NARAMDAMAN agad ni Amber ang sakit sa kanyang ulo nang marahan siyang magmulat. Napangiwi siya nang maramdaman ang sakit sa dibdib. Ang akala niya’y mamamatay na siya sa pagkakahulog, ngunit napansin niyang nasa kwarto siya ulit ng kubo ni Raiden, at nang pumasok sa pinto ang lalaki ay ganoon nalang siya na-alarma! Napa-atras siya sa head board ng kama at pilit na sumiksik doon, bumilis rin ang tibok ng kanyang puso, baka saktan na siya nito!
Nang maupo si Raiden sa tabi niya ay nayuko siya at ipinikit ang mga mata, silently praying and hoping that he will not do any harm on her. “R-Raiden please, ‘wag mo akong sasaktan,” halos mapapiyok niyang sabi.
She flinched a little bit when he gently held her face and turn to his. Dahan-dahang siyang nagmulat at sinalubong nito ang kanyang tingin. There was no sign of fierceness in his eyes, In fact, she’s seeing the same sad eyes of him.
“Natatakot ka ba sa’kin?” mahina at malamlam nitong tanong.
Ilang beses siyang napalunok. Yes, she’s afraid of him, pero hindi naman iyong sobrang takot na halos ikamatay na niya. Sadyang nahihirapan lang siya sa kalagayan at nais na niyang umuwi. Bakit hindi iyon maintindihan ng lalaking ito? Napapikit siya ng mariin, tumulo ang kanyang mga luha bago marahang tumango.
“Shhh… tahan na, ipinapangako ko sa’yo na hinding-hindi kita sasaktan. Siguro nga tumataas ang boses ko, pero hindi ko magagawang saktan ka,” anitong hinaplos ang kanyang pisngi. She also felt his lips gently kissed her eyes, kissing away her tears. Supposedly she must flinched nor shout, pero hindi niya magawa. Hindi niya maramdaman ang masamang pagbabanta sa mga halik nito sa kanyang mga mata. In fact, she felt calm a little bit. He’s her abductor, dapat ay natatakot na siya ng husto. Pero hindi talaga, hindi niya alam kung bakit.
Iminulat ni Amber ang mga mata at tumingin kay Raiden. “Kung ga’nun, ano ba talaga ang kailangan mo sa’kin? Nahihirapan na ako kakaisip,” Sigok niya.
Mariing napapikit ng malalim ang lalaki bago muling sinalubong ang tingin niya. “Amber, maniwala ka hindi ko naman ito ginusto. Kailangan lang kita para makuha ang gusto ko. Hayaan mo bukas makalawa, ibabalik na kita sainyo. Walang labis, walang kulang.”
“Paano ko naman malalaman kung ano ang gusto mo kung hindi mo sasabihin? Raiden, please, tell me,” she said impatiently.
“Kapag sinabi ko ang totoong pakay ko, ikaw na mismo ang hihiling na ‘wag na kitang ibalik sainyo.”
Papalit-palit ang tingin niya sa mga mata ito, ano ba ang ibig nitong sabihin?
Bumuntong-hininga si Raiden, umiling at iniwasan siya ng tingin. “Huwag ka na ulit umalis, kukuha lang ako ng gamot para sa gasgas mo sa paa,” pagkuwa’y sabi nito at lumabas ng kwarto.
Sumulyap siya sa bukas na bintana. Muli siyang napaisip, pagkakataon niya na muling lumabas. Ngunit paano nalang kung maabutan siya ni Raiden? Wala siyang pakialam, ang importante ay muli siyang makaalis doon! Umiral ang katigasan ng ulo ni Amber, lumabas siya ng bintana!
Muli ay tinahak niya ang masukal na kagubatan at dire-diretso siyang tumakbo. She really needs to escape. Pakiramdam niya ay dinaig niya si Usain Bolt dahil noon lang siya tumakbo ng ganoon kabilis. Alam niyang minuto ang lumipas sa kanyang pagtakbo, nag-preno lamang ang mga paa niya nang makarating siya sa kalsada. Hinihingal siya, pero wala siyang pakialam, at ganoon na lamang gumaan ang loob niya ng eksaktong may dumating na itim na van at walang pagda-dalawang isip na pinara niya iyon.
