Home / YA/TEEN / Make the Cold Prince Smile / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Make the Cold Prince Smile: Chapter 1 - Chapter 10

68 Chapters

Chapter 1

"SHENNA! BUMANGON KA NA DYAN!" napabalikwas ako ng bangon. Halos malaglag na ko sa kama. Anubayan?! Nakita ko si nanay na nakapamaywang sa harapan ko."NAY! ANG AGA PA PO EH!" nakakaloka si nanay."Akala ko ba maghahanap ka ng trabaho?" nagising ang diwa ko. Oo nga pala! Nakalimutan ko."Ay! Nako nay buti pinaalala mo." agad akong tumakbo sa banyo.***Pinagluto kami ni nanay ng almusal. Sabi ko nga di na ko kakain kasi maghahanap na ko ng trabaho kaso mapilit eh."Anak, di mo naman kailangan magtrabaho. Konting kayod na lang mapag-aaral ka na namin sa kolehiyo." naks! Nakakatouch naman si tatay."Oo nga anak. Ayaw naman namin na mahirapan ka. Kakayanin namin nang tatay mo na mapag aral kayo ni Ochoy." tumayo ako at niyakap sina nanay at tatay."Nay, tay. Kahit dishwasher, waitress o ano pa yan, sisiw lang sakin yun. Gusto ko din naman pong makatu
Read more

Chapter 2

"Good morning everyone!" masiglang bati ko kina tatay, nanay at Ochoy.Super excited na ko. Kasi eto ang unang araw ko sa Farthon University! Pero at the same time kinakabahan na rin kasi syempre puro sosyal yung mga nag-aaral dun. Pero keri ko yan. Ako pa!"Mukhang excited na excited ang prinsesa namin ah!" natutuwang sabi ni tatay."Oo nga po eh!"sabi ko."Anak, naihanda na namin yung mga damit mo, nailagay ko na sa maleta. Sabi ni Mrs. Farthon, ipapakuha niya na lang daw dito yung gamit mo. May susundo daw sayo mamayang uwian sa school. Doon kana daw idederetso sa mansyon. At yung uniform mo daw mamaya mo na makukuha sa mansyon." paliwanag ni nanay."Ate, mamimiss kita."sabi ni Ochoy at niyakap ako. Niyakap ko din siya."Ano ka ba?! Bibisita dito si ate tuwing weekends. Kaya wag kana malungkot, okay?"sabi ko at hinaplos ang buhok niya."Promise yan ate ha?
Read more

Chapter 3

Third Person's POV/Author's POVKanina pa nagmumura si Prince sa kanyang isip. Hindi siya makapaniwalang may babaeng nangahas na gawin yon sa kanya."Crazy little girl!"nasabi na lang ni Prince sa isip.Natigilan siya ng maalalang napikon yung babae nang tawagin niya itong little girl. Naalala niyang muli ang itsura ng babae.Maliit ang mukha, may maputing balat at makinis na mukha. Maliit ang ilong nito na bumagay sa maliit nitong mukha, may bilugang mata at mahabang pilik mata ito at ang pinakagusto niya sa mukha nito ay ang manipis at mamula-mulang labi nito.Kaya niya ito tinawag na little girl dahil sa maliit talaga siyang babae. Kung yung ibang babae ay hanggang mata niya, ang isang yon ay hanggang dibdib niya lang yata. Ang cute niya.Napangiti siya sa nai
Read more

Chapter 4

Pumasok na ko sa room pagkatapos kong maglunch. Maaga pa pala, wala pang prof. Nagpaalam na sakin si Kyla kanina, friends na nga pala kami.Nagtataka akong tumingin sa upuang katabi ko. Absent si Ice, mas trip ko yung Ice kaysa sa Prince. Pero sa isip ko lang siyang tatawaging Ice, baka sapukin ako nun eh.Napalingon ako sa anim na lalaking katabi ko. Tsk, may bully pala sa kanila at may hotheaded baka mapaaway ako nang wala sa oras.Tumingin din sila sakin, napatawa ako kasi sabay sabay pa talaga silang lumingon sakin.Sabay sabay silang tumayo at lumapit sakin. Hala! Eto na ba yon? Sasaktan na nila ako?! Oh my ghad! Ano nang gagawin ko?Unang nagsalita si Lion."Hi miss, I'm Li---""Lion! Lion the playboy!" sabi ko at tinuro siya. Nagtawanan naman ang anim. Sunod kong tinuro si Tiger."Tiger the genius""Shark the bully."
Read more

Chapter 5

Black and white.Black and white lang ang nakikita kong kulay sa kwarto niya. Grabe! Ang boring siguro nang buhay ng anak ni Tita Amy.Pero malaki ang kwarto niya. Maganda at malinins. Ang boring lang talaga nang kulay, mas maganda sana kung blue na lang.Lumabas na ko nang kwarto. Hays! Nakakakilabot sa kwartong yun, para talagang kulang sa emosyon at damdamin ang silid na iyon. Minsan talaga kahit mayaman ka, hindi mo masasabing nasayo na ang lahat, minsan may hinahanap pa din ang puso mo na hindi kayang tumbasan nang pera o salapi. Napailing na lang ako sa mga iniisip ko.Dumiretso ako sa living room at nakita ko si Tita Amy na nanonod nang tv kasama yung ibang maids."Nasilip mo na ba yung room nang anak ko?" tanong niya habang nakain ng popcorn."Opo. Nakakakilabot nga po eh.""Talaga? Ako nga na mommy niya ay kinikilabutan din kapag pumapasok s
Read more

