DELPHI
Inayos ko ang ilang hibla ng buhok ko na kumalat sa gilid ng aking mukha. Kailangan kong maging presentable dahil importante sa akin ang magkaroon ng trabaho na. Kung bakit naman kasi nag-trip pa akong gumawa ng bangs four months ago…Napatulis ang nguso ko sa naisip. Ito tuloy napala ko sa bangs-bangs na trip. Istorbo tuloy at hindi ko maisama sa pusod. Tinanggal ko ang tali ng buhok ko para muli ay ayusin iyon. Itatali ko na sana ulit ang buhok ko nang maputol ang tali.Shit naman talaga! Anong kamalasan naman?!Kaasar!!!Asar akong napabuga ng hangin at huminga ng malalim para maalis ang inis ko sa nangyari. Tumayo na lang ako at pumunta sa ladies’ room at doon ko inayos ang buhok ko. Wala naman akong mahanap na pwedeng itali pa kaya hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko. Ayoko na rin pumunta pa sa MOA, para bumili ng panibagong tali. Baka kasi biglang matawag na ang pangalan ko para sa interview ay nasa labas pa ako.Nag-aaplay kasi ako ngayon sa isang call center malapit sa MOA. Kailangan ko ng work at itong mga call center lang ang alam ko na pwedeng tumanggap sa akin, kahit hindi ako nakapag-college, na may sure na maayos na pasahod. Sa call center kasi pwede ang high school graduate basta marunong mag-English.At magaling ako sa English. Mahirap lang naman kami pero natural ko ang maging Inglisera. Kahit wala akong kausap araw-araw na nag-i-English ay balewala sa akin. Normal na eksperto ako sa lenggwaheng iyon.Lumabas na ako ng comfort room nang marinig ko ang pangalan ko na tinatawag. Mabilis akong lumapit sa babaeng naka-dreadlocks ang buhok. Maganda siya at mukhang artista. Binilang ko pa ang mga hikaw sa tainga niya at umabot ng walo bawat tainga. She looks like a punk. A pretty punk.“I’m Delphi Gomez,” pakilala ko nang lapitan ko siya.“Follow me for the initial interview.”Sumunod naman ako na kinakabahan pero pilit na nilalabanan iyon. Kailangan ko ng trabaho, iyon lang ang dapat isipin ko. Naawa na ako kina tatay at nanay, matatanda na pero sigeng kayod pa para matulungan ako sa pinansyal na pangangailangan ni Daphne, ang anak ko na malapit na mag-limang taon. Nasa probinsya sila ng mga byenan ko at ako na lang ang naiwan dito sa Manila. Mas maganda na iyon at makakatipid ako kapag doon sila. Ang matitipid ko ay para sa kanila rin.May trabaho naman ako nakaraan kaso three months ago ay natanggal ako. Kung kailan malapit na sana ako matapos sa six months probationary period ay saka pa kasi nangyari ang bagay na iyon.Muntik na kasi ako ma-rape. Iyong operational manager sa call center na pinasukan ko nakaraan ay pinag-interesan ako. Ang walanghiyang iyon! Palibhasa hindi ko naman itinatanggi na may anak na ako at biyuda, akala yata papatulan ko. Year-end party namin nang ipilit niya na siya ang maghatid sa akin pauwi sa boarding house kung saan ako rumirenta.Hindi ko naman alam kasi kung bakit nakatulog ako habang nasa kotse niya at nagising na lang na hinahalikan niya. Nakakadiri! Nakakadiri alalahanin! H*yup siya! Sana mamatay na siyang—demonyo siya!!!“Tell me about yourself.”Napatingin ako sa babaeng nag-i-interview sa akin. Pilit kong inalis sa isip ko ang nangyari three months ago at nagsimula na pala ang interview ko.I smiled at the question. I know how to nail this type of question. This is not about who I am as a person but how I am as an employee.“I am an optimistic one. Three years ago, I was a customer service representative for two years in Tele Conduct. I answered customers' queries about their billings and made some sales too. I loved my lively and challenging work there, and I could quickly multi-task and troubleshoot customer concerns. Even on our busy workloads, I've enjoyed it.”