Mabigat ang pakiramdam ni Jeanna na para bang nakadagan sa kanya ang mundo. Hindi niya ba alam kung nahihilo lang siya o mabigat lang ang ulo o pareho. Isa lang ang alam niya at iyon ang hindi niya deserve ang maayos niyang tulog kagabi.
Dahan-dahan siyang dumilat dahil tuluyan na siyang nagising nang nakakasilaw na liwanag.
Wala siya sa sarili niyang kwarto, iyon agad ang unang pumasok sa isip niya. Hindi niya kwarto ang lugar na 'to dahil kung kwarto niya 'to, madilim pa sana hanggang ngayon kahit na anong oras pa man.
Mabuti na lang at luminaw na ang paningin niya. Doon lang gumaan ang pakiramdam niya. Masarap sa mata ang cream na kulay ng buong kwarto. Maayos din ang mga gamit doon. Hindi crowded at hindi makalat. Nabawasan ang hilo niya at ngayon ay gusto na niyang bumangon.
Dahan-dahan siyang umupo at sumandal sa headboard.
What the hell happened last night?
Nang magising na pati ang diwa niya, doon pa lang nag-sink-in ang lahat-lahat.
Agad niyang tinignan niya ang sarili at doon siya nakaramdam ang kaba. Ibang mga damit na ang suot niya. Tinignan niya ang paligid niya at hindi niya mahagilap ang mga damit niya kagabi. Kaninong kwarto ba 'to? Anong nangyari kagabi?! Nasaan siya?!
Bigla siyang napahawak sa ulo niya. "Oh my God..."
"Anong magagawa ko kung nasasaktan pa rin ako?! Kasalanan ko bang nasasaktan pa rin ako?" Kahit ayaw niya ay kusang tumulo ang mga luha niya. "Bestfriend..."
Ramdam niya ang himas ng kamay ni JL sa kanyang likod kasama ang mga bulong nito. Wala na siyang ibang matawagan para samahan siya kundi ang bestfriend niya lang. Laking pasasalamat niya ng sunduin siya nito at ngayon nga ay nandito sila sa isang club.
"Ang sakit-sakit. Ang tagal-tagal na pero bakit ganito siya? Bakit babalik-balik pa siya?" Napahagulgol na naman siya ng maalala ang itsura ni Carlisle.
Bakit ba kailangan pa nitong bumalik at guluhin siya ng ganoon?
Akala niya okay na siya pero nang makauwi siya...
"Jeanna..."
"Pagod na pagod na ako. Bakit ba bumalik pa siya?"
Nagsabi sa kanya si Carlisle kung pwede daw ba itong manligaw at maging sila ulit. Nasa mata ng binata kanina ang dating pagnanasang nakita niya noon bago ito manligaw. Ilang beses nitong sinabing mahal na mahal pa siya nito.
Gulong-gulo na naman siya at bumalik na naman ang lahat ng sakit na dapat ay hindi na niya nararamdaman ngayon.
Then he remembers Kieth.
That man saved her. She never felt safe with anyone like that. She never felt secured. She never felt that everything will be simply alright.
Matapos niyang ubusin ang alak sa harap niya ay wala na siyang maalala sa mga sumunod na nangyari.
Ano na bang nangyari kagabi matapos noon? Nasaan si JL? Why in the hell is she in a room she can't recognize? Nasaan rin ba ang mga gamit niya? Ano na lang ang sasabihin ng kuya niya?
Bago pa siya makatayo para hanapin ang mga gamit niya ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang magandang babaeng ngayon niya lang nakita.
* * * * * * * * * *
"Gising ka na pala." Nakangiting bati ng babae at naglakad papunta sa mga bintana. Inayos nito ang kurtina. "Pasensya ka na at baka nasisilaw ka na sa araw. Hindi kasi nagsasara ng kurtina ang mga anak ko."
Wala siyang masabi at napatitig lang siya lalo dito. Ginang na pala ito at may mga anak na! Ang bata ng itsura nito. Kung tititigan nga ito ay parang mas matanda lang sa kanya ito ng kaunti. Napalunok siya. Bigla siyang kinabahan.
