Zie
"Hey! Are you mad at me?" Tanong ko kay Nick, kanina ko pa kasi ito napapansin na sobrang tahimik niya at hindi ako komportable na ganito siya, sa tuwing magkasama kami ay hindi ito nauubusan ng kwento, he always makes me smile by his jokes and sweet talks pero ngayon ay hindi na ako nito pinapansin at parang umaakto ito na hindi niya ako kasama.
"Can you please stop pretending that everything is okay? Can you at least tell me what's going on your mind? Hindi ako manghuhula, Nick." Sambit ko sa kanya dahilan para mapatingin ito sa akin, hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon, hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o naiinis.
"Ang gago natin, Zie." Mariing sambit ni Nick dahilan para pagtaasan ko ito ng kilay.
"What do you mean?" Takang tanong ko sa kanya, mapakla itong ngumiti sa akin at pinahid ang luha na tumulo mula sa kanyang mata. Parang pinipiga ang aking puso sa tuwing nakikita itong umiiyak, gusto ko itong yakapin at punasan ang kanyang luha
ZieNakapiring ang aking mga mata kaya wala akong maaninag, hindi ko na rin alam kung nasaan si Nick dahil pinaghiwalay kami ni Brandon kanina pagkapasok sa loob ng sasakyan. Hindi ko rin alam kung saan kami dadalhin ni Brandon."Take off my blindfold, Brandon." Utos ko sa kanya nang maramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin narinig na nagsalita si Nick kaya nagsisimula na akong kabahan."Sadly, you're not the one in charge here, Zie." Tugon naman ni Brandon at sigurado akong sa pagkakataong ito ay malawak ang ngisi nito sa kanyang labi."What do you want from us?" Tanong ko kay Brandon pero lumipas ang ilang minuto at hindi na ito tumugon sa aking tanong."Nick?" Tawag ko sa kanyang pangalan, gusto kong malaman kung nandito rin ba siya sa loob ng sasakyan kasama ko."Puta! Magsalita ka naman, Nick." Mura ko at hindi na mapigilang pang pagtaasan ito ng boses. Pero kagaya kanina ay wala pa rin akong nakuhang
ZieHinayaan kami ni Luciano na makalabas mula sa kanyang yate kung saan niya kami ikinulong. Hanggang ngayon ay wala pa ring gustong magsalita sa amin ni Nick, hindi ko na rin alam kung nasaan sina Rex at Gabriel dahil nauna silang lumabas at nang makalabas na kami ni Nick ay hindi ko na sila naabutan pa.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, everyone blames me and I'm not surprised anymore, palagi namang ganito. It's always my fault, for being selfish and heartless."Where the fvck are we?" Naiinis kong tanong sa aking sarili, hindi ko tinapunan ng tingin si Nick kahit na kanina ko pa gustong tingnan ang itsura nito na sigurado akong puno ng pasa at dugo.Nasa may pantalan pa rin kami ni Nick at mabuti nalang at wala masyadong tao sa paligid, siguradong magtataka sila kung bakit kami naka-boxer lang ni Nick at may pasa pa sa mukha nito. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad kahit na hindi ko alam kung saan ako patungo, nakasunod lamang sa aki
Zie *flashback* Nasa kolehiyo pa rin ako kahit na 23 years old na ako, marami kasi akong subject kung saan bumagsak ako. Hindi ko alam kung bakit pa ako nag-aaral kung pagdating ng panahon ay mamanahin ko lang din naman ang kompanya ni daddy, palagi niyang sinasabi sa akin na ako ang magmamana sa lahat ng mga business niya bilang ako ang nakakatanda sa aming apat na magkakapatid. "Ano ba naman 'yan kuya, kanina ko pa tinuturo 'to sa'yo pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ma-gets, simpleng math lang naman ito." Sambit ni Zuck sa akin na yamot na yamot at napakamot na lamang sa kanyang ulo, kanina niya pa ako tinuturuan ng differential equation, ang subject na dalawang beses ko nang ibinagsak. "It's not a simple math, Zuck." Reklamo ko sa kanya, napabuntong-hininga na lamang ito at itiniklop na ang notebook kung saan nakalagay ang isang equation na tinuturo niya sa akin. "Ano ba naman 'yan, kuya Zie. Dapat alam mo na 'to dah
