“BAKIT parang ang tahimik mo yata Audace? Nag-away ba kayo ni Dave?” kinagabihan nang magkaharap silang kumakain ng hapunan ni Lerma.“Naku hindi po ‘Ta, m-medyo masakit lang po ang ulo ko” pagdadahilan niya saka pilit na ngumiti.“Kilala kita anak, ano? Umamin ka nga sa akin?” giit nito.Noon siya nagpakawala ng buntong hininga. “’Ta kung kayo po ang tatanungin ko, kung halimbawang hindi ninyo ako kaanu-ano, sa tingin ninyo bagay kaya ako kay Dave?” insecure niyang tanong.Nakakaunawa siya nitong nginitian. “Sa itsura, oo naman!” walang gatol nitong sagot. “panigurado magkakaroon ako ng magaganda at gwapong apo sa inyong dalawa.”“‘Ta naman, hindi po iyon ang ibig kong sabihin” natatawa niyang sabi.“Alam ko, pinapangiti lang kita” anitong pinakatitigan siya sandali saka muling nagsalita. “bakit kailangan ba may basehan kapag nagmamahal ang isang tao?” isang kibit-balikat lang ang itinugon niya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Noon muling nagsalita si Lerma. “Normal lang ang nararam
Huling Na-update : 2020-09-24 Magbasa pa