All Chapters of TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE): Chapter 11 - Chapter 20

43 Chapters

KABANATA 10

Present Day…NAMASA ang mga pisngi ni Julia sa daloy ng mga alaala. Masasabi niyang hindi niya lubusang nakalimutan si Fritz. At sa mga pagkakataong mag-isa siya, lalo na kapag nagkakaroon sila ng problema ni Jason, itinatanong niya sa sarili kung ano kaya ang posibleng buhay niya ngayon sakaling si Fritz ang pinili niya noon.Isang taon matapos ang treatment ni Melissa ay pumanaw rin ang tiyahin niya hindi dahil sa sakit nito kundi sa isang vehicular accident kasama ang biyenan niyang si Hilda. Nang mga panahong iyon kasi ay mag-iisang taon narin silang kasal ni Jason.Maayos pa naman ang pakikitungo sa kanya noon ng asawa. Mabait ito at malambing, kaya masasabi niyang natutunan niya itong mahalin sa paraang alam niya. Nagsimula lang namang magbago si Jason sa kanya nang mapag-alaman nila ang pagiging baog nito.Naging sobrang seloso ito. Sa loob ng mahabang panahon ay tiniis niya ang kalbaryong buhay sa piling ni
last updateLast Updated : 2021-03-25
Read more

KABANATA 11

GABI nang matapos sila sa pamimili. Nakauwi silang pareho ng pagod, mabuti nalang ipinilit ni Fritz na kumain nalang sila sa labas. Tinawagan kasi ito ni Manang Ruping kanina para magpaalam. Uuwi raw muna ng Maynila ang matanda dahil nagkaroon ng emergency ang pamangkin nitong nanganak na. “Hi,” aniya nang mapagbuksan ang binatang kumatok sa kanyang kwarto. Nakalatag noon sa kama niya ang maraming damit na pinamili ni Fritz para sa kanya. Nakangiting tumuloy ang binata sa kanyang silid, hawak nito ang isang kopita ng alak. “Pampatulog lang,” anito nang makita marahil ang pagsulyap niya doon. “Of course,” aniyang tumawa ng mahina saka kinuha ang isang kulay pulang dress saka iyong ini-hanger. “naririnig ko rin iya kay Jason. Pero madalas iba ang nangyayari kapag naka-inom siya,” mapait niya turan. “Gusto mo bang pag-usapan?” concerned na tanong ng binata. Umiling siya. “Hindi na, gusto kong kalimutan muna ang lahat ng iyon pans
last updateLast Updated : 2021-03-25
Read more

KABANATA 12

MAGKAKASUNOD na katok ang gumising kay Julia kinabukasan. Pupungas-pugas niyang tinungo ang pintuan, si Fritz. “Hi, naistorbo ba kita? Pasensya kana kailangan eh,” anito sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay niya. “What do you mean?” Tumawa ang binata bago sumagot. “May bisita ka, nasa ibaba kararating lang,” anito. “Sige na hihintayin kana lang namin,” pagkasabi’y iniwan na siya nito. Ginawa lang niyang madali ang pagbibihis at bumaba na siya. At totoong nasorpresa siya nang mapag-alaman kung sino ang bisita niyang sinasabi ni Fritz. Walang iba kundi ang pinsan niyang si Liam at ang matalik na kaibigan niyang si Bessy. “Grabe na-miss kita, kumusta kana? Wala kaming balita sa’yo, mabuti pa itong si Fritz mukhang updated?” matapos ang matagal na kumustahan at yakapan ay bulalas ng kaibigan niya. “M-Maraming nangyari, saka iyon kasi ang gusto ng asawa at tita ko,” sa huling tinuran ay nahihiya siyang nagbaba ng tingin. Tumikhim si Liam sa
last updateLast Updated : 2021-06-23
Read more

