Warning: Theme and Language.
Pawisan siyang napabalikwas ng upo sa kama. Nagbaba siya ng tingin sa sarili at napapikit. Gano'n pa rin. Walang saplot. Nag-angat siya ng tingin sa wall clock. Alas-tres ng madaling araw.
Panlimang gabi na, and it is still the same dream. S** with the same man, she thought.
Pero sa pagkakataong iyon ay may kakaiba. Naalala na niya ang manipis at mapulang mga labi nito, pati na ang nakakalokong ngisi na hindi mawala-wala sa buong eksena ng panaginip niya. Napahawak siya sa hubad at pawisang dibdib. Naghabol ng hininga.
Masakit ang palapulsuhan niya na parang may humawak nang mahigpit sa mga 'yon. Kumikirot ang anit niya na parang may humila sa buhok niya. At ang mas nakakapagtaka ay ang mga mapusyaw na pulang marka sa braso at dibdib niya.
Napalunok si Jewel. Tumayo ang balahibo niya sa batok at nanikip ang dibdib habang inaalala ang lalaki
"It's nothing.""Sinong humawak niyan ---""I said it's nothing, Manang.""Iha ---""Shut up!"Padabog siyang tumayo at tumakbo pabalik sa kuwarto. Nakagat niya ang labi. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Huminto na muna siya sa hallway at huminga nang malalim. Pagkatapos, lakad-takbo niyang tinungo ang kuwarto. Pabagsak niyang sinara ang pinto.Nanginginig sa takot ang kalamnan niya. Walang dapat makaalam sa sikreto niya. Wala!Mabilis siyang nagtungo sa kama at naupo sa gilid. Inabot niya ang cellphone sa ilalim ng lampshade saka binuksan ang app na Bokipad.Alas-tres pa naman ng madaling araw kaya maraming oras pa ang malalaan niya sa pagbabasa ng erotica. Mamaya pa magsisimula ang online one-on-one class session sa araw na 'yon. Napangiti si Jewel. Isang klase ng ngiti na kapareho sa ngiti ng lalaking nasa panaginip niya.Pero
"Bakit naman, Ma?" Lumunok na naman siya. "Pwede naman nating bawiin ang titulo mula sa kanila. Saka sampung taong tayong nagtatanim at nag-aani sa Aisle kaya imposibleng hindi nila ibabalik ang titulo kung ganiyang hinayaan tayo ng mga Hernandez na angkinin ang Aisle sa sampung taon na 'yon!""Yon ay dahil pinakiusapan ng ama mo ang Alkalde. Marami nang lupain ang mga Hernandez kaya hinayaan na nila tayong magtanim at mag-ani sa Aisle. Pero hindi ibig sabihin niyon na habambuhay nila tayong pahihintulutan. Kaya pinlano namin ng ama mong ipakasal ka sa anak ng Alkalde nang sa gayon ay masisiguro naming hindi tuluyang mawawalan ng pagka-may-ari ang ating angkan sa Aisle..." Ngumiti ng marahan ang ina. "...para sa kapakanan ng susunod na henerasyon ng angkan natin, Jewel.""Pwede naman sigurong bilhin ulit ang Aisle."Umiling ang Donya. "Mabibili mo lang ang isang titulo kung ibebenta ng kasalukuyang nagmamay-ari, Jewel. Hindi natin mababawi 'yon hangga't hindi nagpa
Ms. JLM, I'm sorry for a late reply. I've been receiving a lot of messages lately. So, let's interpret your dreams. I will be frank to you, dear. That man in your dreams is your night husband. Night husband is spiritual husband. They take the look or face of someone familiar to you, and they will go into you - to have sex with you. Be very careful, dear. This night husband is a demonic presence. Don't be fooled by pleasure of sex. This will be your downfall. One of the girl who have the same problem as you has been dreaming sex for over a year. And all of her savings - cars, house, bank accounts - have gone. The worst part is... she invited that presence into her physical body, that lead to possession. You need deliverance. You need to be free from that slavery or everything will be too late for you. Plead the Blood. This is a spiritual battle and you can't
