Kanina pa nagmumura si Prince sa kanyang isip. Hindi siya makapaniwalang may babaeng nangahas na gawin yon sa kanya.
"Crazy little girl!"nasabi na lang ni Prince sa isip.
Natigilan siya ng maalalang napikon yung babae nang tawagin niya itong little girl.
Naalala niyang muli ang itsura ng babae.
Maliit ang mukha, may maputing balat at makinis na mukha. Maliit ang ilong nito na bumagay sa maliit nitong mukha, may bilugang mata at mahabang pilik mata ito at ang pinakagusto niya sa mukha nito ay ang manipis at mamula-mulang labi nito.
Kaya niya ito tinawag na little girl dahil sa maliit talaga siyang babae. Kung yung ibang babae ay hanggang mata niya, ang isang yon ay hanggang dibdib niya lang yata. Ang cute niya.
Napangiti siya sa naiisip niya.
"What the hell Prince?! Are you smiling?!" gulat na tanong ni Lion.
Napatingin sa kanya ang Danger Zone.
"Tss. Of course not."malamig na sabi ni Prince at nag iwas ng tingin.
Ano ba 'tong iniisip niya?! Bakit niya iniisip ang babaeng 'yon?!
***
Umupo si Prince sa pinakadulong upuan, pinagbawalan niyang umupo ang kahit sino sa bakanteng upuan sa tabi niya. Maingay kasi ang Danger Zone. Ayaw niya ng maingay at magulo kapag natutulog siya.
***
Naalimpungatan si Prince ng maramdaman niyang may bahagyang humawak sa buhok niya.
'Who the hell was that?!' natanong niya sa isip.
Nang akmang lalayo na ang kamay ay agad niyang hinablot ito.
Dahan dahan siyang tumunghay. Bahagya siyang nagulat nang makita kung sino ito pero hindi niya pinahalata iyon.
"Did you just fvckin' touch my hair?"pinilit niyang gawing malamig ang boses niya.
Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Halatang nagulat ito.
"M-Mr. C-cold."
'This little girl is dangerous. She's invading my system and I freakin' hate it!'
***
Shenna's POV
Hala! Ano nang gagawin ko? Mag-isip ka Shenna!
"A-ah eh, ikaw kasi! Nagsasalita yung prof sa unahan tapos n-natutulog ka lang dyan!" pinipilit kong tapangan ang boses ko kahit sobrang kinakabahan ako.
Sinalubong ko ang malamig na mga mata niya. Nakakakilabot talaga siya tumingin!
Marahas niyang binitawan ang kamay ko. Bigla siyang tumayo at dire diretsong lumabas ng classroom na para bang walang professor sa unahan.
Nagtatakang tumingin sakin ang mga kaklase ko, pati ang anim na lalaking katabi ko ay napatingin din sakin. Ano na namang ginawa ko?!
***
Nasa ilalim ako ng puno kumain ng lunch. Pinagbaon ako ni nanay nang lunch. Para kasing ginto ang mga tindang pagkain dito.
Nandito ako sa medyo tagong lugar sa FU. Madaming mga halaman dito at may isang puno kung saan ako nakaupo. Nagtataka tuloy ako kung bakit walang natambay dito. Sabagay pabor naman sakin yun.
Nagpatugtog ako sa cellphone ko ng kanta ng BTS yung 'Not Today'. Nakakakilig talaga sila lalo na si Taehyung.
"Hello!" nagulat ako nang biglang may sumulpot na kung sino sa harap ko.
"H-hello din." nakakagulat kasi siya.
"Ako pala si Kyla, Kyle na lang para astig." tiningnan ko ang kabuuan niya. Maganda siya, as in maganda talaga hindi siya katulad ko na cute lang. Halata ding maganda ang katawan niya KASO, mukha siyang tomboy kung pumorma. Sayang naman!
"Ako naman si Shenna!" nakangiting sabi ko. Nagulat ako nang bigla siyang tumawa.
"Kilala kita. Ikaw lang naman ang nanakit echuserong prinsipe kanina. Ang cool mo ah. Ikaw pa lang nakagawa nun sa yelong prinsipeng yon." natatawang sabi niya.
