Share

Your Embrace, My Sanctuary
Your Embrace, My Sanctuary
Author: Ada Rose Cruz

CHAPTER ONE

Author: Ada Rose Cruz
last update Last Updated: 2020-09-22 20:39:32

KANINA’Y pakanta kantang inaayos ni Amber ang kanyang buhok sa tapat ng salamin na balak niya sanang i-braid ng side fish tail, pero nang magtext ang girlfriend ng kanyang ama at sinabi nitong magmadali na siya ay heto’t nag-pony tail nalang siya ng tuwid at hanggang baywang niyang itim na buhok. Doll shoes na rin lang ang naisipan niyang iterno sa skinny jeans at red bouse na suot para wala ng hassle, ngunit sa kalagitnaan rin ng pagmamadali ay naagaw ang kanyang atensyon ng isang patalastas sa TV.

Napangiti si Amber ng makitang nakangiti ang babaeng modelo roon, nginingitian nito ang isang lalaking modelo at tumugon rin ng ngiti ang huli. Obviously, the models were showing their pearly-white teeth. Nawala lang ang ngiti niya nang maghalikan ang dalawang modelo.

“Ate Amber, tapos ka na bang mag-ayos?” Dukwang ni Ynes sa pinto ng kwarto ito ang kanyang Personal Assistant. Napatingin ito sa commercial sa T.V. na patapos na bago tuluyan nang pumasok sa kwarto. “Kagabi ko lang po nakita ang commercial na iyan. Nice ate Amber,” Ngiting malawak ng babae. Si Amber kasi iyong babaeng modelong nasa commercial.

Tipid na nginitian ni Amber si Ynes bago pinatay ang TV gamit ang remote control. Tumayo siya sa kinauupuang kama. “Thanks, Ynes. Ako ngayon lang.”

“Next week naman magso-shoot kayo para sa Aphrodite shampoo. At siguradong magiging busy ka sa mga darating pang linggo.”

“Oo nga, after kong ipangampanya si papa kailangan na rin nating bumalik ng Maynila. May urgent interview ako bukas ng umaga para sa celebrity news, eh,” aniyang dinampot ang handbag sa kama. “Tara na at baka magalit pa si papa.”

“Sige po tara na,” pagsang-ayon ni Ynes.

Mabilis nilang nilalakad ang lobby ng hotel kung saan sila tumutuloy. Sa totoo lang wala naman silang dapat ipagmadali, kaya lang dahil sa masungit at diktador ang kanyang ama ay kailangan nilang pumunta ng maaga sa Plaza Ontawar doon sa bayan ng Tumawon Isang maliit na bayan sa probinsya ng Tawi-Tawi.

“Malapit na po ang eleksyon. Siguradong mas madaragdagan pa ang mga boboto sa papa mo dahi sa’yo, ate Amber,” sabi ni Ynes kay Amber.

“Basta para kay Papa, gagawin ko ang lahat. Gusto ko siyang manalo bilang Senador. At kapag nanalo na siya, sana ay iyon na rin ang oras para mapalapit na siya sa’kin.” may halong lungkot ang kanyang himig. Kahit malamig ang pakikitungo sa kanya ng kanyang papa ay mahal na mahal ito ni Amber dahil ama niya ito at wala na doong magbabago. “Kaya lang, baka kahit maging Presidente pa siya ng Pilipinas ay hindi niya pa rin ako mahalin.”

“Mahal ka naman siguro ni Sir. Sadyang busy lang talaga siya.”

“Pinapatawa mo naman ako, Ynes!”  aniyang tumawa, pero tawang hindi naman masaya, kundi natawa lang siya sa turan nito.  “Hanggang ‘sana’ nalang nga siguro ako”

Malungkot namang umiling-iling si Ynes, nakisimpatya na lamang sa kanya.