“Three years ago. Why did you resign?”“I need to raise my daughter. She had a problem with her blood when she was born, which made me stop working. But she is fine now, and she will not be a problem anymore, for her health is getting better, and she was taken care of by my late husband's parents in the province.”“Good to know that. And why do you want to work at this company?”I honestly answered the question na ang isang dahilan ay dahil sa anak ko at sa matatandang mga byenan na. Sinabi ko iyon dagdag sa papuri sa kompanya nila muna. Ang dahilan naman talaga ng tanong na iyon ay para malaman kung ano ba ang maibibigay ko sa kompanya na serbisyo at hindi ang tungkol sa problema ko sa buhay.But still naging honest ako, totoo naman kasi na ang anak ko ang dahilan ng lahat. Para sa kaniya lahat ng pagsisikap ko.Natapos ang initial interview at kasama ang ilan sa mga kasamahan kong aplikante ay naghintay kami ng update kung sino ang mga nakapasa.“Kanina pa kita tinitingnan,” sabi ng babaeng katabi ko at nginitian ko siya. “Ang ganda mo.”“Salamat,” ani ko. Lagi kong naririnig na maganda ako. Maraming nagsasabi kaya hindi na bago sa akin iyon.“Pia pala,” pakilala niya sa akin sa sarili niya. “Anong pangalan mo?”“Delphi,” banggit ko sa pangalan ko na nakangiti sa kaniya. Mukha naman siyang mabait at friendly.“Ganda ng name mo, lugar ‘yon, ‘di ba?”Ngumiti naman ako. “Yes, pinangalan ako sa lugar sa Greece. Doon daw kasi nag-work dati ang parents ko at nagkakilala,” natatawa kong sabi. "Pero wala na sila. Matagal na akong ulila."Minsan ay hirap ako sa pagsabi ng pangalan ko dahil parang nawiwirduhan ang iba pakinggan kapag sinabi ko na. Pero nakakatuwa naman itong si Pia at may idea siya sa lugar na kung saan ginaya ang name ko.“Wow. Saan ka dating nagwo-work pala?” tanong niya.“Tumagal ako noon kahit paano sa Tele Conduct. Umalis lang ako noong kailangan ko maasikaso ang baby ko.”“May asawa ka na pala…” nakangiti niyang sabi. “Ako ay ikakasal na rin sana last year kaso pinagpalit ako sa iba.” Tumawa ito pagkatapos magkuwento.Hindi ko na sinabing biyuda na ako. I can’t tell to anyone that. Medyo nadala ako sa nangyari sa akin sa huling BPO na pinagtrabahuan ko. Hindi ko nga nilagay sa resume ko ang tungkol sa company na iyon. Sana hindi ako ma-background check at kapag sakali mangyari ay sure na hindi ako matatanggap na. Masyado kasi akong sinira ng operational manager pagkatapos ng gabing iyon.Pagkatapos ko manlaban at takasan siya ay kinabukasan nakatanggap ako ng termination letter. Tinatanggal ako at sinabi na dahil iyon sa pagnanakaw ko. Wala akong ninakaw na kahit ano sa company, ni headset nga hindi ko inuuwi at iniiwan lang sa locker room. Allowed kasi kami roon iuwi ang headset.Wala akong ninakaw. At hindi ko nagawang magnakaw kahit kanino sa mga kasama ko roon. Pero ang daming nagkampi sa lalaking iyon, at sinabing sila ang mga ninakawan ko ng pera, phone, at kung ano-ano pa.“Mabuti ka pa at may experience ka na sa ganitong work. Ako kasi ay sa casino lang nakapag-work dati. Magaling ka ba um-English?”“Sakto lang naman,” nakangiting tugon ko sa tanong niya.“Kinakabahan kasi ako. Baka hindi ako matanggap dito. Hindi ako magaling um-English eh.”“Kaya mo ‘yan. Tiwala lang.” Pagpapalakas ko sa loob niya.“Pwede ibigay ko sa ‘yo number ko?” tanong niya sa akin. “Ibigay ko lang at kapag may alam kang ibang pwede kong aplayan ay baka pwede mo ko inform. Okay lang ba?”Number naman niya kaya pumayag na ako. “Oo naman. Sige.”At binigay nga niya. Kakatapos niya lang ibigay nang tawagin ang mga pangalan ng mga magpo-proceed sa next part ng application. Ang hearing test at kasama ako sa tinawag. Napatingin ako kay Pia na nasa mukha ang pagkabigo.