Napangiti siya nang magsimulang rumulyo ang footage sa monitor. Ang unang footage ay kuha kaninang alas-dose ng hatinggabi.Nangunot ang noo niya habang naghihintay. Kita niya ang sarili na mahimbing na natutulog sa kama. Wala namang kakaiba. Dahil nabagot siya sa kakahintay ay pinindot niya ang flash-forward.At nunkang napabulong siya ng malutong na mura. Nanigas siya sa kinauupuang swivel chair. What was that? What was that!Nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang mga labi. Kitang-kita niya ang sarili sa footage. Noong una ay walang kakaiba.Pero pagsapit ng ala-una ng madaling araw ay dahan-dahan siyang umupo mula sa pagkakahiga sa kama. Naningkit ang mga mata niya habang nakatitig sa monitor.She was sitting on the bed for thirty minutes!Ni walang kibo!Nakagat niya ang labi. What she did is not normal! Sino ba namang uupo sa kama ng mahigit tatlumpung minuto at hindi man lang kumikilos ni nagsasa
Huling tingin para sa mansiyon na kinalakihan niya bago pumasok sa pick-up. Nasa likod ng sasakyan ang lahat ng gamit niya at malakas ang tugtog ng stereo ng sasakyan. Sa katunayan nga, halos mabasag na ang tainga niya sa lakas pero nanatili siyang walang imik at nakatingin sa labas ng bintana.Pasulyap-sulyap lang sa kaniya ang driver sa rearview pero hindi rin nag-aksaya ng laway para magtanong kung ayos lang siya. Mas mabuti nga 'yon. Wala siya sa mood para magsalita. May parte sa kaniyang gustong bumalik sa mansiyon pero may parte rin na gustong bumalik sa bahay ni Gideon. Naguguluhan siya.'Yong parteng gustong bumalik sa bahay ni Gideon ay parteng natatakot sa nalaman kaninang madaling araw. At 'yong parteng gustong bumalik sa mansiyon ay 'yong parteng nahihiya sa nalaman niya.Hindi niya alam kung magsisisi ba siya na naglagay siya ng kamera o makakahinga nang maluwag dahil nalaman niyang walang nanggagahasa sa kaniya gabi-gabi?Humina ang
Nasamid siya ng sariling laway. Napaubo. Mabilis namang tumakbo sa kusina si Pedro para kumuha ng baso ng tubig. "Tubig, Senyorita." Inabot nito ang baso sa kaniya.Tinanggap niya 'yon at inisang lagok. Pagkatapos ay binalik kay Pedro. "Is he kidding?""Yun po ang sinabi niya kaninang umaga," depensa ni Dalya.Bumuntong-hinga siya. Kung noon pa nito naisip ang kalokohan ay talagang papayag siyang matulog sa kuwarto ni Gideon. Pero dahil sa nalamang paghuhubad niya habang tulog ay nagdadalawang-isip na siya kung papayag sa alok nito.Paano kung malaman nito ang sikreto niya? Nakakahiya 'pag nagkataon!Pero wala na siya sa Mansiyon. Siguro naman ay hindi na siya maghuhubad habang tulog?"Senyorita?" pukaw ni Dalya.Kumurap siya saka umiling. "Hindi. Tawagin niyo si Tang." Tumayo siya at humakbang papunta sa hagdan. "Kunin niyo ang susi ---"Hindi niya alam kung anong nangyari pagkatapos. Basta't nagising siya sa isang pamilyar na k
