Masaya siyang nakangiti habang nakatanaw sa counter ng shop nila.Hindi niya alintana ang pagod na nararamdaman niya. "Besh tawag ka ni Ma'am," sabi ng kaibigan niyang kasama niya rin dito. Mabilis naman niyang iniwan ang ginagawa at pumunta sa manager nila.May hawak itong cup na nasa tray."Brie, ikaw muna ang mag hatid ito sa table number eight,"sabi niya. Inabot niya ang isang tray, binasa niya ang nakasulat sa cup. 'VIP Mr. Claveria' Bigla naman siyang namutla ng mabasa ang nakasulat sa cup. Ito ang VIP na sinasabi nila. Kaya naman tinanaw niya ang naka upo sa number 8 na table. Nakita niya ang lalaking naka formal attire. Dahan-dahan siyang lumapit dito dahil kinakabahan siya.Nang makalapit, dahan-dahan niyang inilapag ang cup.
Last Updated : 2020-07-30 Read more