"Hehehe. Nakakainis siya eh." sabi ko at napakamot pa ako sa batok ko.
Umupo siya sa tabi ko at seryosong tumingin sakin.
"Pwede bang itigil mo muna yang pinapatugtog mo? Ang sakit sa tenga. Wala naman akong maintindihan."
Dali dali kong kinuha yung mumurahin kong cellphone at tinigil yung tugtog.
"Natutuwa ako sayo kasi ang tapang mo kanina pero natatakot din ako para sayo, sa tingin ko ay hindi mo lubusang kilala si Prince, yung inuntog mo kanina." seryoso pang sabi niya.
"B-bakit sino ba yung Prince na yon na parang lahat nang estudyante dito ay parang kinatatakutan siya?"
"Siya ang leader nang Danger Zone, kung naaalala mo yung anim na lalaking lagi niyang kasama, yung mukhang gangsters, sila yung members nang Danger Z (Danger Zone)."
"Danger Zone? Danger Z? Iisa lang ba yun? Gang ba yun?" nalilitong tanong ko.
"Oo, ang Danger Zone at Danger Z ay iisa lang, di ba obvious? At gangsters sila. Hindi lang sila basta gangsters, talagang kinatatakutan sila dahil bukod sa wala silang awa, magaling pa sila sa mga gang fights at higit sa lahat, lahat sila ay mayayaman. Kahit taga labas nang school ay kilala sila maski sa ibang bansa kaya nagtataka ako kung bakit hindi mo sila kilala."
Napalunok ako sa narinig ko. Gangsters?! Walang awa?! Mayayaman?! Oh my ghad! Ano 'tong gulong pinasok ko?!
May kinuha siya sa bulsa niya, cellphone. Sosyal! Mukhang mamahalin.
"Una kong ipapakilala sayo, si Lion Scott Faller, ang pinaka playboy sa Danger Z, actually siya lang ang playboy, araw araw iba iba ang babae niyan. Sabagay gwapo siya at may maipagmamalaki kaya di ko masisisi ang mga babae kung bakit baliw na baliw sa kanya." binigay niya sakin ang phone niya at ipinakita yung Lion na yon. Nakita ko nga siya! Isa din siya sa mga anim na lalaking nakabuntot sa Prince na yun na mukhang playboy! Pero gwapo siya ah.
"Pangalawa, si Tiger John Falcon ang genius sa grupo. Wala akong masabi sa katalinuhan nang isang yan. Feeling ko nga ay wala pa sa kalahati nang utak niya ang utak ko. Lahat nang teachers pinapangarap na maging estudyante siya, pero kahit matalino siya. Gangster pa din siya." pinakita niya sakin yung picture nung Tiger. Mukha siyang matino kaso yung pananamit niya, pang gangster kasi talaga. Pero gwapo siya ah!
"Pangatlo, si Shark Damon Ferrer, isa sa mga dapat mong iwasan, siya ang bully sa grupo. Hindi niya trip mambully nang lalaki, ang trip niyang bully-hin ay mga babae lalo na sa mga nerds. Ang sama din nang ugali nang isang yan. Kung makapambully, talagang mag iinit ang ulo mo dyan. Kaso wala naman silang magawa, Ferrer yun eh." pinakita naman niya sakin yung picture nung Shark na yun. Tsk, mukha ngang bully ang isang 'to pero di maikakaila na gwapo din ito.
"Pang apat, Gun Drake Fernandez, ang pinaka hot headed sa grupo, mabilis mapikon at magalit, wag na wag ka lang niyang mabubuntunan nang galit, talagang kawawa ka. Kaya wala masyadong nalapit dun eh. Grabe mambugbog yan. Kahit nga mag isa lang siyang sumabak sa gang fights ay pwedeng pwede dahil halimaw yan sa labanan." pinakita niya sakin yung picture nung Gun. Napangiwi ako, mukhang matapang ang aura niya pero gwapo pa din.