It was way too early in the morning. Hindi pa sumisikat ang araw pero gising na gising na ang diwa ni Gideon. Nakaupo siya sa isang hotel lobby habang nakatungo sa cellphone at nagtitipa ng text message para kay Jewel.Good morning, Jewel. Gusto mo ba ng pasalubong?'Yan ang gusto niyang i-send sa babae pero hindi niya magawang pindutin ang send button. Nakatitig lang siya sa mga letra -- tulala.He is currently in a private hotel somewhere in Bogo City, just kilometers away from Medellin. Sa hotel na siya nagpalipas ng gabi. Dito kasi ang tagpuan nila ni Arnel na kuya ni Angela, at dito niya balak iwanan ang kotse.Arnel insisted that they should take a bus. And he agreed. Kunsabagay, isang getaway conference ang pupuntahan nila. It would be better if he will took off some of his comforts for better experience.Nang marinig niya ang boses ni Arnel ay sinukso
Binitbit niya ang backpack. Sumunod lang siya sa kaibigan pababa ng bus. Humalik sa pisngi niya ang sinag ng araw."Malapit sa Poblacion Market ang bahay ni Analisa. Nagpresenta siyang maghahatid sa atin doon sa kampo," kuwento ni Arnel."I see."Lumingon saglit si Arnel sa kaniya. "Sabi ni Angela na nag-usap na kayo ni Analisa.""Oo." Sinukbit niya ang backpack sa likod at nilibot ang tingin sa paligid. "Nagkaayos na kami. Wala namang away sa pagitan namin ni Analisa.""Walang away?" Natawa si Arnel. "Kakasabi mo lang na nagkaayos na kayo. Saka, nasaktan 'yong babae. Pinaasa mo."Umiling si Gideon. "Kasalanan ko.""Buti alam mo, Gid." Minuwestra nitong sumunod siya. Tumango si Gideon at tumalima. "Girlfriend mo 'yon pero nagpakasal ka nang hindi mo pinaalam sa kaniya. Kawawa naman. Ilang buwan ding umasa na babalik ka ng Mantalongon.""Humingi na ako ng tawad kay Analisa." Bumuntong-hinga siya. "Wag na nating pag-usapan 'yan."
(4 years ago...)Makitid ang daan sa Aisle at halos tingilain na niya ang matatayog na tubo sa magkabilang parte nito. Nakalabas din siya ng mansiyon na walang kasamang alalay. Hindi sa ayaw niyang may kasama pero mas malaya niyang pasyalan ang Aisle kung walang nakabuntot sa kaniya na nagpapaalala kung ano ang dapat gawin bawat minuto. Nakangiti siyang nagpaikot-ikot sa makitid na daan hanggang sa mabangga siya sa isang matigas na bagay. Napahawak siya sa noo at napatingala.Napapikit siya sa liwanag ng araw at nang masanay ay napatitig sa maiitim na mata sa ilalim ng malaking sumbrero. Natigilan siya. Nakapulupot ang matitigas nitong mga braso sa baywang niya para hindi siya matumba."May masakit ba, Miss?" tanong ng lalaki. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.Napalunok siya at napaatras. Bahagya siyang yumuko. "Pasensya na. Hindi ko tinitingnan ang nilalakaran ko.""Sa susunod, 'wag ka nang magpaikot-ikot dito sa Aisle. Makitid pa ang daan at baka mahulog sa ka tubuhan. H
"Laine, doon lang ako sa gilid. Kukuha ako ng drinks!" paalam ni Tiara.Ngiti siyang tumango. Isa-isa na ring nagpaalam sina Gabbi at Hazel. Hinayaan na niya dahil gusto niyang mag-enjoy ang kaibigan niya sa party.Nilibot niya ang paningin. Dim light. May mga inuming nakasilid sa mamahaling baso ang pinapasa sa mga estudyanteng nagsasayaw sa paligid. Malakas din ang tugtog ng stereo."Jewel!" tawag ng kung sino.Lumingon siya at nakita niya si Joseph. Nakangiti ito sa kaniya at hawak ang isang baso."Nasa'n si John Drail?" tanong niya.Nagkibit-balikat ito at inabot sa kaniya ang isang inumin. "Heto, uminom ka muna."Agad niyang tinanggap ang inabot nito at nilagok. Binaba niya ang baso sa katapat na mesa. "Ikaw lang mag-isa?" tanong niya."Nando'n si Drail sa kabila. Kausap ang gf."Tumango siya. May dumaang tagahatid ng drinks sa kanila. Tinawag niya ito at kinuha ang isang basong nasa ibabaw ng tray na ha
