Darating din sa tamang panahon ang mga bagay na pinapangarap natin. Sipag, tiyaga at dedikasyon sa ginagawa ang ilan lamang sa mga mahahalagang sangkap upang maabot ang ating mga pangarap.
Kumurba ang matamis na ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aking bagong gawang bahay. Ilang taon ko rin itong pinag-ipunan mula sa aking sahod na natatanggap buwan-buwan sa isang restaurant bilang waitress, dishwasher at janitor. All-around ang aking trabaho sa restaurant na iyon. Mahirap man, pero kinakaya para sa pangarap.
“Ash, ang ganda talaga ng bahay mo! Galing ng pagkagawa,” pasadang saad ni Louie na nakasakay sa kanyang bisikleta.
Bago pa lamang ako rito at kalilipat ko lamang kahapon mula sa apartment na inuupahan ko. Si Louie pa lang ang kilala ko sa subdibisyong ito dahil magkaklase kami no'ng haiskul. Tumulong din siya sa sa paglilipat ng aking mga gamit kahapon.
“Kasingganda ko ba?” hirit ko kahit medyo nakalayo na siya sa akin. Napahagikhik na lamang ako dahil sa aking kayabangan.
“Oo, sobra!” sigaw niya pabalik at saka lumingon sa akin.
Sa kaniyang kamalas-malasang pagkakataon, nagpagewang-gewang ang kaniyang bisikleta na naging dahilan para matumba siya. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa kaniyang kapalpakan.
“Ganoon ba talaga ako kaganda para mawalan ka ng balanse sa pagbibisikleta, Louie?” buyo ko sa kaniya.
Napakamot na lamang siya sa kaniyang batok at alanganing tumawa sa akin. Iwinagayway niya ang kaniyang kamay at saka sinimulang mag-pedal ng kaniyang bisikleta.
Malapit nang lumubog ang araw. Minabuti kong pumasok na sa loob ng bahay. Kailangan ko na rin munang magpahinga dahil buong maghapon akong nag-ayos ng aking mga gamit.
Umupo ako sa sofa at saka binuksan ang aking telebisyon. Nakatapat ito sa astronomy channel at kasalukuyang ipinapalabas ang ayos ng mga bituin ngayong gabi. Napangiwi na lamang ako at inilipat ito sa ibang istasyon.
Wala naman akong hilig sa mga ganiyang bagay. Sapat na sa aking malaman kong isang bituin ang araw. Maganda lang ako pero hindi ako ganoon katalino. Hahaha!
Dahil wala namang magandang panoorin, pinatay ko na lamang ito at tinungo ang kusina para magluto ng hapunan. Nagsaing muna ako ng kanin gamit ang rice cooker bago naghiwa ng karne.
Mag-isa na lamang ako sa buhay ngayon at kahit kailan ay hindi ko nakilala ang aking mga tunay na magulang. Wala rin akong natatandaang mga alaala ko simula pagkabata. Basta't pagkagising ko na lamang isang araw, nasa loob na ako ng isang kumbento. Sa edad na labinlima, nagsimula na akong magbanat ng buto at natutong mamuhay nang mag-isa. Mahirap ang walang karamay sa buhay ngunit kinakaya ko naman.
Dahil hindi ako nakapokus sa aking ginagawa, aksidente kong nasugatan ang aking daliri. Dumugo ito agad at nalagyan ng patak ang sibuyas na hinihiwa ko.
Hinugasan ko ang aking sugat sa lababo at tinalian ito nang malinis na tela. Labis na pagtataka ang bumalot sa akin nang makabalik ako sa mesa kung saan ako naghihiwa ng sibuyas. Nakakunot ang noong itinaas ang kalahating sibuyas mula sa chopping board at sinuri ito. Paanong nagkaroon ng mga dahon ito gayo'ng wala naman ito kanina?
Tinubuan kasi bigla ng mga dahon ang sibuyas kahit pa nahiwa na ang kalahati nito. Inalog ko na lamang ang aking ulo at ipinagsawalang bahala ang pagtataka. Isinalang ko na ang kawali sa stove at pinainit ang mantika. Iginisa ko ang bawang at sibuyas bago inilagay ang karne ng baboy sa kawali.
Nang maluto ang kanin, tinanggal ko na ang nakasaksak na rice cooker. Hinintay ko na lamang na lumambot ang karne para maka-paghapunan na ako.
Mabilis namang lumipas ang oras. Nakapaghugas na ako ng pinagkainan at oras na naman mamaya para matulog. May trabaho pa akong naghihintay bukas.
Napabuntong hininga na lamang ako nang hindi namamalayan. May bagong bahay nga ako ngunit wala namang kabuhay-buhay.
Kaya mo pa, self? Napangiti ako nang mapait. Kakayanin ko ito. Laban lang kahit malungkot ang buhay. Sanay na rin naman ako sa ganitong uri ng buhay.
Mabilis naman akong nakatulog, marahil ay dahil na rin sa pagod.