Simula ng magkamalay si Amber sa mundong ibabaw ay hindi na niya naramdaman ang pagmamahal ni Juancho Vilacosta na ang kanyang ama. Siguro dahil na rin sa namatay ang asawa nito ng siya’y ipinanganak, iyon lang ang rason niyang nakikita kahit hindi nito sabihin. As long as she could remember ay wala talaga itong pakialam sa kanya. Lagi rin siya nitong napagagalitan at naiisip niya na siguro ay nais na rin siya nitong itakwil, hindi lang nito magawa dahil baka masira ang magandang imahe nito dahil public figure at kilala ito ng marami. Pero kahit ganoon ang Papa niya sa kanya, ni minsan ay hindi niya naisip na mag-rebelde. Gusto niyang maging mabuting anak para dito kahit ba hindi siya nito mahal. But she’s still hoping that someday he will love her, lagi niya iyong ipinapanalangin.

Buong buhay ni Amber ay sa iisang tao niya lang naramdaman ang tunay na pagmamahal at pag-aaruga ng isang magulang- sa yaya niyang si ginang Mirasol o Mama Sol ayon na rin sa tawag niya dito. Wala siyang masasabi sa kabaitan nito, ito ang laging nagtatanggol sa kanya kapag nais siyang saktan ng kanyang ama tuwing siya’y nagkakamali. Simula sanggol hanggang sampung taong gulang siya inalagaan ni mama Sol, tumigil lang ito ng pag-alaga sa kanya nang mabalitaan niyang namatay ito dahil nasagasaan daw ng isang sasakyan. Sobrang lungkot niya nang mangyari iyon, at simula noon ay wala nang nagmahal sa kanya tulad ng pagmamahal ng babae. Nang tumuntong ng Thirteen years old si Amber ay umalis na sila ng Tumawon dahil  pagkatapos ng termino ng papa niya bilang Mayor ng bayan na iyon ay nagkaroon ito ng mataas na tungkulin sa isang Kagawaran ng Gobyerno sa Maynila. Sa Maynila na rin siya nag-aral ng high school, nakatira siya sa biniling bahay doon kung saan nakikitira rin ang mga kapatid ng kanyang papa, kaya lang ay lagi siyang napag-iinitan ng mga iyon sa hindi malamang dahilan, pinag-iinitan din siya ng mga pinsan niyang babae dahil naiinggit sa taglay niyang ganda. Apat na taon niyang tiniis ang pang-aapi sa kanya ng mga tiyahin at pinsan niya, kapag sinusumbong niya naman ang mga iyon sa papa niya ay sa kanya pa ito nagagalit, pakisamahan niya nalang daw, sabi pa.

Pagkatapos ni Amber ng High school ay todo siyang nakiusap sa kanyang ama para payagan siyang mag-dorm malapit sa Unibersidad niyang pag-aaralan bilang kolehiyo at pumayag naman ito. Mass Communication ang kinuha niyang course at  simula ng tumuntong siya ng kolehiyo ay doon lang siya nagkaroon ng pagkakataong maging part-time model, pagkakataon na tinanggihan niya noong high school dahil nais niyang mag-focus noon sa pag-aaral. At noong nakapagtapos siya ng kolehiyo ay hindi na nawala ang kanyang mga endorsement. Mga brands ng toothpaste, nail polish, perfume, body soap, whitening lotion ay ilang lamang ang mga iyon sa na-endorse niya, maganda kasi ang features ng kanyang katawan at mukha, photogenic at telegenic. Pero higit sa ganda niya, taglay niya ang talento at puso kung bakit minamahal siya ng marami. Ang pambihirang talent at puso niya rin ang nagdala sa kanya sa limelight. Kasalukuyan nga siyang host sa isang reality show at isa rin siya sa supporting cast ng isang telefantasya kung saan gumaganap siya bilang isang diwata. Pero alam niyang hindi pang habang buhay ang trabaho niya sa limelight kaya naman nag-open siya ng isang beauty shop na may iba’t-ibang franchise. Somehow, her business was stable. She felt happy because of her achievements, pero hindi siya lubusang masaya, hindi kasi naa-appreciate ng ama niya ang kanyang achievements. Dito pa naman niya gustong ialay ang lahat.