“Sabi ko na eh,” nakangiti niyang sabi sa akin.“Pwede ka pa naman reapply after a month ang sabi.”“Kailangan ko na talaga ng work. May sakit kasi ang mama ko at ako lang din inaasahan niyang makatulong. Baka bumalik na lang ako sa casino,” malungkot nitong sabi.“Hindi ba okay do’n?” tanong ko.“Okay naman ang pasahod kaso gusto ko lang talaga subukan sa ganitong company.” Tumayo na ito at muli akong nginitian. “Baka may alam kang iba sa susunod na may hiring… please inform mo ko. Nakakasawa na laging napag-uusapan eh. Topic kasi ako lagi sa amin na casino girl ako. Kung pag-usapan nila ako ay parang ang baba ng pagkatao ko kaya gusto ko sana magbago ng work.”Tumango ako. Naunawaan ko na ang dahilan niya. “Sige,” sabi ko na lang. “Message lang kita agad. Pakilala lang ako. Wala kasi akong load ngayon kaya hindi kita ma-text at kakapalit ko lang ng SIM card kaya hindi ako sure sa numero,” dahilan ko lang iyon. Ayaw ko lang talaga ibigay ang numero ko sa ngayon. Saka na, kapag may nabalitaan na lang ako na mass hiring ng ibang BPO companies.Naghiwalay na kami nang tawagin na ang pangalan ko at sumunod na ako sa magdadala sa amin sa area kung saan gaganapin ang hearing test. After ng hearing test ay may mock call pa na sumunod bago ang final interview.Nasa labas na ako ulit at hinihintay na ang resulta. Gutom na gutom na rin. Ilang minuto pa bago may lumapit sa amin na babae at sinabi kung sino ang mga nakapasa sa final interview at masaya ako na isa ako roon.Nang sabihin na asikasuhin na namin magpa-medical at ang mga ibang requirements ay nagpasalamat ako sa Diyos na may trabaho na ulit ako. Naubos ang buong araw ko sa pag-aaplay pero may magandang resulta naman. Mamaya ay tatawagan ko rin sina nanay para ipaalam na may work na ako. Matutuwa sila sigurado. At siguradong matutuwa rin si Daphne.Lumabas na ako ng building at lumakad na papunta sa harap ng MOA. Doon ako mag-aabang ng bus pauwi ng Cavite.Nag-aabang na ako ng bus nang mapansin ko ang dalawang lalaki na tumitingin sa akin. Parang nakita ko na sila kanina na lumalakad kasunod ko. Bigla akong kinabahan. Baka naman may gawin silang masama sa akin.Kinapa ko sa bag ko ang lagi kong dala na pepper spray. Mayroon akong laging dala dahil wais yata ako. Hindi ako papayag maulitan sa nangyari na kung hindi lang lampa ang operational manager namin ay siguradong hindi ko natakasan.Napatingin ako sa oras sa phone ko. Alas-otso na pala ng gabi kaya gutom na rin ako. Wala pa akong kain. Ang huling kain ko ay kanina pang umaga bago ako pumunta rito sa MOA area.Kababalik ko lang ng phone ko sa bulsa nang tabihan ako bigla ng isang lalaki. Baka snatcher. Alerto ko siyang ini-spray-an ng hawak ko.“Che cazzo!” galit na sabi ng lalaki na halatang ininda ang lahat ng ini-spray ko sa mga mata niya.Ay! Foreigner pala… Iba ang lengguwahe na gamit. Italian.“Boss Zeno!” Lumapit ang isang lalaki sa ini-spray-an ko na papikit-pikit ngayon at pilit akong tinitingnan.Napangiwi ako at napalunok. Mukhang mali ako ng hinala. Mukhang bigtime at hindi snatcher. Paglingon ko sa likuran ay saktong may bus na pala kaya sumakay ako agad.Ayos! Lusot!Nang umandar na ang bus at magsara ang pinto nito ay tiningnan ko ang lalaki na… na ngayon ay nakatitig na sa akin kahit naniningkit ang mga mata at namumula. Naluluha pa nga.“Sorry,” nasabi ko kahit alam ko na hindi niya ako maririnig.Hindi ko pa rin siya hiniwalayan ng tingin kasi weird na nakatitig pa rin siya sa akin. At ano na nga ang pangalan niya sabi no’ng tao niya?Zeno ba ‘yong narinig ko? Boss Zeno?Zeno?! Kapangalan no'ng...Ah, hindi! Baka naman ang sabi ay, ‘boss, sino?’ Baka naman tinatanong kung sino ang may gawa sa boss niya nang pag-spray. Baka marunong pala silang mag-Tagalog.**********A/N:Italian to English...Che cazzo!(What the fuck!)ZENO Sorry. That was the word the woman mouthed three nights ago. Kamukha niya talaga si Althea. Kung bakit sila magkamukha ay malalaman ko rin. One more thing ay tama ang hinala ko. Siya iyong babaeng nakita ko bago nawala ang wallet ko. Nakausap ko pa nga siya. And now my men found out na siya ang accomplice ng espiya na dumukot ng wallet ko ay isa lang ang ibig sabihin, tao siya ng kalaban at baka iyon ang dahilan kaya ginagaya niya ang mukha ni Althea. They are fooling me.But I am still trying to figure out what may have happened years ago. Hindi pa rin kasi nawawala sa isip ko na baka… na baka may posibilidad na siya nga si Althea. Because everything about her is like Althea.Almost two months ago nang una ko siyang nakita… almost two months ago na parang pakiramdam ko ay muli akong nabuhay…******“Althea?” naguguluhang tanong ko sa sarili habang nakatingin sa isang babae na naglalakad. Kamukha siya ni Althea. No! Hindi kamukha. Si Althea talaga. Naguguluhang sinundan ko
DELPHI“Thank you for reaching us, my name is Delphi. May I have your name and phone number for confirmation of your account please…” I rolled my eyes. Nakakaumay na ang linya na paulit-ulit pero ano ba ang magagawa ko at ito ang trabaho ko? Magdadalawang buwan na rin ako sa trabaho ko rito sa— sa ano na nga ang pangalan ng company na ito? Hindi ko naman nalimutan, nataon lang na na-absorb daw ng isang company kaya iba na ang name at management.Ah okay… naalala ko na… AFSLinks ang pangalan na ngayon. Hindi pa dini-disclose ang ibig sabihin ng unang tatlong letra, pero magpapatawag naman daw ng meeting sa susunod, kapag dumating na ang bagong general manager ng company. Maayos naman ang pasahod kaya okay na ako rito. Ang importante kasi sa akin ay ang makapadala para sa pangangailangan ni Daphne at ng dalawang matanda. Matugunan ko lang ang kailangan nila ay solve na ako. Ayos na iyon. Happy na ako. Sila lang naman ang dahilan kaya ako nandito sa Manila nagtatrabaho. Kung wala nga
ZENO “Are all the information about Delphi Gomez is here?” tanong ko kay Gilberto nang inabot niya sa akin ang isang envelope. “Yes.” Inilabas ko naman ang lahat ng files na naroon. Tinitigan ko ang mukha ng bata na nasa picture. The girl is pretty though makikita na payat ito. Ang kasunod kong tiningnan ay ang file tungkol kay Delphi. 'Delphi Gomez. The only daughter of Rico and Evelyn Dominguez. Her parents died when she was only fifteen and taken care of by her mother’s sister. When she was twenty, she married her longtime boyfriend, Gary Gomez and they lived in Marinduque until an incident happened when she almost drowned and her husband saved her. Gary Gomez died on that day, leaving his widow who was two weeks pregnant.' Kinuha ko ang mga clip mula sa mga dyaryo na niluma na ng panahon ang mga larawan at iyon naman ang mga binasa ko. 'Nagbabagang Balita: Isang Lalaki ang Nalunod sa Pagsagip sa Asawa sa Marinduque' I sighed heavily and checked the date, March 2017. 2017
