? Ano naman kung magiging magkapatid tayo? Wala naman na tayong relasyon, hindi ba?" matigas na sabi ko habang pilit pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa aking mga mata. Nalasahan ko ang dugo sa aking labi nang kagatin ko iyon sa pagpipigil na h'wag pumatak ang aking mga luha. Inantay ko siyang sumagot. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin siyang responde sa sinabi ko. Naramdaman ko ang pagpatak ng isang takas na luha mula sa aking mata. Ramdam ko na rin na anumang oras ay magtutuloy-tuloy na ito sa pagpatak kasabay ang mga hikbing pilit kong ikinuk
Read more

Chapter 34

Pagkatapos ko magbihis ay sinabihan ko si Hyujin na ipagpamamaya na lang muna ang gusto niyang sabihin dahil hinahanap na kami nina tito sa baba. Nagpumilit pa siya dahil importante raw ang gusto niyang sabihin ngunit sinabi ko rin na mayayari kami kapag inakyat kami nina mama at nalaman na may relasyon kami dati. At iton ang ayokong mangyari. Sa huli ay wala rin siyang nagawa dahil lumabas na ako ng kuwarto. Bago pa kami makarating sa sala ay sinabihan ko na siyang h'wag sasabihin ang dati naming relasyon at h'wag na h'wag kokontra sa pagpapakasal nila. Idinagdag ko pa na magkunwari na hindi kami magkakilala upang hindi sila maghinala. "Opo, daming ibinilin. Tss," reklamo niya habang nakabusangot sa likod ko. Nang makarating kami sa sala ay napansin ko ang mga nakaplastik na pinamili nila na sobrang dami. Sa tingin ko ay nasa pitong plastik ang nakita ko. "Nasa kitchen na sila. Kanina pa kayo hinaha
Read more

Chapter 35

"Hyujin! Ano bang ginagawa mo?! Bitawan mo nga ako!" utos ko sa kaniya at saka ako pilit na nagkukumawala sa pagkakayakap niya at dahil nakaupo rin ako sa mga hita niya. "Stay, still or I will kiss you," banta niya saka siya ngumuso sa akin. Ngumisi naman siya ng ilayo ko ang mga labi ko sa kaniya sa takot na baka totohanin niya ang mga sinabi niya. "Baka may makakita sa atin! Bitawan mo na ako!" naiinis kong bulong sa kaniya. "It's fine. We will tell them that we are doing siblings talk." Ngumisi pa siya sa akin na tila sigurado siya na tatalab ang palusot niya. 'Siblings talk?! Nababaliw na ba siya? Sinong maniniwala na nag-uusap lang kami kung kalong-kalong niya ako?!' "May nag-uusap bang nakakalong sa hita ang isa?" nakakunot kong tanong sa kaniya. "Tayo," simpleng sagot niya. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa kunsumisyon. Para akong mauubusan ng
Read more

Chapter 36

Maaga akong nagising kinabukasan dahil may plano kaming gawin ni mama ngayong araw. Ginawa ko muna ang daily routine ko bago ako lumabas ng kuwarto. Ala-syete ng umaga noong magising ako, halos tulog pa ang mga tao sa loob ng bahay. Nang magtungo ako sa kusina ay si manang lang ang na roon at kasalukuyang nagluluto ng agahan. "Good morning, Ijha. Kamusta naman ang unang araw mo dito? Nakatulog ka ba ng maayos?" nakangiting tanong ni manang habang hinahalo ang niluluto niya. Naglakad ako patungo sa ref at kumuha ng tubig. "Good morning din po. Maayos naman po ang tulog ko, na ninibago lang ng konti pero okay naman," magalang kong sagot at saka ako nagsalin ng tubig sa baso na kinuha ko at ininom ito. "Narinig ko na parang nag-aaway kayo ni Hyujin sa kuwarto." muntik pa akong mabulunan dahil sa sinabi ni manang. Sino nga ba naman ang hindi makakarinig no'n kung nagsisigawan na kami. "Pagpasensyahan mo na ang alaga ko. Main
Read more