Nang harapin siya ng ginang ay lalo na siyang kinabahan. Napakakalma ng ngiti nito. "I'm Kiera. You can call me Mommy Kie. Hintayin na kita?"
Iyon na nga ang ginawa ni Kiera. Hinintay siya nitong mag-ayos ng sarili bago sila lumabas na dalawa. Kahit na wala siyang kaide-ideya kung bakit nandito siya sa pamamahay ng ginang ay wala na siyang magawa. Hindi nga niya makuha ang lakas niyang magsalita. Nakasunod lang siya hanggang makarating sila sa staircase ng bahay. This is not a simple house, it's a mansion.
Nasa hagdan pa lang sila ay may mga naririnig na siyang mga boses. Mga lalaking boses.
"Pasensya na at maingay talaga sila. Nandito ka rin kasi at lahat kami excited na makilala ka."
Makilala? Ano bang pinaggagawa ko kagabi?!
Nang makarating sila sa kusina ay tumambab sa kanya ang tatlong kalalakihan. Ang dalawa ay nakapaharap sa kanila at ang isa naman ay nakatalikod. Kahit na ganoon ay may kutob na siya kung sino ang binatang ito.
"Mahal!" Bati ng isang lalaking may edad na kumpara sa katabi nitong binatang mas bata pa sa kanya.
Natawa ang binata at napangisi. "You're really pretty, ate."
Doon na nag-init ang pisngi niya. Sino ba ang mga ito at kung makatingin sila sa kanya ay mukhang inaasahan na talaga siya dito?
Napangiti si Kiera. "Mukhang kanina pa nga siya gising. Anak, why don't you introduce her to us?"
Sa pagharap ng lalaking nakatalikod sa kanila ay hindi niya na alam ang gagawin niya.
Paanong napunta siya sa bahay ni Kieth Montelvaro?!
* * * * * * * * * *
"So, you mean to tell me, you met his whole family?"
Lalong napakamot si Jeanna ng batok dahil sa bestfriend niyang si JL. Mukha pa itong masayang-masaya sa mga nangyari sa kanya kaninang umaga.
"I did and I still don't have any idea what I did to meet them like that. Wala silang ibang sinabi and all they did was to welcome me."
Doon na natawa si JL na nagpakunot ng noo niya. Nagdududa na siya dito.
"Wait here, at mukhang kailangan mo talagang malaman ang lahat." Nagmamadali nitong sabi at umalis na papunta yata sa kusina.
Matapos ang makatindig balahibong umagahan kasama ang mga Montelvaro, hindi niya alam kung paano pa siya naka-survive. Wala siyang kaide-ideya kung bakit siya nandoon maliban sa sinabi ni Kieth na kaya siya nandoon ay dahil nalasing siya. Na-explain naman ni JL na nagkaroon ng emergency at si Kieth nga ang naghatid sa kanya. Bakit hindi na lang sa unit nila? For sure JL could give him their unit. Or sa mismong bahay nila! He should have known their house because she knows by now that Kieth is one of his kuya's friends. Oh goodness, kahit sa isang hotel na lang!
Kinuha niya ang tasa nang lumamig na niyang kape at tinungga iyon. Nababaliw na siya kaiisip kung anong pinaggagagawa niya kagabi. Ang consolation na lang niya para maging maganda ang araw niya ay ang text ng kuya niya na kasama pa nito ang ate niya. Plus, he wouldn't worry about her and about what happened to her last night.
"Here you go!" Hinihingal pa si JL ng inabot niya ang mga dyaryo sa kanya.
Nanlaki agad ang mata niya nang makita mukha niya doon! Mukha siyang sabog at namumula pa siya sa kalasingan.
Oh my...
"Kaya siguro ayaw nila lang sabihin sayo." Pagsisimula ni JL. "Hindi ko naman alam na ganito pala ang ginawa mo noong nasa loob ako ng hospital. Si dad kasi napilay na akala ko kung ano nang malalang nangyari kaya I had to leave you to him pero okay naman pala si dad..."
