Bagsak ang balikat ko habang naglalakad patungong mansyon. Oo, naglalakad lang ako. Naiwan ko yung wallet ko sa bag kaya di ako makasakay nang jeep. Akala ko malapit lang yung mansyon kaya di ko na kinuha yung wallet ko. Eto ngayon ang ending ko, twenty minutes na yata akong lakad-takbo papuntang mansyon.
Nabuhayan ako nang loob ng makita ko ang bubong ng mansyon nila kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.
Nang makarating ako sa mansyon, napansin kong walang tao. Naalala kong may lakad pala si Tita Amy. Pumunta ako sa dining room at nakita kong nakapatong ang lunch box na blue ni Ice. Agad kong kinuha yon at umalis na.
***
Hingal na hingal ako nang makarating sa room. Naghalo ang pagod at gutom sa katawan ko. Nakita kong konti lang ang tao doon, lunch break pa kasi. Nandun ang Danger Zone pati si Ice na nakaub-ob at mukhang natutulog na naman.
Padabog akong nagpunta sa upuan ko. Niyugyog ko ang ba
Naalimpungatan ako nang biglang tumunog yung alarm clock ko. Ala syete na pala. Tumayo ako para maligo at makapagready na sa pagpasok.Natigilan ako nang maalala kong nasa kwarto ako ni Ice kagabi.Pa'no ako nakarating dito sa kwarto ko?! Ah! Siguro sa sobrang antok ko di ko namalayan na nagpunta pala ako sa kwarto ko at natulog.***As usual, wala kaming imikan ni Ice dito sa kotse niya. Sa totoo lang mas gusto ko pa ang mamasahe na lang kaysa lamigin dito sa kotse niya, hindi dahil sa aircon kundi dahil sa pagiging malamig niya.Kung kahapon ay kinakausap niya ko, ngayon talagang wala siyang imik. Nagtaka naman ako, may nagawa ba ako?Nang makarating kami sa FU, bumaba siya nang kotse at bumaba na rin ako. Inabot niya sakin ang bag niya at nauna na siyang maglakad. Isinabit ko sa harapan ko yung bag niya.Habang naglalakad kami ay puro bulungan ang sumalubo
“Swoosh! Swoosh! Yan! Dapat maging magandang bulaklak kayo pag lumaki na kayo, okay?” sabi ko habang nagdidilig nang halaman. Nakakaenjoy palang magdilig.May pasok ngayon pero hindi ako pinapasok ni Tita Amy nang makita niya yung mga sugat ko. Nagpabili pa siya nang gamot sa sugat, kaloka! Nung tinanong niya kung saan ko nakuha yung mga sugat ko, sabi ko na lang na nadapa ako.Pagkatapos kong magdilig ay pumasok na ko sa mansyon. Nagulat ako nang makitang nakaupo sina Tita Amy at Ice sa living room. Akala ko pumasok si Ice.Napansin kong seryoso ang pinag-uusapan nila kaya dahan dahan akong lumapit para maki-usyoso.“Shenna! Nandyan ka pala, halika dito.” nagulat ako nang tawagin ako ni Tita Amy. Nakita pa ko, sayang!Lumapit naman ako at umupo sa tabi ni Ice, oo sa tabi talaga ni Ice. Bale nasa harap namin si Tita Amy.Naramdaman kong umusod nang konti si Ice palayo sakin.
Paikot ikot ako sa kama. Hindi ako makatulog. Napatingin ako sa orasan sa kwarto ko, nine pm na. Nakauwi na kaya si Ice?Pinauna na niya kasi akong umuwi kanina. Kinakabahan ako kasi kasama niya ang Danger Zone at seryoso ang mga mukha nila. Mukang mapapaaway ang mga ugok ah.Lumabas ako nang kwarto ko at dumiretso sa kusina, nandoon si Nanay Mildred at naghuhugas nang plato."Nay Mildred, nakauwi na po ba si Ice--este si Prince?""Hindi pa. Nako! Sanay na kami dyan. Minsan nga ay umaga na nauwi yan at minsan may mga sugat pa siya pag nauwi, pero hindi naman ganong kalala."Hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Baka magkapatayan sila dahil sa gang fights chuchu na yan.Inabot ako nang isang oras sa paghihintay sa living room. Nakakainis talaga yon! Hindi niya ba alam na nag-aalala ako. Paano na lang kung umaga na siya dumating?! Edi hanggang umaga akong maghihint