ZiePagkapasok ko sa game room ay nadatnan kong magkayakap pa rin sina Zeke at Zuck habang si Zach naman ay nakatingin lang sa nakababatang kapatid namin at alam kong nag-aalala na ito."We should tell dad about what's happening here, kuya Zie." Sambit sa akin ni Zach."I'm calling dad." Tugon ko sa kanya at agad itong tumango-tango, huminga muna ako ng malalim bago ko kinuha sa aking bulsa ang aking cellphone at tinawagan ang numero ni dad. Naglakad ako palayo kina Zuck dahil ayokong marinig ni Zeke ang pag-uusapan namin ni daddy."Hello, Zie?" Tugon ni daddy sa kabilang linya, makalipas ang isang minutong pagri-ring ay doon niya pa lamang sinagot ang aking tawag."When are you coming back? Zeke is looking for you." Sambit ko at pasimpleng tumingin kay Zeke na nakayakap pa rin kay Zuck. Narinig kong tumikhim si daddy sa kabilang linya."I don't know, maybe this weekend. Tell Zeke that I'll be back soon." Sambit ni daddy at bigla kong narini
Zie"Bilisan niyo at baka ma-late na ako sa klase." Sambit ko sa aking mga kapatid, nagkukumahog naman na bumaba sina Zuck, Zach at Zeke. Wala naman talaga akong pakialam kung ma-late ako sa klase lalo na't napaka-boring ng propesor namin at isa pa ay wala rin naman akong maiintindihan sa lesson. Pero kailangan kong mag madali ngayon dahil preliminary exam namin sa differential equation at kailangan ko pang hanapin ang classroom kung saan ako naka-assign, hindi kasi mga kaklase ko ang makakasama ko sa exam room, paraan iyon ng mga propesor para maiwasan ang pag-cheat ng studyante sa exam."Galingan mo sa exam mo mamaya, kuya Zie." Sambit sa akin ni Zuck at matipid ko lang itong nginitian bago ako sumenyas na pumasok na sila sa loob ng sasakyan, nang makapag-seatbelt na sila ay pumasok na rin ako sa loob at binuhay ang makina ng sasakyan.Hindi naglaon ay nakarating kami sa pribadong paaralan na aming pinapasukan, isa-isa silang bumaba at nagpaalam hanggang sa ak
ZieKinabukasan pagkarating ko sa skwelahan ay hindi muna ako bumaba sa aking sasakyan, hawak-hawak ko ang aking cellphone at hinihintay ang resulta ng exam kahapon. Kahit na si Chino ang sumagot sa exam ko ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan at mag-alala, bigla ko kasing naisip na paano kung ginagantihan pala ako ni Chino sa pag-aangas ko sa kanya at puro mali ang sinagot niya sa questionnaire ko? Tangina! Kapag hindi ako pumasa rito ay talagang hahanapin ko si Chino para bugbugin.Muli kong tiningnan ang oras, sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na kanina pa pala naka-post ang result ng exam. Agad kong binuksan ang university app sa aking cellphone at tiningnan ang results, hindi na ako nag-abala pang tingnan ang mga topnotchers dahil sigurado naman akong wala ako sa listahan, dumiretso ako sa baba at hinanap ang aking pangalan, madali lang namang hanapin ang mga pangalan namin dahil naka alphabetical order naman ito. Habang hinahanap ko ang aking pangalan
