SAVI’S POV
Naalimpungatan ako nang maramdamang may humahalik sa balikat at leeg ko.
“Baby ko, gising na.” Sabi ng isang baritonong boses. Tumatama ang hininga niya sa balat ko.
“Hmmm...” Ungot ko dahil inaantok pa ako. Tsaka duh? Anong oras na kami natulog dahil naikot namin ang buo niyang penthouse kagabi. Kulang na nga lang ay gawin namin iyon sa sahig. But why not? Masubukan nga sa sunod. Hehe.
“Baby ko...”
“Ten minutes, please? Inaantok pa ako.” Tumalikod ako sa kanya tsaka isinubsob ang mukha ko sa unan. Hubad pa ang katawan ko at tanging kumot lang ang tumatakip dito.
“Fine. Pero kapag hindi ka pa bumangon ng ten minutes, gagapangin kita, baby ko.” Banta niya tsaka naramdaman ko ang pag-alis niya sa kama.
Umangat ang ulo ko at sinilip siya gamit ang isang mata. “Marunong ka na ngayong manggapang, baby?” Tukso ko sa kanya. Topless s
SAVI’S POVKanina pa ako pabalik-balik sa harapan ng human-sized mirror na nasa kwartong inuukupa namin ni Aiken. Hindi ako mapakali. Kanina ko pa nga napapansin ang panaka-nakang sulyap sa‘kin ng anak ko na gumagawa ng assignments sa kama. Pero kasi, kinakabahan ako na di ko mawari, e. Ilang minuto na lang at mag-a-alas-sais na. Ibig sabihin, malapit nang dumating si Aiden para sunduin ako.Nakapagpaalam na ako sa anak ko na may lakad ako ngayon at mukhang naintindihan naman niya. Hindi na kasi siya nagtanong pa na palagi niyang ginagawa sa tuwing naguguluhan siya sa isang bagay. Tahimik lang siyang nagmamasid sa‘kin.Kalaunan ay nagsalita siya. Hindi na siguro makatiis sa pagsunod ng tingin sa‘kin habang pabalik-balik na naglalakad.“Mom, are you okay? You are walking back and forth for almost five minutes.” Komento niya. Ang anak ko talaga, masyadong observant.Tumigil naman ako
SAVI'S POV"Good morning, Ms. Cortez." Bati sa'kin ni Catrice nang makapasok ako sa loob ng Sahara Club. She is serving some customers malapit sa entrance kaya naman siya agad ang bumungad sa'kin.I mentally rolled my eyes. "Kailan ka pa naging waitress, Cat?" Tanong ko at ipinalibot ang tingin sa loob. Medyo marami ng mga customers kahit alas-sais y trenta pa lang ng umaga."Kahapon lang. Alam mo na, I love exploring things." Makahulugan siyang ngumisi na ikinailing ko. She finished putting the orders on the table and walks towards me, placing the tray between her arm and the side of her boob. Nakasuot siya ng black skinny jeans, puting sando at isang ankle boots. Kaya hindi na ako nagtaka na pinagtitinginan siya ng ilang mga tao sa loob. Hindi kasi tugma ang suot niya sa trabaho niya. Baliw lang."Sayang outfit." Puna ko at sabay kaming naglakad sa counter."At l
BLUE’S POV“Let's call it a day. Meeting adjourned. Thank you everyone.” Tumayo na ako at nauna nang umalis sa conference room.We just had a meeting together with the Board of Directors and talked about the monthly sales of ABL Enterprise. Tumagal din iyon ng lagpas dalawang oras dahil nagkaroon pa kami ng diskusyon kung paano pa mapapataas ang sales and market demands.Pumasok ako sa elevator. Kasunod ko lang ang aking sekretarya. She's a girl. Mabait siya, masunurin at maaasahan sa trabaho. Sumandal ako sa wall at hinayaan siyang pindutin ang button ng floor kung nasaan ang office ko. Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa last floor ng building. Nauna akong lumabas and was about to enter my office when my phone rang. Tumigil ako saglit and checked the caller.I smiled when I saw that it's my baby who's calling.I immediately answered the call. “Hey, baby ko. Missed me too?” Huma
BLUE’S POVNapapantastikuhang napapamasid ako kay Savi habang nakaupo siya sa couch. Sarap na sarap siya sa pagkain ng tinapay na pandesal habang sinasawsaw sa malamig na gatas.Hindi ako maka-pagpokus sa ginagawa ko kasi maya't maya ko siyang tinitingnan. Mukhang wala naman siyang pakialam na pinagmamasdan ko siya kasi parang hindi niya pansin ang presensya ko. Na parang siya lang ang tao sa loob ng opisina ko. Aish.Hindi ko siya maintindihan. Nabigla nga ako kanina kasi gusto raw niyang iuwi iyong secretary ko. Like, what the fuck? Bakit gusto niyang iuwi bigla iyong sekretarya ko? Nang hindi ako pumayag ay bigla siyang umiyak. Parang piniga ang puso ko kaya naman wala akong nagawa kundi ang pumayag nalang. Ayaw ko siyang nakikitang umiiyak. At ngayon ko nga lang siya nakitang umiyak.She was happy when I let her sa gusto niya. Nagtatalon-talon pa siya tapos yumakap sa‘kin ng mahigpit. And you know wh
