Chapter 1 Sophie's POV ”Sophia Nicole P. Mendoza, hindi ka pa ba bababa riyan?! Male-late ka na!” sigaw ni nanay sa akin mula sa baba. Sakto naman pababa na rin ako ng hagdan. “Si nanay naman, tinawag pa ang buong pangalan ko. Pwede naman Sophie na lang,” reklamong bulong ko sa sarili. “Aba, e kung hindi pa kita tinawag sa buo mong pangalan, hindi ka pa bababa riyan,” sermon ni nanay sa akin. Narinig pala ni nanay ang bulong ko. Kailangan ba talaga buong pangalan? Ma-try nga, baka sakaling bumaba rin ang mga ulap sa langit. Hihi! Tinapos ko agad ang pagkain at saka ako humalik sa pisngi nina nanay at tatay bago ako nagpaalam sa kanila na aalis na. "O’sige. Mag-iingat ka. "Wag maging lutang ang utak," paalala ni nanay at tatay.
Last Updated : 2020-10-02 Read more