“Na-miss ko ang Tumawon, Ynes! Ang tagal ko nang hindi nakakabalik dito,”  Napangiti si Amber nang makalabas sila ng gate ng hotel. Ang hotel na iyon ay malayo sa bayan kaya halos kakaunting sasakyan lang doon ang dumaraan at napapaligiran pa ng mga puno kaya nakaka-relax, perfect spot talaga iyon sa mga taong gustong ma-relax at gustong makakita ng natural na tanawin pagkagising. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Amber nang makita niya ang isang pamilyar na bundok doon. Ordinaryong bundok lang iyon pero naikwento sa kanya ni mama Sol na marami daw doong fairy. Well, alamat lang iyon pero tuwang-tuwa siyang makinig sa istoryang iyon noong bata pa siya.

“Sabi niyo po ten years na simula nang umalis kayo dito at lumipat ng Maynila. Siguradong maraming nagbago sa lugar na ito kung saan kayo ipinanganak. Gusto mo ate Amber, balikan natin ‘yung dati niyong bahay?” mungkahi ni Ynes.

“Bakit hindi?” Tumingin siya dito. Ang nakatira na sa dati nilang bahay ay ang isa pang kapatid ng kanyang ama. “Gusto ko rin iyong makita. Marami kaming memories doon ni mama Sol,” excited niyang sabi. Noon kapag naiisip niya si mama Sol ay nalulungkot siya, pero iniisip niya nalang na ayaw nitong maging malungkot siya dahil nasa mabuti na itong kalagayan.

“Siya nga pala, Ynes. Nagtext na ba sa’yo si Kuya Melbert?” maya-maya’y tanong niya.

“Ang sabi niya po sa’kin, papunta na siya. Sana pala hindi na muna tayo lumabas.  Tin-ext ko na siya na sunduin tayo agad para hindi magalit si sir Juancho pero ang tagal mag-reply!” himutok ni Ynes. Sampung minuto na sila naghihintay doon sa labas ng gate ng hotel.

Kumibit-balikat naman si Amber. “Oo nga, wala naman sigurong traffic dito sa lugar.”

“Oo nga po, eh,” Kamot naman ng ulo ni Ynes. Mas naiinip pa ito kaysa sa kanya. “Hindi kaya naligaw na ‘yun?”

“Hindi ‘yun maliligaw, alam niya ito,” Umiling siya saka napalingon sa itim na van na paparating. “Oh, ayan na pala, eh!”

Sinundan nila ng tingin ang sasakyan hanggang sa tumapat na ito sa kanila. Mula sa driver’s seat, may bumabang isang lalaki.

“Kuya Melbert ang tagal mo naman” ani Ynes sa lalaki. Ngunit naputol ang susunod nitong mga sasabihin pa dahil ang lalaking bumaba ay nakasuot ng balaclava mask na katulad ng ginagamit ng mga kidnapper!

Napa-atras si Amber nang agad siyang kutuban ng masama. Ngunit napalingon din siya sa isa pang lalaking bumaba sa passenger’s seat at naglakad patungo sa kanya. Covered din nito ang mukha at kumpara sa naunang brusko ay patpatin ang pangalawa. At alam nilang hindi si Melbert ang isa sa mga iyon!

“Oh! My God! Sino kayo?” tumili si Amber nang hawakan siya sa braso ng patpating lalaki.

“Sumama ka sa’min kung ayaw mong mamatay!” asik nito, pansin niyang may hawak itong baril!

Biglang nanigas ang buong katawan ni Amber, at pagkatapos  ng ilang sandali ay bigla nang nanlambot ang kanyang mga tuhod. Mga kidnapper ang mga ito panigurado!