"Panglima, si Bullet Andrei Farenn, kilala bilang youngest businessman sa grupo, imagine mo, nag aaral pa lang siya nang fourth year highschool ay mina-manage na niya ang businesses nila. Halimaw yan pagdating sa business. Imposible ding maghirap ang isang yan dahil nakakalula ang kayamanan niyan at magaling pa sa business." pinakita niya sakin yung picture nung Bullet. Gwapo ah. Nako! Kung eto ang asawa ko hinding hindi ako maghihirap. Pero sabagay lahat naman sila mayaman eh. Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Para akong ewan!
"Pang anim, si Dragon Calli Freenwar, ang pinakamabait, gentleman, magalang sa DangerZ. Siya ang natulong sa mga babaeng binubully ni Shark. Hindi siya suplado katulad nang mga miyembro nang Danger Zone. Talagang mabait siya. Kaya madami ding mga babaeng lumalandi dun eh. Pero siyempre sa mga gang fights ay halimaw din yan." pinakita niya din sakin ang picture non. Siya ang pinakatype ko sa kanila. Mabait daw kase at gwapo pa.
"At syempre ang leader nila si Ice Prince Farthon." marinig ko pa lang ang pangalan niya ay kinikilabutan na ko.
"Ayaw niya na tinatawag siyang Ice, hindi mo gugustuhin ang gagawin niya pag tinawag mo siyang Ice, kaya Prince ang tawag nang lahat sa kanya."
"Siya ang pinaka makapangyarihan sa grupo, lahat natatakot kahit marinig lang ang pangalan niya. Siya rin ang tinaguriang The Cold Prince sa grupo. Hindi mo matatagalang tumitig sa kanya dahil malamig itong tumingin, pati ang pananalita nito ay malamig din na talagang kikilabutan ka, kahit marinig mo lang ang boses niya. Yung iba Emotionless Prince ang tawag sa kanya dahil wala itong pinapakitang kahit anong emosyon sa kahit sino. Nakakakilabot siguro ang itsura niya pag ngumiti no?" ayokong maimagine ang itsura niya pag ngumiti. Nakakakilabot i-imagine!
T-teka? Bakit parang ang dami niyang alam sa Danger Zone?!
"Siguro hindi ko na kailangang ipakita ang picture niya dahil nakita mo na siya nang malapitan kanina." natatawang sabi niya. Pero di naglaon ay sumeryoso ulit ang mukha niya.
"Natatakot ako para sayo dahil siguradong lagot ka sa Danger Zone." nagtaka ako bigla, diba nginitian pa nila akong anim kanina. Diba dapat ay magalit sila sakin dahil sa ginawa ko dun sa Prince na yon. Bakit parang natutuwa pa sila.
"Pero may parte sakin na umaasang ikaw na yo'n. Ikaw na sana ang makapagpabago kay Prince." nakangiting sabi niya.
Pumasok na ko sa room pagkatapos kong maglunch. Maaga pa pala, wala pang prof. Nagpaalam na sakin si Kyla kanina, friends na nga pala kami.Nagtataka akong tumingin sa upuang katabi ko. Absent si Ice, mas trip ko yung Ice kaysa sa Prince. Pero sa isip ko lang siyang tatawaging Ice, baka sapukin ako nun eh.Napalingon ako sa anim na lalaking katabi ko. Tsk, may bully pala sa kanila at may hotheaded baka mapaaway ako nang wala sa oras.Tumingin din sila sakin, napatawa ako kasi sabay sabay pa talaga silang lumingon sakin.Sabay sabay silang tumayo at lumapit sakin. Hala! Eto na ba yon? Sasaktan na nila ako?! Oh my ghad! Ano nang gagawin ko?Unang nagsalita si Lion."Hi miss, I'm Li---""Lion! Lion the playboy!" sabi ko at tinuro siya. Nagtawanan naman ang anim. Sunod kong tinuro si Tiger."Tiger the genius""Shark the bully."