Mula sa driver’s seat niyon, bumaba ang isang bruskong lalaki. At mula sa passenger’s seat ay may dalawa pang lalaki ang bumaba.
“Salamat naman, mayroong dumating,” Hingal ni Amber na napahawak sa mga tuhod, maya maya pa’y umayos siya ng tayo. “Maaari ba ninyo akong tulungan? Please, dalhin niyo ako sa istasyon ng Pulis.”
Nagtinginan naman ang tatlong lalaki, ang isang brusko ang nagsalita. “Miss, hindi ba ikaw si Amber Villacosta? Iyong artista?”
“Oo ako nga. I needed to go to the Police station, please.” Pakiusap niya habang nakangiwi sa pagod, napahawak pa sa dibdib.
Muling nagkatinginan ang tatlong lalaki, maya-maya’y nagbulungan. Clueless si Amber sa lihim na pinag-uusapan ng tatlo, napakunot-noo lamang siya, hanggang sa marahang lumapit ang bruskong lalaki sa kanya at pinagmasdan pa siya mula ulo hanggang paa.
Nagsimula nang hindi makaramdam si Amber ng maganda, hindi niya gusto ang ngising pumorma sa labi ng lalaki.
“Halika, Amber. Ihahatid ka namin sa Police station,” Hinawakan siya nito sa braso.
“Ah, s-sandali lang,” pilit niyang binawi ang braso nang makaramdam siyang may hindi tama, ngunit mas lalong humigpit ang hawak ng lalaki kung bakit mas dumagundong pa ng mabilis ang kanyang puso! And she knew it, ang kabang iyon ay nakakatakot ng sobra!
Oo nga at kinakabahan siya kay Raiden, ngunit ang lalaking may hawak sa kanya ngayon ay nakakakilabot, sobrang nakakatakot. Takot na hindi niya naramdaman kay Raiden.
“Halika na sumama ka na sa’min!”
“Ano ba!” sigaw niya sabay sampal dito. Saglit na napanganga ang lalaki habang ang dalawa nitong kasama ay narinig niyang tumawa. Nang sulyapan ni Amber ang mga iyon ay nakangisi ang mga ito, ngising tila demonyo.
“Matigas ang ulo mo! Halika!” walang pasabing hinatak siya ng kanyang sinampal papalapit sa van.
“Ano ba bitiwan mo ako!” Nagpumiglas siya. Shit! She was so helpless! Nagsimula nang manginig ang buo niyang katawan, lalo na ng isandal siya ng lalaki sa hood niyon at nagsimula nang halikan!
“Huwag!” ipinikit niyang mariin ang mga mata. Iniiwasan niyang mahalikan ang mga labi niya kaya dumapo ang bibig ng manyak sa kanya pisngi. She felt gross, his kisses were hell! Iniisip niya pa lamang ang mga susunod na gagawin nito ay mas nais na niyang mamatay na lamang! “Get off me!”
“Mamaya na iyan! Pasok na muna tayo sa loob at lumayo!” lumapit ang isang lalaki sa lalaking nananamantala sa kanya. “Loko, baka mamaya may mapadaan dito.”
Sumimangot ang kausap nito bago sapilitan siyang sinampay nito sa balikat.
“Let me go!” Pinagsusuntok niya sa likod ang bumuhat. Ngunit ganoon nalang nanlaki ang mga mata niya ng paluin siya nito sa pang-upo at tumawa ng mala-demonyo! Pati ang dalawang lalaki ay humalakhak din!
“Relax ka lang, sagot kita.”
“Please, pakawalan niyo na ako,” naiiyak niyang sabi. Bakit ba dalawang beses pa siyang mapapahamak? Anong nagawa niyang masama sa mundong ibabaw? Sana pala, hindi na siya umalis sa kubo ni Raiden because she knew, the three men were as devil as Satan! Napapikit si Amber at magsisimula na sanang manalangin pero gaya ng sabi ng mga mananampalataya ay ang panalangin daw ang pinakamabilis sa lahat dahil bago pa siya makahingi ng tulong sa Dios ay sinagot na nito ang kanyang dalangin.
“Hindi niyo ba siya narinig? Ang sabi niya pakawalan niyo siya,” matigas na sabi ng isang boses na nanggaling kung saan man. Napamulat si Amber pagkarinig doon, hindi siya pwedeng magkamali kung kaninong boses iyon.