ZieIt's been three days mula nang huli kong makita si Chino, hindi ko na rin ito nakita sa university dahil hindi naman kami magkaklase. Not that I care though, pero nakokonsensya lang kasi ako dahil hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap, gusto ko sanang humingi ng paumanhin dito pero pinangunahan ako ng pride kaya naman tahimik lang kami habang hinahatid ko ito patungo sa kanyang apartment na tinutuluyan."Fvck! Bakit ko ba iniisip ang putang iyon?" Mahinang sambit ko sa aking sarili."Sino ang puta, kuya Zie?" Biglang tanong sa akin ni Zuck, muntik ko nang makalimutan na kasama ko pala sila rito sa loob ng sasakyan. Wala akong klase every Wednesday pero kailangan kong ihatid ang mga kapatid ko sa school."Kuya, hindi pa ba tayo aalis? Malapit na akong ma-late sa unang subject ko." Tanong naman ni Zach, napabuga na lamang ako ng malalim na hininga at binuhay ang makina ng sasakyan, walang pasabi na pinaharurot ko ng takbo ang sasakyan at tining
ZieHapon na nang makauwi ako sa bahay at hindi ko mapigilang magtaka nang makita ko si mommy sa living room kasama ang aming family attorney, may mga papeles na nagkalat sa mesa. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kuryusidad dahil malimit ko lamang makita rito sa bahay si mommy sa ganitong mga oras, isa pa sa ipinagtataka ko ay kung bakit kasama nito si attorney Alvarez."What's happening here?" Kuha ko sa kanilang atensyon, agad na napalingon silang dalawa sa akin."Your father is being a prick to me, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ibinibigay sa akin ang perang hinihingi ko and as a consequence, I am selling this house." Tugon ni mommy na para bang sobrang dali lang para rito ang sinasabi nito, hindi ko alam kung bakit napakadali lang sa kanya ibenta ang bahay na 'to kung saan kami nakatira simula bata pa lamang kami, sobrang dami nang mga memories na pinagsamahan namin dito and I won't let her take that away from me."Are you out of your fvcking m
Ashton"B-Bakit po tayo lumiko, sir? Hindi po ako taga rito sa subdivision, malapit po sa may La Lena Cafe iyong bahay namin, nasa labas po iyon nitong subdivision at malapit sa may campus," sambit ko sa pulis na nagmamaneho ng patrol car nang mapansin ko na imbes na palabas kami ng subdivision ay lumiko kami kaya naman parang binalikan ko lang iyong nilakaran ko kanina."Huwag kang mag-alala, bata. You're safe with us." Tugon ng pulis at napalunok na lamang ako ng laway nang maramdaman ko ang kamay nito na pumatong sa aking hita dahilan para kilabutan ako."Um, baka pwedeng ihatid niyo na lang po ako sa may guardhouse, magta-taxi na lang po ako." Pakiusap ko sa kanila pero imbes na tumugon ay narinig ko lamang ang mahinang pagtawa nila na para bang may nakakatawa sa aking sinabi.Tangina! Mukhang pinagtitripan ako ng dalawang pulis na 'to."Chill ka lang, bata. Wala kaming balak na masama sa'yo," bulong ng isang pulis sa akin at ewan ko ba kung bakit pero may parte talaga sa aking is
Ashton"Done," sambit ko kay Harry at pagkatapos ay inayos ko na ang mga gamit at ibinalik iyon sa first-aid kit. Kinuha ko na rin ang mga nagkalat na bulak na puno ng dugo bago ako tumayo at nagtungo sa labas ng bahay nito para itapon ang mga bulak."Siguro naman ay pwede na akong umuwi ngayong tapos na kitang tulungang linisin iyang sugat mo," muli kong sambit kay Harry pagkabalik ko sa may sala ngunit tinaasan lamanh ako nito ng kilay."Paano kaya kung bugbugin kita at pagkatapos ay itapon ko ang katawan mo sa may pinakamalapit na ilog? Sa tingin mo may maghahanap sa'yo? You seem homeless and alone pa naman." Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang sinabi sa akin ni Harry, nang una ay gusto kong isipin na nagbibiro lang ito pero hindi ko naman ito narinig na tumawa at isa pa ay sigurado akong hindi na bago sa kanya ang mambugbog."M-My friends knew that I am with you right now. I took a picture of your motorcycle and your house, kapag hindi nila ako nakita sa school bukas ay ik
