"Kung ano mang binabalak mong gawin, itigil mo na. Wala akong gusto sayo at wala akong balak na magustuhan ka." Matalim na sabi ni Jeanna.
Kaninang-kanina niya pa pinagtitimpihan ang lalaking ngayon ay nakangisi lang sa kanya. Buong katawan na niya ay nanginginig sa pagkamuhi para dito. Kahit na ano naman yata kasing sabihin niya, wala lang ang lahat para dito dahil hindi man lang natinag ang ngising iyon. Ang ngising malademonyo.
Napailing ang binata. "Jeanna, Jeanna, Jeanna." Isang halakhak ang pinakawalan nito. "Sa tingin mo, naniniwala ako sayo?"
Nanigas ang panga niya sa pagpipigil. Kung pwede lang ay sinampal na niya ang binata, pero alam niyang mas lalo lang siyang hindi makakaalis dito. Lalo na ngayon at nasa mga mata ang pagnanasa nito sa kanya. Ang mga matang pinaghalong sa anghel at sa demonyo. Bagay na bagay sa napakagulong pag-iisip ng binata. Bagay na bagay sa maitim na budhi nito, at ayaw man niyang aminin, bagay na bagay sa gwapo nitong mukha.
"Wala kang gusto sa akin at wala ka ng balak pa na magustuhan ako." Pag-uulit ng binata na akala mo nandidiri sa mga salitang inulit.
Nanginginig siyang tumango. Tila umurong na ang lahat ng lakas ng loob niyang makipag-usap sa nilalang na ito. Alam na niyang nawalan na ng punto ang pakikipagtalo niya dito. Ang kaninang pagkamuhing nararamdaman niya ay napalitan na lamang ng pagkapagod sa mga nangyayari.
Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa magandang labi nito. "Jeanna de Lara. Hinding-hindi ako magsasawang ulitin 'to." Naglakad ito papalapit sa kanya at maingat na hinawakan ang kanyang pisngi. "You are marked as mine. I own you. Mine only, mine alone. Mine."
Doon na siya napaluha.
Wala na siyang magagawa. Wala na siyang kawala. Wala na siyang takas.
She's owned by the devil—and she knows that perfectly.
Napangiti si Jeanna habang binabasa ang wedding invitation na sa kanyang harapan. Sa lahat ng wedding invitations na pwede niyang matanggap, heto na talaga ang pinaka-inaabangan niya—itong galing sa pinakamatalik niyang kaibigan.'Apollo Dimitri Ashford & Jean Lorianne Gallia Grey'Sa wakas nga naman at sa tagal ng hinintay niya, ikakasal na talaga ang bestfriend niya sa lalaking mahal na mahal nito. God knows how long they really waited for this. Kung iisipin ay napakarami pa ngang beses na muntik-muntikan na talagang walang mangyaring ganito. Masaya na lang talaga siyang natutupad na ang pangarap ng bestfriend niya."So, ikakasal na talaga si Jean-Jean." That would be her Kuya Jeno.Hinarap niya ito at nginitian nang pilya. "Ikakasal na ang long-time ex-crush mo, my dear older brother. How are you doing?""Sira." Natatawang ginulo ni Jeno ang buhok niya. "Naka-move on na ako."Noong nasa highschool pa lang silang magbestfriend, maging hanggang college, alam na alam ni Jeanna kung paa
Kieth never imagined his life to be a mess. In fact, he did everything to ensure himself that he is going to live a peaceful life in his peaceful world. Wala naman na siyang ibang hiniling kundi ang manatili ang katahikang gusto niya sa buhay niya.Pero napatunayan niyang hindi talaga pwedeng na sayo na ang lahat nang gugustuhin mo sa buhay. His peaceful world is not as peaceful anymore because some loud woman decided to barge in uninvited and take his piece away.Napahawak na naman siya sa kanyang namamagang pisngi. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam niya ang palad ng babaeng sumampal sa kanya. Pati yata utak niya ay naalog dahil sa lakas ng sampal ng babaeng iyon sa kanya kanina."Fuck, man! What happened to your face?" Bungad ng isa na naman sa mga kaibigan at pinsan niyang si Giovann na kadarating lang. "That chick must have some deep grudge on you to slap you like that! Grabe, bakat na bakat!"Napailing siya. Kinuha niya ulit ang cold compress na kapapalit niya lang ng yelo. "Fun
