Home / Romance / What You Give Is What I Give / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of What You Give Is What I Give: Chapter 11 - Chapter 20

34 Chapters

Chapter 10

Binalaan na kita noon, Ezra, pero hindi ka nakinig sa 'kin. Napakalaking kahihiyan nito sa pamilya!” mahinahon pero mariing saad ng chairman na siyang lolo niya sa father' side.Sa halip na nasa opisina ay narito siya ngayon sa Saavedra Mansion, dahil hindi lang pala siya ang pinadalhan ng video ng hindi kilalang sender na 'yon, kun'di pati na rin ang lahat ng miyembro ng pamilya niya na ngayo'y nakapulong na sa enggrandeng hapagkainan ng naturang mansion.Ang chairman na siyang grandpa niya na nasa dulo ng mesa, ang grandma niya na nasa kaliwang side ng chaiman, ang father niya na nasa kabilang dulo ng mesa, ang mother niya ay nasa right side ng ama niya, at samantalang siya'y nasa left side naman nito.Maliit lang ang pamilya nila dahil nag-iisang anak lang ng chairman ang father niya, at wala rin naman siyang kapatid, kaya nga nag-iisang tagapagmana lang talaga siya ng mga Saavedra. Though may mga kapatid, pinsan, at mga pamangki
last updateLast Updated : 2020-10-19
Read more

Chapter 11

"Honey, let's go,” tawag niya na kay Julius na nasa bathroom pa ng kuwarto nila, saka na siya naglakad palabas para puntahan ang anak nilang nag-aantay na sa baba.Hindi nagbago ang pakikitungo niya sa asawa niya sa kabila ng natuklasan niya. Sa kabila ng sakit na nararamdaman niya dahil sa ginawa nitong kataksilan sa kaniya'y nagagawa niya pa ring ngitian, yakapin, at halikan ang asawa niya.Dahil gaya ng plano niya'y wala siyang balak na ipaalam dito na may nalalaman na siya. Alam niya na ang lahat ng impormasyong dapat malaman, kaya hindi niya na kailangan pa ng paliwanag ng asawa niya; hindi na nito kailanga’ng magpaliwanag pa sa kaniya.“Wala ka na ba'ng nakalimutan? Ang inhaler mo, nasa bag mo na ba?” tanong niya sa anak nang maabutan ito sa sala habang nagbabasa ng libro nito.“Yes, Mommy,” sagot nito, saka na isinilid ang libro sa bag nito't tumayo.“Good. Mauna ka na sa kotse, pababa na rin
last updateLast Updated : 2020-10-30
Read more

Chapter 12

After two days…“Bumalik uli ako kahapon sa condo niya pero wala siya, pinuntahan ko rin siya sa kanila pero maski ang pamilya niya ay wala rin, ‘tapos bigla nalang mapapanood ko sa balita na bumagsak na ang kumpanya nila?” Namomroblemang naisuklay niya ang kamay sa buhok niya. Narito siya ngayon sa opisina ng kaibigan niyang si Raniel na isang manager ng isa sa mga sikat na restaurant dito sa Crimson Wood; which is the ‘9;19 Fusion Beanery.’“Sinabi ko naman na kasi sa 'yo, tigilan mo na 'yan; kilala mo si Cielo, ang laki ng eager niya na sirain kayong dalawa ni Ezra, kaya hindi na 'ko magugulat kung nasabi niya na 'yan sa asawa mo,” tila'y paninisi nito sa kaniya, dahilan para lalo siyang mamroblema.“Pero wala namang sinasabi si Ezra, mukang wala pa naman siyang alam.” Gano'n pa rin naman ang pakikitungo sa kaniya ng asawa niya, kaya siguro naman ay hindi pa pinupuntahan ni Cielo ang asawa niya; kaya kailangan niya talaga’ng
last updateLast Updated : 2020-10-30
Read more