"Ang lambot ng buhok mo. Ano kayang brand ng shampoo mo? Siguro mahal yun." bulong ko habang hinahaplos ang buhok ni Ice.Natutulog siya ngayon, akala niyo gising siya no?! Asa namang ipahawak niya sakin yung buhok niya kung gising siya.Kami lang dalawa dito sa room. Lunch break kasi kami at mabilis akong natapos maglunch at pagdating ko dito sa room nakita kong natutulog pa din si Ice.Madalas kong haplusin 'tong buhok ni Ice pag natutulog siya. Hindi pala malakas ang pakiramdam niya, hindi kasi siya nagigising eh.Napatigil ako nang may marealize ako, hindi ko na yata crush si Ice.Parang gusto ko na siya. Sa totoo lang ay ayoko nang lumalim pa and nararamdaman ko sa kanya. Walang ka-sweet-an sa katawan si Ice, pag kasama mo siya ay parang may kasama ka lang na bato o robot minsan. Actually ang mga nagiging crush kong lalaki ay yung mababait, madaldal din, expressive sa nararamdaman
Kahit namumugto pa ang mga mata ko ay pinuntahan ko pa rin sa clinic si Chris. Habang naglalakad ako ay puro bulungan ang naririnig ko at puro negatives ito tungkol sakin, hindi ko na lang iyon pinapansin.Pagpasok ko sa clinic, nakita kong ginagamot ng nurse yung sugat ni Chris. Napatingin ito sakin nang pumasok ako.“Chris!” agad akong lumapit sa kanya.“Okay ka lang? Kamusta na ang pakiramdam mo?” napangiti ito sa akin.“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Sheng.” napasimangot ako. Naiinis ako pag tinatawag niya akong Sheng. Ang halay kasi, parang bakla.“Tss. Bakit mo ba kasi sinugod sina Ice? Hindi mo ba kilala yun at ang lakas ng loob mong sumugod?” nanenermon na sa sabi ko sa kanya.“To be honest, sobrang kinakabahan ako. Pero kailangan kong gawin yun eh, dahil sa letseng dare na yon. Basta! Di mo na kailangan malaman.” tiningnan ko siya ng masama.“Ang tagal nating di nagkita tapos ganyang mukha pa ang ipapak
Nakaupo ako sa gilid ng gate ng school. Nakapatong ang baba ko sa tuhod ko. Wala ng tao sa school, si Ice naman ay nauna ng umuwi. Hindi niya ko hinintay, ayaw na ayaw niya ba talagang makasabay man lang ako?Para akong tanga na naiyak dito sa gilid. Naiinis ako sa sarili ko, akala ko kasi kahit papaano ay may pag-asang magustuhan din ako ni Ice, pero parang malabo eh. Kahit siguro makidnap ako dito ay wala siyang pakialam.Natigilan ako nang may tumigil na van sa harap ko, agad akong lumapit at kinatok yung binatana. Sigurado akong Danger Zone lang 'to.Bumukas ang pinto ng van, may tatlong lalaking lumabas na nakasumbrero at may takip sa mukha. Agad akong kinabahan, hindi sila Danger Zone at mukhang may balak pa silang masama.“Hindi ka pala mahirap hanapin Ms. Reyes.” nahintakutan ako sa boses nila.Dahan dahan akong umatras at pagkatapos ay tumakbo ako. Napalingon ako sa likod ko at nak
Shenna's POV***Ang sakit nang ulo at mga kamay ko. Walang hiya talaga ang lalaking yo'n! Ang sakit nang pag-apak niya sa kamay ko, pagsabunot at pagsampal sakin."Ihanda mo na ang pagvideo John! Walang gagamit ng armas! Papatayin natin si Prince gamit ang sarili nating mga kamay." nakangising sabi nung leader.Napatungo ako, alam kong hindi pupunta si Ice. Ayokong umasa.Napatigil ang lahat nang tumalsik ang pinto sa silid na 'to. Napaatras ang mga lalaki.Nanlaki ang mata ko nang makitang si Ice yo'n, sinipa niya yung pinto."Ihanda mo na ang pagvideo John." bulong nung leader.Lumapit si Ice sa mga lalaki, walang emosyon ang mukha nito."Maangas ka talaga Farthon, wala kang pagbabago." nakangising sabi nung leader.Hindi siya pinansin ni Ice, tumingin lang si Ice sa direksyon k
Pagkapasok ko sa mansyon ay hinagis ko na lang ang shoulder bag ko sa sofa. Wala na kong pakialam kahit mabasag pa ang phone ko doon. Ang importante ay makausap ko si Ice.Dali dali akong tumakbo papuntang kwarto ni Ice.Hindi na ko kumatok at basta basta na lang pumasok.Gulat na napatingin sakin si Ice, pero ang totoo niyan mas gulat na gulat ako. Topless siya, hawak niya yung tshirt niya at mukhang magbibihis pa lang siya.“W-what the heck?” nauutal na sabi ni Ice.Agad kong sinara ang pinto at napasandal doon. Ang engot ko talaga! Napukpok ko pa ang sarili kong ulo dahil sa katangahan ko.Natigilan ako nang maalala ko yung abs niya. Grabe! Ang hot niya pala talaga!Halos tumaob ako ng biglang bumukas ang pinto, nakasandal kasi ako doon.Napatingin ako kay Ice at nakadamit na siya. Napansin ko din na namumula ang tainga niya.