Chapter 37

Pagkatapos namin mag-ayos ni mama ay isinunod ko naman ang bago kong kuwarto. Nagpaalam naman sina mama at tito na may pupuntahan lang sila saglit. Bumili si mama ng mga wall sticker dahil alam niya na gusto ko ng ganon sa kuwarto ko dahil mas maaliwalas tignan. Inayos ko ang mga gamit ko sa cabinet at saka ako nag-umpisang magdikit ng mga sticker. Iniba ko rin ang ayos ng buong kuwarto, ang kama, kabinet, table at iba pang laman ng kuwarto. Pagod na pagod ako ng matapos sa pag-aayos. Nakahilata ako sa kama nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Tumayo ako at saka nagtungo sa pinto at binuksan ito. "Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa baba. Jinx daw po ang pangalan," sabi ng katulong na kumatok sa pinto ko. Napakunot naman ang noo ko sa dahilan ni Jinx kung bakit siya pumunta dito. Naalala ko nga pala na binanggit ko sa kaniya ang tungkol sa paglipat namin sa bahay nina Hyujin. Pero hindi ko matandaan na may pinagusapa
Read more

Chapter 38

"Seira, seriously?!" nag-hi-hysterical na tanong sa akin ni Hyujin pagkaalis ni Jinx. Tumayo na lang ako at saka nagsimulang umakyat. Wala na akong magagawa dahil na sabi ko na iyon. Kailangan ko na lang manindigan kung ayaw kong mapahiya. Mag-re-ready na lang ako para mamaya. "I have never seen you do that to me when we were! Bakit sa kaniya ginawa mo 'yon?!" Hindi ko alam na sinundan niya pala ako sa pag-akyat. Naiinis ko siyang nilingon at may kunot sa noo. After all, it's his fault. Kung hindi sana siya nakialam edi sana ay na sagot ko ng tama ang tanong ni Jinx. "Manahimik ka nga," naiinis kong utos sa kaniya. Kinunutan niya rin ako ng noo na parang nagtatanong. "Ano naman kung kay Jinx ko lang ginawa 'yon? Ano naman 'yun sayo?" taas kilay na tanong ko sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang inis sa isinagot ko. Nang hindi siya sumagot ay binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at saka ako pumasok sa loob. Hindi ko pa naisas
Read more

Chapter 39

Pagbaba ko sa sala ay nandoon na si Jinx at kausap sina mama at tito. Nakasuot siya ng light brown coat, brown necktie, white longsleeve at black pants. Nakangiti si mama kaya sa tingin ko ay pumayag siya sa pagpapaalam ni Jinx sa akin. Nakita naman nila ako na pababa ng hagdan kaya na palingon sila sa akin. Binigyan ko lang sila ng isang tipid na ngiti. Sana lang hindi nila mapansin ang mga mata ko. Na sabi ko na lang sa sarili ko nang makalapit na ako sa kanila. "Hindi mo sinabi sa akin na may date ka pala ngayon. Edi sana natulungan kita sa pag-aayos," nagtatampong sabi ni mama. "Kaya ko naman, Ma. Tsaka ayokong abalahin kayo ni tito sa date niyo," tukso ko kay mama na agad na namula. Natawa naman kami pare-pareho dahil sa reaksyon niya. "Ah, basta. Jinx, ikaw na muna ang bahala sa anak ko ah? At... Ihatid mo siya dito bago mag ten, okay?" bilin ni mama kay Jinx. Ngum
Read more

Chapter 40

(Ysabelle Cuevas - I liked you so much, we lost it)I like your eyes you looked away when you pretend not to careI like the dimples on the corners of the smile that you wearYou wore them more with her I knew and I was scaredI let myself fall deeper but I was prepared Tila sinasabayan ako ng musikang tumutugtog sa loob ng restaurant. I never knew that it hurts this much. Ang makita siyang may kasamang iba... Ang makita siyang ngumingiti, hindi dahil sa akin kundi dahil sa ibang lalaki... Ang makitang may nagpapasaya na sa kaniyang iba... Ang makitang... may mahal na siyang iba. Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa utak ko kung bakit sinundan ko sina Seira hanggang dito sa restaurant. Umupo ako sa table na malapit-lapit lang sa kanila ngunit tago at hindi nila ako agad mapapansin. I liked your shirt, the one i gave you can't forget how
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status