“ANONG akala mo sa akin Mia, namumulot ng pera?” nang makapasok sa kabahaya, iyon agad ang narinig ni Careen mula sa silid ng tiyahing si Annabelle. Galing siya sa SJU at kinuha ang mga classcards niya para sa unang semester ng school year na iyon.
“HEY kuya kumatok ka naman muna” sita sa kanya ni Leo na napabalikwas ng bangon.“Kumatok, pinakealaman mo nanaman ang wardrobe ko. Nawawala iyong polo shirt kong blue and green stripes” inis niyang saad saka hinalungkat ang basket ng maruming damit ng kapatid. “there, alam mo bang kabibili ko lang nito?” inis niyang ibinato ang damit sa kapatid.
NORMAL na sa malaking simbahan ng San Jose ang mapuno tuwing araw ng linggo.At dahil nga napakalaki ng simbahan nakagawian na niyang maupo sa bandang likuran. Malayo pa kasi ang lalakarin niya kung lalapit pa siya sa altar.
“HIMALA, mukhang masaya ka? Iyong CD ko?” si Leo na nanonood ng TV sa family room.“Walang stock” aniyang nakangiting ibinagsak ang sarili sa malambot na sofa.“Parang nag-iba yata ang ihip ng hangin. May nangyari bang maganda sayo
“ILANG taon kana hija?” ang mabait na tanong sa kanya ni Lemuel Policarpio II. Nasa opisina sila ng ginoo at kasalukuyan siyang kinakausap.“Seventeen po” maikli niyang sagot saka nahihiyang ngumiti.Kanina nang sabihin sa kanya ni Aling Curing na sa mansyon ng mga Policarpio ito nagtatrabaho ay mabilis siyang naala
“T-THANK you po.”“Welcome, and I mean it, maganda ka. Very beautiful actually” naramdaman niyang totoo sa loob ng binata ang sinabi kaya sa isang iglap ang pagkailang na nararamdaman niya ay bahagyang nabawasan.“Dito na po ba kayo kakain?” tanong niyang kumuha plato.
“DAD busy kayo?”“Hindi naman, bakit?” sagot nito. Naupo siya sa silyang nasa harap ng mesa nito saka sandaling pinakatitigan ang ama. Sa isip niya, kung paano sisimulan ang lahat ng gusto niyang sabihin.
“HULAAN mo kung sino ako” napangiti siya Martes ng hapon, nasa likod-bahay siya at nagsisilong ng sinampay nang may magtakip ng kanyang mga mata mula sa likuran. Iniba pa nito ang boses nito para hindi niya makilala.“E-Em?” aniya sa pag-aakalang si Lemuel iyon pero nagkamali siya. “ay, sir Leo kayo po pala” lihim siyang nadismaya.
“EXCUSE me” ang malamyos na tinig na iyon ang nagpaangat ng ulo ni Careen ilang sandali matapos siyang maupo.“Yes?” aniya sa magandang babaeng nakatayo sa tapat ng silyang katabi ng okupado niya.