“Patawarin mo ako, aking anak. Patawarin mo ako dahil hindi na kita masasamahan sa iyong paglaki. Mabuhay ka para sa akin, para sa amin ng iyong ama. Ito na lamang ang aking magagawa para mailigtas ka.”
Nanaginip na naman ba ako? Ang pamilyar na babaeng paulit-ulit na nasa aking panaginip ay nakikita kong umiiyak habang karga-karga ang isang sanggol.
“Divine Magic: Heaven's Love,” mahinang saad ng babae sa karga niyang bata at saka itinapat dito ang kaniyang umiilaw na palad.
Napahagikhik ang sanggol na tila ba kinikiliti ng kaniyang ina. Matapos no'n ay dahan-dahang ibinalik ng babae ang kaniyang anak sa loob ng basket at nawalan siya ng malay.
Tumakbo ako para tulungan sana ang babae ngunit bigla-bigla na lamang nilindol ang buong lugar.
Naalimpungatan ako dahil sa isang malakas na kalabog mula sa aking kusina. Naghahabol ako ng aking hininga at pinagpapawisan nang malapot. Napahawak ako sa ulo dahil sa biglaan nitong pagkirot.
Napakaraming imahe ngayon ang naglalaro sa aking isipan. Hindi ko maipaliwanag. Kakaibang sensasyon ang bumabalot sa aking katawan. Nagwawala ang aking puso dahil sa sobrang pagtibok nito. Anong klaseng panaginip iyon? Sino ang babaeng iyon? Bakit pakiramdam ko ay may koneksiyon kami sa isa't-isa?
“Panaginip lamang iyon, Ashburn. Hindi iyon totoo,” pagkausap ko sa aking sarili. Huminga ako nang malalim upang ikalma ang sarili.
Malamang ay nilamon na ng mga pinapanood kong animé ang aking sistema kaya kung anu-ano na lamang ang aking napapanaginipan. Napabuga na lamang ako ng hangin at isinuot ang aking tsinelas.
Lumabas ako sa aking kuwarto at tinungo ang kusina para uminom ng tubig. Napasapo na lamang ako sa aking noo dahil hindi ko magawang ipaliwanag kung ano ang nangyayari sa akin.
Napatigil ako sa sobrang pag-iisip at halos mapatalon sa aking kinatatayuan nang biglang may kumalabog mula sa bubong ng aking bahay. Tila ba may kung anong bumagsak dito. May nambabato kaya ng bahay sa ganitong dis-oras ng gabi?
Akmang babalik na sana ako sa aking kuwarto nang biglang umuga ang lupa. Nagkaroon ng pagsabog sa itaas. Napatingala ako sa bubong ng aking bahay at halos lumuwa ang aking mga mata dahil sa nasaksihan. Nagkaroon nang malaking butas ang aking kisame.
Literal na nahulog ang aking panga at tila nasamid sa sariling laway. Unti-unting lumambot ang aking mga tuhod dahil sa panlulumo.
Isang anino ang bumaba mula sa itaas. Ibayong takot ang namayani sa akin at sobrang nanginginig ang aking mga kamay ngayon. Ano itong napakabigat na presensiyang nararamdaman ko ngayon? Naghahabol ako ng hininga dahil sa sobrang kaba.
Inipon ko ang lahat ng tapang at lakas ng loob sa aking katawan at saka nagsalita.
“H-Hoy, kung s-sinuman ka mang d-demonyong alien ka, anong ginawa mo s-sa b-bubong ng aking b-bahay?” pautal-utal kong sigaw sa isang aninong nakaluhod sa aking harapan.
Tumayo siya at nanlilisik ang mga mapupulang mata na tumingin sa akin. Biglang natuyo ang aking lalamunan at nanindig ang buhok sa buo kong katawan. Huwag niyo nang tanungin kung pati ang buhok ko sa ibaba dahil nag-ahit ako kanina. Tae, ano bang pinagsasabi ko dito?
“Sa ilang taon naming paghahanap sa inyo, dito lang pala namin matatagpuan ang isa sa mga chosen twelve,” sambit sa akin nang nakakatakot na anino at tila ba galing sa kailaliman ng lupa ang kaniyang boses.
Muli akong napalunok ng sariling laway. Kahit takot na takot ay nagawa kong sumbatan siya. Be brave, Ashburn. Kaya mo ito!
“At bakit niyo naman ako hahanapin, aber? May utang ba ako sa inyo? Bombay ka ba, Kuya? Nanahimik ako dito tapos darating ka lang para sirain ang bubong ng aking bahay. Bayaran mo yan. At anong chosen twelve na pinagsasabi mo riyan? Mukha kang tangang kinakausap ang sarili mo,” pagsagot ko sa kaniya kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang tumakbo.
Ilang taon kong pinag-ipunan ang bahay na 'to, kaya ipaglalaban ko ang aking karapatan kahit pa umabot kami sa korte suprema.