Bilog ang buwan. Hindi naman kakitaan ng takot ang mukha ni Jewel. Bagkus, nakangiti siya.Ito ang gabi kung kailan pwede siyang magsaya sa Christmas party ng Unibersidad. Walang restriction. Walang mga matang nakasunod sa kaniya."Bilis, bilis! Late na tayo!" sabi ni Hazel.Natawa siya. "Hindi 'yan. Alas-siyete pa naman kaya hindi tayo late."Nakabukas na ang ilaw sa mga gusaling nadadaanan nila. Malamig din ang ihip ng hangin at dinig niya ang taghoy niyon. Nilanghap ni Jewel ang sariwang simoy ng hangin. Amoy pa niya ang lumot dahil lumiko sila sa boy's dormitory at doon dumaan."Laine, will Simoen be there?" tanong ni Tiara.Nagkibit-balikat siya. "He should be.""Sus, kung nasa'n si Laine, nando'n naman si Simoen," singit ni Gabbi.Napangiti na naman siya. Noong nakaraang buwan lang niya sinagot si Simoen, at saktong ngayong gabi ang first monthsary nila. Wala siyang regalo kay Simoen dahil hindi siya nak
"Excuse me?" Nagusot ang mukha nito saka napabuntong-hinga. "Alam kong maganda ako pero sana naman, Mister, respito. Hindi ako komportableng sinusundan ng tingin."Umiwas siya ng tingin at nagbaba ng tingin sa relong nasa bisig. Pasado alas-dose na ng tanghali. "I should go, Miss." Nag-angat siya ng tingin. "I'm sorry for nuisance."Tumaas lang ang kilay nito saka nag-iwas ng tingin. Mabilis siyang umalis ng Treesury at naglakad papunta sa specialized para kunin ang sumbrero niya sa locker.Hindi na niya nakita si Julie sa locker kaya diretso na siyang lumabas ng UDM. Nilakad niya ang Tindog bridge at pumara ng tricycle doon."Sir, saan ho?""Sa Munisipyo.""Naku, Sir, ibang ruta po ako." Nagkamot ito ng batok saka hilaw na ngumiti. "Hanggang sa Ayl lang ako, Sir."Nagbaba siya ng tingin sa relo. Malapit nang ala-una. Patapos na ang noon break sa Mun
Elise is such a beautiful woman. Her eyes and lips are like diamonds in Gideon's eyes. Maganda ang hubog ng katawan na talagang kinagigiliwan ng kalalakihan.But not in Gideon's case.Nakawala na siya sa pagiging manyakis matapos niyang makilala si Angela sa Mantalongon. Pero kahit na gano'n, hindi pa rin nawawala sa kaniya ang paghanga sa babaeng may magandang katawan.Girl's body is like a trophy for men, atleast almost but not all.Kaya habang pinagmamasdan niya ang babaeng kasalukuyang nag-o-order sa counter ng canten ay hindi niya maiwasan isipin kung may boyfriend na ito."Hey, Gideon!"Nawala ang tingin niya sa babae at napatingin sa bagong dating. Si Julie. Nakilala niya ito noong enrollment. Transferee galing sa CNU.Ngumiti siya. "Good morning, Julie."Nilapag ng babae ang tray sa tapat niya at naupo. Tiningnan nito ang relo sa bisig. "Almost ten na. Akala ko ba pupunta ka sa munisipyo ngayon?""Pupunt