DELPHI “Delphi, hanap ka ni TL…” pabulong na sabi ni Jenny bago siya dumiretso sa puwesto niya at agad sinuot ang headset. “Auto in!” sabi ng TL Jurgen, ang mataray na TL namin na accla, habang palapit sa station namin. “Maliban sa ‘yo,” sabi niya sa akin nang lapitan niya ako at siya na ang nag-log out ng account ko na naka-ready na sa computer sana. Kinabahan ako bigla. Bakit? Pakiramdam ko ay may nagawa akong kasalanan kaya ako inawat sa pagtanggap ng calls. Iniisip ko pa kung ano ba ang nagawa ko. Baka iyong pag-transfer ko sa Spanish agent kagabi ng kausap kong irate customer. Ipasa ko raw siya sa American agent kaya para happy siya ay sa Spanish agent ko siya pinasa. “Follow me,” sabi ni TL Jurgen sa akin at tumayo na lang ako para sundan nga siya. Mukhang iyon nga ang dahilan. Warning na naman ako nito. Napakamot na lang ako. Lumakad si TL Jurgen papunta sa elevator at sumunod lang ako kahit nagtataka. Bakit? Saan kami pupunta? Usually naman sa cubicle lang naman niya k
ZENOI am looking for November. Kailangan ko siyang bilinan sa dapat niyang gawin mamaya sa AFSLink. I need her to start her work there. Dumiretso ako sa pool area na itinuro ni Gilberto kung nasaan ang kapatid ko. And I saw November being busy with her favorite workout routine. I am near them when in one swift move, pinagsabay ni November ang dalawang tauhan ko nang pakawalan niya ang deadly niyang 360 degree round kick. This is how November do her workout. Her workout is having a sparring with my men. Hindi nakokontento ang kapatid ko sa punching bag lang, she wanna do punches with anyone na handang lumaban sa kaniya. Handa. Hindi iyong takot siyang suntukin. Literal na sparring ang hanap ng babaeng ito. Mas nasasaktan ay mas ganado.Umiiling na patuloy akong lumapit sa kanila. Napatingin sa akin ang kapatid ko na nakaarko pa ang isang kilay. Gesturing a question why I am in front of her.“Make Althea your P.A. starting tomorrow…” utos ko. “You will meet her tonight and discuss e
DELPHI “Ay, elepanteng bakla!” Dahan-dahan akong umatras habang nakatingin sa likod ng lalaki na nasabuyan ko ng iced coffee na dala-dala ko. Bakit kasi humarang ito sa daan ko?! Napangiwi ako dahil sa whipped cream na dumikit sa coat ng lalaki at ang kape ay nabuhos na rin sa kaniya. Nang umikot ang lalaki para harapin ako ay kasabay ang pagmumura niya. “What the fuck?!” dagdag pa nitong mura sabay tahimik. Mukhang naawa yata sa akin kaya itutuloy ko ang drama ko na makiusap. Nakayuko lang kasi ako para convincing at para mag-isip paano makiusap habang nakatingin sa leather shoes niya na parang… napakunot-noo ako. Bakit masyadong— ang haba naman ng mga paa ng tao na ito! Siguro mahaba rin ang— “Delfin?!” Delfin? Napatingin ako sa lalaki na tinawag akong Delfin at napangiwi. Siya na naman?! The man is creepy. Guwapo pero nakakatakot na. Lagi na lang niya akong sinusundan eh… Napakamot na lang ako sa anit ko na nangati na naman habang iniisip paano siya matakasan. Hindi na
ZENO Tawag sa phone ang nag-alis sa mga kung ano ang iniisip ko. Si November. “Ciao!” “Are you in a good or bad mood, big bro?” “Both. Zup?” “It’s your Delphi… I asked her to buy me iced macchiato. You might want to take your chances again to talk to her. She’s heading Starbucks as of the moment since I told her that only from that coffee shop I will consider.” November ended the call without waiting for my reply. Napatingin ako sa mga kausap ako. I am in a meeting dito sa isang hotel sa Pasay. We are talking about the diamond products na idadaan dito sa Pilipinas para maligaw ang mga nagmo-monitor bago dalhin sa Malaysia. Doon naman ipapalusot para madali na lang makaabot sa Cambodia at nandoon ang mga naghihintay bago dadalhin sa China. “I need to go,” paalam ko sa tatlong kausap ko na sabay-sabay napatingin sa akin at napatigil sa pag-uusap nila. “We are not done yet, Zeno.” “You’re not but I’m done,” I said at tumayo na ako. Lalabas na sana ako nang lingunin ko sila.