"Mag-iingat kayo ah. Video call tayo lagi." nakangiting sabi ni Kyla.Nandito na kami ngayon sa airport. Sina Xyrille at Clint pala, next week pa sila pupunta sa America."O-Oo naman, mamimiss ko kayo eh." naiiyak na sabi ko."Mag-aral ka ng mabuti Shenna, para may mapatunayan ka kay Lolo." sabi ni Bullet at ginulo ang buhok ko.Lumapit naman sakin sina nanay, tatay at Ochoy. Niyakap nila ako ng sabay sabay. Mas lalo tuloy akong napaiyak."Anong nangyayari dito?"Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Halos lahat kami ay nagulat nang makita siya. Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit."Wag kang ganyan Shenna, baka magkagusto ulit ako sayo." natatawang sabi niya at ginantihan ako ng yakap."Bakit ngayon ka lang u-umuwi Dragon?!" sabi ko at lalong napaiyak.
"Hindi ko akalaing magagawa 'to ni Lolo." napapailing na sabi ni Kyla. Napabuntong hininga na lang ako."Are you really sure about this Shenna? Alam mong hindi papayag si Prince." sabi ni Lion."H-Hindi pwedeng malaman ni Ice ang tungkol dito hangga't hindi pa ko nakakaalis." nakatungong sabi ko."I-Ibig sabihin, hindi mo sasabihin kay Primce ang tungkol sa offer ni Lolo sayo?" napatango na lang ako sa sinabi ni Xyrille."Sa tingin mo ba makakaalis ng Pilipinas si Shenna kapag nalaman ni Prince 'to? He'll do anything to stop her." seryosong sabi ni Tiger."Siguradong masasaktan ng sobra si Prince." napahilot si Gun sa sentido niya."Anong plano mo Shenna?" tanong ni Bullet."M-Mag-aaral ako sa America gaya ng gusto ni Mr. Farthon. P-Pero--- pero bago ako umalis gusto ko munang makasama si Ice kahit saglit lang." nakatungong sabi ko. Tinapik ako sa balikat ni
"Fvck!" napalingon kaming lahat nang mapatayo at mapamura si Lion habang nakatingin sa cellphone niya."What's your problem Mr. Faller?!" galit na sigaw ng prof namin."Ms. Kim, pagbigyan niyo muna kami. Emergency lang." sabi ni Lion. Dali dali niya kaming sinenyasan na lumabas. Mukhang seryoso siya kaya lumabas na kami ng room kahit sigaw na ng sigaw si Ms. Kim."What's happening? May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Xyrille."Dun tayo sa parking lot. Nando'n yung van. Kailangan nating pumunta sa mansyon nina Prince." seryosong sabi ni Lion."Wait! Hintayin niyo ko!" napalingon kaming lahat kay Kyla na natakbo papalapit samin."Nasabihan ka rin ba ni Tita Amy?" tanong ni Lion sa kanya. Napatango na lang si Kyla."Kailangan tayo ni Prince." nagulat ako sa sinabi ni Kyla. Ano ba talagang nangyayari?!***"Nasaan po si Ice?!"
“Magpahinga ka na lang ha, wag ka munang magpagod masyado para gumaling agad yang mga sugat mo.” pabulong na sabi ko sa kausap ko sa cellphone.Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya.“Anong nakakatawa?” naasar na tanong ko.“I'm just imagining how you look right now. I'm sure you're frowning and pouting while talking.” nagulat ako sa sinabi niya. Pa'no niya nalaman?!“Hindi kaya.” nakangusong sabi ko.Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-iingat talaga ako maigi habang kausap si Ice, baka marinig ako nina nanay kaya mahina ang boses ko. Buti pa nga si Ice eh, kahit sumigaw siya do'n walang makakarinig sa kanya kasi sound proof yung kwarto niya.“I love you.” nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ang hilig talaga magpakilig neto!“M-Mahal din kita.” nahihiy
Nandito lang ako sa gate ng school habang nakaupo at iyak ng iyak. Hindi pa ko nauwi dahil siguradong makikita nina nanay ang namumugto kong mga mata. Buti na lang at wala ng tao sa school kaya nakakapag-emote ako dito.Mas lalo ako napahagulgol nang maalala ko ang sakit sa mga mata ni Ice. Kung alam niya lang, mas nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. Gustong gusto ko na siyang balikan do'n at yakapin ng mahigpit kaso hindi pwede.Inabot yata ako ng fifteen minutes sa kakaiyak. Naniningkit na ang mga mata ko dahil sa pagkamugto. Tumayo na ko at pinagpag ang palda ko. Kailangan ko ng umuwi, baka nag-aalala na sina nanay.Aalis na ko nang may tumigil na van sa harapan ko. Umakyat ang kaba sa dibdib ko, pamilyar ang van na 'to.Tatakbo na sana ako nang bumaba na ang mga tao sa van. S-Sila yung kumidnap sakin dati!"Na-miss mo ba kami Miss Shen