BLUE'S POV“Thank you.” Sabi ko sa nurse sa front desk after kong magbayad ng bills. Binayaran ko na kasi iyong bill ni Savi rito sa Vasquez Hospital. The Doctor said she's okay naman daw at mukhang pagod at stress lang daw ang baby ko kaya nawalan ng malay kahapon. Stress siguro siya dahil sa nangyari kahapon sa mansion and isama pa na tumakbo siya paalis. Grabe iyong pakiramdam ko kahapon nang matumba siya sa mga bisig ko. I felt my world suddenly stopped for the meantime. Sobrang kaba ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. My breathe isn't on its normal state. Then nanginginig ang mga kamay ko habang nagmamaneho papunta sa hospital. Buti nalang at kahit papaano ay nakarating kami nang maayos because I can't risk her life. Dito na nga ako na
SAVI’S POVInilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng opisina niya. The atmosphere is so dark and boring. There are shelves of books around. Then isang shelf naman na puno ng mga mamahaling alak. I shook my head.Pagkarating namin kanina ni Aiden dito sa mansion nila, as in pagpasok pa lang namin ng main door, si Mrs. Laurel agad ang sumalubong sa‘min... sa‘kin. She hugged me na ikinagulat ko and what's more shocking was that, she feels sorry because of what his husband said to me. And asked me if I'm okay or so. Maybe because Aiden already told her what has happened to me. Nginitian ko na lang siya and told her it's fine. Parehas lang talaga sila ni Aiden kung mag-alala. Now I know kung kanino nagmana si Aiden. Huminto ang mga mata ko sa babaeng prenteng nakaupo sa mahabang sofa. She's smirking and glaring at me at the same time. I just raised my brows at her. Hindi ko
"Run fast, hide far away, baby. 'Coz no matter what, I'll chase you on my own way."SAVI'S POVThree days. Three fucking days already have passed and still, no sign of him. Hindi ko alam kung nasaan siya. Every time na pumupunta ako sa office niya, palaging 'he already left. I'm sorry, ma'am' ang sagot ng sekretarya niya sa'kin. Even in his penthouse, wala siya. I don't know where I could find him, but one thing is I'm sure of, he's with Blanca. Mali man na mag-isip ako ng kung ano-ano pero di ko maiwasan. Hindi ko nararamdaman ang presensiya ng hipon na 'yon at kahit ang kanyang anino ay di ko manlang nakikita pa.And that's what I concluded.Tatlong araw na ang lumipas mula nang malaman niya na may anak ako. I've been calling and texting him na magkita kami para makausap ko siya ng maayos, but no response from him. I want to explain my side to him. I want to explain everything... na mali ang
SAVI’S POV“Anak, doon ka muna ulit kina Lolo mo, ha? May gagawin lang si Mommy.” Pagkausap ko kay Aiken habang kumakain siya ng spaghetti. Again.Agad namang nagliwanag ang mukha ng anak ko. “Talaga po, Mommy? Yes!” Masaya niyang saad.Mahigit isang buwan na kami rito at masasabi kong sa loob noon ay mabilis na nakapag-adjust ang anak ko sa kapaligiran dito. Lalo na sa mga taong nakakasama nito. Marunong na rin siyang mag-Filipino pero may bahid pa rin ng konting accent. Hindi naman maiiwasan iyon lalo pa't nasanay siya sa London.Pero nakakatuwa na sobrang close agad niya sa parents ni Aiden. Ayaw na ngang humiwalay, e. Tsaka palaging may bitbit siyang mga laruan at damit sa tuwing sinusundo ko siya kina Mommy (Iyon daw ang itawag ko sa kanila) o kaya naman kapag hinahatid nila pauwi si Aiken. Mukhang spoiled na agad sa kanila ang anak ko. Siguro kasi unang apo nila kay Aide
I heaved a deep sigh before started opening the letter. Sobrang nanginginig ang mga kamay ko at muntik ko pang mabitawan ito kaya napapamura na lang ako. Damn. I can't help it. Ang lakas din nang tibok ng puso ko na halos mabingi na ako dahil feeling ko ay tibok lang nito ang napapakinggan ko.“Dear Aiden,” Unang basa ko pa lang ay parang may bumabara na sa lalamunan ko. This surely came from my baby. Siya lang naman ang tumatawag sa'kin gamit ang pangalawang pangalan ko.Umayos ako ng upo tsaka nagpatuloy sa pagbabasa. “Remember the night we accidentally bumped into each other? And you told me you waited me outside the girl's room. I was flattered on that. Kasi, sino nga bang mag-aakala na makikilala ko ang isang tulad mo noong gabing iyon? I was just enjoying my last stay with my besfriends that time. And then you happened. Honestly, I never expected to meet someone as innocent and naive like you. You were a man beyond my imaginations.
