Pinag-isipan niyang maigi ang mga sinabi ni Ezra kahapon, at nakapagdesisyon na siya; tama si Ezra, walang mangyayari kung maghihintay lang siya sa pagbabalik ni Julius, ni hindi na nga siya sigurado kung babalikan pa ba siya ehh, baka nagmumuka nalang siyang tanga kahihintay sa wala.
Wala na siyang pakialam kung magagalit ito dahil pupunta siya sa workplace nito ng walang paalam, kasalanan naman nito dahil mukang ayaw nitong magpa-contact sa kaniya, at saka tama naman talaga si Ezra, may karapatan siya dahil girlfriend siya nito.
Kaya naman hindi siya pumasok ngayon sa shop dahil ngayon niya planong magtungo sa Emerral City para puntahan ang nobyo niya; tinawagan niya na rin si Ezra dahil gusto niyang tanggapin ang alok nitong pagsama sa kaniya, para kung sa kali mang may mangyaring hindi maganda, hindi siya nag-iisa, may kaibigan siyang makakapitan.
Palabas na sana siya ng bahay niya nang mapahinto, dahil pagbukas niya ng kani
“Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko, o nag-re-reply sa mga text ko?” kunot noong tanong niya nang sa wakas ay tawagan na siya ng asawa niya. Isang buong araw talaga itong hindi sumagot sa mga calls and messages niya mula kagabi, ‘tapos ngayon after niyang mag-dinner ay sa wakas tumawag na rin ito.“Medyo naging busy lang dito, Honey, nagkaro'n kasi ng problema sa isang branch. I'm sorry,” sagot nito na medyo pagod ang boses, kaya agad na nawala ang pagkakakunot ng noo niya at napalitan ng pag-aalala para sa asawa niya.“Are you okay, Honey? Masyado ba'ng malaki ang naging problema?” nag-aalalang tanong niya rito.“Yeah, pero okay na, naayos naman na ngayon.” Narinig niya pa ang malalim na pagbuntong hininga nito. Mukang napagod talaga ito sa inayos na problema.“Honey, don't stress yourself, okay? Magpahinga ka, 'wag mo masyadong pagurin ang sarili mo at 'wag na 'wag kang magpapalipas ng gutom, 'wag mo 'ko
Pasakay na siya sa sasakyan niya nang bigla niyang maalala ang babaeng aksidente niyang nabunggo kahapon na nagngangalang Ezra.Mag-isa lang ito at bukod sa iniinda nitong nabaling braso ay halatang-halata na may iniinda rin itong problema, kitang-kita niya 'yon sa muka nito, kahit pa ngumingiti ito sa kaniya at wala siyang makitang emosyon sa blangko nitong mga mata.'Yon ang pinagtatakhan niya; ngayon lamang siya nakakita ng taong may gano'ng ka-blangkong mga mata; nararamdaman niya naman ang sinseridad sa mga sinasabi nito, pero ang hirap talagang basahin ng mga mata nito. ‘'Cause it's really dull.’ Gusto niya sana'ng magtanong, pero baka isipin nito na masyado na siyang nanghihimasok, samantalang hindi pa naman talaga sila masyadong magkakilala.Pero sa kabila ng blangko nitong mga mata, napakaganda naman ng ngiti nito, kahit pa alam niyang may iniinda itong problema at pinipilit lamang na ngumiti sa harapan niya.