“R-Raiden?!” she look at him from her upside-down sight. She didn’t know, but she instantly felt relief. Hindi niya rin inaasahan na sa gitna ng nangyayari sa kanya ay nagawa pang ng magdiwang ng kanyang puso.
“Hoy! ‘wag kang maki-alam dito, ha!” tinutukan ng baril ng ikawalang lalaki si Raiden, dahilan kung bakit may bumangong matinding pag-aalala sa puso ni Amber.
“Ibaba niyo siya,” muli ay matigas na sabi ni Raiden sa blangkong mukha.
“Gago! Kailangan mo munang—” hindi na naituloy ng ikalawang lalaki ang pagkalabit ng gatilyo ng baril, dahil mula sa baliktad na paningin ni Amber, kitang-kita niya kung paanong mabilis na itinapon ni Raiden ang isang combat knife sa lalaki! Ni hindi niya nga alam kung saan dinampot iyon ng binata!
Nabitiwan ng ikalawang lalaki ang baril dahil tumama ang combat knife sapul sa kamay nito kung kaya’y napahiyaw ito sa sakit.
“Anak ng!” walang pakundangang ibinagsak si Amber ng may buhat sa kanya. Unang lumanding sa simento ang likod niya kung bakit siya napangiwi.
Dumampot ang unang lalaki ng baril, pero parang kidlat ng sinuwag ito ni Raiden kung bakit iba ang direksyon ng balang pinaputok! Napahiyaw siya ng malakas at napapikit ng mariin at mabilis na sumipa pa-atras. Kitang-kita niya ang pagbubunuan ni Raiden at ng kalaban. Marahas na pinagsusuntok nito si Raiden sa likod at ulo, habang ang binata naman ay bumwelo at malakas na tinuhod ang kalaban sa sikmura sabay ang buhat sa kalaban at parang sako lamang na ibinalibag sa lalaking natamaan ng kutsilyo ang kamay. Parehong nakabulagta ang mga lalaki sa kalsada na kapwa nahirapang maka-recover.
“Amber, ok ka lang?” mabilis na lumapit si Raiden sa kanya, tinulungan siyang makatayo. Sunud-sunod siyang tumango, hindi makapaniwala sa katotohanang iniligtas siya ng kanyang abductor! At kung tama siya ng iniisip ay pag-aalala yata ang nakikita niya sa mga mata nito. Kung papipiliin man siya, kay Raiden o sa tatlong manyak, siyempre sa una siya!
“Sa likod mo!” nanlaki ang mga mata ni Amber nang patakbong sumugod sa kanila ang ikatlong lalaki! Itinulak siya ni Raiden at hinarap ito, pumaroon siya sa isang sulok at walang magawa kundi ang manood lamang.
The mad opponent shoved an ice pick mercilessly towards Raiden, but Raiden effortlessly dogded from each knife’s deadly strokes. Dapat ay nakaradam ng pag-aalala si Amber ngunit tila mas nangingibabaw sa kanya ang paghanga kay Raiden. Nang tila mapagod ang kalaban ay si Raiden naman ang pumorma. Kalahating itinaas nito ang braso, bukas sarado ang mga kamay. No doubt, it was a sign that he knew some form of martial arts. As the opponent swung viciously, the other guy immediately blocks its hand with his arm. Now it was his turn, he tightly closed his right fist and gave the opponent a hard punch on face, stepped backwards then gives it a hard thrust kick on its abdomen then performed a roundhouse kick.
Nakabulagtang halos mangisay ang lalaking kalaban. Samatalang si Raiden ay lumapit pa sa dalawang pilit maka-recover. Kinuha nito ang dalawang baril saka itinutok sa tatlo, ang mga iyon naman ay sumakay na sa van at mabilis na ipinaharurot palayo. Pinagmasdan pa ng binata ang plate number ng sasakyan.
Taas-baba ang balikat ni Raiden, hindi ito tumingin sa kanya, bagkus ay marahang naglakad patungong dala nitong owner-type jeep na noon niya lamang napansin. Napakunot-noo siya nang hindi ito sumakay, sumandal lamang ito sa gulong ng sasakyan.
