Share

Chapter Two

Author: Ada Rose Cruz
last update Huling Na-update: 2020-09-22 20:56:45

NAPALUNOK si Amber at halos pigil ang hininga nang tumungo ang kamay ng lalaki sa likod ng kanyang ulo. Sa loob ng ilang segundo ay nagawa nitong alisin ang piring sa kanyang mga mata gamit ang dalawang kamay. Kumurap-kurap pa siya, in-adjust ang matang lumabo dahil sa blind fold bago napatingala. Bulto ng isang lalaki ang nasa harap niya, naka-denim pants ito at white t-shirt na napapatungan ng black jacket, nakasuot din ito ng balaclava mask.

Napapitlag siya nang lumuhod ito sa harap niya. “Napakaganda mo pala sa personal, Amber…” sabi ng lalaki.

Napalunok siyang muli, pero sa tingin niya’y wala namang pambabanta sa malamlam nitong boses. Infact, he had deep, sexy baritone voice. Iyong magandang boses na parang katulad sa mga seryosong DJ sa radio na kahit magdamag mong pakinggan ay ‘di pagsasawaan. Sa hindi malamang dahilan, unti-unting humupa ang kaba niya.

“Kilala mo ako?” malamang! Biglang sita ng isang bahagi ng kanyang isip.

“Oo naman,”

“Stalker na, ano?” kunot-noo niya.

“Hindi ako stalker,” mahina at bahagya itong natawa sabay ang mabagal na pag-iling.

“Ano’ng nakakatawa?!” hindi sinasadyang tumaas ang kanyang boses. Bigla rin siyang naintriga sa mukha nito. “At pwede tanggalin mo ‘yang bonet mo. Naduduwag ka, ano?”

Bahagya muling natawa ang lalaki at napayuko, bago dahan-dahang tinanggal ang tabing sa mukha at tumingin sa kanya. Then instantly, their eyes met.

She unexpectedly parted her lips when she saw his face. He has a long scar on her left face and another small one across his right thick eyebrow. Ang itim nitong mga mata ay matapang ngunit parang malungkot at tila ba nangungusap. Ang ilong ay perpekto ang hugis na animo hinango kay Narcissus. Medyo wavy nito ang buhok, at ang mga labi nito ay mapipintog na animo nagyayayang humalik.

Napailing si Amber. Bakit ba nagawang isipin niya pa iyon?!

Amber! Abductor mo siya!

“Pare-pareho ang reaksyon niyo kapag nakikita ang itsura ko,”  muli itong marahang natawa bago tumayo at humakbang palayo sa kanya. Sinundan niya ito ng tingin. May be he’s talking about his scar. Well, hindi naman dahil doon kaya napatitig dito si Amber.

Actually, her abductor was… handsome. He even looks harmless and gentle. At mukhang nasa early thirties na ang lalaki.  Ano kaya ang kailangan nito sa kanya? Inilibot niya ang paningin sa paligid at walang dudang nasa isang kubo sila.

“Hey you!” inibalin niya ang tingin sa lalaki. “Umamin ka nga!”

Inisabit muna ng lalaki ang hinubad na jacket sa isang pakong naka-usli sa pader bago tumingin sa kanya. Napansin niya rin na may ilang pilat ito sa braso. Ano bang pinagdaanang giyera nito?

“Ano’ng aaminin ko?” pa-inosente nitong tingin sa kanya.

“That you are my stalker!”

Nangingislap ang mga mata ng lalaki na lumapit sa kanya, tinabihan siya nito sa upuan at ewan niya kung bakit hindi siya umiwas. Pinakatitigan siya nito, at hindi siya gumalaw nang haplusin ng isang kamay nito ang kanyang mukha. She swallowed when she felt his rough and warm hand on her tender cheek. Hindi nila maalis sa isa’t-isa ang titig.