Ashton"Saan mo na naman ba ako dadalhin?" Tanong ko kay Harry na medyo may pagkainis ang tono ng boses. Ibinigay nito sa akin ang isang kulay itim na helmet ngunit tinitigan ko lamang iyon at hindi tinanggap."In my house." Tipid na tugon ni Harry at pagkatapos ay pwersahan nitong isinuot sa aking ulo ang itim na helmet kaya wala na akong nagawa pa para pigilan ito."Ano na naman ang gagawin natin sa bahay mo? Pwede bang tigilan mo na ako? Wala na naman siguro akong utang sa'yo diba? I mean hindi ka naman nakipagsuntukan doon sa matandang lalaki, hindi ka naman umabot sa hospital dahil sa pagtatanggol sa akin. Okay na iyong isang beses na dinala mo ako sa bahay mo." Sambit ko kay Harry ngunit sunod-sunod lamang akong napalunok ng laway nang makita ang pagdilim ng mukha nito na para bang ilang sandali lang ay handa na itong makipagsuntukan."Sa tingin mo ba talaga ay bayad ka na sa akin? I don't think so." Mariing sambit ni Harry sa akin at pagkatapos ay hinubad nito ang suot na jacke
Ashton"Hey, here's your apron. Nalabhan ko na 'yan kaya pwede mo na 'yang suotin ngayon." Sambit sa akin ni Gabe pagkapasok ko sa loob ng counter at pagkatapos ay mabilis na inabot nito sa akin ang apron ko na hiniram nito kahapon dahil sa nagkaroon ng maraming mantsa ng tsokolate ang apron nito. I can't help but wonder kung ano ang ginawa nito kasama ang girlfriend nito rito sa cafe nang nagdaang araw at napuno ng mantsa ng tsokolate ang apron nito. I don't think it was just an accident dahil sobrang dami naman ata ng tsokolate na tunapon sa apron nito. I think he did something naughty with his girlfriend here, not that I care though."Can you serve this food to table number seven and then take table number eight's order. The cafe is quite busy right now." Muling sambit sa akin ni Gabe kaya naman mabilis ko nang isinuot ang aking apron habang tinitingnan ang kabuuan ng cafe, puno ang mga mesa ng customer at kadalasan sa kanila ay puro mga studyante na parang ginawa ng library itong
Zuck"One instant black coffee with espresso, please." Sambit ko sa isang lalaki na nakasuot ng kulay brown na apron kaya naman ipinagpalagay kong isa ito sa mga waiter na naka-duty ngayon dito sa La Lena Cafe, it's a lame name to be honest but I don't have a choice anymore dahil ito na lang ang nakita kong bukas na cafe ngayon at kanina pa hinahanap ng aking katawan ang matapang na lasa ng isang kape."Black coffee with espresso. Would that be all, sir?" Tanong ng lalaki sa akin."What's your bestseller here?" Tanong ko sa lalaki at tiningnan ko ang maliit na nametag na naka-embroid sa may bandang dibdib ng apron nito. Hindi ko mapigilang mabigla nang mabasa ang pamilyar na pangalan na nakasulat sa nametag nito, I suddenly remember that familiar name like it was imprinted in the back of my mind. I remember his name along with his broken promises."Our bestsellers here are the Tuna Sandwich and the Classic Hotdog bun, sir." Tugon naman sa akin ng lalaki at tumango-tango lamang ako rit