Chapter 6

Napatingin ako sa katabi ko na nakaub ob na naman sa desk at mukhang walang balak makinig sa prof.Paano kaya pag nalaman niya ang tungkol sa misyon ko? Magbago kaya siya sakin?"I-Ice." bulong ko sa kanya. Agad naman siyang tumunghay."What?" sabi niya pero hindi sa malamig na tono kundi sa malumanay na paraan. Napangiti ako, sakin lang siya ganyan."W-wala lang hehe.""Tss." sabi niya at umub ob ulit. Antukin talaga!Nakinig na lang ulit ako sa prof kahit ang utak ko ay na kay Ice.Naramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Hindi pa pala ako nakain nang lunch."Ano ba yan? Gutom na ko." mahinang bulong ko.Nagulat ako nang biglang tumunghay si Ice."You're hungry?" malamig na tanong nito."H-hindi naman masyado, keri ko naman---" di ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya kong hinila patayo
Read more

Chapter 7

"Nay! Papasok na po ako!" sigaw ko habang nagsusuot nang sapatos."O sige. Mag iingat ka ha!""Opo! I love you!" sabi ko at nagmamadaling tumakbo palabas.Napatingin ako sa relo ko. Bwiset! Malelate na ko! Agad akong sumakay sa jeep na tumigil sa harapan ko.***"Hindi po ito yung inorder ko miss." galit na sabi nang costumer.Tiningnan ko yung number na nasa table niya. Shems! 42 pala!"S-sorry po." nakatungong sabi ko at kinuha yung pagkain sa table niya, inirapan lang ako nito.Dinala ko na sa table 24 ang order.Kinuha ko ang panyo ko at pinahid ang pawis sa noo ko. Naka aircon dito pero pawis na pawis ako.Nagtatrabaho ako ngayon sa isang fast food chain. Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung umalis ako sa mansyon at isang linggo na kong nagtatrabaho dito. T
Read more

Chapter 8

"Anong ginagawa mo dito? Ice?""Anak, nakausap kami ni Prince. Ang sabi niya, gusto ka daw ulit pabalikin ni Ma'am Amy sa mansyon." sabi ni nanay."H-huh? Bakit?" nagtatakang tanong ko."Ah eh. A-ano kasi m-magpapakamatay daw siya pag di ka bumalik." parang nag aalinlangan pa si tatay na sabihin."ANO?! Nay! Pakihanda na po ang maleta ko! Aakyat lang po ako! Kailangan ko pong bumalik sa mansyon!" sabi ko at nagtatakbo ako papasok ng kwarto ko.Agad akong nagbihis pagkapasok ko sa kwarto, pagkatapos ay lumabas agad ako.Napansin kong wala na si Ice sa bahay. Napanguso naman ako."Nay. Nasan na po si Ice--este si Prince pala?""Lumabas eh, pero kinuha na niya yung mga gamit mo.""Nay, Tay at Ochoy. Kailangan ko po talagang bumalik sa mansyon. P-parang nanay ko na po si Tita Amy eh.""Sige na. Kailangan mo nang puntaha
Read more

Chapter 9

Bagsak ang balikat ko habang naglalakad patungong mansyon. Oo, naglalakad lang ako. Naiwan ko yung wallet ko sa bag kaya di ako makasakay nang jeep. Akala ko malapit lang yung mansyon kaya di ko na kinuha yung wallet ko. Eto ngayon ang ending ko, twenty minutes na yata akong lakad-takbo papuntang mansyon.Nabuhayan ako nang loob ng makita ko ang bubong ng mansyon nila kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.Nang makarating ako sa mansyon, napansin kong walang tao. Naalala kong may lakad pala si Tita Amy. Pumunta ako sa dining room at nakita kong nakapatong ang lunch box na blue ni Ice. Agad kong kinuha yon at umalis na.***Hingal na hingal ako nang makarating sa room. Naghalo ang pagod at gutom sa katawan ko. Nakita kong konti lang ang tao doon, lunch break pa kasi. Nandun ang Danger Zone pati si Ice na nakaub-ob at mukhang natutulog na naman.Padabog akong nagpunta sa upuan ko. Niyugyog ko ang ba
Read more

Chapter 10

Naalimpungatan ako nang biglang tumunog yung alarm clock ko. Ala syete na pala. Tumayo ako para maligo at makapagready na sa pagpasok.Natigilan ako nang maalala kong nasa kwarto ako ni Ice kagabi.Pa'no ako nakarating dito sa kwarto ko?! Ah! Siguro sa sobrang antok ko di ko namalayan na nagpunta pala ako sa kwarto ko at natulog.***As usual, wala kaming imikan ni Ice dito sa kotse niya. Sa totoo lang mas gusto ko pa ang mamasahe na lang kaysa lamigin dito sa kotse niya, hindi dahil sa aircon kundi dahil sa pagiging malamig niya.Kung kahapon ay kinakausap niya ko, ngayon talagang wala siyang imik. Nagtaka naman ako, may nagawa ba ako?Nang makarating kami sa FU, bumaba siya nang kotse at bumaba na rin ako. Inabot niya sakin ang bag niya at nauna na siyang maglakad. Isinabit ko sa harapan ko yung bag niya.Habang naglalakad kami ay puro bulungan ang sumalubo
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status