“EXCUSE me” ang malamyos na tinig na iyon ang nagpaangat ng ulo ni Careen ilang sandali matapos siyang maupo.
“Yes?” aniya sa magandang babaeng nakatayo sa tapat ng silyang katabi ng okupado niya.
FRIDAY, iyon ang unang araw niya sa hininging trabaho sa Daddy niya kapalit ang pagpapaaral nito kay Careen. Sa ganoong araw kasi mas maaga ang labas niya sa eskwela. Sixty eight hours ang kailangan niyang ikumpleto sa buong semester. At kung hahatiin iyon sa lahat ng Biyernes na mayroon ang limang buwan, pumapatak na apat na oras ang kailangan niyang ipasok every Friday. Ok
PAGKATAPOS ng hapunan, naisipan niyang maglagi muna sa pool side. Hindi pa naman siya inaantok at isa pa gusto rin niyang magpahangin muna dahil sa nararamdamang sama ng pakiramdam. Malamang dahil sa pa-palit-palit na klima. Ilang sandali narin siya roon nang maramdaman ang papalapit na mga yabag. Lumingon siya, si Leo. Nakangiti itong lumapit at naupo sa isang bakanteng sil
HAPON nang dalhan niya ng meryenda sa silid nito ang binata. Tatlong katok, at nang walang sumagot ay napilitan siyang pumasok. Humaplos sa puso niya ang kakaibang damdamin ang mabungaran ang binatang mahimbing na natutulog. Inilapag niya ang dalang tray sa sidetable saka tinitigan ang gwapong mukha nito.Kahit sabihin pang suplado ang aura ng mukha ni Lemuel talaga namang hi
"OH, akala ko ba magsisimba tayo?" aniya kay Lemuel nang makitang busy ito sa paglilinis ng sarili nitong kotse matapos nilang mag-agahan."Saglit lang naman ito" ang binatang patuloy sa ginagawa.
“N-Nagising?”Tumango. “Napanaginipan kasi kita kaya nagising ako” sagot nito saka ngumiti.“Bangungot?” natawa siya habang sa puso niya naroon ang kakaibang tuwa hatid ng sinabi ng binata.
“HI” nang lapitan siya ni Lemuel kinabukasan ng hapon sa library. Mag-isa lang siya doon kaya naramdaman niya ang pagkalat ng tensyon sa paligid. Kahapon hindi naman nila nakasama si Bianca sa pagsisimba. Pagkatapos kasi nilang mamili ay dumating na ang sundo nito na pinadalhan pala ng text ng dalaga. Hindi naman
“Sobra, mahal na mahal kita. Kaya ko nga ginawa ang lahat kasi gusto kong ipakita sayo kung gaano ako kaseryoso sayo. Alam mo iyon, kasi alam kong alam mo ang background ko. Kaya ginawa ko ang lahat ng hindi ko pa nagagawa sa ibang babae, kasi I want to make sure na makukumbinsi kitang totoo ako sayo. Na mahal na mahal kita, na gusto kitang ingatan at alagaan” ani Lemuel saka itinaas ang kamay niyang hawak nito at hinalikan.“Ginawa ang lahat?”
“TAMANG-TAMA” kapapasok lang niya ng komedor nang marinig ang tinurang iyon ni Lemuel. “everyone, I have an announcement to make” lumipad ang tingin niya sa nobyo na sa kanya rin nakatingin. Agad na bumilis ang tahip ng kanyang dibdib dahil sa pagtatamang iyon ng kanilang mata. Pero nang ngumiti ito ay agad na nag-init ang kanyang mukha. “Come here sweetheart,” kusa humakbang ang mga paa niya palapit sa kinaroroonan ng binata. Nagtatanong ang mga mata niya itong tinitigan. At kahit nahuhulaan na niya ang gagawin ng binata, hindi parin nabawasan ang matinding nerbiyos na nararamdaman niya. “I am very happy and proud to introduce to you, my girlfriend. Si Careen” ang sumunod na narinig niya ay palakpakan. Nilibot niya ng tingin ang paligid. Sina Yvette, Lem at Leo ang noon ay nakadulog sa mesa. Bakas sa mukha ang tuwa para kay Lemuel. Mabilis na nag-init ang kanyang mga mata saka nakangiting tiningala ang binata na nakita niyang amuse na nakatitig sa kanya. “I love you so much” ani