KABANATA 13

KINABUKASAN nagising siyang wala na sa garahe ang kotse ng binata. Malungkot siyang nagbuntong-hininga. Pumasok na ito marahil sa trabaho. Gustuhin man niya itong tawagan pero nagdadalawang isip siya kaya inabala nalang niya ang sarili sa mga gawaing bahay.Una niyang pinasok ang silid ng binata na nakita niyang hindi naman naka-lock. Napangiwi siya saka natawa nang mapasukan iyon. Dahil kung gaano kaayos sa sarili nito ang binata, kabaligtaran niyon ang kalat na nakikita niya sa silid nito. Napangiti pa siya nang mahagip ng paningin niya ang isang lamesang de-tiklop na mukhang ilang taong gulang narin. Hindi iyon bagay sa maderno at magandang silid ng binata pero naisip narin niyang baka may sentimental value iyon kay Fritz kaya iyon naroroon.Sinimulan niya ang paglilinis sa pamamagitan ng pagpapalit ng bedsheet at punda ng unan. Noon niya namataan ang cellphone ni Fritz sa ilalim ng unan nito. Nakita niya ang maraming missed calls at messages sa scr
last updateLast Updated : 2021-06-23
Read more

KABANATA 14

MAPAIT ang ngiting sumilay sa mga labi ni Fritz nang ibalik sa loob ng kahon ang dalawang piraso ng ginupit na pulang kartolina. Kapag pinagdikit ang mga iyon, nabubuo ang isang perpektong hugis ng puso. Napangiti siya sa alaala. Simula noon ay lihim na niyang hinangaan si Julia. Kaya pati mannerism nito nakabisado niya. Lalo na ang madalas nitong pagsinghot kaya niya sinulatan ng sipon ang desk nito noong grade six sila. Lumuwang ang pagkakangiti niya pagkuwan ay napadako sa sulok ng kanyang kwarto kung saan nakapwesto ang isang lamesang de-tiklop. Sa ilalim ng lamesang iyon niya isinulat ang pangalan ni Julia noong nasa kolehiyo pa siya.Noon na nga tuluyang umagos ang kanyang mga luha. Gusto kitang pigilan pero wala akong karapatan. Ang masakit kahit wala akong karapatan hindi ko parin maawat ang sarili kong mahalin ka?Sa nakalipas na mga araw pinili niyang abalahin ang sarili sa trabaho. Isip niya sa ganoong paraan maiibsan ng kahit kaunti ang sak
last updateLast Updated : 2021-06-23
Read more

KABANATA 15

LUNCH BREAK nang tawagan niya si Fritz para ipaalam rito ang tungkol kay Jason. Kahit sa telepono ramdam niya ang matinding pag-aalala nito sa kanya. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang bago magdilim ay bisita niya sa resort ang binata.“Mas mabuti na iyong nandito ka, mas matatahimik ako,” ang binata nang itulak nito pabukas ang pintuan ng cottage kung saan siya manunuluyan.Tumango siya sa tumuloy sa loob nang lakihan ng binata ang bukas ng pinto. “Hindi kana dapat nag-abalang pumunta rito. May trabaho kang iniwan nanaman sa Tagaytay,” aniyang ibinaba ang bag sa upuang kawayan.“Boss ako ano ka ba?” pabiro nitong sagot saka siya kinindatan. “And besides Sabado naman bukas, ang plano ko nga eh mag-stay muna rito ng kahit hanggang Sunday lang ng hapon. Gusto ko munang mag-relax."Pabiro niya itong inirapan. “Oo na, Mr. VP! Anyway why not,” sa isiping makakasama niya ng ilang araw sa
last updateLast Updated : 2021-06-23
Read more

KABANATA 16

SA isang kilalang restaurant sa bayan siya dinala ni Fritz. Hindi naman sila nagtagal doon dahil pagkakain ay nagyaya narin siyang umuwi. Habang daan ay nanatili siyang tahimik. Nagsalita lang siya nang itigil na ng binata sa tapat ng cottage niya ang sasakyan ito. “Maaga pa naman, tuloy ka muna?” yaya niya sabay sulyap sa suot na relo. Nakangiti siyang pinakatitigan ng binata. “Are you sure?” Tumango siya ng magkakasunod. “Saka, nasa loob iyong gift ko sayo,” aniyang sinimulang kalasin ang suot na seatbelt kaya napasunod narin ang binata. “Happy birthday,” sabay abot ng regalo kay Fritz. “Nice,” nang mabuksan ang regalo ay tumawa ang binata. “Hindi naman ako lasenggo,” natawa ng malakas si Julia sa sinabing iyon ni Fritz habang nakatitig sa bote ng mamahaling alak na bigay niya. “I know, kailangan mo iyan lalo na kapag stressed ka. Pampatulog lang,” aniyang kumuha ng dalawang baso sa kusina pagkatapos ay nagbalik din
last updateLast Updated : 2021-06-23
Read more