Dapat ay natatakot siya, dapat ay sumisigaw sya dahil hinahaplos nito ang kanyang mukha, pero bakit hindi niya maramdaman ngayon ang kabang kanina lang ay halos papatay sa kanya dahil sa takot? There’s something about his man…

“Hindi ako stalker,” halos pabulong nitong sabi.

“K-kung ga’nun, anon’ng kailangan mo? Pera? Kung oo, tawagan mo na si Papa ng makauwi na ako. Paniguradong magagalit naman ‘yun.”

Oo, sigurado si Amber na kapag natubos siya ng kanyang Papa ay magagalit nanaman iyon sa kanya. Kinikinita na niya ang sasabihin nito, na sayang ang perang ipinantubos nito dahil hindi siya nag-iingat.

“Hindi pera ang kailangan ko,” Umiwas ng tingin ang lalaki at  ibinaba ang kamay.

Kumunot-noo siya. “Ano ba talagang gusto mo?” Hindi ito stalker, ayaw nito ng pera. Ano’ng kailangan nito? Hindi kaya’y isa itong baliw na nakawala sa mental?

“Kaaway ka ba ni Papa? Pulitiko ka ba o utusan rin? At alam ba ng pamilya mo itong ginagawa mo?”

“Wala na akong pamilya, kahit asawa man o kasintahan. Teka, nagugutom ka ba?” sa halip ay ito ang sinabi nito.

Napanganga siya. This man was really going to her nerve!  Ni hindi man lang nito sinasagot ang mga tanong niya. “Hindi ako nagugutom!”

“Ako rin, Hindi. Tara matulog na tayo,” mungkahi ng lalaki at walang pasabing kinarga siya!

“Ay!” napatili, nabigla at nagprotesta siya na ibaba nito. Pero tila wala itong narinig. Even she screamed over and over again right on his face, he remained calm. Sa isang kwarto sila pumasok na ang tanging tanglaw lang ay ang liwanag ng buwan na pumapasok sa binata doon.

Inihiga siya nito sa kama.

“Ano’ng gagawin mo sa’kin? You bastard!”

“Raiden ang pangalan ko. At FYI, legitimate child ako, hindi ako bastardo. ”

“I don’t care!” Napaupo siya mula sa kanyang pagkakahiga. At napa-atras ng lumuhod ito sa kama at papalapit sa kanya! She kicked off her feet to retreat, hanggang sa mapangko siya sa headboard ng kama. And then she screamed when he wrapped his one arm around her body.

“Huwag! Pakiusap ‘wag mong gagawin sa’kin ‘to!” Mabilis niyang iling, nais nang kumawala ng puso niya sa biglaang pagbangon ng sobrang kaba. Mas gugustuhin niya pang mamatay kaysa ang mapagsamantalahan kahit na ito ay gwapo pa! Naipikit niyang mariin ang kanyang mga mata, at nang maramdaman niyang nakakalas na ang lalaki sa kanya at unti-unti siyang nagmulat. Confusion at amusement, iyon ang nakita niya sa mga mata ni Raiden. Oh, my God, she remembered his name!

“Sigurado ka ayaw mo?” kunot-noo nitong tanong.

“Ayoko!” mabilis siyang umiling. “Walang babae ang gustong ma-rape!”

Saglit na katahimikan ang naghari sa kanila, ang kunot sa noo ni Raiden ay unti-unting nawala. “Miss Amber, wala akong gagawing masama,” paliwanag nito sa mababang boses.

“H-ha?” napanganga siya.

“Ang akala mo ba’y pagsasamantalahan kita?”

“H-hind ba?” confused niyang tanong.

“Hindi.”

“Bbakit hindi?” teka, mas gusto niya bang pagsamantalahan siya? Ba’t parang pinoprovoke niya pa? Bigla niyang nais iuntog ang ulo sa pader.

