Forgetting my morning routine is the last thing I wanted to forget. Dahil siguradong magwawala ang girlfriend ko.~Boss is calling~Speaking of the boss. Siguradong magwawala na naman siya. "Good morning, Boss." Malambing kong sagot."Tigil-tigilan mo ako, Hyujin! Hindi mo ako madadaan sa malambing mong boses! Anong oras na?!" Litanya ni Seira, ang nag-iisang boss ng buhay ko.Nilingon ko ang orasan sa tabi ng kama ko, muntik na akong mapamura nang makita ko ang oras. "Eight fourty-five," sagot ko at tsaka ako nag-umpisang bumangon.Tinignan ko muna ang sarili ko sa human size mirror sa harap ng kama ko. Para akong ni-rape ng sampung kabayo sa itsura ko ngayon. Lagot talaga sa akin ang mga gunggong na 'yun. Ang sabi nila pangpatulog lang ang iinumin, mukhang naka-dalawang kahon yata kami kagabi kakapilit nilang h'wag munang umuwi."Eight fourty-five? Naririnig mo ba ang sarili mo, Hyujin?! Six AM ang usapan natin, lalake ka! Balak m
Read more