“H-hey, are you ok?” tanong niya ng makalapit dito, hindi ito umimik. Bagkus ay mariin itong pumikit. Noon niya lang nalaman na may sugat ito sa tiyan at dumudugo iyon! Hindi niya siguro napansing ngunit tumama malamang ang ice pick ng kalaban nito doon.
Amber stops for a while. Raiden was in his vunerable state, may ilang pasa ang lalaki sa mukha at parang nahihirapan ito sa sugat. Nabitiwan nito ang hawak na baril. Tumingin siya sa manibela ng owner-type jeep, nakakabit sa ignition ang susi, tumingin siya sa baril, pwede niya iyong kuhain. Ito na ang tsansa para tumakas siya!
ANG dapat sana ay tumakas na si Amber pagkatapos nang hindi magandang naganap. It would be better kung iniwan niya na lang si Raiden sa tabi ng kalsada at nag-drive siya palayo sakay ang owner-type jeep nito. Mayroon pa siyang baril, so she might be safe all the way kung tumakas na siya. Pwede siyang humingi ng tulong sa Pulisya
pag dating sa bayan, pero mas pinili niyang tulungan ang lalaki.Siguro ang katotohanan ngang sinagip siya ni Raiden sa tatlong may masamang balak sa kanya ay ang dahilan kung bakit nais niyang manatili muna sa tabi nito. Dapat pala ay sinunod niya nalang ang sinabi nitong ‘wag na siyang tumakas, tuloy ay nakokonsensya siya.
Nakokonsensya? Hindi ka dapat makonsensya, first of all hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi ka pinakidnap ni Raiden!
sita ng isang bahagi ng kanyang isipan.Ipiniling niya ang ulo, inignora ang sinabi ng isipan at muling sumulyap sa katabing si Raiden. Minamaneho niya ang sasakyan nito pabalik sa kubo nito. Nasa loob na sila ng gubat ngunit sabi sa kanya ng lalaki ay sundan lang daw ang mga bakas ng gulong ng sasakyan sa lupa at makakarating sila doon. May daang masikip dahil sa maraming puno, damo, bato at sangang kalat sa daan, pero kahit pawala wala ang trace ng gulong sa lupa at nababakas pa rin iyon sa daanan. Hindi siya magaling na driver at tila babalentong pa ang sasakyan dahil sahindi pantay na pavement at natatagtag pa ang kanyang kasama, ngunit ginawa niya ang lahat para banayad na mag-maneho.
“Raiden, sigurado kang ayaw mong magpahatid sa ospital? I told you pwede mong sabihin sa’kin kung saan ang daan papunta doon,” sabi ni Amber sa hindi mabilang na pagkakataon. Paulit-ulit niya iyong tinatanong sa lalaki, ngunit sabi nito ay malayo raw ang ospital at baka tumirik ang sasakyan sa gitna ng kalsada dahil pawala na raw ang gasolina niyon. At mas nanaisin nitong bumalik sa kubo dahil hindi naman daw malalim ang sugat nito at gasgas lang daw iyong mga bugbog. Obviously he’s lying, pero wala siyang magagawa kundi ang sundin ito.
Nang hindi sumagot ang lalaki ay muli siyang lumingon dito. Kunot-noong nakapikit lang ito at nakakagat sa pang-ibabang labi, mukhang iniinda ang sakit na nararamdamam. Binilisan niya ang pagmamaneho kahit mas tumatalbug–talbog na ang sasakyan pero hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa kubo.
Ayaw mang magpa-alalay ni Raiden kay Amber ay siya itong nagpumilit. Isinampay niya ang isa nitong braso sa kanyang balikat ng makababa. Kay bigat nito pero ramdam niyang pilit din nitong tinutulungan ang sarili.
“Huwag mong pwersahin ang sarili mo, kaya ko ang bigat mo.”
“Sa liit mong ‘yan, pareho tayong matutumba,” mahinang tugon ni Raiden, hindi na rin siya naimik at baka ma out-balance pa sila, lalong problema.
“You’re really hurt. Sigurado ka bang ayaw mong magpadala sa ospital?” aniya nang mailapag ito sa kama, isinandal niya ang likod nito sa headboard.
“P-para kang sirang plaka. Sabi nang ayaw ko,” anitong napangiwi sabay ang pag-ubo. Nais niya itong irapan, ngunit nanaig sa kanya ang pag-alaalala.