Black and white.Black and white lang ang nakikita kong kulay sa kwarto niya. Grabe! Ang boring siguro nang buhay ng anak ni Tita Amy.Pero malaki ang kwarto niya. Maganda at malinins. Ang boring lang talaga nang kulay, mas maganda sana kung blue na lang.Lumabas na ko nang kwarto. Hays! Nakakakilabot sa kwartong yun, para talagang kulang sa emosyon at damdamin ang silid na iyon. Minsan talaga kahit mayaman ka, hindi mo masasabing nasayo na ang lahat, minsan may hinahanap pa din ang puso mo na hindi kayang tumbasan nang pera o salapi. Napailing na lang ako sa mga iniisip ko.Dumiretso ako sa living room at nakita ko si Tita Amy na nanonod nang tv kasama yung ibang maids."Nasilip mo na ba yung room nang anak ko?" tanong niya habang nakain ng popcorn."Opo. Nakakakilabot nga po eh.""Talaga? Ako nga na mommy niya ay kinikilabutan din kapag pumapasok s
Napatingin ako sa katabi ko na nakaub ob na naman sa desk at mukhang walang balak makinig sa prof.Paano kaya pag nalaman niya ang tungkol sa misyon ko? Magbago kaya siya sakin?"I-Ice." bulong ko sa kanya. Agad naman siyang tumunghay."What?" sabi niya pero hindi sa malamig na tono kundi sa malumanay na paraan. Napangiti ako, sakin lang siya ganyan."W-wala lang hehe.""Tss." sabi niya at umub ob ulit. Antukin talaga!Nakinig na lang ulit ako sa prof kahit ang utak ko ay na kay Ice.Naramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Hindi pa pala ako nakain nang lunch."Ano ba yan? Gutom na ko." mahinang bulong ko.Nagulat ako nang biglang tumunghay si Ice."You're hungry?" malamig na tanong nito."H-hindi naman masyado, keri ko naman---" di ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya kong hinila patayo
"Nay! Papasok na po ako!" sigaw ko habang nagsusuot nang sapatos."O sige. Mag iingat ka ha!""Opo! I love you!" sabi ko at nagmamadaling tumakbo palabas.Napatingin ako sa relo ko. Bwiset! Malelate na ko! Agad akong sumakay sa jeep na tumigil sa harapan ko.***"Hindi po ito yung inorder ko miss." galit na sabi nang costumer.Tiningnan ko yung number na nasa table niya. Shems! 42 pala!"S-sorry po." nakatungong sabi ko at kinuha yung pagkain sa table niya, inirapan lang ako nito.Dinala ko na sa table 24 ang order.Kinuha ko ang panyo ko at pinahid ang pawis sa noo ko. Naka aircon dito pero pawis na pawis ako.Nagtatrabaho ako ngayon sa isang fast food chain. Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung umalis ako sa mansyon at isang linggo na kong nagtatrabaho dito. T
"Anong ginagawa mo dito? Ice?""Anak, nakausap kami ni Prince. Ang sabi niya, gusto ka daw ulit pabalikin ni Ma'am Amy sa mansyon." sabi ni nanay."H-huh? Bakit?" nagtatakang tanong ko."Ah eh. A-ano kasi m-magpapakamatay daw siya pag di ka bumalik." parang nag aalinlangan pa si tatay na sabihin."ANO?! Nay! Pakihanda na po ang maleta ko! Aakyat lang po ako! Kailangan ko pong bumalik sa mansyon!" sabi ko at nagtatakbo ako papasok ng kwarto ko.Agad akong nagbihis pagkapasok ko sa kwarto, pagkatapos ay lumabas agad ako.Napansin kong wala na si Ice sa bahay. Napanguso naman ako."Nay. Nasan na po si Ice--este si Prince pala?""Lumabas eh, pero kinuha na niya yung mga gamit mo.""Nay, Tay at Ochoy. Kailangan ko po talagang bumalik sa mansyon. P-parang nanay ko na po si Tita Amy eh.""Sige na. Kailangan mo nang puntaha
