Home / Romance / Moonlight Serenade / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Moonlight Serenade : Chapter 61 - Chapter 70

91 Chapters

Chapter 41.1

Sabay na pumasok sa opisina ng Direktor sina Hazel at Joseph. Napaiwas siya ng tingin sa dalawa. No'ng isang araw pa nakabalik sa klase si Joseph mula sa intercampus competition sa Cebu City. Narinig niyang second place ang UDM sa Regional at may dinaos na celebration party kagabi sa function hall. Hindi siya dumalo kahit pa imbitado siya."Good morning, D-Director," bati ni Hazel.Ngumiti si Joseph. "Good morning, Sir." Tumingin ito sa kaniya at sa mga magulang niya. Nawala ang ngiti sa mga labi nito at napaikhim. "Good morning, Jewel."Pero hindi niya tinapunan ng tingin ang lalaki. Pinaupo ng Direktor ang dalawa sa visitor lair na nasa tapat ng mesa. "Alam niyo ba kung bakit kayo nandito?" tanong nito.Umiling si Hazel. "Hindi po." Nagkibit-balikat lang si Joseph. "May klase kami ngayon, Sir. Bigla nalang kaming pinatawag ng opisina niyo.""Miss Hazel and Mister Joseph, may isang video akong ipapakita sa inyo at magpali
last updateLast Updated : 2021-04-07
Read more

Chapter 41.2

Umikhim bigla si Joseph. "Lasing tayo nang gabing 'yon, Hudyo. Alam mo 'yan.""Lasing?" singit ng ama niya. "Paanong nalasing si Jewel sa loob ng Unibersidad?"Umikhim ang Direktor. "Ah, Mister Mangubat ---" "Kahihiyan!" sigaw ni Don Sebastian. "Napakapabaya ng Unibersidad mo, Hubes. Isang kahihiyan sa buong Medellin!"Bumuntong-hinga ang Direktor at masamang tumingin kay Joseph. "Bawal ang alak sa loob ng Unibersidad, Mister Joseph. Paanong nalasing ---""May nakapuslit na alak sa Christmas party, Sir. Aksidenteng napagpalit ang juice at alak kaya nalasing kami ni Jewel," sabi ni Joseph.Nagdilim ang awra ng Direktor at pinandilatan ng mata ang lalaki. Umikhim ito at tumingin ulit sa ama niya. "Mister Mangubat, titiyakin kong wala nang makakapuslit na alak sa loob ng Unibersidad."Natawa bigla ang ama niya. "Malinaw na malinaw ang kapabayaan ng Unibersidad. Hindi na ako magtataka kung may mga magnanakaw, sinungaling, at mapang-abuso s
last updateLast Updated : 2021-04-07
Read more

Chapter 41.3

"I'm sorry Miss Mangubat but I can not promise that," sabi ng Direktor. "May ebidensyang lumabag sa batas ng Unibersidad ang apat kaya kailangan nilang maparusahan. This is in accordance with the University's rules and regulations."Napatungo siya. Alam niya 'yon kaya hindi niya maiwasan malungkot. Kilala niya si Gabbi. Nag-aaral ito nang mabuti para makapagtapos, at dahil sa nangyari ay hindi na nito maaabot ang pangarap. Si Hazel naman, hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ng mga magulang nito, lalo't malaking kawalan ang dalawang buwan na suspension.Kahit na may kasalanan ang mga ito sa kaniya ay naaawa pa rin siya sa apat."T-Thank you, Mister Mangubat. Thank you, D-Director," sabi ni Jasmine. Nagpapasalamat ito dahil walang demanda.Wala namang imik ang tatlong akusado at nagsi-iwas ng tingin.Napatungo si Jewel. Maya-maya pa'y napapikit nang may maalala.Ang Munic
last updateLast Updated : 2021-04-07
Read more