“Ok fine,” aniyang tumuwid ng tayo. “May first aid kit ka ba dito? If mayroon, nasaan?”
“Nasa medicine cabinet sa kusina…” mahina nitong tugon.
Lumabas siya ng kwarto at tumungo ng kusina, hindi naman sya nahirapang hanapin ang pakay at kumuha ng kinakailangang mga gamot bago bumalik sa kwarto.
“Raiden, hubarin na natin ‘yang damit mo,” sabi niya nang maupo sa tabi nito at inilapag sa tabi ang first aid kit.
“Ako nalang ang bahala,” sabi nito na kinuha iyon.
Napasimangot si Amber at walang abog na inagaw iyon mula sa lalaki, bumakas sa mukha ang pagtataka nito sa kanyang ginawa.
“Pwedeng ‘wag ka ng ma-pride? You’re in pain. Now, take off your clothes,” Ma-awtoridad niyang utos.
Napailing lang naman si Raiden at wala itong nagawa kundi sundin ang utos niya. She felt powerful over him, and she quite liked it somehow. Nang mabagal ang pagkakatanggal ng pang-itaas ni Raiden ay napailing siya at napagpasyahan na niyang tulungan na ito. At nang tumambad sa kanya ang hubad nitong katawan ay saglit siyang natigilan. Her eyes were on his naked and sweaty chest, naglakbay ang paningin niya pababa, to his perfect abs, down there… agad niyang ipiniling ang ulo nang makita sa may tiyan nito ang guhit ng kutsilyo. Tantya niya ay mga tatlong pulgada ang guhit ng pagmasdan niya ito ng mas malapitan. Hindi naman iyon kalaliman, mabuti nalang, pero sigurado siyang masakit iyon.
Marahan niyang nililinis at ginagamot ang sugat nito gamit ang bulak at betadine. Naririnig niya ang mahinang pag-ungol ni Raiden, and even saw his body flinched. She doesn’t know why she hated to look at his wound, siguro ay dahil sinira niyon ang imahe ng magandang pangharap na katawan ng lalaki. Nang malagyan niya iyon ng
teramycin at plaster ay ang pasa naman sa tabi ng labi nito ang nilagyan niya ng acohol.“Amber, sabihin mo sa’kin, bakit ‘di ka na tuluyang tumakas? Pu-pwede mo namang gawin iyon kanina,” Maya-maya’y mahinang sabi ni Raiden.
“I don’t know,” tumigil siya sa ginagawa at bumuntong-hininga. “Siguro dahil hindi
ko namang maatim na iwan ka ng ga’nun nalang, after all. You saved me.”
“S–salamat…” pabulong na sabi nito. “Ikaw ba, nasaktan ka ba nila? Wala ba naman silang nagawang masama saíyo? Tamang-tama lang ba ang dating ko kanina?” may himig na pag-aalalang sabi nito.
Amber look straight in his eyes, kitang-kita niya ang sinseridad sa mga mata ng lalaki kung bakit tila may humaplos sa kanyang puso. Mas iniisip pa siya nito ngayon kaysa ang sarili. Napaka-misteryoso ng lalaking ito. He’s her abductor, minsan rin natatakot siya rito, pero hindi niya alam kung bakit dagli naman iyong napapawi kapag kalmado na itong nagsasalita. His simple words are soothing, sino ba talaga ito?
“Huwag kang mag-alala, bago pa sila may magawa, dumating ka na. Isa pa, ako ang dapat ang mag-pasalamat sa’yo. Tinulungan mo ako kanina. Malamang napahamak na ako kung hindi ka dumating. Salamat,” aniyang tipid na ngumiti.
Nagulat pero hindi siya gumalaw nang ilapit ng lalaki ang mukha at katawan sa kanya, instantly she felt the heat of his own body, his warm breath as his masculine scenet lingers to her nose.
“Napakaganda mo, Amber…” pagkuwa’y sabi nito at hinaplos ang kanyang pisngi.
Napalunok siya, she felt something strange on her body, pero hindi iyon negatibo. Iyon bang parang may butterfly sa kanyang tiyan at na–excite pa nga siya. Kung may balak itong masama sa kanya ay sana ginawa na nito. Hanggang sigaw lang ang lalaking ito, hindi siya nito kayang saktan. Pinagmasdan niya rin ang mukha ng lalaki, hindi nakabawas sa pagka-gwapo nito ang dalawang pilat sa mukha.