I was hurt when my ex cheated behind my back. I was in pain when she just used me for her greediness. Minahal ko siya higit pa sa sarili ko, and that was the biggest mistake I have ever done.Like what I thought.But when I accidentally bumped onto her, everything changed. Hindi ko yata maalis sa aking isipan ang napakaganda niyang mukha. Sa kabila nang pagiging heart broken, pumayag ako sa kagustuhan niya. Nagpadala ako sa agos dahil na rin sa kakaibang nararamdaman ko.Nang gabing may mangyari sa'min, ako na yata ang pinakamasayang heart broken sa mundo. I don't know what happened, alam kung mabilis, but I just found myself loving her unconditionally. Kahit hindi ko siya kilala. Funny how things fall into places.Akala ko, okay na ang lahat. I thought magiging masaya na ako hanggang sa huli. Pero hanggang akala lang pala. Kung kelan handa na akong aminin sa kanya ang totoo kong nararamdaman, at k
SAVI'S POVIlang linggo na ang nakalipas mula nang ma-discharge ako sa hospital at mailigtas ni Cali ang anak namin ni Aiden. Hindi ko masyadong nakausap si Cali tungkol sa pangyayaring iyon at mukhang ayaw niya ring ipaalam kung ano na ang nangyari kay Blanca. Wala akong alam kung ano ang ginawa niya sa baliw na iyon at ayaw ko na namang pag-usapan pa iyon. Ayaw ko nang isipin at balikan pa ang araw na iyon dahil nae-stress lang ako sa tuwing sumasagi iyon sa isipan ko.Nagpapasalamat na lang ako dahil maayos na kami ni Aiden at higit sa lahat, wala nang nanggugulo pa sa amin ngayon. Pero hindi pa rin ako kampante kaya humingi ako ng bantay kay Cali. Hindi alam nina Aiden iyon. Ayaw kong mag-alala pa sila sa tuwing lalabas at matutuliro kapag may nakikitang itim na van kaya hindi ko na sinabi. Alam ko kasing iisipin nila na hindi pa rin ligtas ang lumabas sila kapag may nakitang nakabantay sa paligid lang. I admit, mga snipers ang hinin
“No matter how hard I pretend to be okay, I still lose in every way.”BLUE'S POV“Maayos na ang lagay ng mag-ina mo, Mr. Laurel. Mukhang nabigla lang ang misis mo sa di inaasahang pagsipa ng anak niyo lalo pa at stress siya kaya nawalan siya ng malay. Kailangan niya lang ng sapat na pahinga. And I advice you to take care of your wife and the baby especially that her due date is near. Baka magkaroon ng complications at mahirapan silang parehas.” Bilin ng doctor matapos i-check up ang kalagayan ni Savi.“Thanks, Doc.” Tumayo ako at nakipagkamay sa kanya. Hindi alintana ang maling akala niya sa relasyong mayroon kami ni Savi. I didn't correct him either because I somewhat like what he just called her even though it's not true... or maybe half true because she's somehow a wife to me. Just so complicated.Ngumiti siya. “My pleasure, Mr. Laurel.” Tinapik niya pa ako sa balikat bago lumabas ng kwarto. Hindi si Trieve
SAVI’S POVNapayuko siya. “Baby ko... I'm sorry pero n-nawawala ang a-anak natin.” Mahinang saad niya ngunit sapat na iyon para marinig ko.Para akong nabingi at panandaliang tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa ibinalita niya. Nanlambot ang mga tuhod ko at muntikan na akong matumba kung hindi lang naagapan ni Em. Rinig ko ang mga pagsinghap at pagmumura sa paligid.“Baby ko!” Agad akong kinabig ni Aiden kaya napasandal ako sa dibdib niya.“S-Sabihin mo sa aking h-hindi iyon totoo...” Nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko. Nanginig ang mga labi ko.“Sshhh. I'm sorry, baby ko. I'm sorry.” Pag-aalo niya pero lalo akong napahagulgol sa sobrang pag-aalala.“Hanapin natin si Aiken. Gumawa ka ng paraan, Aiden. Please... hindi ko kayang m-mawala ang anak natin.” Garalgal ang boses ko habang nagsusumamo.“Oo, hahanapin natin si Aiken. For now, don't