Nakatitig lang si Jeanna sa kanyang mga paa. Sa totoo lang, bagay na bagay sa kanya ang napili niyang stilettos. It compliments her feet very well, but she she's having a hard time dwelling whether to wear this or not. Una sa lahat, naaalala niya kung paano niya nakuha ang stilettos. Pangalawa, nakokonsensya siya sa nagawa niya.Suplada nga siya gaya ng sinabi ng kuya niya pero hindi naman siya iyong tipong bigla-bigla na lang mananampal. For Pete's sake, he didn't even know that guy she slapped with all her might!Napabuntong-hininga na lang siya.Ngayong gabi ang bridal shower ng bestfriend niyang si JL. Kaya nga kahit mainit, isang black trench coat ang suot niya sa pa-gimmick na plano nito.Sa isang private resort gaganapin ang bridal shower kasabay ng bachelor's party ni Apollo. Hindi niya alam pero mukhang maganda ideya naman para sa dalawang ikakasal na iyon na sa iisang lugar na lang magpaparty. It wouldn't be in exactly the same place in the resort per se, but all is well. Lal
Napabuntong-hininga si Jeanna habang tinitignan ang picture nila ng kanyang ex-boyfriend. She did everything to make him stay and keep their relationship going pero...Napailing siya. After all these years, she still can't talk about it. Mahirap naman talagang lumabang mag-isa para sa dalawang tao at iyon ang pinakamalaking magkakamali niya. She thought she could do it alone, she could save everything as long as she held on. Pero mali siya at tapos na iyon.Tapos na pero heto siya ngayon at ibinalik lang ang picture sa box kung saan naroon pa ang lahat nang merong kinalaman sa ex-boyfriend niya.Balak na niyang itapon iyon... pero hindi pa ngayon. Sa tagal na ng mga taong lumipas, hindi niya talaga kaya. Hindi pa.Ibinalik na lang niya ang box sa ilalim ng kama niya.Tama na ang senti moment niyang iyon para sa umagang at hindi magandang sisimulan na naman niya ang araw niya na wala sa mood.Siguro nga tama ang kuya niya na ipalinis na lang niya ang kwarto niya at 'wag sarilinin ang tr
Nanginginig at hindi pa rin makapaniwala si Jeanna sa mga nangyayari. Sa lahat ng araw na pwedeng pumunta ang lalaking iyon sa orphanage, ngayon pa. Tila ba nananadya ang mga pangyayari sa kanya."G-Gusto ko nang umalis."Kieth immediately nodded and held onto her tightly. Pero talaga nga namang hindi pa papaawat ang ex-boyfriend niyang si Carlisle."I'll see you again, Jeanna. Sana pag-isipan mong mabuti."She doesn't have the energy left to argue with him more. She wanted to go away and she's thankful that Kieth didn't stop walking. Sa totoo lang ay hindi na niya maramdaman ang sarili niyang mga binti. Manhid na manhid na siya.Nakita niya ang mga batang gusto siyang lapitan pero ngumiti na lang siya at umiling muna. Ang binata pa ang nagsalita pa sa kanya na kailangan niya munang magpahinga. She mouthed her apologies to them."Are you okay? Let's seat down first."Hindi man lang niya namalayan na nakakapit pa rin pala siya sa binata. Napatango na lang siya at naupo silang pareho sa
Mabigat ang pakiramdam ni Jeanna na para bang nakadagan sa kanya ang mundo. Hindi niya ba alam kung nahihilo lang siya o mabigat lang ang ulo o pareho. Isa lang ang alam niya at iyon ang hindi niya deserve ang maayos niyang tulog kagabi.Dahan-dahan siyang dumilat dahil tuluyan na siyang nagising nang nakakasilaw na liwanag.Wala siya sa sarili niyang kwarto, iyon agad ang unang pumasok sa isip niya. Hindi niya kwarto ang lugar na 'to dahil kung kwarto niya 'to, madilim pa sana hanggang ngayon kahit na anong oras pa man.Mabuti na lang at luminaw na ang paningin niya. Doon lang gumaan ang pakiramdam niya. Masarap sa mata ang cream na kulay ng buong kwarto. Maayos din ang mga gamit doon. Hindi crowded at hindi makalat. Nabawasan ang hilo niya at ngayon ay gusto na niyang bumangon.Dahan-dahan siyang umupo at sumandal sa headboard.What the hell happened last night?Nang magising na pati ang diwa niya, doon pa lang nag-sink-in ang lahat-lahat.Agad niyang tinignan niya ang sarili at doon