Bagsak ang balikat ko habang naglalakad patungong mansyon. Oo, naglalakad lang ako. Naiwan ko yung wallet ko sa bag kaya di ako makasakay nang jeep. Akala ko malapit lang yung mansyon kaya di ko na kinuha yung wallet ko. Eto ngayon ang ending ko, twenty minutes na yata akong lakad-takbo papuntang mansyon.Nabuhayan ako nang loob ng makita ko ang bubong ng mansyon nila kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.Nang makarating ako sa mansyon, napansin kong walang tao. Naalala kong may lakad pala si Tita Amy. Pumunta ako sa dining room at nakita kong nakapatong ang lunch box na blue ni Ice. Agad kong kinuha yon at umalis na.***Hingal na hingal ako nang makarating sa room. Naghalo ang pagod at gutom sa katawan ko. Nakita kong konti lang ang tao doon, lunch break pa kasi. Nandun ang Danger Zone pati si Ice na nakaub-ob at mukhang natutulog na naman.Padabog akong nagpunta sa upuan ko. Niyugyog ko ang ba
Naalimpungatan ako nang biglang tumunog yung alarm clock ko. Ala syete na pala. Tumayo ako para maligo at makapagready na sa pagpasok.Natigilan ako nang maalala kong nasa kwarto ako ni Ice kagabi.Pa'no ako nakarating dito sa kwarto ko?! Ah! Siguro sa sobrang antok ko di ko namalayan na nagpunta pala ako sa kwarto ko at natulog.***As usual, wala kaming imikan ni Ice dito sa kotse niya. Sa totoo lang mas gusto ko pa ang mamasahe na lang kaysa lamigin dito sa kotse niya, hindi dahil sa aircon kundi dahil sa pagiging malamig niya.Kung kahapon ay kinakausap niya ko, ngayon talagang wala siyang imik. Nagtaka naman ako, may nagawa ba ako?Nang makarating kami sa FU, bumaba siya nang kotse at bumaba na rin ako. Inabot niya sakin ang bag niya at nauna na siyang maglakad. Isinabit ko sa harapan ko yung bag niya.Habang naglalakad kami ay puro bulungan ang sumalubo
“Swoosh! Swoosh! Yan! Dapat maging magandang bulaklak kayo pag lumaki na kayo, okay?” sabi ko habang nagdidilig nang halaman. Nakakaenjoy palang magdilig.May pasok ngayon pero hindi ako pinapasok ni Tita Amy nang makita niya yung mga sugat ko. Nagpabili pa siya nang gamot sa sugat, kaloka! Nung tinanong niya kung saan ko nakuha yung mga sugat ko, sabi ko na lang na nadapa ako.Pagkatapos kong magdilig ay pumasok na ko sa mansyon. Nagulat ako nang makitang nakaupo sina Tita Amy at Ice sa living room. Akala ko pumasok si Ice.Napansin kong seryoso ang pinag-uusapan nila kaya dahan dahan akong lumapit para maki-usyoso.“Shenna! Nandyan ka pala, halika dito.” nagulat ako nang tawagin ako ni Tita Amy. Nakita pa ko, sayang!Lumapit naman ako at umupo sa tabi ni Ice, oo sa tabi talaga ni Ice. Bale nasa harap namin si Tita Amy.Naramdaman kong umusod nang konti si Ice palayo sakin.
"Mag-iingat kayo ah. Video call tayo lagi." nakangiting sabi ni Kyla.Nandito na kami ngayon sa airport. Sina Xyrille at Clint pala, next week pa sila pupunta sa America."O-Oo naman, mamimiss ko kayo eh." naiiyak na sabi ko."Mag-aral ka ng mabuti Shenna, para may mapatunayan ka kay Lolo." sabi ni Bullet at ginulo ang buhok ko.Lumapit naman sakin sina nanay, tatay at Ochoy. Niyakap nila ako ng sabay sabay. Mas lalo tuloy akong napaiyak."Anong nangyayari dito?"Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Halos lahat kami ay nagulat nang makita siya. Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit."Wag kang ganyan Shenna, baka magkagusto ulit ako sayo." natatawang sabi niya at ginantihan ako ng yakap."Bakit ngayon ka lang u-umuwi Dragon?!" sabi ko at lalong napaiyak.