Chapter 13

“Ilang araw kang mawawala?” tanong ni Julius habang tinutulungan siyang mag-impake ng mga gamit na dadalhin niya.Isang araw na rin ang lumipas mula nang personal silang magkakilala ng girlfriend ng asawa niya, at ngayon ay nagpaalam siya sa asawa niya na inutusan nanaman siya ng ama niya na bumisita naman sa France para tignan ang mga branches nila do'n.But that's a lie. Hindi lang naman asawa niya ang marunong magsinungaling, she can also do that basically.Hindi talaga sa France ang punta niya, kun'di sa Harmony Bridge; kakaibiganin niya si Camina at susubaybayan niya ang gagawin ni Julius habang wala siya, nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi niya na ito nakikitang nakatutok sa cellphone nito, at ayon sa napagkakatiwalaan niyang tao na isa sa mga empleyado ni Julius ay hindi na ito lumiliban sa trabaho. ‘Maybe that's the reason kaya gano'n ang naging reaction ni Camina kahapon nang tanungin ko ang tungkol sa pagpapakasal
last updateLast Updated : 2020-10-31
Read more

Chapter 14

‘So my husband is really just playing with her.’ She stifled a grin after hearing Camina's recount.Base sa kuwento nito, talagang hindi nga seryoso ang asawa niya sa pakikipagrelasyon dito, pero mukang nabulag nito ang kawawang babaeng 'to.“I think hindi nga siya seryoso sa 'yo, kasi kung talagang serious siya sa relationship niyo, hindi niya gagawin 'to sa 'yo, hindi ka niya sasaktan. Anyway, did he already told you that he loves you?”Hindi nakaimik si Camina at bahagyang napayuko. ‘Alam ko na ang sagot. Of course my Honey only loves one woman, and that's me, only me.’“But I love him, I really do,” sa halip ay sagot nito na nananatili ang tingin sa lamesa. Bumuntong hininga siya. ‘Gago ngang talaga ang asawa ko, tss.’ This lady is innocent, pero dinumihan ito ng taksil niyang asawa.“Pero mahal ka rin ba niya?” tanong niya dito, pero muli ay hindi ito nakasagot.‘Masasaktan
last updateLast Updated : 2020-10-31
Read more

Chapter 15

Pinag-isipan niyang maigi ang mga sinabi ni Ezra kahapon, at nakapagdesisyon na siya; tama si Ezra, walang mangyayari kung maghihintay lang siya sa pagbabalik ni Julius, ni hindi na nga siya sigurado kung babalikan pa ba siya ehh, baka nagmumuka nalang siyang tanga kahihintay sa wala.Wala na siyang pakialam kung magagalit ito dahil pupunta siya sa workplace nito ng walang paalam, kasalanan naman nito dahil mukang ayaw nitong magpa-contact sa kaniya, at saka tama naman talaga si Ezra, may karapatan siya dahil girlfriend siya nito.Kaya naman hindi siya pumasok ngayon sa shop dahil ngayon niya planong magtungo sa Emerral City para puntahan ang nobyo niya; tinawagan niya na rin si Ezra dahil gusto niyang tanggapin ang alok nitong pagsama sa kaniya, para kung sa kali mang may mangyaring hindi maganda, hindi siya nag-iisa, may kaibigan siyang makakapitan.Palabas na sana siya ng bahay niya nang mapahinto, dahil pagbukas niya ng kani
last updateLast Updated : 2020-10-31
Read more

Chapter 16

“Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko, o nag-re-reply sa mga text ko?” kunot noong tanong niya nang sa wakas ay tawagan na siya ng asawa niya. Isang buong araw talaga itong hindi sumagot sa mga calls and messages niya mula kagabi, ‘tapos ngayon after niyang mag-dinner ay sa wakas tumawag na rin ito.“Medyo naging busy lang dito, Honey, nagkaro'n kasi ng problema sa isang branch. I'm sorry,” sagot nito na medyo pagod ang boses, kaya agad na nawala ang pagkakakunot ng noo niya at napalitan ng pag-aalala para sa asawa niya.“Are you okay, Honey? Masyado ba'ng malaki ang naging problema?” nag-aalalang tanong niya rito.“Yeah, pero okay na, naayos naman na ngayon.” Narinig niya pa ang malalim na pagbuntong hininga nito. Mukang napagod talaga ito sa inayos na problema.“Honey, don't stress yourself, okay? Magpahinga ka, 'wag mo masyadong pagurin ang sarili mo at 'wag na 'wag kang magpapalipas ng gutom, 'wag mo 'ko
last updateLast Updated : 2020-10-31
Read more