Mukhang hindi na kailangang magkwento ni Jeanna tungkol sa mga nangyari kaninang umaga lang. Kitang-kita naman kasing talagang ine-expect ito ng kuya niya. Kiera is all smiles and good vibes. Mukhang kilalang-kilala na nito ang kuya niya. Bagay na hindi malabong mangyari dahil kaibigan nga ng kuya niya ang mga Montelvaro"Nandito ako, hija, para ipaalam na mamanhikan na kami."Muntikan na siyang malaglag sa kinauupuan niyang kitchen stool. "P-Po?!"Ngumiti nito na para bang sobrang normal lang mamanhikan agad-agad. "Oo, hija. Mamamanhikan nga. Hindi man ngayon pero sana kung kailan ka na pwede. Napag-usapan na namin ng kuya mo ang tungkol dito kanina lang, kaya naman sagot mo na lang ang kailangan at pupunta na kami dito anytime."Napatingin siya sa kuya niya at sa bestfriend niya ngayong akala mo ready na ready na siyang ibenta. Mabuti na lang at nag-excuse muna ang mga ito para bigyan sila ng privacy.Literal na sobrang bilis ng mga nangyayari dahil nandoon lang siya sa mansion ng gi
Kahit kailan ay hindi naisip ni Jeanna na magiging big deal ang halik sa kanya. She wasn't born yesterday—she liked skinship as much as other people enjoy it. Hindi niya lang talaga inaasahang magiging malaki ang epekto nito sa kanya gaya ngayon.She already know the taste of Kieth's sensual kiss and now this...Napasinghap siya nang tapusin na ng binata ang halik. Doon niya lang napagtantong nakakapit na siya sa balikat nito at nakahawak na ang mga mainit nitong kamay sa kanyang beywang. She's shivering despite how warm he is against her."You have the softest lips..." Bulong nito na kagaya niya ay malalim rin ang paghinga.Ramdam na ramdam niya ang pagwawala ng puso niya. Nasa katinuan siya ngayon. Hindi siya lasing at wala siyang ibang maidahilan sa sarili niya.Walang excuses na kailangang ibigay. Alam niyang gusto niya ang halik ng binata.Gumuhit ang isang pamaglarong ngiti sa mga labi ng binata. "Hindi ko alam na mauuwi ang lahat sa ganito. You slapped me dor no apparent reason,
Hindi namalayan ni Jeanna na nakatitig na lang siya hawak niyang picture frame kung hindi pa tatawagin ng Kuya Jeno niya ang atensyon niya. Ngumiti siya at agad na yumakap dito ng maupo ito sa tabi niya."What's wrong, bunso? Nag-aalala na rin ang ate mo kasi hindi mo man lang daw nabasan 'yung pagkain mo kanina. Should we bring you back in the hospital?"Umiling siya at imbis na sagutin ang kahit ano sa mga tanong ng kuya niya
"What did you just say?"Kinailangan talagang ipaulit ni Kieth kung ano ang karirinig lang niya dahil kulang ang sabihin hindi niya siya makapaniwala sa kahit anong sinabi ng pinsan niyang si Frey. Ang mismong mga tenga na niya ang ayaw tumanggap sa katotohanang malinaw na malinaw ang narinig niya mula dito.The moment his and Jeanna's flight landed, this is the first thing he had to face. Screw rest and sleep when he has prove
Dahan-dahang iminulat ni Jeanna ang mga mata niya. Kinailangan niya pa nang mga ilang segundo para mapagtanto kung nasaan siya—she's in the hotel room with Kieth who is still sleeping soundly, snuggled close to her. Alam niyang inumaga na sila sa mga nangyari mula kagabi at malamang at sa malaman, pa-tanghalian na.That made her blush like a teen who just spent her night with crush, where and when in fact they did so much more than any of the wholesome things she's feeling right now.