Ashton"Where are we?" Tanong ko kay Harry pagkahinto nito sa motor, inilibot ko ang aking paningin sa paligid at hindi ko mapigilang mamangha. Nasa isang subdivision kami ng mga mayayaman, maganda sa paningin pagmasdan ang mga ilaw sa bawat bahay at isa pa sa nagustuhan ko sa lugar na ito ay sobrang tahimik kaya parang ang sarap magmumi-muni rito tuwing gabi."What do you think of this place, Ashton?" Tanong sa akin ni Harry dahilan para mapatingin ako sa kanya at pagkatapos ay nagkibit-balikat."Bakit mo ako dinala rito? Anong gagawin natin?" Tanong ko imbes na sagutin ito, ayokong sabihin dito na gusto ko ang lugar na ito dahil tahimik."Netflix and chill." Tipid na tugon ni Harry dahilan para mapalunok ako ng laway pagkarinig sa sinabi nito, hindi ko alam kung literal ba ang pagkakasabi nito ng Netflix and chill o may iba pa itong kahulugan."We'll freeze to death if we stay here one more minute, come on." Pag-aya sa akin ni Harry at nauna na itong maglakad kaya naman wala na akon
Ashton"Aalis na ako, Gabe. Sigurado ka bang ikaw na ang magsasara ng cafe? I can help you if you want, wala naman akong importanteng gagawin ngayong gabi." Sambit ko kay Gabe–ang kasama ko ngayon sa shift ko sa cafe."No! It's fine, um, Trixie is coming here tonight so I was hoping we can have the place alone." Tugon sa akin ni Gabe sa mahinang boses, tila nagdadalawang-isip ito kung sasabihin ba niya sa akin ang totoo o hindi. Hindi ko mapigilang mapangisi at marahang tumango-tango."Oh! I totally understand," sambit ko kay Gabe at maloko itong nginisihan."No, you don't. I'm just gonna make her a cafe latte, we're not doing the dirty here." Depensa ni Gabe sa kanyang sarili kahit na wala naman akong sinabi dahilan para mapatawa ako."I didn't think about it, Gabe. Anyway, I'm leaving now." Tugon ko rito at tumango-tango lang ito bilang tugon. Isinukbit ko ang aking bag at naglakad na palabas pero agad akong napahinto nang nasa may pintuan
Zuck"You know what to do now, Maclen." Mariin kong sambit kay Maclen habang ipinaparada ko ang sasakyan namin sa may parking lot ng isang unibersidad."You don't need to remind me, pangalawang beses na natin itong ginawa." Tugon sa akin ni Maclen at agad nitong binuksan ang pintuan at mabilis na lumabas sa sasakyan. Napaismid na lamang ako habang sinusundan ko ng tingin si Maclen."Guess! This will be my fvcking life now." Mahinang sambit ko sa aking sarili at napabuntong-hininga na lamang. It's been five months since I started training para mag-take over sa business ni dad dahil gusto na nitong mag settle down kasama si Lautner sa Mexico. I tried to say no dahil hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na maging isang mafia boss but dad didn't like the idea, he threatened me that he'll find Ashton and kill him kapag hindi ko sinunod ang napagkasunduan namin noon, which is he'll stop touching Ashton and in return I'm going to take over the business.So her
Ashton"Hey! Ashton!" Naglalakad ako sa may hallway nang bigla kong marinig na may tumawag sa aking pangalan kaya agad akong napalingon sa aking likuran. Hindi ko mapigilang mapataas ang aking kilay nang makita si Benedict na nagmamadaling maglakad palapit sa akin."What do you want, Benny?" Agad kong tanong nang makalapit na ito sa akin, muli akong nagpatuloy sa paglalakad habang sinusubukan naman nitong makasabay sa akin."Tapos ka na ba sa assignment natin sa Trigonometry?" Tanong sa akin ni Benedict at hindi ko mapigilang mapaismid dahil nahulaan ko kung ano ang pakay nito sa akin ngayon."What? May assignment tayo sa Trigonometry?" Tugon ko rito at umaktong nabigla sa aking nalaman pero alam kong natunugan nito ang sarkasmo sa aking boses dahil mahina itong natawa."I'll take that as a yes. Let's go to the library, pakopyahin mo muna ako ng assignment." Sambit ni Benedict at wala na akong nagawa pa para kontrahin ito dahil mabilis nitong hinaw