Ngunit, biglang naglaho na parang isang bula ang lahat ng tapang sa aking katawan nang ngumisi siya sa akin. Gumapang ang kakaibang lamig mula sa aking batok pababa.
“Napakatapang para sa isang babaeng katulad mo. Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan?” pagbabanta niya sa akin at saka tumawa nang nakakatakot.
Isang buhawing gawa sa buhangin ang bumalot sa kaniyang kalahating katawan, simula sa kaniyang baywang hanggang sa kaniyang paa. Napamulagat naman ako dahil sa aking nasasaksihan. Anong uring nilalang siya?
“A-Ah eh! Aaaaaaaaaaahhh! Sak--”
Bago pa man ako makatili at makahingi ng tulong, nagawa akong hawakan ng anino sa aking leeg. Bigla na lamang natuyo ang aking lalamunan. Walang anumang tinig ang lumabas sa aking bibig. Anong ginawa niya sa akin?
“Corruption Magic: Voice Deactivation,” sambit niya.
Corruption magic? Voice deactivation? May mahika siya? Ito ba ang dahilan kaya nawalan ako ng boses? Nagpumiglas ako para makawala sa kaniyang pagkakahawak sa akin, ngunit sadyang napakalakas niya para sa akin. Nanlalamig ang aking buong katawan dahil sa takot. Kulang na lamang ay maihi ako sa aking pajama.
Napatigil naman ako pagpupumiglas nang biglang kumulog at kumidlat ang kalangitan. Napatingala kaming pareho ng aninong nakahawak pa rin sa akin, at isang lalaki ang bumaba mula sa bubongan ng aking bahay.
“Storm Magic: Resonance of Roaring Sky!” sigaw niya mula sa itaas at nakasisilaw na liwanag ang bumalot sa kaniyang mga kamay. Ano bang nangyayari? Nanaginip pa rin ba ako?
Bigla namang nabitiwan ng aninong lalaki ang pagkakahawak sa akin at napaatras nang ilang hakbang para ilagan ang bola ng kuryenteng tatama sa kaniya. Napatilapon naman ako nang ilang metro dahil sa lakas ng pagsabog. Napakagat na lamang ako sa aking labi dahil sa sugat na natamo ko sa aking tagiliran.
Nagawa kong makatayo at nagtago sa ligtas na lugar. Pinagsagupa ng lalaking sumigaw kanina ang kaniyang mga kamay at nakalikha na naman ng bolang gawa sa kuryente. Iwinasiwas niya ito sa aninong lalaki at isang napakalakas na dagundong ang bumalot sa lugar.
Malakas kong sinampal ang aking mukha para gisingin ang aking sarili. Nanaginip na naman yata ako.
“Aray!” mahinang saad ko. Ang sakit palang masampal kahit sa panaginip lang.
“Tanga! Hindi ka nanaginip,” bunghalit sa akin ng lalaking may pailaw sa mga kamay.
“Wow, Kuya! Hiyang-hiya naman ako sa'yo. Grabe ka naman kung maka-tanga sa akin,” asik ko sa lalaki ngunit hindi niya ako pinansin dahil abala siya sa pakikipaglaban sa aninong sumugod sa aking bahay.
Umiikot ang aking paningin dahil sa bilis nilang kumilos na dalawa. Tila nanonood ako ng totoong fighting scene sa isang animé.
Pinanood ko ang dalawang nilalang na naglalaban sa kalangitan habang napapatulala na lamang. Magkahalong asul at dilaw na ilaw ang lumalabas sa kamay ng lalaking sinabihan ako ng ‘tanga’, habang ang aninong lalaki naman ay may itim na awrang lumalabas sa kaniyang katawan. Ang astig nilang panoorin habang naglalaban sa himpapawid.
Seryoso ba 'to? Ito ba talaga ang panahon para mamangha ako sa nangyayari?
“Tama ka, Ashburn. Nanaginip ka lang. Hindi ka naman siguro masasaktan sa kanilang ginagawa dahil panaginip mo naman ito,” muling pagkausap ko sa aking sarili.
“Storm Magic: Lightning Roar!” malakas na sambit ng lalaking may dumadaloy na kuryente sa buong katawan.
Nagpakawala siya ng mga matatalas na kidlat at lumilikha ang mga ito ng dumadagundong na ingay tulad ng kulog.
“Corruption Magic: Change Direction!” wika ng lalaking anino at binago ang direksiyon ng mga kidlat na tatama sa kaniya.
Napakurap ang aking mga mata at napanganga sa aking nasaksihan. Umihip ang malamig na hangin at ramdam ito ng aking buong katawan dahil nasira ang aking suot na damit. Tila ba nginatngat ito ng galit na galit na daga. Sa aking gawi ba naman tumama ang mga kidlat at sumabog ang mga ito sa aking harapan.
Napaubo ako dahil sa sobrang alikabok. Nabitiwan ko rin ang aking pagkain at napasalampak sa lupa.
Sino ba sila? Hindi ako nanaginip lamang. Kumirot ang aking tagiliran dahil sa natamo kong sugat.