“Ate Amber!” sigaw ni Ynes na tumingin-tingin sa paligid. “Tulungan niyo kami!”

“Tumahimik ka!” Tinutukan si Ynes ng baril ng malaking lalaki.

“Y-Ynes,” nanginginig na boses ni Amber. They are both shivering. Their eyes met tracing with fears.

May dumating na dalawang gwardya. Ngunit sana’y tututukan na ng mga ito ng baril ang mga may masamang balak ay  ‘di na natuloy. Tinutukan kasi ng baril ang ulo ni Amber ng lalaking may hawak sa kanya. “Huwag kayong kikilos! Kundi sabog ang ulo nito!” anitong sabay hatak sa kanya papasok ng sasakyan. Wala siyang magawa kundi ang sumunod dahil sa hindi maipaliwanag na takot na nararamdaman. Ang malaking lalaki naman ay nakatutok ang baril sa dalawang guwardyang walang magawa, pati kay Ynes na umiiyak na. Hanggang sa pumasok na ang lalaki sa driver’s seat ng sasakyan.  Nakabawi si Amber ng boses nang maramdamang nakaupo na siya sa loob ng sasakyan at isinara na ng payat na lalaki ang pinto. “Ynes, tulong!”

“Ate Amber!” hiyaw ni Ynes mula sa labas.

Nang umandar na ang sasakyan ay agad tinakpan ng towellete ang kanyang ilong ng katabing lalaki. Doon siya naka amoy ng kakaibang amoy na dahilan ng kanyang pagkahilo, hanggang sa unti-unti siyang nakaramdam ng panghihina at pamimigat ng mga talukap, hanggang sa mawalan na ng malay.

“HINDI kaya mahuli tayo nito?” tinig ng matinis na boses.

“Hindi. Wala namang nakakita sa mukha natin. Iyong dalawang gwardya at isang babae hindi naman nila tayo namukhaan,”  sabi naman ng malagong na tinig.

“Pa’no kung nagtawag na sila ng Pulis?”

“Masyado ka namang nega! Nakalayo na tayo sa bayan pero wala namang nakasunod sa’ting pulis!”

Dinig na dinig ni Amber ang pag-uusap ng dalawang tinig nang siya’y magkamalay. Sigurado siyang dalawang lalaki lang iyon. Isa sa katabi niya at iyong isa malamang nasa harapan niya. Nakapiring na ang mga mata niya at nakatali pati ang kanyang kamay sa may likuran niya. Dama niya rin na nakahiga na siya sa kawayang upuan. “Sino kayo?” mahinang tanong niya. Masakit din ang ulo niya, dala siguro noong kanina ay naamoy niyang kakaiba na malamang ay chloroform.

“Ay! Gising na si miss model!” tinig ng matinis na boses.

Pinilit namang maupo ni Amber. “Ano bang kailangan niyo sa’kin?”

“Easy miss, ‘wag kang aw!” isang malakas na tadyak ang ginawa ni Amber sa lalaking humawak sa kanyang paa. Alam niyang natamaan niya ito sa maselang bahagi dahil aray ito ng aray! “Aray! Ouch!”

“Huwag kang pumalag! Miss Amber,” narinig niyang nagkasa ng baril ang malagong na boses.  Napatahimik nalang siya, muling bumalik sa panginginig ang katawan niya. Shit! baka patayin siya ng mga ito, or worse, pagsamantalahan pa!

“Grabe ka, Miss Amber, ha. Ang amo amo mo sa TV tapos you’re so mean pala in person!”

Natigilan si Amber. So kilala siya ng mga ito. At malamang kilala siya nito bilang anak ng isang pulitiko! Baka ang nagpa-kidnap sa kanya ay kalaban ng Papa niya sa pulitiko?

“Ano bang kailangan niyo sa’kin?”