Chapter 42.1

Warning: Theme and Language.Pawisan siyang napabalikwas ng upo sa kama. Nagbaba siya ng tingin sa sarili at napapikit. Gano'n pa rin. Walang saplot. Nag-angat siya ng tingin sa wall clock. Alas-tres ng madaling araw.Panlimang gabi na, and it is still the same dream. S** with the same man, she thought.Pero sa pagkakataong iyon ay may kakaiba. Naalala na niya ang manipis at mapulang mga labi nito, pati na ang nakakalokong ngisi na hindi mawala-wala sa buong eksena ng panaginip niya. Napahawak siya sa hubad at pawisang dibdib. Naghabol ng hininga.Masakit ang palapulsuhan niya na parang may humawak nang mahigpit sa mga 'yon. Kumikirot ang anit niya na parang may humila sa buhok niya. At ang mas nakakapagtaka ay ang mga mapusyaw na pulang marka sa braso at dibdib niya.Napalunok si Jewel. Tumayo ang balahibo niya sa batok at nanikip ang dibdib habang inaalala ang lalaki
last updateLast Updated : 2021-04-08
Read more

Chapter 42.2

"It's nothing.""Sinong humawak niyan ---""I said it's nothing, Manang.""Iha ---""Shut up!"Padabog siyang tumayo at tumakbo pabalik sa kuwarto. Nakagat niya ang labi. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Huminto na muna siya sa hallway at huminga nang malalim. Pagkatapos, lakad-takbo niyang tinungo ang kuwarto. Pabagsak niyang sinara ang pinto.Nanginginig sa takot ang kalamnan niya. Walang dapat makaalam sa sikreto niya. Wala!Mabilis siyang nagtungo sa kama at naupo sa gilid. Inabot niya ang cellphone sa ilalim ng lampshade saka binuksan ang app na Bokipad.Alas-tres pa naman ng madaling araw kaya maraming oras pa ang malalaan niya sa pagbabasa ng erotica. Mamaya pa magsisimula ang online one-on-one class session sa araw na 'yon. Napangiti si Jewel. Isang klase ng ngiti na kapareho sa ngiti ng lalaking nasa panaginip niya.Pero
last updateLast Updated : 2021-04-08
Read more

Chapter 42.3

"Bakit naman, Ma?" Lumunok na naman siya. "Pwede naman nating bawiin ang titulo mula sa kanila. Saka sampung taong tayong nagtatanim at nag-aani sa Aisle kaya imposibleng hindi nila ibabalik ang titulo kung ganiyang hinayaan tayo ng mga Hernandez na angkinin ang Aisle sa sampung taon na 'yon!""Yon ay dahil pinakiusapan ng ama mo ang Alkalde. Marami nang lupain ang mga Hernandez kaya hinayaan na nila tayong magtanim at mag-ani sa Aisle. Pero hindi ibig sabihin niyon na habambuhay nila tayong pahihintulutan. Kaya pinlano namin ng ama mong ipakasal ka sa anak ng Alkalde nang sa gayon ay masisiguro naming hindi tuluyang mawawalan ng pagka-may-ari ang ating angkan sa Aisle..." Ngumiti ng marahan ang ina. "...para sa kapakanan ng susunod na henerasyon ng angkan natin, Jewel.""Pwede naman sigurong bilhin ulit ang Aisle."Umiling ang Donya. "Mabibili mo lang ang isang titulo kung ibebenta ng kasalukuyang nagmamay-ari, Jewel. Hindi natin mababawi 'yon hangga't hindi nagpa
last updateLast Updated : 2021-04-08
Read more

Chapter 42.4

Ms. JLM, I'm sorry for a late reply. I've been receiving a lot of messages lately. So, let's interpret your dreams. I will be frank to you, dear. That man in your dreams is your night husband. Night husband is spiritual husband. They take the look or face of someone familiar to you, and they will go into you - to have sex with you. Be very careful, dear. This night husband is a demonic presence. Don't be fooled by pleasure of sex. This will be your downfall. One of the girl who have the same problem as you has been dreaming sex for over a year. And all of her savings - cars, house, bank accounts - have gone. The worst part is... she invited that presence into her physical body, that lead to possession. You need deliverance. You need to be free from that slavery or everything will be too late for you. Plead the Blood. This is a spiritual battle and you can't
last updateLast Updated : 2021-04-08
Read more