Iginala ko ang aking paningin at halos malugmok dahil sa panlulumo. Ang sarili kong bahay ay wala na. Sirang-sira na ito at tila ba dinaanan ng isang napakalakas na bagyo. Hindi ko na pinansin pa ang aking mga sugat dahil sobrang nanlulumo ako ngayon. Nagsisimula nang mangilid ang aking mga luha at kahit anong minuto mula ngayon ay ngangawa na ako.
“Mamaya ka na magdrama. Hindi puwedeng dito kami maglaban dahil hindi lamang ang bahay mo ang mawawasak kundi, pati ang buong Earth kapag nagkataon. Kailangan na nating tumakas,” saad ng lalakeng nagpakawala muli ng isang bolang kuryente sa kaniyang kalaban.
Matangkad siya at hanggang balikat niya lamang ako. Natatamaan siya ng liwanag ng buwan kaya malinaw na nakikita ko ang kaniyang wangis. Sakto lang ang pagkatangos ng ilong at maninipis ang mga labi. Faded cut ang gupit ng kaniyang asul na buhok at may nakaaakit na hugis ng panga. Ngunit, teka lang, bakit ko nga ba siya inilalarawan?
“Matapos mong sirain ang aking bahay, balak mo pang tumakas? At bakit ako sasama sa'yo? Hindi naman kita kilala!” sigaw ko sa kaniya ngunit kinunutan niya lamang ako ng noo at tila ba may nakamarkang malaking question mark sa kaniyang mukha.
“Anong sabi mo? Hindi ko marinig. Malamang kagagawan ito ng aninong iyon. By the way, nice boobs,” buyo niya sa akin at nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
Huli na nang mapagtanto kong nasira nga pala ang damit ko at maging ang aking itim na bra ay gutay-gutay rin. Sasampalin ko sana siya dahil sa kaniyang kamaniyakan ngunit bigla niya akong hinigit palapit sa kaniya. Napasubsob na lamang ako sa kaniyang matipunong dibdib. Hindi ko maiwasang hindi masinghot ang kaniyang amoy. Ang bango niya. Sobra!
“Angel, ngayon na,” sigaw niya habang ikinukulong niya ako sa isa niyang kamay at tila ba niyayakap ako nang mahigpit. Bakit parang uminit ang buong paligid? Bakit parang sinisilaban ang aking pisngi?
“Portal Magic: Dimension Warp,” wika ng isang pambabaeng tinig at bigla ko na lamang naramdamang parang may puwersang humigop sa amin paitaas. Napapikit na lamang ako at napakapit nang mahigpit sa lalaking dumakip sa akin.
Ilang minuto pa, ramdam kong nakaapak na kami sa lupa.
“Ehem, Miss, pwede ka nang kumalas kay Master Raid. Narito na tayo sa ating destinasyon,” sambit ng babaeng kasama namin na may bahid ng pagkairita sa kanyang tinig.
Napamulat ako ng aking mga mata at nagulat nang mapansing nakayakap na pala ako sa lalaking sumira ng bahay ko. Nginitian niya ako ngunit tinarayan ko lamang siya at tinalikuran. Magsasalita sana ako ngunit wala paring boses na lumalabas sa aking bibig. Nagpalinga-linga ako at gulat na gulat sa aking nakikita.
“Full Discharge.” Isinaklot ng babaeng kasama namin ang kaniyang mga daliri at umilaw ang aking lalamunan. Ibinuka ko ang aking bibig at laking tuwa ko noong may tinig nang lumabas.
“Nasaan ako? Saan niyo ako dinala?”
Sino ba sila? Hindi sila mga tao. May taglay silang mahika sa kanilang katawan.
“Welcome to Caelum Academy of Celestial Guardians, where true power resides in hearts,” masiglang sambit naman ng lalaki sa akin at saka inunat ang kaniyang kanang kamay. Nakaturo ito sa isang napakalaking gate at sa taas ng gate ay may mga nakaukit na salita.
Naigala ko ang aking paningin at napansin kong napapaligiran kami ng mga ulap. Napatingin ako sa ibaba at sobrang nalula ako sa aking nakita. Umikot ang aking paningin dahil takot ako sa matatas na lugar. Hindi biro ang taas kung nasaan kami ngayon. Kapag ako nahulog sa ganiyang taas, paniguradong basag agad ang aking bungo.
Hindi ko napigilan ang aking pagkahilo at bigla na lamang akong nawalan ng balanse.
“Anong klaseng lugar ba--”
“Hoy, tanga! Huwag kang mamamatay. Mayroon pa tayong misyon na gagawin,” sambit ng lalaki sa akin matapos akong saluhin.
Tinapik-tapik niya ang aking pisngi para gisingin kaya hindi ko makuha-kuhang ipikit nang tuluyan ang aking mga mata. Grabe 'yong sabihan niya akong tanga nang dalawang beses. Sumosobra na talaga.
