Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Napapatulala na lamang ako dahil sa aking mga nakikita. Lahat na yata ng mga nilalang, na sa fairytales lang mababasa ay naririto at natipon-tipon lang sa iisang lugar.Habang papasok sa napakalaking gintong tarangkahan, marami kaming nakakasalubong na golems, goblins, imps, dwarves, elves, at maging ang mga nagliliparang cute na fairies. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang gawaing pinagkakaabalahan. Pamilyar ang mga nilalang na ito sa akin dahil sa mga napapanood kong palabas na sila karaniwan ang mga bida. Napatigil ako sa pagkamangha nang biglang magsalita si Raid. Iyan ang dinig kong pangalan niya kanina mula sa kasama niyang babae. “Angel, pwede bang bigyan mo nang maayos na damit ang kasama natin at baka hindi ako makapagpigil dito,” naiilang na wika niya kay Angel. Halata ang pilit na pag-iiwas niya ng tingin sa akin. Kumulo tu
Last Updated : 2020-07-29 Read more