"Ah. Yung kapatid ba kamo ni Dragon? Hindi namin masyadong ka-close yo'n kasi masyado siyang mabait para samin." natatawang sabi ni Lion."Nakilala mo na pala si Sean? Ang gwapo noh? Kamukha ni Dragon." kinikilig na sabi ni Kyla. Tiningnan naman siya ng masama ni Lion."Tss. Gwapo daw." bulong ni Lion. Inirapan na lang siya ni Kyla. Nakakapanibago silang dalawa ah. Hindi kasi sila masyadong nag-uusap dati kasi madalas sungitan ni Kyla si Lion pero ngayon. Wow lang!Naki-seat lang pala dito sa room namin si Kyla dahil wala siyang klase. Last subject na namin 'to at hanggang ngayon, wala pa si Prof."Teka, bakit ang tagal ni Prof Just? Almost fifteen minutes na siyang late ah." nagtatakang sabi ni Xyrille. Dahil medyo puyat ako kakaisip kay Ice kaya umub-ob muna ako, iidlip muna ko kung wala pa si Prof Just.Nagtaka ako nang natahimik ang lahat. Hindi ko na lang pinansin yo'n at sinubukan ulit na
"What the heck are you doing Shenna?! Ano bang pinag-usapan niyo ni Ice Lord at ginagawa mo 'to?!" napipikon na si Ice at pilit na inaalis ang mga damit na nilalagay ko sa maleta ko."Wag mo na kong pigilan Ice! Para 'to sa ikakabuti nating lahat! Walang mabuting idudulot sayo ang relasyon natin!" nararamdaman ko nang nanlalabo na ang paningin ko dahil sa nagbabadyang mga luha pero pinipigil ko."Please Shenna. Stop doing this. Please don't break up with me." naramdaman ko ang pagsusumamo sa boses niya. Napapikit ako ng mariin. Nag-iiba talaga siya pag ako na ang kaharap niya. Tama si Mr. Farthon, kahinaan ako ni Ice at hindi maganda yo'n."Kailangan Ice! Nakikita mo ba ang lolo mo?! Kailangan ka na niya pero wala kang ginagawa. Kailangan mong harapin ang malaking responsibilidad mo! At ako! Magiging distraction lang ako sayo, kaya i-itigil na muna natin 'to." tuluyan nang tumulo ang luha ko. Akala ko kaya kong pigilin ang na
"Anong pinag-usapan niyo ni Ice Lord?" malamig na tanong ni Ice at mas hinigpitan pa ang pagyakap sakin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nagpatulong kasi ako sa kanya sa assignment namin, actually siya lang talaga ang nagsagot ng assignment ko sa loob ng sampung minuto."Sikretong malupet." sabi ko at ginantihan siya ng yakap."Tss." sabi na lang niya at dinampian ako ng halik sa leeg. Ano bang meron sa leeg ko at gustong gusto niya yo'n?"Pinupuntirya mo na naman ang leeg kong hinayupak ka." sabi ko at inilayo ko ang mukha niya sa leeg ko."Tss. You act as if you don't like it." sinabunutan ko na lang ang mokong. Sabagay totoo naman ang sinasabi niya."Wait nga lang ituro mo muna sakin yung assignment natin, hindi ko naman ma-gets yung mga sinagot mo eh." sabi ko at pilit na umalis sa kandungan niya pero hinigpitan niya ang pagkapit sa baywang ko."Mahina
***Clinton's POV***Nakatitig lang ako sa mukha niya habang hinahaplos ko ang buhok niya. Tulog na tulog ang reyna ko.Masyado ko yata siyang pinagod, napangisi na lang ako. Mapapagod talaga siya dahil madaling araw na bago ko siya pinagpahinga. Napatingin ako sa pulang mantsa sa bedsheet. Napangiti ako at napakagat sa labi ko.I'm her first! Damn! Ang saya ko. Sisiguraduhin kong ako ang una at huling lalaki sa buhay niya. Walang makakahawak sa kanya ng ganito kundi ako lang.Hindi na ko papayag na makawala siya sakin. Ang tagal kong naghintay para sa araw na 'to. Minahal niya rin ako.Don't get me wrong, hindi ko ginamit si Shenna. Aminado akong nagustuhan ko talaga siya, pero hindi mawawala ang pagmamahal ko kay Xyrille ng gano'n gano'n lang.Natigilan ako nang umungol si Xyrille at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sakin. Napapikit ako nang mara