"Hindi ko akalaing magagawa 'to ni Lolo." napapailing na sabi ni Kyla. Napabuntong hininga na lang ako."Are you really sure about this Shenna? Alam mong hindi papayag si Prince." sabi ni Lion."H-Hindi pwedeng malaman ni Ice ang tungkol dito hangga't hindi pa ko nakakaalis." nakatungong sabi ko."I-Ibig sabihin, hindi mo sasabihin kay Primce ang tungkol sa offer ni Lolo sayo?" napatango na lang ako sa sinabi ni Xyrille."Sa tingin mo ba makakaalis ng Pilipinas si Shenna kapag nalaman ni Prince 'to? He'll do anything to stop her." seryosong sabi ni Tiger."Siguradong masasaktan ng sobra si Prince." napahilot si Gun sa sentido niya."Anong plano mo Shenna?" tanong ni Bullet."M-Mag-aaral ako sa America gaya ng gusto ni Mr. Farthon. P-Pero--- pero bago ako umalis gusto ko munang makasama si Ice kahit saglit lang." nakatungong sabi ko. Tinapik ako sa balikat ni
"Fvck!" napalingon kaming lahat nang mapatayo at mapamura si Lion habang nakatingin sa cellphone niya."What's your problem Mr. Faller?!" galit na sigaw ng prof namin."Ms. Kim, pagbigyan niyo muna kami. Emergency lang." sabi ni Lion. Dali dali niya kaming sinenyasan na lumabas. Mukhang seryoso siya kaya lumabas na kami ng room kahit sigaw na ng sigaw si Ms. Kim."What's happening? May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Xyrille."Dun tayo sa parking lot. Nando'n yung van. Kailangan nating pumunta sa mansyon nina Prince." seryosong sabi ni Lion."Wait! Hintayin niyo ko!" napalingon kaming lahat kay Kyla na natakbo papalapit samin."Nasabihan ka rin ba ni Tita Amy?" tanong ni Lion sa kanya. Napatango na lang si Kyla."Kailangan tayo ni Prince." nagulat ako sa sinabi ni Kyla. Ano ba talagang nangyayari?!***"Nasaan po si Ice?!"
“Magpahinga ka na lang ha, wag ka munang magpagod masyado para gumaling agad yang mga sugat mo.” pabulong na sabi ko sa kausap ko sa cellphone.Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya.“Anong nakakatawa?” naasar na tanong ko.“I'm just imagining how you look right now. I'm sure you're frowning and pouting while talking.” nagulat ako sa sinabi niya. Pa'no niya nalaman?!“Hindi kaya.” nakangusong sabi ko.Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-iingat talaga ako maigi habang kausap si Ice, baka marinig ako nina nanay kaya mahina ang boses ko. Buti pa nga si Ice eh, kahit sumigaw siya do'n walang makakarinig sa kanya kasi sound proof yung kwarto niya.“I love you.” nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ang hilig talaga magpakilig neto!“M-Mahal din kita.” nahihiy
Nandito lang ako sa gate ng school habang nakaupo at iyak ng iyak. Hindi pa ko nauwi dahil siguradong makikita nina nanay ang namumugto kong mga mata. Buti na lang at wala ng tao sa school kaya nakakapag-emote ako dito.Mas lalo ako napahagulgol nang maalala ko ang sakit sa mga mata ni Ice. Kung alam niya lang, mas nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. Gustong gusto ko na siyang balikan do'n at yakapin ng mahigpit kaso hindi pwede.Inabot yata ako ng fifteen minutes sa kakaiyak. Naniningkit na ang mga mata ko dahil sa pagkamugto. Tumayo na ko at pinagpag ang palda ko. Kailangan ko ng umuwi, baka nag-aalala na sina nanay.Aalis na ko nang may tumigil na van sa harapan ko. Umakyat ang kaba sa dibdib ko, pamilyar ang van na 'to.Tatakbo na sana ako nang bumaba na ang mga tao sa van. S-Sila yung kumidnap sakin dati!"Na-miss mo ba kami Miss Shen