OWNER OF MONTELVARO WINERY GOT THE SHOE!
Iyon ang headline ng balita. Hindi na niya naririnig si JL. Sa picture na nandoon ay ang pagbato pa niya ng stiletto sa ulo ng binata. What the hell! May ilan pang mga dyaryo na naglalaman ng mga litrato niyang inaaway ang binata at iisa lang ang laman ng balita. Napagkamalan na siyang kasintahan ng binata at sinasabing may lover's quarrel sila! Ngayon pa lang na-issue ang big time new owner ng Montelvaro Winery na may kasamang babae... at ganito pa ang kinalabasan.
May ilan pang detalye ang balita na siya na daw ang matagal nang pinaghihinalaang rumored girlfriend ni Kieth Leandro Montelvaro.
Meron pang parody news na dinaig pa daw nila ang movie ng Cinderella sa nangyari. Si Prince Charming na binato ni Cinderella ng stiletto.
Paano niya lilinisin ang image niya ngayon? Ni hindi nga siya close sa binata. Hindi sila magkakilala ng lubusan kaya naman anong ipampapaliwanag niya ss kuya niya kung bakit siya laman ng mga tabloid?!
Nakakahiya! Nakakahiya ang lahat-lahat ng mga pinaggagagawa niya!
"Fuck..."
"Ewan ko ba naman kasi kayo, bestfriend." Naiiling na lang si JL pero kitang-kita ang pagka-amuse nito sa kanya. Nags-scroll ito sa mga social media kung saan siya rin ang pinag-uusapan. "Bakit mo ba naman kasi inaway si Kieth? Wala naman siyang masamang ginawa kundi tulungan lang tayo. Siya pa nga ang nagprisinta na maghatid sa atin. What's worse, Jeanna Vera de Lara, binato mo ang stiletto mo sa kanya. Ikaw 'ha, nagkakaroon na kayo ng thing for stilettos."
Paano niya ba sasagutin ang mga tanong mula sa mga ginawa niyang hindi man lang niya maalala?
Nagring ang cellphone ni JL kaya naman naputol ang usapan nila at naiwan na naman siyang mag-isa. Tinignan niya na rin ang cellphone niya. Buti na lang at wala pa naman doong text o missed call ang Kuya Jeno niya patungkol sa mga nagawa niya kagabi. Hindi pa siguro nito nalalaman ang balita.
Kalat na kalat na ang balita sa buong bansa. Sa dinami-dami ba naman ng babatuhin ng stiletto at aawayin niya ay isa pang sikat na tao. Malay niya bang sobrang high-profiled pala ang binata?
What's worse was that the guy has never been in a scandal or even been photographed with a woman! Ngayon lang at siya ang dahilan ng mga iyon!
"Jean-Jean, si Jeanna?"
Isang face palm na lang ang nagawa niya. Wala ngang text o missed call, napauwi naman pala niya ang kuya niya.
Nakipagsukatan na lang siya ng tingin sa kuya niya hanggang marating nito ang harapan niya. Poker-faced ito na hindi niya matanto kung galit ba o ano. Napairap na lang siya umupo ng maayos.
Isang buntong-hininga na lang ang ginawa ni Jeno. Naupo ito sa tabi niya at inilapag sa lamesa ang hawak-hawak nitong mga kahon. Macarons. Nandoon pa rin si JL sa kusina at mukhang may kausap pa rin.
Saglit ring katahimikan at nagsalita na nga ang binata. "Hindi mo ba siya kilala?"
Umiling siya kahit may alam konting alam na siya sa binata. "Kakikilala ko lang sa kanya."
"He's my friend. All of the Montelvaros, actually. Jeanna..." Nag-aalala ang ekspresyon nito. "...are you okay? Bakit hindi mo ako tinawagan agad? Kung hindi ko pa napanood sa balita, baka hindi ko pa nalamang naglasing ka pala kagabi."
Napangiti na lang siya. "Kamusta si ate?"