Ilang araw na rin ang lumipas mula nang personal na magkakilala sila ni Venzie, at nagtagumpay nga siya sa plano niya dahil talagang binalik-balikan nga talaga siya nito sa hotel.Hindi siya nito pinipilit na magkuwento tungkol sa inaakala nitong problema niya, pero alam niyang humahanap lamang ito ng tiyempo dahil sa tuwing binabanggit nito ang tungkol sa problema kuno niya'y ipinakikita niya ang natural na itsura niya, at mukang ikinababahala ni Venzie ang nagiging kawalan niya ng emosyon.Mas naging malapit silang dalawa sa isa't isa, dahil parati siya nitong sinasamahan sa pamamasyal niya, kaya naman mas nakilala niya pa ito. Talagang mabait ang binata, napakalayo sa personalidad ng asawa niya, at ang laking kawalan nito para kay Camina; kung sana pinatawad na lamang nito ang binata, edi sana hindi ito nasasaktan ng ganito ngayon.Ngayon ay kasama niya si Venzie, maaga siya nitong sinundo kanina sa hotel para ayaing akyatin ang
“Masarap dito promise, isa ito sa mga kainang dinadayo ng mga turista dito sa Darlay,” pagmamalaki niya nang makapasok sila sa sikat na kainan dito sa probinsiya nila; ang ‘Sisigan ni Inang.’“Tiwala naman ako sa 'yo, Doc. Order na tayo? Medyo gutom na 'ko ehh hehe,” nakangiting sagot nito, kaya naman pinaghila niya na ito ng upuan, at saka na sila nag-order.“Masarap nga,” nakangiting usal ni Ezra matapos lunukin ang unang subo nito, dahilan para lalo siyang mapangiti.“Sabi naman sa 'yo ehh,” nagmamalaking sagot niya. Paborito niya kasi ang kainang 'to, kaya kahit na medyo malayo sa place niya ay talagang sinasadya niya ito dito para lang kumain.“You know magaling rin akong magluto, graduate ako ng HRM and Culinary Arts,” nagmamalaki rin nitong saad.“Really? 'Di ba sabi mo company CEO ka? Chef ka rin?” kunot noong tanong niya.Nagkibit balikat ito. “Ako lang ang natatanging heir
One month na rin ang nakalipas mula nang makilala niya sa Ricks Bar si Julius, at sa mga nakalipas na araw ay talagang hindi na ito nagpakita o nagparamdam pa sa kaniya; kung gaano ito kabilis na dumating sa buhay niya ay gano'n rin ito kabilis na umalis.Hanggang ngayon ay masakit pa rin, hindi naman kasi gano'n kadaling mag-move on, pero sa kabila ng sakit na nararamdaman niya ngayo'y pinilit niya pa ring mamuhay ng normal, ‘tulad no'ng mga panahong hindi niya pa nakikilala ang lalaking naging sanhi kung bakit gabi-gabi siyang umiiyak ngayon.“Ma'am Camina, ang tamlay niyo po ngayon, magpahinga muna ho kaya kayo? Kami na hong bahala dito,” magalang na saad ng isa sa mga empleyado niya, tumutulong kasi siya sa pag-asikaso sa mga costumer ngayon, pero medyo masama nga ang pakiramdam niya mula pa kaninang pag-gising niya, nasuka pa nga siya kanina habang nagluluto dahil sa amoy ng ginigisa niyang bawang.“Siguro nga, medyo nahihilo d
“Gaga ka! Buntis ka nga! Sino'ng ama niyan?!” pabulalas na tanong ni Angeline matapos nilang makita ang dalawang pulang guhit sa pregnancy test kit.Umiling-iling lamang siya habang nakasabunot sa sariling buhok. Buntis nga siya, may nagbunga nga sa mga ginawa nilang pagtatalik ni Julius.‘Ano na'ng gagawin ko ngayon?’ Iniwan na siya ni Julius, siguradong hindi nito pananagutan ang batang ngayon ay nasa sinapupunan niya na. Ano na'ng gagawin niya ngayon?!“Ano'ng iling-iling 'yan, Camina? Hindi mo alam kung sino'ng ama niyan? Umamin ka nga sa 'kin, Sis, me'ron ka ba'ng hindi sinasabi sa 'kin?” kunot na kunot ang noong muling tanong nito. Napahilamos na lamang siya sa muka niya't pinunasan ang mga luhang nagsitulo mula sa mga mata niya.“Sorry, Angeline, sorry, hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon, ang tanga-tanga ko kasi ehh, ang tanga-tanga ko!” umiiyak na sagot niya, saka humagulgol. Paano niya palalakihin ang b