"Ah. Yung kapatid ba kamo ni Dragon? Hindi namin masyadong ka-close yo'n kasi masyado siyang mabait para samin." natatawang sabi ni Lion."Nakilala mo na pala si Sean? Ang gwapo noh? Kamukha ni Dragon." kinikilig na sabi ni Kyla. Tiningnan naman siya ng masama ni Lion."Tss. Gwapo daw." bulong ni Lion. Inirapan na lang siya ni Kyla. Nakakapanibago silang dalawa ah. Hindi kasi sila masyadong nag-uusap dati kasi madalas sungitan ni Kyla si Lion pero ngayon. Wow lang!Naki-seat lang pala dito sa room namin si Kyla dahil wala siyang klase. Last subject na namin 'to at hanggang ngayon, wala pa si Prof."Teka, bakit ang tagal ni Prof Just? Almost fifteen minutes na siyang late ah." nagtatakang sabi ni Xyrille. Dahil medyo puyat ako kakaisip kay Ice kaya umub-ob muna ako, iidlip muna ko kung wala pa si Prof Just.Nagtaka ako nang natahimik ang lahat. Hindi ko na lang pinansin yo'n at sinubukan ulit na
"What the heck are you doing Shenna?! Ano bang pinag-usapan niyo ni Ice Lord at ginagawa mo 'to?!" napipikon na si Ice at pilit na inaalis ang mga damit na nilalagay ko sa maleta ko."Wag mo na kong pigilan Ice! Para 'to sa ikakabuti nating lahat! Walang mabuting idudulot sayo ang relasyon natin!" nararamdaman ko nang nanlalabo na ang paningin ko dahil sa nagbabadyang mga luha pero pinipigil ko."Please Shenna. Stop doing this. Please don't break up with me." naramdaman ko ang pagsusumamo sa boses niya. Napapikit ako ng mariin. Nag-iiba talaga siya pag ako na ang kaharap niya. Tama si Mr. Farthon, kahinaan ako ni Ice at hindi maganda yo'n."Kailangan Ice! Nakikita mo ba ang lolo mo?! Kailangan ka na niya pero wala kang ginagawa. Kailangan mong harapin ang malaking responsibilidad mo! At ako! Magiging distraction lang ako sayo, kaya i-itigil na muna natin 'to." tuluyan nang tumulo ang luha ko. Akala ko kaya kong pigilin ang na
"Anong pinag-usapan niyo ni Ice Lord?" malamig na tanong ni Ice at mas hinigpitan pa ang pagyakap sakin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nagpatulong kasi ako sa kanya sa assignment namin, actually siya lang talaga ang nagsagot ng assignment ko sa loob ng sampung minuto."Sikretong malupet." sabi ko at ginantihan siya ng yakap."Tss." sabi na lang niya at dinampian ako ng halik sa leeg. Ano bang meron sa leeg ko at gustong gusto niya yo'n?"Pinupuntirya mo na naman ang leeg kong hinayupak ka." sabi ko at inilayo ko ang mukha niya sa leeg ko."Tss. You act as if you don't like it." sinabunutan ko na lang ang mokong. Sabagay totoo naman ang sinasabi niya."Wait nga lang ituro mo muna sakin yung assignment natin, hindi ko naman ma-gets yung mga sinagot mo eh." sabi ko at pilit na umalis sa kandungan niya pero hinigpitan niya ang pagkapit sa baywang ko."Mahina
***Clinton's POV***Nakatitig lang ako sa mukha niya habang hinahaplos ko ang buhok niya. Tulog na tulog ang reyna ko.Masyado ko yata siyang pinagod, napangisi na lang ako. Mapapagod talaga siya dahil madaling araw na bago ko siya pinagpahinga. Napatingin ako sa pulang mantsa sa bedsheet. Napangiti ako at napakagat sa labi ko.I'm her first! Damn! Ang saya ko. Sisiguraduhin kong ako ang una at huling lalaki sa buhay niya. Walang makakahawak sa kanya ng ganito kundi ako lang.Hindi na ko papayag na makawala siya sakin. Ang tagal kong naghintay para sa araw na 'to. Minahal niya rin ako.Don't get me wrong, hindi ko ginamit si Shenna. Aminado akong nagustuhan ko talaga siya, pero hindi mawawala ang pagmamahal ko kay Xyrille ng gano'n gano'n lang.Natigilan ako nang umungol si Xyrille at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sakin. Napapikit ako nang mara