DELPHI Isang linggo na akong hindi bumabalik sa trabaho. Umuwi ako rito sa probinsya dahil kailangan si Daphne madala sa ospital. Naulit na naman ang panghihina niya at kailangan na naman ng blood transfusion. Dapat ay next month pa ulit ang pagsasalin ng dugo sa kaniya pero nanghina na siya agad. I sighed looking at my daughter who is now lying in hospital bed, kung pwede lang sana na ako na lang ang magkasakit para hindi na siya mahirapan. Ay, teka! Hindi rin pala ako pwede… ako ang breadwinner, at kapag nagkasakit ako at hindi naka-work ay mas kawawa naman ang anak ko. Hindi na lang ako. Babaguhin ko ang sinabi ko. Si ano na lang, iyong tsismosang si Aleng Bebang na wala na ginawa araw-araw kung hindi i-issue ang iba. Mabuti pa na magkasakit iyon at para matahimik man lang sa lugar namin kahit ilang araw. Magkasakit lang naman eh. Kasi kung may idadasal ako na sana mamatay ay si Jasper for the win pa rin. Hindi na si Aleng Bebang at kahit gano’n iyon ay may silbi pa rin i
ZENOI was staring at Delphi. Tulog na tulog na naman siya. I sighed. Sa pagdilat ng mga mata niya mamaya ay hindi ko alam kung sinong katauhan niya ang mangingibabaw. Binalikan ko ang araw kung paano kami nagkakilala, kung paano kami nagkagustuhan, nagmahalan…Kahit anong balik ko sa nakaraan ay wala akong makitang pagkakataon na may nag-iba sa kaniya. Wala. Lagi naman kaming magkasama noon maliban lang minsan noong umuwi siya ng Brazil dahil sabi niya ay may reunion ang pamilya ng ama niya. Iyon ang unang beses na nabanggit ni Althea hindi niya talaga gusto na naghiwalay ang mga magulang niya. Isa pang hindi niya gusto ay ang paglayo sa kaniya sa kakambal niya. Si Atlas… that dude who is now creeping Delphi was once the most trusted person of Althea. Nakakatawa isipin. Kung si Delphi ay takot sa kakambal niya, ang katauhan niyang si Althea ay basta si Atlas ang usapin ay puro papuri ang sinasabi. And that I am worrying about… paano kung nasa katauhan siya ni Althea sa susunod na mag
DELPHI Bigla akong napabangon. Napatingin ako sa itsura ko sa salamin. Magulo ang aking buhok at nakasuot ako ng pulang lingerie. Nasa tabi ko si Zeno na tulog. Napakunot ang noo ko. Muli kong tinitigan ang itsura ko sa salamin. Pulang lingerie? Bakit ito ang suot ko? Natatandaan ko na ang suot ko kagabi ay ang pajamas ko na white na ang design ay mga ulo ni Naruto. Anong nangyari at ganito na ka-sexy ang suot ko? Nilingon ko si Zeno na walang damit pang-itaas kaya nakalantad ang dibdib niya. Napalunok ako. Ang ganda talaga ng katawan ng taong ito. Hinaplos ko ang dibdib niya at pinagapang pababa ang kamay ko hanggang sa abs niya. Ibinaba ko pa at nakapa ko na ang may morning wood niyang mahaba, mataba, at maugat. Masarap din. Hindi ko pwedeng kalimutan kung ilang beses na ba akong pinaungol niyon habang naglalabas-masok sa… sa ano ko. Habang tinataas-baba ko ang hawak sa pagkalȁlaki ni Zeno ay bigla akong natigilan at may tanong na nanggulo sa isipan ko. Bakit pala ang lagi ko l