“You think so?”
“Oo naman,” Tumango ito.
“Then, bakit hindi mo magawang— I mean…” Napailing siya. “If I am beautiful to you, you shoud… oh my God!” Napahawak siya sa magkabilang pisngi. Shit! Bakit niya sinasabi iyon?! Siya pa ang nagsa-suggest ng masama dito na dapat gawin sa kanya. Nawawala na ba siya sa sarili? Pero masisisi ba niya ang sarili sa pagtataka?
“Oo, Amber. Napakaganda mo,” anitong ngumiti nang balikan niya ng tingin. “Pero hindi iyon sapat para lamang pagsamantalahan kita. Siguro kinidnap kita, pero hindi ako katulad ng mga lalaki kanina. Masahol pa sa hayup ang pag-iisip ng mga ‘yun na walang ibang inisip kundi ang sarili nilang pagnanasa. Pero hindi iyon ang intensyon ko sa’yo.”
“Dapat ko bang ipagpasalamat iyon?” Kunot-noo niya. “You said yesterday that I am not your type.”
“Nagsinungaling ako,” nabilis nitong sagot at ini-angat ang kanyang baba gamit ang hintuturo at hinlalaki upang matingnan siya ng diretso sa mga mata. “Wala kang ideya kung ano ang gusto kong gawin sa’yo kahapon.” Anitong tumingin sa naka-awang niyang mga labi. Napalunok naman siya, at bigla nalang kumalabog ng napakabilis ang puso niya. Was he going to kiss her?
“Pero ayoko. Gusto ko kapag ginawa ko iyon ay hindi ka tututol,” anitong tila pilit na inilayo sa kanya ang sarili, isinandal ang likod sa headboard ng kama at pumikit.
Umiwas ng tingin si Amber ngunit saglit na hindi kumibo. Does he wanted to kiss her? Or wants to make love to her? Shit! Make love talaga?
Hoy! Amber. Ano ba ang pinag-iisip mo?! Napailing nalang siya at tumayo, bago piniling lumabas ng kwarto.
KUMAKAIN ng cup noodles si Amber nang maabutan ni Raiden sa kusina mismo. May karne sa maliit na ref na pwedeng lutuin, pero tinamad siya kaya nag-noodles na lang siya nang makaramdam ng gutom.“Andito ka pa pala, akala ko umalis ka na,” tila pabirong sabi ni Raiden sa kanya. Pansin niyang may kaunting ngiti sa mga labi nito.
“RAIDEN, walang tubig sa CR. I wanna take a bath,” iyon ang agad na sabi ni Amber sa binata nang lumabas siya ng banyo at masalubong ito. Ilang araw na siyang hindi naliligo, kaya kating-kati na siya dahil hindi pa rin siya nakapagpapalit ng damit. “Wala ring sabon at shampoo, and also body scrub.”“Ah, pasensya na sira kasi ‘yung water pump,” iyon lang ang sabi nito sabaya nag pag-kamot sa batok.
SA KASALUKUYAN ay hindi muna iniisip ni Amber kung ano na ang nangyayari sa outside world. Malamang ay naibalita na ang pagkakidnap sa kanya sa iba’t-ibang uri ng pahayagan at nag-aalala na rin malamang ang mga kaibigan niya sa kanya. Hindi niya naman nais mag-alala ang mga iyon, pero kinailangan niya munang mapag-isa dahil nga sa pagdaramdam sa sariling ama, wala naman masama kung sarili muna niya ang isipin dahil para bang kalahati ng buhay niya ay iniisip ng ibang tao ang kanyang kinokonsidera.
BUONG ARAW hindi nakipag-usap ng maayos sina Amber kay Raiden. Sa mga tanong ng binata ay simple at maikling sagot lang ang kanyang isinasagot, at malamang ay nahahalata naman iyon nito. Hindi na siya pinuwersa ni Raiden na sabihin kung galit ba si Amber dahil sa narinig niyang hindi magandang usapan nito at ng kausap nito sa kabilang linya ng cellphone ng nakaraang gabi. Naiinis siya dahil mukha talagang wala itong balak na sabihin sa kanya kung anoman, basta puro na lang ‘magtiwala’ ang sinasabi nito sa kanya. May tiwa
PARANG ISANG malaking kahon ang nag-iisang motel sa Isla Odio na maraming pinto at bintana. Hindi iyon kalayuan sa Abyss bar, kung saan ang karamihan sa mga parokyano ay mga customers doon na may kasamang mga babae.“Hindi lang ang Abyss ang bar dito sa Isla Odio. Mayroon pa sa mismong sentro nito,” sabi ni Raiden nang mapansin siya nitong hindi makapaniwala sa mga naghahamlakang pares habang papasok sa bawat kwarto.
