“DAD busy kayo?”
“Hindi naman, bakit?” sagot nito. Naupo siya sa silyang nasa harap ng mesa nito saka sandaling pinakatitigan ang ama.
Sa isip niya, kung paano sisimulan ang lahat ng gusto niyang sabihin.
“HULAAN mo kung sino ako” napangiti siya Martes ng hapon, nasa likod-bahay siya at nagsisilong ng sinampay nang may magtakip ng kanyang mga mata mula sa likuran. Iniba pa nito ang boses nito para hindi niya makilala.“E-Em?” aniya sa pag-aakalang si Lemuel iyon pero nagkamali siya. “ay, sir Leo kayo po pala” lihim siyang nadismaya.
“EXCUSE me” ang malamyos na tinig na iyon ang nagpaangat ng ulo ni Careen ilang sandali matapos siyang maupo.“Yes?” aniya sa magandang babaeng nakatayo sa tapat ng silyang katabi ng okupado niya.
FRIDAY, iyon ang unang araw niya sa hininging trabaho sa Daddy niya kapalit ang pagpapaaral nito kay Careen. Sa ganoong araw kasi mas maaga ang labas niya sa eskwela. Sixty eight hours ang kailangan niyang ikumpleto sa buong semester. At kung hahatiin iyon sa lahat ng Biyernes na mayroon ang limang buwan, pumapatak na apat na oras ang kailangan niyang ipasok every Friday. Ok
PAGKATAPOS ng hapunan, naisipan niyang maglagi muna sa pool side. Hindi pa naman siya inaantok at isa pa gusto rin niyang magpahangin muna dahil sa nararamdamang sama ng pakiramdam. Malamang dahil sa pa-palit-palit na klima. Ilang sandali narin siya roon nang maramdaman ang papalapit na mga yabag. Lumingon siya, si Leo. Nakangiti itong lumapit at naupo sa isang bakanteng sil
HAPON nang dalhan niya ng meryenda sa silid nito ang binata. Tatlong katok, at nang walang sumagot ay napilitan siyang pumasok. Humaplos sa puso niya ang kakaibang damdamin ang mabungaran ang binatang mahimbing na natutulog. Inilapag niya ang dalang tray sa sidetable saka tinitigan ang gwapong mukha nito.Kahit sabihin pang suplado ang aura ng mukha ni Lemuel talaga namang hi
"OH, akala ko ba magsisimba tayo?" aniya kay Lemuel nang makitang busy ito sa paglilinis ng sarili nitong kotse matapos nilang mag-agahan."Saglit lang naman ito" ang binatang patuloy sa ginagawa.
“N-Nagising?”Tumango. “Napanaginipan kasi kita kaya nagising ako” sagot nito saka ngumiti.“Bangungot?” natawa siya habang sa puso niya naroon ang kakaibang tuwa hatid ng sinabi ng binata.
“HI” nang lapitan siya ni Lemuel kinabukasan ng hapon sa library. Mag-isa lang siya doon kaya naramdaman niya ang pagkalat ng tensyon sa paligid. Kahapon hindi naman nila nakasama si Bianca sa pagsisimba. Pagkatapos kasi nilang mamili ay dumating na ang sundo nito na pinadalhan pala ng text ng dalaga. Hindi naman