“Napag-utusan lang kami, si boss ang may kailangan sa’yo,” sabi ng malagong na boses.

“B-boss?”

“Oo, ni boss.”

“Miss model, ang flawless mo pala talaga sa personal, pwedeng pa-kiss?”

Pakiramdam ni Amber ay lumipat na sa lalamunan niya ang puso dahil sa sobrang bilis ng tibok noon dahil sa kaba. Shit! kung bangungot man ang nagyayari sa kanya ay nais na niyang magising!

“Gago ka! Kabilin-bilinan ni boss na ‘wag natin siyang gawan ng hindi maganda!”

“Nagbibiro lang naman ako, hindi ko magagawang manamantala ng babae.”

Kahit hindi nakikita ni Amber ang dalawa, alam niya kung sino ang nagsasalita. At ano ang sinasabi ng boss ng mga ito na huwag siyang gawan ng hindi maganda? Sa tingin ba nito ay maganda iyong ginawang pagkidnap ng mga tauhan nito sa kanya?!

“Sino ang boss niyo?!”

“Miss model, naaawa kami sa’yo kaya lang ay kailangan ka ni boss. Kami naman ay kailangan ng pera para ipakain sa pamilya namin, babayaran kami ni boss.”

Lumipat ang lalaking matinis ang boses sa may bandang kanan niya na sinundan niya ng lingon.

“Sa tingin niyo matutuwa ang pamilya niyo kapag nalaman nilang sa masama galing ang perang ipapakain niyo sa kanila?”

“Malamang hindi,” ang may malagong na boses ang matigas na sumagot. “Pero hindi naman namin sasabihin sa kanila. Pobre lang kami at praktikal na rin. Kailangan namin ng ilalaman sa sikmura.”

Napayuko nalang si Amber. Walang saysay kung makikipagtalo siya sa mga ito. kung kidnap for ransom ito ay umaasa siyang tutubusin siya ng papa niya. Umaasa siyang mahal siya nito, umaasa siyang nag-aalala din ito para sa kanya.

Bigla siyang may naalala. “Ano nga palang ginawa niyo kay kuya Melbert?”

“Sinong Melbert?” sabi ng matinis na boses.

“Iyong driver namin!”

“Ah! Si Mebert? Ahihihi! Huwag kang mag-alala, pinatulog namin siya at iniwan sa may dahuman sa tabi-tabi. Malamang ay gising na iyon ngayon.”

Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwang. Sa tingin niya ay hindi naman masyadong demonyo ang mga kidnappers niya. Pero paano nalang kung ang boss ng mga ito ang gagawa ng masama sa kanya?

“Hi! Boss. Nandito ka na pala.”

“Ikaw pala, andito na ang pakay mo.”

Na-alarma si Amber nang may tawagin ang dalawa. Saglit na katahimikan ang nag-hari sa kanila.

“Salamat, boss. May panggatas na si bunso!”

“Salamat. Oh, pa’no? Ikaw na ang bahala sa knaya, boss.” tinig ng dalawang lalaki. Malamang ay binigyan na ang mga ito ito ng pera ng ‘boss.’

Maya-maya ay ramdam ni Amber rna umalis na ang dalawa dahil biglang tumahimik na ang paligid. Ni hindi niya narinig na nagpaalam ang mga ito.

“S-sino ka?!” kabadong tanong ni Amber. Narinig niya kasi ang mahinang pagyabag ng boss patungo sa kanya! “Ano bang kailangan mo sa’kin?” Napasiksik siya sa dulo ng kawayang upuan. Bumalik ang matinding takot sa kanya, she never felt like this before, nais na niyang maiyak.

Tumigil lang ng pagyabag ang boss nang makalapit sa kanya. Napakagat-labi siya nang hinawakan  nito ang baba niya at ini-angat iyon.

“Amber…” he said in a deep, lonely voice.

The boss was unmistakably a man!

