NAPAPIKIT siya saka makalipas ang ilang sandali ay kusang umangat ang kamay niya saka masuyong humaplos sa mukha ng binata.
“S-Subukan? Alam mo ba kung ano ang una kong sinabi sa sarili ko nung makita kita sa parking lot? Kung ikaw ang boyfriend ko, kahit ilang beses siguro akong umiyak okay lang” nakita niyang nangislap ang mga mata ni Dave dahil sa sinabi niyang iyon.
“ANONG resulta?” ang bungad niya kay Dave na kalalabas lang ng Faculty Room ng PE. Nakangiti nitong iwinasiwas ang hawak na index card.Kinuha niya iyon. “wow flat one, lucky charm talaga kita Dave!” aniyang yumakap nobyo na gumanti rin ng mahigpit na yakap sa kanya.
KINABUKASAN gaya ng sinabi ni Dave, pagkatapos ng klase ay sa bahay ng grandparents nito sila nagtuloy.At paris din naman ng naramdaman niya nang una siyang dalhin ng binata sa bahay ng mga ito ay pirmi ang kabang nasa dibdib niya.“Bakit ang tahimi
“BAKIT parang ang tahimik mo yata Audace? Nag-away ba kayo ni Dave?” kinagabihan nang magkaharap silang kumakain ng hapunan ni Lerma.“Naku hindi po ‘Ta, m-medyo masakit lang po ang ulo ko” pagdadahilan niya saka pilit na ngumiti.“Kilala kita anak, ano? Umamin ka nga sa akin?” giit nito.Noon siya nagpakawala ng buntong hininga. “’Ta kung kayo po ang tatanungin ko, kung halimbawang hindi ninyo ako kaanu-ano, sa tingin ninyo bagay kaya ako kay Dave?” insecure niyang tanong.Nakakaunawa siya nitong nginitian. “Sa itsura, oo naman!” walang gatol nitong sagot. “panigurado magkakaroon ako ng magaganda at gwapong apo sa inyong dalawa.”“‘Ta naman, hindi po iyon ang ibig kong sabihin” natatawa niyang sabi.“Alam ko, pinapangiti lang kita” anitong pinakatitigan siya sandali saka muling nagsalita. “bakit kailangan ba may basehan kapag nagmamahal ang isang tao?” isang kibit-balikat lang ang itinugon niya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Noon muling nagsalita si Lerma. “Normal lang ang nararam
“TARA na!” kinabukasan kasalukuyan siyang nag-aabang ng traysikel sa waiting shed nang hintuan siya ng isang owner typed jeep na nakilala niyang si Alfred ang driver.Umiling siya bilang pagtanggi. “halika na! O gusto mong ako pa ang magpasok sayo dito sa loob ng sasakyan?” pabiro ang pagkakasabi pero iba ang
HALOS mabingi siya sa sobrang katahimikan nang pareho na silang nasa loob ng kotse ng binata. Kanina pa niya gustong umiyak pero nagpipigil siya.Ilang sandali pagkatapos ay iniabot sa kanya ng binata ang paperbag na nakita niyang dala nito kanina pa. Marahil iyon ang sinadya ni Dave sa mall kaya ito naroroon.
UNATTENDED. Kanina pa niya tinatawagan si Audace pero iyon ang paulit-ulit niyang naririnig. Nag-aalala na siya, ano kaya ang nangyari at bakit isang oras ng late sa usapan nila ang dalaga? Hindi na niya kayang maghintay, kung tatayo lang siya roon alam niyang lalo siyang papatayin ng nerbiyos at pag-aalala kaya nagmamadali siyang sumakay ng kotse. Noon naman tumunog ang kanyang cellphone.
ONE MONTH LATERNAG-IINIT ang mga mata niyang hinagod ng tingin ang mukha ng asawang si Dave nang lingunin siya nito matapos itigil ang motor sa tapat mismo ng lote kung saan naroon ang puntod nina Thelma at Danica. Galing sila sa opisina ni Atty. Serrano, ang ninong sa binyag ni Dave na siyang lihim na nagkasal sa kanila.
“ANONG akala mo sa akin Mia, namumulot ng pera?”nang makapasok sa kabahaya, iyon agad ang narinig ni Careen mula sa silid ng tiyahing si Annabelle. Galing siya sa SJU at kinuha ang mga classcards niya para sa unang semester ng school year na iyon.
NATAPOS ang kantapero nagpatuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pagkatapos ay sinimulan ni Raphael na tuyuin ang kanyang mukha. Dahil doon ay nagkaroon siya ng chance na titigan ng husto ang maiitim na mata ng binata. Sa ganda ng mga iyon, mahihiya ang buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat” ang binata na masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Suminghot s
MALUGOD naman iyong tinanggap ng kanyang Daddy. “Ganoon rin ako, halika na sa loob sasamahan kita sa kwarto ni Louise” ani Ralph na nagpatiuna papasok sa loob na sinundan naman ni Arthur at maging ni Hilde.Ilang sandali lang at muli silang naiwan ni Dave. “Pagkatapos nito, wala ka ng ibang dapat gawin kundi asikasuhin ang kundisyon mo. Masaya ako para sayo” naramdaman niya sa tinig ng kaibigan ang sinabi nito.Ngumiti siya. “Salamat&rdq
SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch. Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael
SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise.Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch
BASANG-BASA ang mukha niya matapos marinig ang kwento ng binata.“Sinabi ba niya kung bakit niya kami iniwan?”Noon hinawakan ni Raphael ang baba niya saka iniharap rito. &ldqu
NAPABUNGISNGIS doon ang binata.Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran. “Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?” napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.“M-Meron! Kas
“R-RAPHAEL?”nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. “k-kararating mo l-lang?” bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.
“LET’S dance?” isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael. “H-Ha?” kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.“Come, ayokong matapos ang gabing ito
“IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay.Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo” nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.