“Siguro nga ay masama ako sa paningin mo dahil pinakidnap kita, pero maniwala ka man sa hindi, kahit kailan hindi ako nanamantala ng babae,” Umiling ito. “Hindi ko kailangan mamilit ng babae para matugunan ang pangangailangan ko bilang isang lalaki. Isa pa…  Maganda ka nga, pero hindi mo man lang ako napa-init kahit kaunti. Tatanggalin ko lang naman sana ang tali sa kamay mo. Pero sabi mo ‘wag na,” kumibit-balikat ito.

Nai-awang ni Amber ang kanyang mga labi at saglit napa-isip bago maiproseso sa kanyang utak ang sinabi ni Raiden. Gumaan ang pakiramdam niya dahil hindi naman pala siya nito pagsasamantalahan, pero hindi niya alam kung insulto ba ang sa pagkababae niya nang sabihin nitong hindi niya man lang ito napa-init kahit kaunti. Sa mundong ginagalawan ni Amber, wala pa yatang lalaki ang nakikipagkilala sa kanya ang hindi nabighani sa kanyang ganda. Pero parang sinasabi ni Raiden wala siyang epekto dito. At the moment, nais niyang sabunutan ang lalaking ito, at nais niya ring sampalin. Ano kaya kung tadyakan niya ito sa maselang bahagi ng katawan?! Gusto niyang magmura, pero hindi niya alam kung ano’ng mura ang deserve ng lalaki.

Muling lumapit si Raiden sa kanya ng mas malapitan. Kinabahan siya, pero hindi na iyong katulad kanina. Pinili niya nalang ang manahimik, baka magkamali nanaman siya ng akala. Tinatanggal nito ang pagkakatali ng kamay niya mula sa kanyang likuran.

For the mean time the room was quite. All she can hear was his breathing, all she can feel was his skin against her. Naamoy niya si Raiden, somehow her abductor knew how to takes care of himself, alam nito ang proper hygiene dahil malinis naman ito. Amoy fresh tree, amoy tubig at hamog, amoy lalaking mabango pero hindi gumamit ng pabango.

“Ayan,” untag ni Raiden nang matanggal ang tali sa kanyang kamay.

Nang tumayo ang lalaki ay hindi na niya naisipang labanan ito. Dahil alam niyang bandang huli ay talo siya.

Tinanggal nga ng lalaki ang tali sa kanyang mga kamay, ngunit kadena naman mula sa ilalim ng kama ang ipinalit nito sa isa niyang paa bago ikinabit ang dulo noon sa paanan ng kama.

Napakagat-labi si Amber. “Bakit mo ginagawa sa’kin ‘to? Ano bang kasalanan ko? Pakiusap naman, ‘wag mo namang gawin sa’kin ‘to. ‘Wag mo naman akong ikadena na parang aso,” himig niya pa na napapagod. Oo pagod na rin ang katawan niya sa kakaisip at sa naghahalu-haong emosyong nararamdaman.

“Napakaganda mo naman para sa isang aso,” ani Raiden sa malamlam na boses. Tumabi ito sa kanya at pinunas ng isang kamay ito ang luhang tumulo sa kanyang pisngi. “Matulog na tayo, gabi na. Bukas na bukas tatawagan ko ang ama mo, at kapag nakuha ko na ang gusto ko pakakawalan na kita, pangako ‘yan.”

Hinubad ni Raiden ang suot na t-shirt bago humiga at pumikit.

“M-magkatabi tayong matutulog?”

“Oo, matigas ang sahig,” sabi nito at umikot patalikod sa kanya.

Napailing siya.

Sino ka ba, Raiden? Ano ang kailangan mo? Dios ko, hindi ko po naiintindihan ang mga nangyayari.

NAUBOS ang ilang oras ni Amber na walang napapala dahil kanina niya pa pilit na tinatanggal ang kadena sa isa niyang paa. Tamang-tama lang ang pagkakakabit ng kadena, pero obvious naman na hindi siya magtatagumpay sa binabalak. Pero malay niya, biglang may himala at maputol iyong kadena, o ‘di kaya’y may dwendeng mag magic at kalagan siya?