NAGISING SI Amber na wala si Raiden sa loob ng kwarto. Inisip niya na baka tumambay muna ito sa labas kaya iginayak niya muna ang sarili. Naligo siya at nagpalit ng jogging pants at suot na t-shirt, pero iyong dating hooded jacket ang isinuot niya. Pagkatapos maigayak ang sarili, lumabas siya ng kwarto pero hindi si Raiden ang nabungaran niya kundi isang payat at maliit na lalaki, mukhang inaabangan nito ang paglabas niya!“Good morning!” bati nito, ngumisi na halos labas ang lahat ng ngipin, ang ilan ay bulok pa.
LULAN ng motor, binaybay nina Mon at Amber ang papuntang lugar kung saan ang kinaroroonan ni Raiden. Medyo maputik, lubak-lubak at may madamong daan. Ang mga bahay na yari sa kahoy ay hiwa-hiwalay, ngunit bawat madaanan nilang mga tao sa mga bahay ay mga matang tila nanlilisik ang tumitingin sa kanila. Ano ba naman kung maging friendly ang mga ito? O kaya ‘wag na lang silang pasinin kaysa sa ga’nun? Maliwanag pa ang paligid ngunit ramdam ni Amber na delikado ang aura doon, pinagtitingnan sila ng mga tao na animo gusto silang tagain. Pati ang ibang mga bata roon ay hinaharang ang sasakyan nila dahilan kung bakit kamuntik na silang tumilapon ni Mon pagka
ANG nakabibinging ingay ang dahilan kung bakit natigilan at naglaglag ang panga ni Amber sa nakita sa loob ng lugar. Parang sa isang iglap ay ibang mundo na agad ang kanyang kinaroroonan. Maraming tao ang naghihiyawan, nagpapalakpakan at sumusuntok sa hangin.“Huwag kang papalapa! Kaya mo ‘yan! Sa’yo ang pusta ko kaya ‘wag kang papatalo!”
PAGKALIPAS ng isang buwan, nag-propose ng kasal si Raiden kay Amber na hindi niya naman tinanggihan. Sabi ng lalaki, kahit anong klaseng kasal ay ibibigay nito sa kanya. Dati ay nangangarap si Amber ng magarbong kasal, iyong mala-fairy tale at makikipasabayan siya sa mga bigating celebrities. Ngunit ang lahat ng iyon ay nagbago. Kahit saan siya ikasal, basta si Raiden ang groom ay masayang-masaya na siya. Simpleng church wedding ang naganap, si Pastor Dominic ang nagkasal sa kanila at tanging malalapit lang na kaibigan ang imbitado katulad nina Marco at Reign, Gavin at Hope, si Mon at pamilya nito, ang kaibigan ni Raiden na sina Aling Buena at Mang David, Ang manager ni Amber, Ynes at Melbert at ilang malalapit na kaibigan ni Raiden pati ni Amber sa showbiz. Kung si Jordan ang pag-
There are songs I must sing to you, there are melodiesSounding oh so sweet inside my solitudeThere are rhymes, there are remedies for a lonely heartMay we never part for what we have is trueDon't you know that time is as endless as foreverSo each day I lo
“CUT!” sigaw ng direktor para putulin ang eksena sa pagitan ni Amber at kasama niyang lalaking modelo. May panibagong shoot ulit sila para sa sparkle toothpaste na dati na niyang ine-endorse. Naiinis na nga siya dahil nakailang take na sila ng kissing scene ng lalaking kapareha pero hindi ma-satisfied ang direktor. Ang kapareha niya naman ay tuwang-tuwa habang siya ay nagagalit na dahil parang hindi ito propesyunal. Naroon sila sa Quezon Memorial circle at nagsu-shooting, inabot sila ng maghapon dahil hindi ma-perfect ang eksenang nais ng direktor.“Ano ka ba, Amber. What’s going on with you? You did some kissing scenes before, ba’t ngayon hindi mo