KABANATA 17

NOON galit na inilapag ng lalaki ang hawak na ballpen saka matatalim ang titig siyang hinarap. “I gave you everything, lahat ng kayang bilhin ng pera! Ano pang kulang?” galit na galit nitong bulyaw sa kanya.Napapikit siya sa pagkagulat. Unti-unting nilamon ng takot ang kanyang dibdib pero nagpakatatag siya.“Ginawa mong mahirap para sa akin ang mahalin ka Jason. I think hindi ako ang tamang babae para sa’yo. Makikilala mo rin ang babaeng magiging dahilan ng pagbabago mo. Pero hindi ako iyon, kaya please lang palayain mo na ako,” sa mababang tinig niya turan.Umiling ng magkakasunod si Jason saka tumayo. “Kumain muna tayo, halika. Over lunch natin iyan pag-usapan,” pagkasabi iyon ay mariin nitong hinawakan ang braso niya kaya siya napilitang sumama rito.Sa lobby, sa mismong entrance ng gusaling iyon na pag-aari ni Jason ay nagulat siya nang yumakap sa asawa niya ang isang babaeng nang mapagmasdan
last updateLast Updated : 2021-06-23
Read more

KABANATA 18

MULING umagos ang mga luha ni Bessy. “Alam mo bang mahal na mahal ka ni Julia? Na nagawa niyang patawarin ang asawa niya dahil sa pagmamahal niya sa’yo? Ikaw ang gusto niyang makasama habang buhay. Kaya siya nagpunta dito sa Maynila, para kausapin si Jason, ang hindi ko lang alam ay kung paano humantong sa ganito ang lahat,” napahagulhol si Bessy sa huling sinabi. Hindi siya nakapagsalita kaya muling nagsalita ang kaibigan. “Sinasabi niya sa akin na sa loob ng pitong taon naiintindihan niya kung bakit naging masama ang pagtrato sa kanya ni Jason. Kasi hindi ka nawala sa puso niya, malaking bahagi ng puso niya ang nanatiling nagmamahal sa’yo. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya magawang mahalin ng buo ang asawa niya. Sinasabi ko ito dahil gusto kong malaman mong hindi lang ikaw ang nagmahal sa kanya. Ang totoo hindi naman sa kinukwenta ko pero mas malaki ang nawala sa kanya nung nagpakasal siya sa lalaking iyon.” Sa narinig ay impit
last updateLast Updated : 2021-06-23
Read more

JOURNEY TO FOREVER (PROLOGUE & KABANATA 1)

TEN YEARS BEFORE…“LAWRENCE, dalhin mo muna itong bibingka sa tindahan ni Kumareng Lilia. Naipangako ko kasi sa kanya na kapag nagluto ako padadalhan ko siya. Gamitin mo nalang iyong traysikel para madali ka,” ang nanay niya si Roma na iniabot sa kanya ang maliit na bilao ng bibingka.Tumango siya saka kinuha sa sabitan ang susi ng traysikel. “Sige nay,” aniyang nagmamadali nang lumabas dala ang kakanin.Si Aling Lilia ay kaibigan ng nanay niya. At ito ang pinakasikat at pinakamahusay na alahera sa kanilang bayan, ang Don Arcadio. Pero hindi kagaya ng nanay niya, walang kasama sa buhay ang ginang dahil matandang dalaga ito. Ayon sa kwento ng nanay nila ay nasa Italy raw ang ilang kamag-anak nito. Iyon lang ang alam niya, wala ng iba.Hindi nagtagal dahil nga naka-traysikel siya ay narating niya ang tindahan. Si Rodel na anak ng katiwala nila sa bukid ang nakita niyang nasa labas ng tindahan at kasalukuyang n
last updateLast Updated : 2021-06-23
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status