Ilang araw pa ang lumipas. Mula ng mawalan siya ang paningin niya ay madalas na niyang kasama si Lauren. Dahil ito lang ang kayang magpahinahon sa kaniya sa tuwaing magwawala siya. "Hija, Ayokong nakikitang ganito si Lanche. Mula pa noon, kayo na talaga ang nagmamahalan hindi ba? Bakit hindi niyo ipagpatuloy iyon?" sabi ng mommy ni Lanche. "Tita sorry po, pero kasal na siya. Gustuhin ko man but I can't. She love his wife," sabi ni Lauren. "I know you still love him. " Hindi umimik si Lauren at nanatiling tahimik. Buong magdamag siyang nag isip. Gusto niyang mapasaya si Lanche. Pero alam niya na mahal ni Lanche ang asawa. Kahit na alam niya rin na may nararamdaman pa ito sa kaniya. Ngunit wala siyang balak sirain ang relasyon ng dalawa.
Last Updated : 2020-08-01 Read more