MULA sa maalong pampang ng dagat ng Curiao, ipinaanod ni Amber ang mga puting bulaklak hanggang sa itinangay na ang mga iyon patungong gitna ng dagat. Madilim ang kalangitan, sumasabay rin sa malamig at may kalakasang ihip ng hangin ang buhok at suot na summer dress ni Amber. Pareho rin ng nagbabadyang pag-ulan, ganoon din ang mga mata niya na anumang sandali ay babagsak ang kanyang mga luha.Almost two weeks na namang laman ng mga pahayagan si Amber dahil sa nangyaring insidente magtatatlong linggo na ang nakalipas. Ang mga nangya
ILANG MINUTO lamang ang nakalilipas nang maikulong si Amber sa kanyang kwarto sa yate. Sumigaw siya para pakawalan at kinalabog ang pinto, pero ayaw makinig ng mga bantay sa labas hanggang siya ay mapagod. Paroon-parito siya at nilalaro ang mga daliri sa kamay. Ano na kayang nangyayari sa labas? At ang mas iniisip niya kung ano na ang nangyari kay Raiden.“Lord, please help Raiden. Please help the man I love. Huwag niyo pong hayaang may gawing masama sa kanya si Juancho,” pikit niyang tinangala. Yes, she called him Juancho, and why not? He’s not her father after all. Buong buhay niya ay minahal niya ng buong puso ang kinilala niyang ama, pero ang marinig niya m
FOR THE past two weeks, laging laman ng pahayagan ang pagbabalik ni Amber sa mundo ng showbiz. She was being investigated by the authorities regarding her kidnapped case. Para hindi na magduda at wala nang maraming tanong, sinabi niya na lang na isang obssessed fan ang kumidnap sa kanya, na tinago siya sa bahay nito ngunit pilit niyang pinakiusapan na palayain na siya, of course kunwari ay nahabag ito sa kanya kaya pinalaya na siya. Tinanong rin si Amber ng may hawak ng kaso niya kung ano’ng mga ginawa sa kanya, sinabi niyang mabait naman ang kahit papaano ang ‘obssessed fan’ niya at pinamili pa siya ng mga gamit. Marami pang itinanong ang mga pulis sa kanya gaya ng kung may natatandaan niyang lugar, pero kunwari wala siyang maalala kung saan siya dinala. At siya na mismo ang nagmungkahi sa awtoridad na gawin ng case cl
NANG sumunod na araw, mag-isang pumaroon ng bayan si Raiden para mamili ng pagkain at naiwan si Amber sa bahay ng binata. Nang matapos niya ang isang librong binabasa, napagpasyahan niyang magwalis at magpunas-punas sa bahay kahit ba malinis na iyon, gusto niyang may magawa at sadyang hindi lang siya sanay na walang ginagawa. Hanggang sa matapos siya at napagpasyahang buksan ang T.V. na naroon sa sala para mag libang, eksakto naman ay sa news channel iyon nakalagay. Napaupo si Amber nang makitang balita iyon tungkol sa kanya. Ayon sa pahayagan, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya natatagpuan. Mga kaibigan, kasama sa trabaho, mga fans at si Ynes ay alalang-alala na sa kanya at
PAGKATAPOS makipagkita ni Raiden sa kaibigang sina Marco at Gavin at pag-usapan ang mga naganap sa underground fighting, napagpasyahan niyang mamili ng mga buto ng rosas sa palengke at itanim iyon doon sa maliit na garden sa likod-bahay at para iwaksi muna sa kasalukuyan ang mga isipin. Ayaw niya naman talaga ng bulaklak, pero ang rosas na kanyang itinanim ay paborito ng yumao niyang ina. Kahit saan man siya pumunta ay naaalala niya ang ina kapag nak
SANA naman, huwag mong kakalimutan ang totoo mong pakay kung bakit kinidnap mo si Amber.”“Hindi ko ‘yun makakalimutan, naroon pa rin ako sa plano.”“Hindi ganoon ang nakikita ko! Ang nakikita ko nahuhulog ka na sa babaeng ‘yun! Kapag nag kataon wala lahat ng pinaghirapan nain ng mahabang taon!”