SAVI'S POVNakahalukipkip ako habang nakatingin sa human-sized mirror sa kwarto ni Aiden. I'm wearing a black and white bodycon dress kaya halata ang baby bump ko. Pinaresan ko siya ng isang black wedge boot na two inches lang ang taas since bawal na akong magsuot ng matataas na takong kasi buntis ako.Almost seven months na rin ang baby namin kaya kailangan kong mag-ingat. Matibay man ang kapit ng anak namin ay ayaw ko pa ring makampante. Mahirap na, no one knows what will happen later or sooner. Ayaw kong mapahamak ang anak namin.“Baby ko, are you done?” Speaking of... Isang malambing na boses ang nagsalita mula sa kabubukas lang na pinto ng kwarto. Tiningnan ko siya mula sa salamin. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at nag-cross arms tsaka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. I can see admiration, love, and desire in his eyes. Nahuhumaling na naman siya sa kagandahan at kasek
SAVI’S POVMedyo tanghali na ako nagising kinabukasan dahil na rin siguro sa pagod. Wala na si Aiden sa kama. Siguro ay pumasok na siya sa company. We just had our sexy time last night at ang lokong 'yon, walang kapaguran. Magdamag niya akong ginapang at mag-a-alas tres na ng madaling araw bago niya ako tinigilan. Halatang na-miss ako ng loko. Sabik na sabik eh. Hihi.It's been a week since we got here in the Philippines. Yes, we are back. Nagkaproblema kasi sa kompanya niya at kinakailangan siya roon. Aiden asked me to come home with him together with Aiken since he doesn't want us to leave there in London. He's worrying about our safety. And also, gusto niyang magsama na kami sa iisang bahay. And who am I to reject that offer? I love Aiden and I'm willing to be with him forever. Though, I'm still waiting for that question.Dito kami sa mansion pinatitira ng Daddy niya since para naman daw ito sa kanya at meron na ring
SAVI’S POVDi ko maiwasang maluha habang pinagmamasdan ang mag-ama ko na masayang naghaharutan sa mini garden ko. Nagkakabayo-kabayo-han sila at si Aiden nga ang ginawang kabayo ng anak namin at mukhang enjoy na enjoy naman ang loko. Tuwang-tuwa siya na sinasakyan siya ng anak namin sa likod at nakahawak sa buhok niya habang sinasabayan nang pamunti-munting palo sa pwetan na para talagang nangangabayo.Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang dumating sila rito without my notice, though I was actually waiting and hoping for them to come. Pero kahit ganoon, hindi ko pa rin mapigilang mabigla nang masilayan sila. I'm still shocked at di makapaniwalang nandito na talaga sila, sa harapan ko... in flesh.Grabe iyong kaba ko no'n. Akala ko ay may nakapasok na sa pamamahay ko na magnanakaw. I almost gone mad at muntikan ko pa silang mabaril, thinking that they are thieves. But hearing his horrified voice made me come b
BLUE’S POVHuminga ako ng malalim bago mahigpit na kinapitan ang anak ko. Ayaw ko man siyang isama rito ay wala akong pagpipilian. Umalis sina Mom and Dad at iniwan nila sa‘kin si Aiken. Hindi ko naman siya pwedeng iwanan sa mansion dahil alam kong hahanapin niya lang ako at baka hindi siya mapatahan ng mga katulong kung sakali man na sumpungin ng iyak.“Cover your nose, kiddo.” Utos ko bago nagsimulang humakbang papasok sa maingay na lugar na may nagsasayawang mga ilaw at tao.Pinagtitinginan kami ng anak ko pero hindi ko na lang sila pinansin. Iginala ko ang paningin ko sa loob at nakahinga ako ng maluwag nang makita ang hinahanap. Mabilis akong nagtungo sa VIP lounge kung saan masayang nagkukwentuhan sina Evans at mga kaibigan ko kasama ang dalawang familiar na lalaki. Hindi ko lang matandaan kung saan at paano ko sila nakikilala.“Tito Sungit!” Mabilis na kumawala sa pagkakarga ko si Aike