“Tae ka, hindi ako mamamatay. Bulag ka ba. Ayan oh! May sugat ako sa tagiliran. Kapag ako naubusan ng dugo dito at mamamatay talaga, ikaw ang isusunod ko,” bunghalit ko sa kaniya.
“Ayy! Bakit hindi mo sinabi agad?”
“Paano ko sasabihin? Wala nga akong boses kanina, 'di ba?”
“Sige na nga. Dahil guwapo ako, sa iyo na lang itong healing juice ko. Mapapagaling ka nito.”
Pinatayo niya ako nang maayos at ibinigay sa akin ang isang kakaibang lalagyan ng tubig. Hindi na ako nagtanong pa at tinungga ang lalagyan.
“Teka, bakit parang kakaunti naman ang laman? Hindi pa umabot sa lalamunan ko,” reklamo ko sa kaniya ngunit ramdam ko namang bumuti ang aking pakiramdam at naghilom nga ang aking sugat.
Napakamot naman siya sa akin at saka alanganing napatawa.
“Nabawasan ko na 'yan kanina dahil nauhaw ako. Mabuti na lamang at may naitira pa ako.”
Namilog ang mga mata ko sa kaniya. Ibig bang sabihin... Ibig bang sabihin...
“Tae ka! Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
“Ang ano?”
“Na uminom ka pala kanina!” sigaw ko sa kaniya at itinapon sa kaniyang mukha ang lalagyan ng kaniyang tubig.
Ibig sabihin ba nito ay nag-indirect kiss kami? Hindi ito maaari!
Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Napapatulala na lamang ako dahil sa aking mga nakikita. Lahat na yata ng mga nilalang, na sa fairytales lang mababasa ay naririto at natipon-tipon lang sa iisang lugar.Habang papasok sa napakalaking gintong tarangkahan, marami kaming nakakasalubong na golems, goblins, imps, dwarves, elves, at maging ang mga nagliliparang cute na fairies. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang gawaing pinagkakaabalahan. Pamilyar ang mga nilalang na ito sa akin dahil sa mga napapanood kong palabas na sila karaniwan ang mga bida. Napatigil ako sa pagkamangha nang biglang magsalita si Raid. Iyan ang dinig kong pangalan niya kanina mula sa kasama niyang babae.“Angel, pwede bang bigyan mo nang maayos na damit ang kasama natin at baka hindi ako makapagpigil dito,” naiilang na wika niya kay Angel. Halata ang pilit na pag-iiwas niya ng tingin sa akin.Kumulo tu
Napakaraming katanungan ang bumabagabag ngayon sa aking isipan. Napakabilis ng mga pangyayari at hindi magawang ma-rehistro sa aking utak ang lahat ng paliwanag sa akin kanina ni Archmaster Leonard. Hindi pa rin ako makapaniwalang isa ako sa mga Celestial Zodiac- ang labindalawang hinirang ni Empress Lumia. Pinili kami ng Phoenix Empress upang maging tagapangalaga ng kaayusan at kapayapaan sa mundo ng mahika.Ako ang Cancer sa mga Zodiac, na sinisimbolo ng isang alimango. Hindi rin ako basta-basta salamangkero lamang dahil anak ako ng isang Archgoddess- isang katotohanang mahirap paniwalaan para sa akin.Nagkakilala na rin pala kami ni Archmaster, sampung taon nang nakalilipas. Nilagyan nila ng selyo ang aking kapangyarihan upang hindi ako mapahamak kapag hindi ko ito magawang kontrolin. Ngunit, wala naman akong matandaan na nagkita na nga kami dati ni Archmaster. At ang isa pang ipinagtataka ko, bakit hindi nila ako dinala sa paaral
Napakabongga nga naman talaga ang kaganapan ngayon sa Dome. Punong-puno ng mahika ang buong paligid. Napakasarap din sa pandinig ang malamyos na musikang nagmumula sa orchestra.Ang mga fairies at maliliit na wind pixies ay walang tigil sa pagsasaboy ng dust particles sa hangin. Napakasaya! Sa buong buhay ko, ngayon pa lamang ako dumalo sa ganitong klase ng pagdiriwang. Napapawang na lamang ang aking bibig dahil sa pagkamangha. Hindi ko aakalaing sa lugar kong 'to mararamdaman ang magkahalong saya at labis-labis na excitement.“Sam, dalian mo. Mamaya ka na matulala at mamangha riyan,” sita sa akin ni Caya at iginaya sa pinakaharap, kung saan naghihintay ang ilang Celestial Zodiacs sa amin.Ilang minuto pa ang nakalilipas, unti-unti nang nagsara ang malaking bakal na pinto ng Dome Magia. Sandaling tumigil ang orchestra sa pagpapatugtog at lumapag sa entablado ang isang lalaki- si Archmaster Leo