ZENO I was heading home. Pabalik na ako ng penthouse pagkatapos kong makipag-usap kina Trace at Ice. My intention was to talk to Trace alone. Si Trace lang sana at bahala na siya makipag-usap sa mga kamag-anak niya pero nagkataon na narito rin pala sa Pilipinas ang head ng FSO na si Isidro Ferreira. The man was in rage after seeing me. Hindi naman ako nagtaka sa galit nito sa akin dahil sa bintang sa akin ng pamilya nila na pinatay ko si Athea. Sa airport pa lang ay ramdam ko na gusto na akong dispatsahin agad ni Isidro. Tama ako na mas madaling lapitan si Trace. Kahit noong una ay ayaw din akong kausapin ni Trace, dahil sa akala na gusto ko ang asawa niya, mabilis ko naman nabago ang utak niya nang ipakita ko ang picture nina Delphi at Daphne sa phone ko. And thanks to Trace at nakalma niya si Isidro. Dahil kay Isidro ay maraming dumagdag sa isipan ko tungkol sa sitwasyon ng asawa ko. Binalikan ko ang naging usapan kanina. Sa dami kong narinig na kuwento ni Isidro patungkol kay
DELPHI Lumipas ang mga araw na naging mga linggo at naging mga buwan, na okay na okay kami ni Zeno. Successful ang bone marrow transplant ni Daphne and thanks God na parehong walang complication sa kanila. Ang sabi nga ni Zeno ay magto-tour kami kapag naayos na rin niya ang lagay ni November. Sa ngayon ay si November na ang problem ni Zeno lalo na at nauubusan na siya ng dahilan sa ama na dito muna sa Pilipinas ang isa. Ang isang nakakatuwa pa ay hindi na rin naulit na nagtalo pa kami ni Zeno. Wala na ring Althea na binabanggit siya at masaya ako na nakikitang palakas na nang palakas si Daphne. “Mama…” inaantok na tawag ni Daphne sa akin. Nasa may pool area kami ng penthouse at nagbabalat ako ng mansanas para sa kaniya. “Yes, anak?” tanong ko. “Saan si Papa?” tanong niya na isinubo ang slice ng papaya na nasa plato at pagkatapos ay ang slice ng pakwan naman ang tinikman niya. “Papa mo?” tanong ko na parang normal na lang sa akin ang tukuyin na papa niya si Zeno. Minsan nakok
ZENO "Sorry that I let this happen…" bulong ko kay Delphi. I sincerely apologized to her, not just to make her feel better. I am sorry because I didn't investigate further after the ambush. I neglected everything because I didn't care anymore and thought she was gone. More or less, I'm apologizing because I didn't consider that she might still be alive, and I let fate find a way for me to see her again. At nagso-sorry ako dahil kung hindi ako nagpabaya ay sana wala kami sa sitwasyon namin ngayon. Yes, I am saying sorry for the lost time na sana kasama ko siya, I am saying sorry for the tragedy she experienced that making her be like this now. But still, I am thankful na napadpad siya rito sa Pilipinas dahil kung hindi ay baka tuluyan na siyang nawala sa akin dahil hindi rin naman ako nagkamalay agad after being shot that day. Na kung sakali man hindi siya kinuha ng mga kung sinong may gawa ng pagtapon sa kaniya sa dagat ay baka natuluyan na rin siya. Hindi na ako sigurado sa kung
DELPHI Nagising ako na nakatali sa kama. Anong… Teka nga! Anong nangyari at nakatali ako? Nanlaki ang mga mata ko sa kung anong naisip. Bakit ako nakatali?! Bigla akong kinabahan. Nababaliw na yata si Zeno at itinali ako! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Na imposibleng basta siya iwan ng asawa niya. Baliw nga yata! O baka naman sadista o mahilig sa BDSM. BDSM? Napalunokok ako at naisip ang gagawin niya sa akin kung dahil sa BDSM kaya niya ako itinali. Pero sana naman hindi iyong tulog ako at saka ako itatali. Nakakatakot naman ang lalaking iyon mag-trip. “Zeno!” tawag ko sa kaniya nang marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower. “Zeno, pakawalan mo nga ako! Kung ano-ano na yatang kalokohan pumapasok sa utak mo, eh! Ano ba gusto mong posisyon at may patali-tali ka pa sa akin ngayon? Pinagbibigyan ka naman lagi… Bakit may patali-tali pa?” pabulong na lang pagkakasabi ko ng huling mga salita. Hindi sumagot si Zeno pero tumigil ang tulo ng tubig. Napalunok ako nang makitang lumaba
