(Zhia POV) Ang tanging namamagitan sa amin itong dinadala ko. Pagkatapos wala na. Madali naman akong kausap. Di ko ipinipilit ang sarili sa bagay na ganito.Kung ayaw, respetuhin na lang. Wala tayong magagawa. Tanging magagawa ko na nga lang talaga ang alagaan ang bata habang nasa sinapupunan ko pa ito.“Zhia.” Tawag niya sa akin. Kahit tinawag niya ako sa aking pangalan. Di ko hinayaan na umangat ang aking paningin. Kung nanaisin ko nga, gusto kong takpan ang tenga ko dahil baka may di na naman siyang magandang sasabihin.Sa tuwing tinatawag niya ako noon, masaya pa akong tutugon. Ngunit ngayon ibang usapan na. Tawag niya sa akin na may kasunod na panlalait at masasakit na salita. Mga bagay na di ko dapat marinig dahil alam naman niya na masasaktan ako.Pag uwi namin sa Pilipinas, kailangan ko nga kausapin si Kuya, tungkol sa sinabi ni Sean tungkol sa kanya na hindi ko siya kapatid.“Bi
Last Updated : 2021-04-03 Read more