“Sis, 'wag mong iyakan ang gano'ng klase ng lalake, he don't deserve your tears!” pag-aalo sa kaniya ng kaibigan habang nasa loob sila ng isang coffee shop dito pa rin sa Crimson Wood.Hindi niya pa rin talaga mapigilan ang sariling umiyak; niloko lamang siya ni Julius, at higit sa lahat ay ginawa siya nitong kerida! May asawa na pala itong tao, at eight years na itong kasal, tapos ito siya, dinadala ang bunga ng kataksilang ginawa nilang dalawa.Naaawa siya sa asawa nitong pinagtaksilan nito, pero mas naaawa siya sa sarili niya dahil nakagawa na pala siya ng kasalan nang hindi manlang niya nalalaman.'Yong sakit na naramdaman niya nang makipaghiwalay ito sa kaniya ay parang nadoble, nakakaawa siya, nakakaawa ang anak niya dahil nagkaro'n ito ng amang hayop at walang kuwenta!“Ang tanga ko kasi, Sis ehh, bakit kasi hindi ko muna manlang siya kinilala bago ako nagpakatanga sa kaniya?! Kasal na siya, Angeline! Ano nal
“You saw her here in Crimson Wood? Ano naman raw ang ginagawa niya dito?” tanong niya nang mabanggit ni Venzie na nakita nito si Camina kanina lang sa isang coffee shop kung sa'n nito binili ang dala nitong cake and coffee kanina lang.Ano naman kaya ang ginagawa ni Camina dito sa lungsod na 'to? Ano ang pakay nito dito? Ang asawa niya? Nalaman na ba nito na nagsisinungaling ang asawa niya tungkol sa lokasyon ng trabaho at tirahan na sinabi nito?Gusto niyang ngumisi dahil sa isiping baka gano'n na nga. Kung gano'n ay talagang hindi ito maka-get over sa asawa niya.“I dunno, pero ang sabi niya may pinuntahan lang daw sila, kasama niya si Angeline, kaibigan niya since college,” sagot nito.Umayos siya ng upo't tipid na ngumiti dito. “So, Doc Venzie…” pagbibitin niya.“What?” tanong nito, kaya nginisian niya ito, dahilan para mangunot ang noo ng lalake.“So… ano ang naramdaman mo nang
‘Five years later…’Sa limang taong nakalipas ay naging buo at matatag pa rin ang pamilya niya, though hindi na talaga maiiwasang magkaro'n ng problema na sumusubok sa tatag ng pagsasama nilang mag-asawa.Malusog na nailuwal ni Ezra ang anak nito at ni Venzie, at gaya ng gusto ng chairman ay isa itong malusog na lalake, na pinangalanan ng mga itong ‘Valzie Saavedra;’ napagdesisyonan ng mga itong Saavedra ang dalhin nitong pangalan dahil na rin sa kagustuhan ng chairman.At gaya ni Ezra ay malusog ring naipanganak ni Camina ang anak nila na isa namang babae na pinangalanan ni Camina'ng ‘Carmela,’ ayaw man ni Camina pero apelido pa rin niya ang pinagamit dito dahil naman sa kagustuhan ni Ezra.Wala ring nagawa si Camina nang mapagdesisyonan ni Ezra na kunin si Carmela nang tumuntong na ito ng isang taon para sa bahay na patirahin kasama nila, naglaban pa si Camina pero sa huli ay wala pa rin itong nagawa kun'di ang da
“Camina, right? Ano'ng pinagkakaabalahan mo ngayon? Bukod sa paglandi---”“Mom, stop it,” may nagbabantang tinig na putol niya sa ina, kaya agad na napairap ang ina niya at nagpatuloy na lamang sa pagpapakain sa anak niya, kaya naman nakangiti niyang binalingan si Camina.“Don't mind her, ganiyan lang talaga si Mommy,” nakangiting saad niya rito, pero napasinghal lang si Camina at nakangiwing tinignan silang lahat.“Nababaliw na kayong lahat, Ezra just cheated on her husband, nagpabuntis siya sa ibang lalake ‘tapos okay lang sa inyo 'yon? My God, ano'ng klaseng pamilya kayo? Kinukunsinti niyo ang pagiging makasalanan ng anak niyo!”“How dare you?!” galit na bulalas ng ina niya matapos marinig ang winika ni Camina.“Bakit? Totoo naman ang sinabi ko! Wala akong kasalanan sa inyo! Wala akong alam na may asawa na si Julius! Pero bakit kailangan niyo pa 'kong idamay sa kabaliwan na 'to?!”