Related chapters

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Two

    NAPALUNOK si Amber at halos pigil ang hininga nang tumungo ang kamay ng lalaki sa likod ng kanyang ulo. Sa loob ng ilang segundo ay nagawa nitong alisin ang piring sa kanyang mga mata gamit ang dalawang kamay. Kumurap-kurap pa siya, in-adjust ang matang lumabo dahil sa blind fold bago napatingala. Bulto ng isang lalaki ang nasa harap niya, naka-denim pants ito at white t-shirt na napapatungan ng black jacket, nakasuot din ito ng balaclava mask.Napapitlag siya nang lumuhod ito sa harap niya. “Napakaganda mo pala sa personal, Amber…” sabi ng lalaki.

    Last Updated : 2020-09-22
  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Three

    NARAMDAMAN agad ni Amber ang sakit sa kanyang ulo nang marahan siyang magmulat. Napangiwi siya nang maramdaman ang sakit sa dibdib. Ang akala niya’y mamamatay na siya sa pagkakahulog, ngunit napansin niyang nasa kwarto siya ulit ng kubo ni Raiden, at nang pumasok sa pinto ang lalaki ay ganoon nalang siya na-alarma! Napa-atras siya sa head board ng kama at pilit na sumiksik doon, bumilis rin ang tibok ng kanyang puso, baka saktan na siya nito!Nang maupo si Raiden sa tabi niya ay nayuko siya at ipinikit ang mga mata, silently praying and hoping that he will not

    Last Updated : 2020-09-22
  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Four

    KUMAKAIN ng cup noodles si Amber nang maabutan ni Raiden sa kusina mismo. May karne sa maliit na ref na pwedeng lutuin, pero tinamad siya kaya nag-noodles na lang siya nang makaramdam ng gutom.“Andito ka pa pala, akala ko umalis ka na,” tila pabirong sabi ni Raiden sa kanya. Pansin niyang may kaunting ngiti sa mga labi nito.

    Last Updated : 2020-09-22
  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Five

    “RAIDEN, walang tubig sa CR. I wanna take a bath,” iyon ang agad na sabi ni Amber sa binata nang lumabas siya ng banyo at masalubong ito. Ilang araw na siyang hindi naliligo, kaya kating-kati na siya dahil hindi pa rin siya nakapagpapalit ng damit. “Wala ring sabon at shampoo, and also body scrub.”“Ah, pasensya na sira kasi ‘yung water pump,” iyon lang ang sabi nito sabaya nag pag-kamot sa batok.

    Last Updated : 2020-09-29
  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Six

    SA KASALUKUYAN ay hindi muna iniisip ni Amber kung ano na ang nangyayari sa outside world. Malamang ay naibalita na ang pagkakidnap sa kanya sa iba’t-ibang uri ng pahayagan at nag-aalala na rin malamang ang mga kaibigan niya sa kanya. Hindi niya naman nais mag-alala ang mga iyon, pero kinailangan niya munang mapag-isa dahil nga sa pagdaramdam sa sariling ama, wala naman masama kung sarili muna niya ang isipin dahil para bang kalahati ng buhay niya ay iniisip ng ibang tao ang kanyang kinokonsidera.

    Last Updated : 2020-10-10
  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Seven

    BUONG ARAW hindi nakipag-usap ng maayos sina Amber kay Raiden. Sa mga tanong ng binata ay simple at maikling sagot lang ang kanyang isinasagot, at malamang ay nahahalata naman iyon nito. Hindi na siya pinuwersa ni Raiden na sabihin kung galit ba si Amber dahil sa narinig niyang hindi magandang usapan nito at ng kausap nito sa kabilang linya ng cellphone ng nakaraang gabi. Naiinis siya dahil mukha talagang wala itong balak na sabihin sa kanya kung anoman, basta puro na lang ‘magtiwala’ ang sinasabi nito sa kanya. May tiwa

    Last Updated : 2020-10-10
  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Eight

    PARANG ISANG malaking kahon ang nag-iisang motel sa Isla Odio na maraming pinto at bintana. Hindi iyon kalayuan sa Abyss bar, kung saan ang karamihan sa mga parokyano ay mga customers doon na may kasamang mga babae.“Hindi lang ang Abyss ang bar dito sa Isla Odio. Mayroon pa sa mismong sentro nito,” sabi ni Raiden nang mapansin siya nitong hindi makapaniwala sa mga naghahamlakang pares habang papasok sa bawat kwarto.