Kahit paano ay gumaan ang ekspresyon ni Jeno. "She's fine. We both are." Inakbayan na siya ng binata. "Next time, drink with me. 'Wag ka ng magpapakalasing na si Jean-Jean lang ang kasama mo. You got so drunk and look where it got you. Inaway mo lang naman ang isang Montelvaro. Mind you, he's Kieth. He's really never been seen with a woman before, you know."
Doon na siya lalong kinabahan. Kanina lang nang makaharap niya ang mismong pamilya ni Kieth ay muntikan na siyang matunaw. Alam ng mga itong wala naman siyang kahit anong koneksyon sa binata at hindi man lang sila magkakilala. Mr. Leonardo Montelvaro, ang papa nito, Mrs. Kiera Montelvaro, ang mama nito, at ang nag-iisa nitong kapatid na si Kyren Lewis. Ang mga taong kahit kailan ay hindi niya in-expect na makikilala niya—sa ganoong sitwasyon pa!
Ano ba itong pinapasok niya sa buhay niya? Kung ano-anong gulo ang dinadala niya at kung sino-sino pang dinadamay niya! Nakakahiya! Ano na lang ang mukhang ihaharap niya kapag lumabas siya?
Plus, sobrang strike na siya sa mga atraso niya kay Kieth. That man has shown her nothing but kindess and she really couldn't do anything but to mess things up! Anong muna na lang talaga ang ihaharap niya lalong-lalo na sa binata ulit?!
Hinalikan ni Jeno ang noo niya. "Are you ready?"
Napakunot ang noo niya. "Ready for what?"
Just in time, bumalik na ang bestfriend niya na mukhang alam na alam ang mga nangyayari. "Bestfriend, Mrs. Kiera Montelvaro is looking for you."
Hindi ba pwedeng kainin na lang talaga siya ngayon ng lupa?
Mukhang hindi na kailangang magkwento ni Jeanna tungkol sa mga nangyari kaninang umaga lang. Kitang-kita naman kasing talagang ine-expect ito ng kuya niya. Kiera is all smiles and good vibes. Mukhang kilalang-kilala na nito ang kuya niya. Bagay na hindi malabong mangyari dahil kaibigan nga ng kuya niya ang mga Montelvaro"Nandito ako, hija, para ipaalam na mamanhikan na kami."Muntikan na siyang malaglag sa kinauupuan niyang kitchen stool. "P-Po?!"Ngumiti nito na para bang sobrang normal lang mamanhikan agad-agad. "Oo, hija. Mamamanhikan nga. Hindi man ngayon pero sana kung kailan ka na pwede. Napag-usapan na namin ng kuya mo ang tungkol dito kanina lang, kaya naman sagot mo na lang ang kailangan at pupunta na kami dito anytime."Napatingin siya sa kuya niya at sa bestfriend niya ngayong akala mo ready na ready na siyang ibenta. Mabuti na lang at nag-excuse muna ang mga ito para bigyan sila ng privacy.Literal na sobrang bilis ng mga nangyayari dahil nandoon lang siya sa mansion ng gi
Kahit kailan ay hindi naisip ni Jeanna na magiging big deal ang halik sa kanya. She wasn't born yesterday—she liked skinship as much as other people enjoy it. Hindi niya lang talaga inaasahang magiging malaki ang epekto nito sa kanya gaya ngayon.She already know the taste of Kieth's sensual kiss and now this...Napasinghap siya nang tapusin na ng binata ang halik. Doon niya lang napagtantong nakakapit na siya sa balikat nito at nakahawak na ang mga mainit nitong kamay sa kanyang beywang. She's shivering despite how warm he is against her."You have the softest lips..." Bulong nito na kagaya niya ay malalim rin ang paghinga.Ramdam na ramdam niya ang pagwawala ng puso niya. Nasa katinuan siya ngayon. Hindi siya lasing at wala siyang ibang maidahilan sa sarili niya.Walang excuses na kailangang ibigay. Alam niyang gusto niya ang halik ng binata.Gumuhit ang isang pamaglarong ngiti sa mga labi ng binata. "Hindi ko alam na mauuwi ang lahat sa ganito. You slapped me dor no apparent reason,
Napangiwi si Jeanna sa dami ng nga gamit niyang kailangan nang itapon. Not necessarily itapon pero kailangan na niya itong alisin sa kwarto niya. Enough being sentimental, it's not helping her at all and she's willing to change it now.Sa mga nakaraang linggong lumipas, at sa loob ng mga taong naging duwag siya, ginawa na niya ang bagay na dapat noon niya pa ginawa.