Nagulat ako nang makarinig ng isang malakas na pagsabog. Nang nagpalinga-linga ako sa aking paligid, napagtanto kong nasa isang kagubatan ako. May dalawang tao akong nakikita mula sa aking kinaroroonan- isang babaeng nasa mid-30 na siguro ang edad at isang batang babae.Teka, anong ginagawa ko rito? Hindi ba't nasa Caelum Academy ako at kauuwi lang namin nila Caya galing sa Dome Magia. Nanaginip na naman ba ako?“Isa kang malaking kahihiyan! Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin magawang kontrolin ang iyong kapangyarihan, Ash,” sermon ng babae sa bata.Ash? Bakit parang pamilyar sa akin ang eksenang ito? Ngunit, wala naman akong maalala na nangyari na ito sa akin. Ako ba ang batang iyon?Nangunot ang aking noo. Nagtago ako sa likod ng isang puno at pinanood silang dalawa. Napansin ko ang maraming punong natumba at nasusunog ang mga ito.Napadako ang aking tingin sa bat
Ilang beses kong naikurap ang aking mga mata habang nakatingin sa puting kisame. Teka, paano ako napunta sa aking kuwarto? Iba na rin ang aking suot na damit.Inaalala ko ang mga pangyayari. Kanina lang ay nasa malawak akong bukirin kasama ang ibang Celestial Zodiacs. Tapos-- Napaigtad ako sa aking kama at napaawang ang aking bibig. Nanlalaki rin ang aking mga mata. Napapatulala! Anong nagawa ko?Sigurado akong nasaktan ko siya. Mabilis akong lumabas sa aking kwarto at sakto namang nasa sala si Caya. Nakaupo siya sa may sofa. “Sam, buti naman at gising ka na. Ayos ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo?” bungad niya sa akin.Mababakas sa kaniyang mukha ang pag-alala.“Nasaan si Raid? Kumusta siya?” alalang tanong ko.Hindi ako mapakali sa aking kinaroroonan. Gusto kong tingnan ang kaniyang kondisyon ngayon
Dahan-dahan kong naimulat ang aking mga mata. Sumalubong agad sa akin ang walang hanggang kadiliman. Wala akong makita kundi dilim lamang.Sinubukan kong tumayo at mabuti na lamang dahil hindi ako natumba. Bigla namang kumirot ang aking ulo kayan napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi.Nang mag-angat ako ng tingin, napakaraming imahe ang lumitaw sa ere. Tila nasa loob ako isang ng monitor room at nanonood ng mga kuha ng CCTV cameras. Nababalot ako ngayon ng pagtataka. Isang eksena ang nakaagaw sa aking atensiyon. Medyo glitchy ito pero maayos ko namang naririnig ang mga boses ng nag-uusap.“Ate, makipaglaro ka naman sa amin. Puro ka na lamang pagsasanay. Miss na kitang kalaro,” pakiusap ng isang batang may maliit na tinig.Napapatulala na lamang ako habang pinagmamasdan ang batang babae.“Hindi maaari, Debbie. Kailangang magsanay nang magsanay ang ate mo. Hangga't hindi pa niya nagagawa
Bumungad agad sa amin ni Caya ang malakas na boses ni Raid nang makarating kami sa training ground. Mukhang nakikipagtalo na naman ang lalaki kay Marc.“Hoy, bata, hindi ba't sinabi ko sa 'yong huwag mong papasukin si Poly sa bahay natin? Kapag nagkalat na naman mamaya ang alaga mo sa kuwarto ko, humanda iyon sa akin. Iihawin ko talaga 'yon ng buhay,” pagbabanta ni Raid kay Marc.Napasampal na lamang ako sa aking noo matapos paikutin ang aking mga mata.“Subukan mong ihawin iyon at siguradong pagpipira-pirasuhin ko ang bawat laman mo. At huwag mo akong matawag-tawag na bata ulit, dahil kasing-edad mo lang ako,” angil ni Marc sa lalaki.“Kasing-edad mo nga ako pero 'yong height mo ay pambata pa rin, kaya bata pa rin ang itatawag ko sa iyo,” paninindigan ni Raid.Lumapit naman si Glade sa kanila at saka inawat ang dalawa sa kanilang bangayan.“Oyy! Puwede bang itikom niyo ang mg
Nakayuko lamang kaming lahat habang sinesermonan kami ni Archmaster Leonard. Parito't paroon ang kaniyang ginagawa, habang binubusog kami ng kaniyang mga salita.“Inaasahan ko pa naman din kayo na maging modelo sa lahat, ngunit anong ginagawa niyo? Kayo pa ang nangunguna ng gulo dito sa Akademya!” hayag sa amin ni Archmaster.“Ngunit, Archmaster--”“Huwag kang sumabat, Caya. Hindi ko tinatanong ang iyong opinyon,” naiiritang asik ni Archmaster sa aking katabi.Kinurot ko siya sa kaniyang braso at binigyan ng tingin na nagsasabing, “Huwag ka na kasing magsalita pa”. Napatahimik naman siya at saka sumiksik sa aking tabi.“Wala man lang bang umawat sa tatlong ugok na ito bago pa sumiklab ang kanilang pagtatalo?” usisa sa amin ni Archmaster.Kulang na lamang ay umusok ang kaniyang ilong dahil sa pagkainis sa amin. Naglakas-loob naman akong sagutin ang kaniyang ka
