"Kung ano mang binabalak mong gawin, itigil mo na. Wala akong gusto sayo at wala akong balak na magustuhan ka." Matalim na sabi ni Jeanna.Kaninang-kanina niya pa pinagtitimpihan ang lalaking ngayon ay nakangisi lang sa kanya. Buong katawan na niya ay nanginginig sa pagkamuhi para dito. Kahit na ano naman yata kasing sabihin niya, wala lang ang lahat para dito dahil hindi man lang natinag ang ngising iyon. Ang ngising malademonyo.Napailing ang binata. "Jeanna, Jeanna, Jeanna." Isang halakhak ang pinakawalan nito. "Sa tingin mo, naniniwala ako sayo?"Nanigas ang panga niya sa pagpipigil. Kung pwede lang ay sinampal na niya ang binata, pero alam niyang mas lalo lang siyang hindi makakaalis dito. Lalo na ngayon at nasa mga mata ang pagnanasa nito sa kanya. Ang mga matang pinaghalong sa anghel at sa demonyo. Bagay na bagay sa napakagulong pag-iisip ng binata. Bagay na bagay sa maitim na budhi nito, at ayaw man niyang aminin, bagay na bagay sa gwapo nitong mukha."Wala kang gusto sa akin a
Last Updated : 2020-07-31 Read more