A Daughter's Love"Erin, umuwi ka na," ani Kuya Elmond sa kabilang linya. Nasa tinig niya ang pag-aalala."Dito muna ako, Kuya. Bukas na lang ako uuwi, kapag okay na ako." Mabilis kong pinahid ang mainit na likidong umalpas mula sa mata ko. "Kapag okay na si Mama."Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nandito ako sa bahay ng kaibigan ko, at makikitulog ako sa kanila ngayong gabi. "Pagpasensyahan mo na si Mama. Alam mo naman na hindi biro ang pinagdadaanan niya. Intindihin mo na lang. Alam kong babalik din siya sa dati," aniya."S-sige." Nakagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang hikbi na tatakas sa bibig ko. "Sige, Kuya. Ibaba ko na ito. Matutulog na ako.""O sige, mag-iingat ka riyan." Muli pa siyang napabuntong hininga. "Basta kung may problema ka, 'wag kang mahiyang lapitan ako. Nandito lang ako.""Salamat, Kuya."Muling lumandas sa aking pisngi ang mga luha ko. Minabuti kong umalis muna sa bahay namin para kumalma na
Last Updated : 2021-05-10 Read more