“Unleash the power of zodiacsAwaken the celestial marksUnite our hearts as one…”Sandali kaming napatigil nang bigla kaming hagupitin ng mga nagngangalit na baging. Mas naging agresibo ang mga ito sa pag-atake at tila ba mga galamay ng isang higanteng pusit na walang tigil sa paghampas. Wala kaming nagawa kundi tuluyang mapabitiw sa isa't isa para mailagan ang mga paparating pang atake.Isang baging ang dire-diretso sumugod sa aking direksyon kung kaya't inihanda ko ang celestial weapon. Ngunit, napapitlag ako at namilog ang mga mata nang makita si amang nasa kalunos-lunos na kalagayan. Pitong matutulis na baging ang bumaon sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan at tumagos pa ang mga ito sa kaniya. Nakayuko ang kaniyang ulo habang malayang umaagos ang dugo mula sa kaniyang bibig.“Ama!” malakas kong sigaw, at hindi ko na lamang namamalayan ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata. Mabilis
Walang tigil ang pagpapaulan namin ng malalakas na spell sa kinaroroonan ni Dolus. Bahagyang humina ang kaniyang kapangyarihan dahil sa ginawa ni Raid kanina. Ngunit, hindi pa rin maikakailang kayang-kaya niyang kaming tapatang lahat kahit na wala sa kaniya ang mga power stone.Sandali naman akong napatigil sa paglipad nang biglang tumili si Almirah. Napunta lahat sa kaniya ang atensyon. Napahawak siya sa kaniyang sinapupunan at tumingkad ang liwanag na nagmumula rito. Anong nangyayari sa kaniya? Manganganak na kaya siya?Mabilis na inalalayan siya ni Glade at saka binuhat na parang bagong kasal habang nakalutang ang lalaki sa ere. Kinakausap ni Glade ni Almirah ngunit wala kaming panahon para panoorin sila. Naglagay si Glade ng vine barrier sa palibot nila para hindi sila maapektuhan sa anumang atake o spells. Naintindihan naman namin silang dalawa. Kailangan nilang protektahan ang kanilang magiging anak. At gano'n din kami.Ibin
Ilang minuto na ang nakalilipas, ngunit wala pang anumang aksiyon ang sumunod na ginawa ni Dolus. Ano ang kaniyang plano? Balak ba niyang pahirapan muna kami nang sobra, bago patayin?Nakahanda na ang sarili kong mamatay. Tanggap ko na ang aking magiging katapusan. Ano pang hinihintay niya?Mariin kong naipikit ang aking mga mata ngunit agad din lang akong nagmulat. Bigla akong napapitlag at nagulat nang sumigaw si Caya. Napadako ang tingin ko sa kaniyang gawi. Boses pa lamang ay alam kong umiiyak na siya, at hindi naman nga ako nagkamali.“Hindi lahat ng bagay ay kaya mong kontrolin. Hindi lahat. Hindi ang aming tadhana o buhay. Hindi ang aming pagkakaibigan. Hindi ang aming relasyon sa isa't-isa. Hindi ang aming pagmamahal para sa mga taong gusto naming protektahan. Hindi mo kayang kontrolin ang mga bagay na iyon, Dolus. At hanggang hindi mo iyon nagagawa, hindi ka magiging malakas!” mahabang litanya ni Caya, kahit namamaos na ang kaniyang bo
“Hindi ko tinalikuran ang aking asawa't anak. At lalong hindi ako ang pumatay sa aking mga magulang.” Mariing dinipensahan ni Ama ang kaniyang sarili laban sa mga bintang sa kaniya ni Dolus. Marahas niyang naikuyom ang kaniyang mga kamay at nagngingitngitan ang kaniyang mga ngipin.“Hahaha! Kasinungalingan. Kung hindi—” Napatigil si Dolus sa kaniyang sinasabi nng biglang sumabat si Acanta. Nagulat kami sa ginawa ng babae ngunit minarapat naming makinig sa kaniyang sasabihin.“Ikaw ang pumatay sa kanila, Dolus. Nagpanggap kang si Ardor para linlangin ang aking kaniyang mga magulang. Nang makalapit ka sa kanila, agad mo silang sinaksak patalikod. Nakita ni Empress Lumia ang iyong ginawa at inakala niyang ang kaniyang kapatid ang may gawa no'n. Mabilis kang umalis at pinalabas na umuwi noon si Ardor sa kaniyang mag-ina. Sumugod si Empress Lumia sa kanilang tahanan na naging ugat ng kanilang hidwaan. Ikaw ang puno't dulo ng lahat,&
