ZieMalamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking katawan, alas-kwatro na ng hapon at kami nalang dalawa ni Nick ang nakikita kong tao rito sa may dagat. Nakaupo lamang ako sa may buhangin habang pinapanood si Nick sa pagsu-surfing.This is our second day here sa lugar nina Nile at Joe, parang katulad lang din sa Hacienda ni Gabriel ang ambiance sa lugar na 'to, sobrang tahimik at payapa, malayo sa nakagisnan kong pamumuhay sa syudad."Are you okay, dad?" Tanong sa akin ni Nick, hindi ko man lang namalayan na naka-ahon na pala ito sa mula sa dagat sa sobrang lalim ng aking iniisip."Hmm? I'm okay, baby." Malumanay kong tugon sa kanya. Inilapag ni Nick ang kanyang surf board sa may buhangin at tumabi sa akin."Parang ang lalim kasi ng iniisip mo, dad." Sambit ni Nick na nakatingin sa akin habang ako naman ay diretso lang ang tingin sa may dagat.Isang malalim na buntong-hininga muna ang aking pinakawalan bago ako tumingin kay Nick, nagpan
Last Updated : 2021-09-24 Read more