    Last Updated : 2020-10-26
  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Nine

    NAGISING SI Amber na wala si Raiden sa loob ng kwarto. Inisip niya na baka tumambay muna ito sa labas kaya iginayak niya muna ang sarili. Naligo siya at nagpalit ng jogging pants at suot na t-shirt, pero iyong dating hooded jacket ang isinuot niya. Pagkatapos maigayak ang sarili, lumabas siya ng kwarto pero hindi si Raiden ang nabungaran niya kundi isang payat at maliit na lalaki, mukhang inaabangan nito ang paglabas niya!“Good morning!” bati nito, ngumisi na halos labas ang lahat ng ngipin, ang ilan ay bulok pa.

    Last Updated : 2020-10-27

Latest chapter

  • Your Embrace, My Sanctuary   EPILOGUE

    PAGKALIPAS ng isang buwan, nag-propose ng kasal si Raiden kay Amber na hindi niya naman tinanggihan. Sabi ng lalaki, kahit anong klaseng kasal ay ibibigay nito sa kanya. Dati ay nangangarap si Amber ng magarbong kasal, iyong mala-fairy tale at makikipasabayan siya sa mga bigating celebrities. Ngunit ang lahat ng iyon ay nagbago. Kahit saan siya ikasal, basta si Raiden ang groom ay masayang-masaya na siya. Simpleng church wedding ang naganap, si Pastor Dominic ang nagkasal sa kanila at tanging malalapit lang na kaibigan ang imbitado katulad nina Marco at Reign, Gavin at Hope, si Mon at pamilya nito, ang kaibigan ni Raiden na sina Aling Buena at Mang David, Ang manager ni Amber, Ynes at Melbert at ilang malalapit na kaibigan ni Raiden pati ni Amber sa showbiz. Kung si Jordan ang pag-

  • Your Embrace, My Sanctuary   AUTHOR'S NOTE

    There are songs I must sing to you, there are melodiesSounding oh so sweet inside my solitudeThere are rhymes, there are remedies for a lonely heartMay we never part for what we have is trueDon't you know that time is as endless as foreverSo each day I lo

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Twenty Eight

    “CUT!” sigaw ng direktor para putulin ang eksena sa pagitan ni Amber at kasama niyang lalaking modelo. May panibagong shoot ulit sila para sa sparkle toothpaste na dati na niyang ine-endorse. Naiinis na nga siya dahil nakailang take na sila ng kissing scene ng lalaking kapareha pero hindi ma-satisfied ang direktor. Ang kapareha niya naman ay tuwang-tuwa habang siya ay nagagalit na dahil parang hindi ito propesyunal. Naroon sila sa Quezon Memorial circle at nagsu-shooting, inabot sila ng maghapon dahil hindi ma-perfect ang eksenang nais ng direktor.“Ano ka ba, Amber. What’s going on with you? You did some kissing scenes before, ba’t ngayon hindi mo

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Twenty Seven

    MULA sa maalong pampang ng dagat ng Curiao, ipinaanod ni Amber ang mga puting bulaklak hanggang sa itinangay na ang mga iyon patungong gitna ng dagat. Madilim ang kalangitan, sumasabay rin sa malamig at may kalakasang ihip ng hangin ang buhok at suot na summer dress ni Amber. Pareho rin ng nagbabadyang pag-ulan, ganoon din ang mga mata niya na anumang sandali ay babagsak ang kanyang mga luha.Almost two weeks na namang laman ng mga pahayagan si Amber dahil sa nangyaring insidente magtatatlong linggo na ang nakalipas. Ang mga nangya