‘Finally it's happening.’ Tipid siyang napangisi nang ihinto na ng kaniyang asawa ang kotse sa tapat ng mansion. Nilingon niya ang asawang nagtatanggal na ng seatbelt at walang kangiti-ngiti sa muka.Of course hindi nito nagustuhan ang ginawa niya, pero ano pa ba ang magagawa nito? She's the boss in this family! At isa pa'y ito ang nagsimula, ito ang unang nagkasala, kaya wala itong magagawa kun'di tanggapin ang lahat ng ibibigay niyang kapalit.“Smile, Honey,” nakangising saad niya, saka naman nilingon ang anak niya sa backseat na abala sa panonood ng isang psychological movie sa iPad nito.“Tigilan mo na muna 'yan, Ezianna, nandito na tayo,” utos niya dito.“Okay po, Mommy,” mabilis na pagsunod nito, saka na ibinalik ang iPad nito sa loob ng sarili nitong bag.‘My daughter is really a good child, she always obeying my words.’Naipaliwanag niya na rin dito ang magiging sitwasyon ng
“Sira ulo ka talaga, I'm on my way,” natatawang saad niya sa kaibigang nasa kabilang linya. Tumawag ito sa kaniya kanina dahil nag-aaya nanama'ng mag-night hang out si Uno, pero ngayon dito naman sa Crimson Wood, mabuti na lamang at kasama niya kanina si Ezra nang tumawag ito kaya agad siyang nakapagpaalam sa asawa niya, at mabuti na lamang sa kabila ng nagawa niyang kasalanan ay pinayagan pa rin siya nito, dahil ngayon nangangako na talaga siyang wala nang gagawing kalokohan pa, nadala na siya.Kaya ngayon ay maaga siyang nag-out sa trabaho dahil tumawag nanaman itong si Raniel dahil kasama na raw nito ngayon si Uno sa ‘Krix Night Bar’ na hindi nalalayo sa resto na pag-aari niya.Nang makarating sa naturang bar, agad siyang nagtungo sa VIP Room na kinuha ng dalawang kaibigan.“Musta, pre? Balita ko muntik ka nang mawalan ng asawa ahh,” nakangising salubong sa kaniya ni Uno.“Sa'n mo naman nasagap ang balitang 'yan?
Hindi niya alam kung ano'ng mararamdaman ngayon, matapos marinig ang kuwento ni Camina ay kung ano-ano na ang pumasok sa isipan niya.Ang dating nobya ang kabit ni Julius na siyang asawa ni Ezra na ngayo'y babaeng tinatangi niya; coincidence lang ba 'yon? O sinadya?Ayaw niyang isipin pero hindi niya mapigilan; paano kung tama ang tumatakbo sa isipan niya ngayon? Paano kung ginagamit nga lang siya ni Ezra para gumanti sa asawa nito?Pero hindi pa nga ba? Ito na mismo ang nagsabi na gusto nitong iparamdam sa asawa nito ang nararamdaman nito ngayon.Pero bakit nga ba siya? Nagkataon nga lang ba ang pagkakakilala nilang dalawa? Aksidente ba talaga ang pagkabangga niya dito sa kalsada? Gano'n ba ito kadesididong magantihan ang asawa nito para ipahamak ang sarili at sadyang magpasagasa sa kaniya?Pero kung gano'n nga, bakit siya pa? Dahil ba may nakaraan silang dalawa ni Camina? Gusto rin nitong magantih
“Hindi ako natatakot sa inyo! Kahit na dalhin niyo pa 'to sa korte, ako lang ang may karapatan sa anak ko!” matapang na sambit niya sa babae. Ipaglalaban niya ang anak niya kahit na ano'ng mangyare!“Hindi mo 'ko gugustuhing kalabanin, Camina, mukang hindi mo kilala ang pamilyang kinabibilangan ko.”“Wala akong pakialam kung sino pa kayo! Anak ko 'to, kaya akin lang 'to! Tigilan mo na 'ko, Ezra, hindi ko alam kung bakit niyo ginagawa sa 'kin 'to, ano ba ang ginawa kong kasalanan sa inyo?!” Talagang hindi niya na napigilan ang paghagulgol niya, at naiinis siya dahil ang kaharap niya ay nananatili pa ring kalmado sa kabila ng pagsigaw na ginagawa niya. Bakit ba kasi ang bilis niyang magtiwala? Parati nalang tuloy siyang naloloko.“Wala kang ginawang kasalanan, Camina, ang gusto ko lang naman ay makasama ng asawa ko ang anak niya sa 'yo, mahirap ba 'yon? Wala naman akong planong ilayo 'yang nasa sinapupunan mo, pero kung hindi ka makik