ZENO “Eu te amo, Zeno…” paungol na sabi ni Delphi. Napahinto ako sa ginagawa ko at tinitigan siya. “Não pare.…” paungol pang dagdag niya. “Thea?” tanong ko. She smiled seductively and initiated another kiss. Kung anong init na pinagsasaluhan namin kanina na siya si Delphi ay biglang nabago. The way Althea kissed me is no reservation, just like what she used to when we started then. “Eu senti sua falta, Zeno...” Hindi na ako nagsalita pa. Basta kapag nagsasalita na siya ng Portuguese ay alam kong bumalik na naman siya sa pagiging si Thea. And when I thought that sex could bring her back being Thea is not at all like that. Minsan pakiramdam ko ay may asawa ako at kabit na iniintindi. Kapag ganito na si Thea siya ay ramdam ko ang asawa ko pero kapag si Delphi ang personality niya ay pakiramdam ko may kabit naman ako. “Why are you always leaving me?” tanong ko kay Althea at muling umulos sa lagusan niya at inilagay ang mga braso ko sa ilalim ng mga hita niya para makalabas-masok
DELPHI Month have passed at nagiging stable na ang lagay ng anak ko, ready na rin siya sa bone marrow transplant. Two weeks pa at sa ospital na rin mag-i-stay si Zeno, dahil kailangan niyang dumaan ulit sa panibagong mga test para masiguro na magiging successful nga ang pag-donate niya ng bone marrow kay Daphne. Nandito ako sa kwarto namin ni Zeno sa penthouse niya, at may kausap lang siya sa may pool area na mga tauhan mula sa mansion niya. Ang penthouse ay sa taas lang din naman ng condominium building na binili niya raw para sa… para sa akin. I sighed at napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Napakurap-kurap ako. Iniisip kung ano ba ang tinititig ko sa sarili ko? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maunawaan kung ano ang nagustuhan talaga ni Zeno sa akin. Napabuntong hininga na lang ako dahil kahit anong titig ko sa sarili ko ay wala akong mahanap na sagot… baka naman sadyang maganda lang talaga ako masyado sa paningin ni Zeno kaya baliw na baliw sa akin. “Ay, ewan!” Napa
ZENO When I returned to my unit, I found Delphi wearing my shirt, and she looked so fresh from the bath. I stared at her and waited for her outburst like last night, but she did not say anything about last night. Mukhang nalimutan na niya ang mga ginawa niya. Nang tanungin niya ako kung saan ako galing ay sabi ko sa ospital at totoo naman na nanggaling din talaga ako roon dahil dinalaw ko si Daphne. Ibinilin ko na rin kay Gilberto at sa nurse na kinuha ko para maging yaya niya bago ko iniwan. Pinayagan ko rin umuwi muna ang matatanda at pinahatid ko na rin sila kay Ramon. Hindi ko alam kung nasa unit pa nila sila sa ibabang floor o baka nakabalik na rin sila sa ospital. Nauna kasi silang umalis sa akin sa ospital at may kinausap pa akong doktor. I sighed thinking of the convo I had with the psychiatrist of the hospital. ****** “Your wife is probably having a mental condition of split personality. Mas okay kung makakausap ko siya kasi base sa kuwento mo ay may chances din na hindi l