Drinking alone has never been Kieth's thing. Gusto niyang may kasamang umiinom lalo na kung dito siya sa club ng pinsan niyang si Dylan iinom; but his need to be alone is stronger. He needed to drink and needed lots of distraction.Even bedding a woman wouldn't solve his problems—it wouldn't be enough distraction to him. Not anymore.
Hindi maiwasang mapatitig ni Jeanna kay Kieth na abalang nagsasakay ng mga gamit nila sa kotse. Nagprisinta na siyang tumulong pero umiling lang ito at sinabing huwag na. She couldn't argue further. Sa totoo lang ay masaya naman siyang panoorin lang ang binata.Just like what she thought, kahit ano talagang suotin ng binata nito ay babagay dito. Especially that simple white shirt and summer shorts. It's refreshing for her seeing him in his most casual. Madalas kasi ay naka-office suit ang binata.
Natatawang namangha si Kieth nang makita ang cheat sheet ni Jeanna sa buong angkan nila. Seryoso talaga ito sa pagkabisa ng mga pangalan nila.Oh his adorable Jeanna..."Kieth!" Gulat na bungad ng dalaga na kapapasok lang."Hi." Nakangiti n
Paano nga ba magkaroon ng isang Kieth Montelvaro bilang boyfriend? Simple lang—magiging sobrang masaya ka.Sa mga hindi magandang nangyari noong mga nakaraang taong ikinukong niya ang sarili niya, hindi niya talaga aakalaing pwede pa pala siyang sumaya nang ganito. She appreciates all the help she recieved to be this fully and genuinely happy.Nakatulong sa kanya nang malaki ang pagtatapon ng nga bagay na nagpapaalala sa
Natatawang kumapit nang mabuti si Jeanna sa likod ni Kieth. For the second time, they are riding this playful man's big bike again and she has no idea where to. Malaking surprise daw kung saan sila pupunta kaya naman ramdam na ramdam niya ang adrenaline at ang excitement!"Ready, sweetheart?" Nakangising tanong ni Kieth."Ready!" Sigaw niya at lalong napakapit nang mahigpit.
Hindi namalayan ni Jeanna na nakatitig na lang siya hawak niyang picture frame kung hindi pa tatawagin ng Kuya Jeno niya ang atensyon niya. Ngumiti siya at agad na yumakap dito ng maupo ito sa tabi niya."What's wrong, bunso? Nag-aalala na rin ang ate mo kasi hindi mo man lang daw nabasan 'yung pagkain mo kanina. Should we bring you back in the hospital?"Umiling siya at imbis na sagutin ang kahit ano sa mga tanong ng kuya niya
"What did you just say?"Kinailangan talagang ipaulit ni Kieth kung ano ang karirinig lang niya dahil kulang ang sabihin hindi niya siya makapaniwala sa kahit anong sinabi ng pinsan niyang si Frey. Ang mismong mga tenga na niya ang ayaw tumanggap sa katotohanang malinaw na malinaw ang narinig niya mula dito.The moment his and Jeanna's flight landed, this is the first thing he had to face. Screw rest and sleep when he has prove
Dahan-dahang iminulat ni Jeanna ang mga mata niya. Kinailangan niya pa nang mga ilang segundo para mapagtanto kung nasaan siya—she's in the hotel room with Kieth who is still sleeping soundly, snuggled close to her. Alam niyang inumaga na sila sa mga nangyari mula kagabi at malamang at sa malaman, pa-tanghalian na.That made her blush like a teen who just spent her night with crush, where and when in fact they did so much more than any of the wholesome things she's feeling right now.