‘Two weeks have passed…’“Ano ba talaga ang pinaplano mo, Ezra? Sino itong lalaking nakarating sa 'king dumadalaw sa opisina mo halos araw-araw?”Pinatawag siya ng chairman sa opisina nito sa mansion dahil sa kumakalat na tsimis ngayon sa kumpanya, dahil sa pagpapapunta niya kay Venzie sa opisina niya; iba't ibang usapin ang naging sanhi no'n, may iba na sinasabing kaibigan niya 'yon, 'yong iba naman ay kabit niya, at may iba naman na sinasabing kamag-anak niya.Wala siyang pakialam sa sinasabi ng mga tao, ang mahalaga ay naisasakatuparan niya na ang plano niya.“Don't worry chairman, naayos ko na ho ang tungkol sa kumakalat na usapin tungkol sa 'kin, at tungkol naman sa lalakeng pumupunta sa opisina ko, kasama siya sa plano kong pagpaparusa sa asawa ko,” malumanay at hindi nagpapakita ng kahit ano'ng emosyong sagot niya.Tumaas ang dalawang kilay ng chairman, at parang biglang naging interesado sa
Alam niyang hindi ito tama, pero si Ezra na mismo ang nagmakaawa sa kaniya, paano niya matatanggihan ang babaeng ngayon ay mukang tuluyan nang nakapasok sa puso niya?Hindi niya alam kung paano, basta naramdaman niya na lamang, tuluyan na nitong pinalitan si Camina sa puso niya.‘Tapos heto ngayon ang babae, nagmakaawa sa kaniyang iligtas ito mula sa sakit na nararamdaman nito dahil sa taksil nitong asawa; nagmakaawa sa kaniyang agawin niya ang puso nito mula sa pinakasalan nitong lalake.Alam niyang isa itong malaking pagkakamali, isang kasalanan ang ginagawa nilang ito, pero hindi niya na mapigilan pa ang sarili, lalo na't si Ezra na mismo ang lumapit sa kaniya.Mahal niya na si Ezra, at dahil sa pagmamahal na ito ay nakagawa siya ngayon ng malaking kasalanan.“Venzie…” daing ni Ezra nang bumaba ang kaniyang mga labi sa mabango nitong leeg at doon naglaro kasama ng kaniyang mapangahas na dila.
“Ezra,” gulat na banggit ni Venzie sa pangalan niya nang mapagbuksan siya nito ng pinto. Nagtungo siya dito sa Darlay para talaga sadyain ito sa bahay nito, alam niya kasing day off nito ngayon.“Venzie…” mahinang usal niya sa pangalan ng binata, saka siya mahigpit na yumakap dito at umiyak sa balikat nito. “I need you, Venzie, please help me,” umiiyak na saad niya. Nabakas ang pag-aalala sa muka ni Venzie na gumanti ng yakap sa kaniya.“What happened, Ezra?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya, pero sa halip na sumagot ay isang walang buhay na ngisi ang gumuhit sa mga labi niya, at saka isinubsob ang muka sa leeg nito't sinimulang halikan ito sa parteng 'yon.“Ezra!” gulat na bulalas nito dahil sa ginawa niya, saka siya nito marahang itinulak palayo. “Ano'ng problema, Ezra? Ano'ng ginagawa mo dito?” kapagkuwan ay tanong nito.Mapait siyang ngumiti. “I need you, Venzie, nasasaktan ako ngayon, puwede ba'ng tulungan mo