Agad akong niyakap ni Caya nang makalapit siya sa akin. Mainit sa pakiramdam ang yakap na ito. Wala akong nararamdamang anumang kaplastikan.“Mabuti naman at nakabalik ka na. May masakit ba sa iyo?” alalang saad sa akin ni Caya, matapos kumalas sa pagkakayakap. Tumagal nang ilang segundo bago ako tumugon sa kaniya.“Ayos lang ako. Don't bother. I'm just tired,” sambit ko sa kaniya.“I think we should take a rest here for at least an hour. You can sleep on my shoulder,” malasakit sa akin ni Caya.“Thank you, Cay,” tanging tugon ko na lamang sa kaniya.Ngumiti siya sa akin at gano'n din ako sa kaniya. Tama. Wala akong dapat pagdudahan s
Walang anumang ingay na maririnig sa lugar na kinaroroonan namin kundi mga malalakas na pagsabog lamang. Lahat na yata ng mga malalakas naming spell ay nagawa na naming pakawalan. Ngunit, humihinga pa rin ang mga kalaban.Nahuli ko ang pagngisi sa akin ni Livea. Kahit nangangatog ang aking mga tuhod dahil sa sobrang pagod, nanatili akong nakatayo habang matapang na nakaharap sa kaniya. Maaaring kawangis niya ang aking Ina, ngunit hindi ako naaapektuhan. Hindi ko naman kasi nakasama ang tunay kong Ina nang matagal. Sanggol pa lamang ako nang namatay siya.Hindi ko nga alam kung dapat ba akong maging masaya ngayon dahil hindi siya naging kahinaan ko sa labang ito, o maging mlungkot dahil hindi ko man lang naramdaman ang kaniyang pagiging Ina sa akin. Ngunit sa sitwasyon ngayon, kailangan ko munang isipin na kalaban ang turing namin sa isa't-isa. Katawan lan
Wala akong ibang makita kundi kadiliman lamang. Hindi ko maihakbang ang aking mga paa dahil hindi ko alam kung saan ako patutungo. Kanina pa ako sumisigaw ngunit walang sumasagot sa akin.“Aaack!” Napadaing ako nang biglang may humampas ng matigas na bagay sa aking mga binti. Narinig ko ang malutong na pagkabali ng aking mga buto dito. Mabilis akong napaupo at nagsisigaw dahil sa sakit.“Aaahhh!” muling pagdaing ko nang may humagupit na latigo sa aking likod, ramdam ko ang pagkapunit ng aking damit. Napaiyak na lamang ako dahil sa sobrang hapdi. Napakagat ako sa aking labi habang iniinda ang sakit.Hindi ako makatayo dahil sa aking nabaling binti. Sinubukan kong gamitin ang aking mahika para pagalingin ito ngunit bigo ako. Hindi gumagana ang aking mahika. Anong klasen
Matapos naming mag-alay ng dasal para sa kaluluwa nina Mama Arianna at Ira, bigla na lamang bumukas ang lagusan patungo sa susunod na palapag. Isang palapag na lang at mararating na namin ang pinakatuktok ng tore. Hindi namin alam kung paano ngunit nabawasan ng tatlong palapag ang tore at naging pito na lamang ito.“Hintayin na lang muna natin dito ang iba pa nating mga kasama. Mas mabuti kung sama-sama tayong lahat. Nasa ikalimang palapag tayo at nasa ibaba natin sila. Siguradong dadaan sila dito bago tumungo sa susunod na palapag,” suhestiyon naman ni Raid sa amin.Tanging pagtango lamang ang isinagot namin sa kaniya. Tama nga naman siya, mas maigi kung magkakasama naming harapin ang mga kalaban. Tumabi ako kay Deborah na nakasandal ngayon sa pader habang nakaupo sa sahig. Yakap-yakap niya ang kaniyang mga tuhod at kanina pa walang kibo.“Deb--” Agad akong napatigil sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo. Mariin niyan
Halos mawalan kami ng balanse sa pagtayo dahil sa paulit-ulit na pag-alog ng sahig. Dumadagundong ang buong silid dahil sa matinding labanan nina Deborah at Ira. Parehong Earth attribute ang kanilang mga mahika. Ngunit kahit gaano pa kalakas si Ira, kayang-kaya na siya ngayong tapatan ni Deborah.“Paanong nabuhay ang isang patay na dagang tulad mo? Humiwalay na ang iyong Zodiac at celestial weapon sa iyong katawan kaya paniguradong patay ka na kanina. Pero paano?” takang tanong ni Ira.Umangat sa ere ang Battledore, na hirap na hirap kong natanggal kanina sa likod ng aking ama. Tinatawag ito ng babaeng demonyo. Siya na ngayon ang bagong may-ari nito kaya nagagawa niya itong kontrolin ayon sa kaniyang kagustuhan. Nakakapagtaka lamang dahil pinili siyang maging tagapangalaga ng Taurus.“Gusto mo talagang malaman kung paano ako nabuhay? Hindi ko maaaring sabihin sa'yo ang mga impormasiyon, ngunit gusto kong pagmasdan mo ito, Ira.