Malalim na ang gabi pero binabagtas pa rin ng kotse ang coastal road pahilaga ng Cebu. Tahimik lang ang biyahe. At may pagkakataong tanging headlight lang ng kotse ang nagbibigay liwanag sa paligid.Dumaan sila sa Argao, sa Naga, sa Mandaue, at huminto saglit sa Liloan para mag-drive thru sa isang fast food chain na bukas, bago nagpatuloy pahilaga sa Bogo."Gusto mo bang kumain?" tanong niya.Umiling si Gideon. "Just eat."Sinilip niya ang mukha ni Gideon. Nakapokus ang tingin nito sa harap pero kapansin-pansin ang pagod sa mga mata nito. Lumunok siya. Naawa siya sa asawa.Umikhim siya saka nagbukas ng topic para maaliw naman ito. "May Bible ka ba? Gusto kong magbasa."Sumulyap saglit si Gideon sa kaniya. "Sa glove compartment." At binalik ang tingin sa harap.Binuksan niya ang maliit na hinged door sa dashboard at nakita niya ang isang pocketbook size new testam
Warning: Language.~Jewel is curious. There is something in her heart that urges her to read the Bible. Lumunok siya at pinahid ang pinagpawisang kamay.Katatapos lang ng preaching at nandoon si Gideon sa gilid ng mataas na platform ng public audi. Kausap nito si Angela at Sean. Mukhang napaliwanag na nito sa babae ang binintang niya rito kanina.Tumingin siya sa labas ng public audi. Tumama na ang sinag ng araw sa mga puno. Alas-tres na siguro ng hapon."Jewel."Napatingin siya sa tumawag. Si Gideon. Nasa tabi nito sina Angela at Sean.Nagulat siya nang humakbang palapit si Angela sa kaniya at yumakap. Gulat siyang nagpalipat-lipat ng tingin kina Sean at Gideon."I'm glad to know you," bulong ni Angela sa kaniya.Kumurap siya. Namalayan na lang niyang yumakap na siya pabalik kay Angela. May ngiting sumilay sa mga
Naningkit ang mga mata ng Pastor. "Minulat kayong lahat sa mundong ito na puno ng bitag. Sa bawat binabasang porno-grapiya at erotica ay isang hakbang papuntang impyerno. Sapagkat sa bawat istoryang binabasa mo, dahan-dahan kang hinihila palugmok sa kasalanan hanggang sa hindi mo na kayang bitawan at magpapakalulong ka na nang husto sa putik na minamahal mo nang husto!" Napalunok na naman si Jewel. "Galatians 5:19-21, Now the works of the flesh are evident, which are: adul-tery, forni-cation, uncleanliness, lewdness, idolatry, sorcery, hatred, contentions, jealousies, outbursts of wrath, selfish ambitions, dissensions, heresies, Envy, murder, drunkenness, revelries, and the like; of which I tell you beforehand, just as I also told you in time past, that those who practice such things will not inherit the kingdom of God. Sobrang linaw. Hindi makakaakyat sa langit ang sinumang gumagawa ng mga ganiyang bagay. Dahil gusto ng Diyos na maging banal
Una, sex outside marriage o sa ibang salita ay forni-cation. Ito ay ang paggawa niyon nang hindi kayo kasal. Kahit magkasintahan kayo o kaya engage, hindi kayo dapat pumapasok sa ganitong uri ng relasyon dahil malaking kasalanan ang paggawa ng bagay na dapat ay para lang sa dalawang taong ikinasal na. Bawal na bawal 'yan sa Bibliya! Yes, I am afraid that when I come again, God will humble me in your presence. And I will be grieved because many of you have not given up your old sins. You have not repented of your impurity, sexual immorality, and eagerness for lustful pleasure. (2 Corinthians 12:21) Pangalawa, pakikipagtalik sa kaparehong kasarian o homosexuality!" Naningkit ang mga mata ng Pastor. "Ang pakikipagtalik sa kaparehong kasarian ay isang nakakasukang gawain na hindi niyo dapat ginagawa o tinatangkilik! What happened to you? Why do you love to see, read, and proclaim homosexuality?" Huminga nang malalim ang Pastor. "Do you know the story of Sodom and