Jeanna woke up in Kieth's embrace. Ngayong araw na siya pwedeng i-discharge pero sa totoo lang ayaw niya pang gumalaw. Kieth feels warm and being in his embrace like this is heavenly.Nakausap na nila ang doktor niya at gaya ng sinabi nitong wala na silang dapat ikabahala, maayos na talaga ang pakiramdam niya. Pwede na sana siyang i-discharge agad noong unang beses pa lang siyang nagising, pero nang marinig ni Kieth ang option na pwede pa siyang mag-stay para mas makapagpahinga, iyon na ang pinili nito.
Hindi maalala ni Jeanna kung kailan siya huling nakaramdam ng ganitong klase ng saya. 'Yung saya ng pakiramdam nang napalilibutan ng pamilya. Tumawag na rin sa kanya ang Kuya Jeno niya kaya lalo lang nabuo ang gabi niya. Hindi talaga niya sigurado kung kailan pa ang huli pero masaya talaga siya ngayon dahil sa buong angkan ni Kieth.Ngayon lang din talaga niya napagtantong si Kieth ang pinakatahimik sa kanilang lahat. Lagi niya itong sinasabi dahil kapansing-pansin naman talaga iyon sa binata, pero mas mapapansin pa pala talaga kapag ganitong kaharap niya ang mga nakababatang Montelvaro.
Kieth doesn't know if they really are the unluckiest ones when it comes to women, but it does seem to be the case. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang nakitang nasaktan ang mga pinsan niya. He felt that kind of devastation, too. Heto na lang din siguro talaga ang pinakamalaking patunay na totoo ang karma at karma ang laging nangyayari sa kanila dahil sa mga kalokahang pinaggagawa nila. This also makes them more human."Ang lalim naman ng iniisip mo."
Bukas na ang flight ng pamilya ni Kieth papunta sa kung saan gaganapin ang Christmas Party ng buong angkan nila at ngayon lang niya nalaman na ang magke-cater pala ng buong event nila ang walang iba kundi si Jeanna at ang staff niya. Wala siyang kaalam-alam at enjoy na enjoy ang Mommy Kiera niya sa reaksyon niya ngayon."Oh, come on, son. I had to do something, you know? You should've at least expected this." Nakangising sabi pa ng ina niya. "I asked Jeanna to keep this a secret from you, so it's also not her fault for not informing you."Dumating na rin ang ama nila galing sa trabaho at humalik sa mommy nila. "Why the long the face, Kieth? Pinapagalitan ka ba ng mommy mo? What did you do this time?"Tumawa dahil doon ang mommy niya. Pakiramdam niya tuloy ay bata na naman siya sa mga salita ng mga ito. Siya naman ang nagmano sa dad niya."No, hun, hindi ko naman pinapagalitan ang panganay natin. He's just surprised that Jeanna is the one who'll be catering our event. Nami-miss ko naman
Jeanna was almost diagnosed with a bipolar disorder. She can't remember why she wasn't fully diagnosed with the disorder but as far as she can remember, Henry was with her all those hard times where she had to face a psychiatrist.Hindi madali ang humarap sa isang psychiatrist, iyon ang sigurado niya. Hindi niya pa maalis sa kanya na hindi siya komportable sa kahit saang ospital o kahit clinic man lang. Pero hindi rin niya maitatanggi na malaki ang naitulong nito sa kanya. Her meds weren't for long term but those meds helped calming her down. Iyon nga lang ay hindi na siya prescribed ng mga iyon.
Masaya si Jeanna at iyon ang pinakasigurado sa kanya sa gabing iyon. Masaya siya pero...These alien memories of how oddly familiar she is with Kieth are starting to fill her mind again. The way Kieth kissed her just a while ago was something spectacular. It was something she wanted. It filled her heart with happiness and yet it felt too painfully nostalgic. Hindi niya alam kung paano niya pa ipapaliwanag ang nararamdaman niya.