Chapter 17

Pasakay na siya sa sasakyan niya nang bigla niyang maalala ang babaeng aksidente niyang nabunggo kahapon na nagngangalang Ezra.Mag-isa lang ito at bukod sa iniinda nitong nabaling braso ay halatang-halata na may iniinda rin itong problema, kitang-kita niya 'yon sa muka nito, kahit pa ngumingiti ito sa kaniya at wala siyang makitang emosyon sa blangko nitong mga mata.'Yon ang pinagtatakhan niya; ngayon lamang siya nakakita ng taong may gano'ng ka-blangkong mga mata; nararamdaman niya naman ang sinseridad sa mga sinasabi nito, pero ang hirap talagang basahin ng mga mata nito. ‘'Cause it's really dull.’ Gusto niya sana'ng magtanong, pero baka isipin nito na masyado na siyang nanghihimasok, samantalang hindi pa naman talaga sila masyadong magkakilala.Pero sa kabila ng blangko nitong mga mata, napakaganda naman ng ngiti nito, kahit pa alam niyang may iniinda itong problema at pinipilit lamang na ngumiti sa harapan niya.
last updateLast Updated : 2020-10-31
Read more

Chapter 18

Ilang araw na rin ang lumipas mula nang personal na magkakilala sila ni Venzie, at nagtagumpay nga siya sa plano niya dahil talagang binalik-balikan nga talaga siya nito sa hotel.Hindi siya nito pinipilit na magkuwento tungkol sa inaakala nitong problema niya, pero alam niyang humahanap lamang ito ng tiyempo dahil sa tuwing binabanggit nito ang tungkol sa problema kuno niya'y ipinakikita niya ang natural na itsura niya, at mukang ikinababahala ni Venzie ang nagiging kawalan niya ng emosyon.Mas naging malapit silang dalawa sa isa't isa, dahil parati siya nitong sinasamahan sa pamamasyal niya, kaya naman mas nakilala niya pa ito. Talagang mabait ang binata, napakalayo sa personalidad ng asawa niya, at ang laking kawalan nito para kay Camina; kung sana pinatawad na lamang nito ang binata, edi sana hindi ito nasasaktan ng ganito ngayon.Ngayon ay kasama niya si Venzie, maaga siya nitong sinundo kanina sa hotel para ayaing akyatin ang
last updateLast Updated : 2020-11-01
Read more

Chapter 19

“Masarap dito promise, isa ito sa mga kainang dinadayo ng mga turista dito sa Darlay,” pagmamalaki niya nang makapasok sila sa sikat na kainan dito sa probinsiya nila; ang ‘Sisigan ni Inang.’“Tiwala naman ako sa 'yo, Doc. Order na tayo? Medyo gutom na 'ko ehh hehe,” nakangiting sagot nito, kaya naman pinaghila niya na ito ng upuan, at saka na sila nag-order.“Masarap nga,” nakangiting usal ni Ezra matapos lunukin ang unang subo nito, dahilan para lalo siyang mapangiti.“Sabi naman sa 'yo ehh,” nagmamalaking sagot niya. Paborito niya kasi ang kainang 'to, kaya kahit na medyo malayo sa place niya ay talagang sinasadya niya ito dito para lang kumain.“You know magaling rin akong magluto, graduate ako ng HRM and Culinary Arts,” nagmamalaki rin nitong saad.“Really? 'Di ba sabi mo company CEO ka? Chef ka rin?” kunot noong tanong niya.Nagkibit balikat ito. “Ako lang ang natatanging heir
last updateLast Updated : 2020-11-01
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status