Chapter 42.5

Napangiti siya nang magsimulang rumulyo ang footage sa monitor. Ang unang footage ay kuha kaninang alas-dose ng hatinggabi. Nangunot ang noo niya habang naghihintay. Kita niya ang sarili na mahimbing na natutulog sa kama. Wala namang kakaiba. Dahil nabagot siya sa kakahintay ay pinindot niya ang flash-forward. At nunkang napabulong siya ng malutong na mura. Nanigas siya sa kinauupuang swivel chair. What was that? What was that! Nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang mga labi. Kitang-kita niya ang sarili sa footage. Noong una ay walang kakaiba. Pero pagsapit ng ala-una ng madaling araw ay dahan-dahan siyang umupo mula sa pagkakahiga sa kama. Naningkit ang mga mata niya habang nakatitig sa monitor. She was sitting on the bed for thirty minutes!Ni walang kibo! Nakagat niya ang labi. What she did is not normal! Sino ba namang uupo sa kama ng mahigit tatlumpung minuto at hindi man lang kumikilos ni nagsasa
last updateLast Updated : 2021-04-08
Read more

Chpater 43.1

Huling tingin para sa mansiyon na kinalakihan niya bago pumasok sa pick-up. Nasa likod ng sasakyan ang lahat ng gamit niya at malakas ang tugtog ng stereo ng sasakyan. Sa katunayan nga, halos mabasag na ang tainga niya sa lakas pero nanatili siyang walang imik at nakatingin sa labas ng bintana. Pasulyap-sulyap lang sa kaniya ang driver sa rearview pero hindi rin nag-aksaya ng laway para magtanong kung ayos lang siya. Mas mabuti nga 'yon. Wala siya sa mood para magsalita. May parte sa kaniyang gustong bumalik sa mansiyon pero may parte rin na gustong bumalik sa bahay ni Gideon. Naguguluhan siya.'Yong parteng gustong bumalik sa bahay ni Gideon ay parteng natatakot sa nalaman kaninang madaling araw. At 'yong parteng gustong bumalik sa mansiyon ay 'yong parteng nahihiya sa nalaman niya.Hindi niya alam kung magsisisi ba siya na naglagay siya ng kamera o makakahinga nang maluwag dahil nalaman niyang walang nanggagahasa sa kaniya gabi-gabi? Humina ang
last updateLast Updated : 2021-04-09
Read more

Chapter 43.2

Nasamid siya ng sariling laway. Napaubo. Mabilis namang tumakbo sa kusina si Pedro para kumuha ng baso ng tubig. "Tubig, Senyorita." Inabot nito ang baso sa kaniya.Tinanggap niya 'yon at inisang lagok. Pagkatapos ay binalik kay Pedro. "Is he kidding?""Yun po ang sinabi niya kaninang umaga," depensa ni Dalya.Bumuntong-hinga siya. Kung noon pa nito naisip ang kalokohan ay talagang papayag siyang matulog sa kuwarto ni Gideon. Pero dahil sa nalamang paghuhubad niya habang tulog ay nagdadalawang-isip na siya kung papayag sa alok nito.Paano kung malaman nito ang sikreto niya? Nakakahiya 'pag nagkataon! Pero wala na siya sa Mansiyon. Siguro naman ay hindi na siya maghuhubad habang tulog?"Senyorita?" pukaw ni Dalya.Kumurap siya saka umiling. "Hindi. Tawagin niyo si Tang." Tumayo siya at humakbang papunta sa hagdan. "Kunin niyo ang susi ---"Hindi niya alam kung anong nangyari pagkatapos. Basta't nagising siya sa isang pamilyar na k
last updateLast Updated : 2021-04-09
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status