Jeanna woke up in Kieth's embrace. Ngayong araw na siya pwedeng i-discharge pero sa totoo lang ayaw niya pang gumalaw. Kieth feels warm and being in his embrace like this is heavenly.Nakausap na nila ang doktor niya at gaya ng sinabi nitong wala na silang dapat ikabahala, maayos na talaga ang pakiramdam niya. Pwede na sana siyang i-discharge agad noong unang beses pa lang siyang nagising, pero nang marinig ni Kieth ang option na pwede pa siyang mag-stay para mas makapagpahinga, iyon na ang pinili nito.
Hindi maalala ni Jeanna kung kailan siya huling nakaramdam ng ganitong klase ng saya. 'Yung saya ng pakiramdam nang napalilibutan ng pamilya. Tumawag na rin sa kanya ang Kuya Jeno niya kaya lalo lang nabuo ang gabi niya. Hindi talaga niya sigurado kung kailan pa ang huli pero masaya talaga siya ngayon dahil sa buong angkan ni Kieth.Ngayon lang din talaga niya napagtantong si Kieth ang pinakatahimik sa kanilang lahat. Lagi niya itong sinasabi dahil kapansing-pansin naman talaga iyon sa binata, pero mas mapapansin pa pala talaga kapag ganitong kaharap niya ang mga nakababatang Montelvaro.
Kieth doesn't know if they really are the unluckiest ones when it comes to women, but it does seem to be the case. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang nakitang nasaktan ang mga pinsan niya. He felt that kind of devastation, too. Heto na lang din siguro talaga ang pinakamalaking patunay na totoo ang karma at karma ang laging nangyayari sa kanila dahil sa mga kalokahang pinaggagawa nila. This also makes them more human."Ang lalim naman ng iniisip mo."
Bukas na ang flight ng pamilya ni Kieth papunta sa kung saan gaganapin ang Christmas Party ng buong angkan nila at ngayon lang niya nalaman na ang magke-cater pala ng buong event nila ang walang iba kundi si Jeanna at ang staff niya. Wala siyang kaalam-alam at enjoy na enjoy ang Mommy Kiera niya sa reaksyon niya ngayon."Oh, come on, son. I had to do something, you know? You should've at least expected this." Nakangising sabi pa ng ina niya. "I asked Jeanna to keep this a secret from you, so it's also not her fault for not informing you."Dumating na rin ang ama nila galing sa trabaho at humalik sa mommy nila. "Why the long the face, Kieth? Pinapagalitan ka ba ng mommy mo? What did you do this time?"Tumawa dahil doon ang mommy niya. Pakiramdam niya tuloy ay bata na naman siya sa mga salita ng mga ito. Siya naman ang nagmano sa dad niya."No, hun, hindi ko naman pinapagalitan ang panganay natin. He's just surprised that Jeanna is the one who'll be catering our event. Nami-miss ko naman
Jeanna was almost diagnosed with a bipolar disorder. She can't remember why she wasn't fully diagnosed with the disorder but as far as she can remember, Henry was with her all those hard times where she had to face a psychiatrist.Hindi madali ang humarap sa isang psychiatrist, iyon ang sigurado niya. Hindi niya pa maalis sa kanya na hindi siya komportable sa kahit saang ospital o kahit clinic man lang. Pero hindi rin niya maitatanggi na malaki ang naitulong nito sa kanya. Her meds weren't for long term but those meds helped calming her down. Iyon nga lang ay hindi na siya prescribed ng mga iyon.
Masaya si Jeanna at iyon ang pinakasigurado sa kanya sa gabing iyon. Masaya siya pero...These alien memories of how oddly familiar she is with Kieth are starting to fill her mind again. The way Kieth kissed her just a while ago was something spectacular. It was something she wanted. It filled her heart with happiness and yet it felt too painfully nostalgic. Hindi niya alam kung paano niya pa ipapaliwanag ang nararamdaman niya.