SAVI’S POVKanina pa ako pabalik-balik sa harapan ng human-sized mirror na nasa kwartong inuukupa namin ni Aiken. Hindi ako mapakali. Kanina ko pa nga napapansin ang panaka-nakang sulyap sa‘kin ng anak ko na gumagawa ng assignments sa kama. Pero kasi, kinakabahan ako na di ko mawari, e. Ilang minuto na lang at mag-a-alas-sais na. Ibig sabihin, malapit nang dumating si Aiden para sunduin ako. Nakapagpaalam na ako sa anak ko na may lakad ako ngayon at mukhang naintindihan naman niya. Hindi na kasi siya nagtanong pa na palagi niyang ginagawa sa tuwing naguguluhan siya sa isang bagay. Tahimik lang siyang nagmamasid sa‘kin. Kalaunan ay nagsalita siya. Hindi na siguro makatiis sa pagsunod ng tingin sa‘kin habang pabalik-balik na naglalakad. “Mom, are you okay? You are walking back and forth for almost five minutes.” Komento niya. Ang anak ko talaga, masyadong observant.Tumigil naman ako
Baca selengkapnya