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Twenty Six

    ILANG MINUTO lamang ang nakalilipas nang maikulong si Amber sa kanyang kwarto sa yate. Sumigaw siya para pakawalan at kinalabog ang pinto, pero ayaw makinig ng mga bantay sa labas hanggang siya ay mapagod. Paroon-parito siya at nilalaro ang mga daliri sa kamay. Ano na kayang nangyayari sa labas? At ang mas iniisip niya kung ano na ang nangyari kay Raiden.“Lord, please help Raiden. Please help the man I love. Huwag niyo pong hayaang may gawing masama sa kanya si Juancho,” pikit niyang tinangala. Yes, she called him Juancho, and why not? He’s not her father after all. Buong buhay niya ay minahal niya ng buong puso ang kinilala niyang ama, pero ang marinig niya m

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Twenty Five

    FOR THE past two weeks, laging laman ng pahayagan ang pagbabalik ni Amber sa mundo ng showbiz. She was being investigated by the authorities regarding her kidnapped case. Para hindi na magduda at wala nang maraming tanong, sinabi niya na lang na isang obssessed fan ang kumidnap sa kanya, na tinago siya sa bahay nito ngunit pilit niyang pinakiusapan na palayain na siya, of course kunwari ay nahabag ito sa kanya kaya pinalaya na siya. Tinanong rin si Amber ng may hawak ng kaso niya kung ano’ng mga ginawa sa kanya, sinabi niyang mabait naman ang kahit papaano ang ‘obssessed fan’ niya at pinamili pa siya ng mga gamit. Marami pang itinanong ang mga pulis sa kanya gaya ng kung may natatandaan niyang lugar, pero kunwari wala siyang maalala kung saan siya dinala. At siya na mismo ang nagmungkahi sa awtoridad na gawin ng case cl

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Twenty Four

    NANG sumunod na araw, mag-isang pumaroon ng bayan si Raiden para mamili ng pagkain at naiwan si Amber sa bahay ng binata. Nang matapos niya ang isang librong binabasa, napagpasyahan niyang magwalis at magpunas-punas sa bahay kahit ba malinis na iyon, gusto niyang may magawa at sadyang hindi lang siya sanay na walang ginagawa. Hanggang sa matapos siya at napagpasyahang buksan ang T.V. na naroon sa sala para mag libang, eksakto naman ay sa news channel iyon nakalagay. Napaupo si Amber nang makitang balita iyon tungkol sa kanya. Ayon sa pahayagan, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya natatagpuan. Mga kaibigan, kasama sa trabaho, mga fans at si Ynes ay alalang-alala na sa kanya at

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Twenty Three

    PAGKATAPOS makipagkita ni Raiden sa kaibigang sina Marco at Gavin at pag-usapan ang mga naganap sa underground fighting, napagpasyahan niyang mamili ng mga buto ng rosas sa palengke at itanim iyon doon sa maliit na garden sa likod-bahay at para iwaksi muna sa kasalukuyan ang mga isipin. Ayaw niya naman talaga ng bulaklak, pero ang rosas na kanyang itinanim ay paborito ng yumao niyang ina. Kahit saan man siya pumunta ay naaalala niya ang ina kapag nak

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Twenty Two

    SANA naman, huwag mong kakalimutan ang totoo mong pakay kung bakit kinidnap mo si Amber.”“Hindi ko ‘yun makakalimutan, naroon pa rin ako sa plano.”“Hindi ganoon ang nakikita ko! Ang nakikita ko nahuhulog ka na sa babaeng ‘yun! Kapag nag kataon wala lahat ng pinaghirapan nain ng mahabang taon!”

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status