Napabuntong-hininga siya sa pagod. Dahil sa isipin, kung anuano na ang pinagiisip niya , at dahil namimigat na rin ang kanyang mga mata ay pinasya na niyang mahiga. Sinulyapan niya muna ang natutulog niyang abductor. Nakadapa si Raiden at nakaharap ang mukha sa kanya. Unfair! Ang himbing ng tulog nito at dinig niya ang pantay na paghinga. Matagal niya itong tinitigan, humarap siya ng mas maayos dito at piniling pagmasdan muna ang lalaki. In fairness, ang amo pala nito kapag natutulog, mukhang hindi kidnapper. Kung sa iba pang mas magandang paraan sila nagtagpo ay malamang may sumibol pa paghanga sa puso niya para dito. Pero hindi, ang impaktong ito ay kinidnap siya! Ano kaya ang totoong pakay nito sa kanya?

Agad siyang nagulat nang biglang magmulat si Raiden. Siya naman ay napabalikwas at napa-atras, sabay ang pagkahulog niya sa kama!

Napangiwi si Amber sa sakit, pang-upo niya ang unang lumanding sa sahig.

“Okay ka lang?” bakas sa mukha ni Raiden ang pag-aalala. Nasa harap na niya agad ang lalaki na para bang nag-teleport.

“H-hindi,” Ngiwi niya.

Inaalayan siya ni Raiden na makatayo, pero dahil masakit pa ang balakang niya ay na-out balance siya! Mabuti nalang ay mabilis siyang hinapit ng lalaki sa baywang at siya naman ay napahawak sa balikat nito.

“O-okay ka lang?” ulit nito sa boses na tila bahagyang nataranta dahil sa pagkakalapit sa kanya.

Napalunok siya na nanatiling nakatingin dito. “M-masakit ang balakang ko.”

“Saan? Dito?” worried na tanong ni Raiden. At ganoon nalang ang pagkabigla niya nang walang pasabing hawakan nito ang pang-upo niya!

“Ay! Bastos!” tili ni Amber at walang pagdadalawang-isip na sinampal ang lalaki dahilan kung bakit nabitiwan siya nito!

Nagtatakang napanganga naman si Raiden, bago humarap sa kanya. “Para ‘san ‘yun?”

Naupo si Amber sa kama at sumiksik sa headboard. Tinapunan niya ng nagbabadyang tingin ang lalaki.

Bumuntong-hininga naman si Raiden at naupo malapit sa kanya. Hinimas-himas ang pisngi. “Pambihira, ang sakit ‘nun, ah.”

“Buti nga sa’yo,” Inirapan niya ito sabay halukipkip.

“Bakit ka ba kasi nahulog? Ang lawak-lawak naman ng kama.”

Hindi siya naimik at iniwasan niya ito ng tingin. Never niyang sasabihin na nahulog siya dahil tinititigan niya ito.

“Ah, tinititigan mo ako habang natutulog ako, ano? Nagulat ka ng magising ako?” anito na tila ba nababasa ang kanyang iniisip. Nang tingnan niya naman ang lalaki ay may guhit sa isang sulok ng mga labi nito. “Hindi kaya ikaw ang may pagnanasa sa’kin?”

“At ako pa talaga ang nagnanasa sa’yo?” Tinaasan niya ito ng isang kilay. Tama, dapat ay taray-tarayan niya ito dahil sa kayabangan nito. May be while ago she was intimidated by him, pero hindi dapat siya pasindak sa tulad nito.

Tumawa ng mahina si Raiden at umiling-iling. Sabay ang pagtayo na sinundan niya ng tingin nang maglakad ito palabas ng kwarto.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

He looked over his shoulder. “Sa sala, matutulog,” anito bago lumabas na ng kwarto.

Nang gabing iyon, matagal muli bago hinila ng antok si Amber, pero nakatulog din naman siya kahit papaano.

KISAMENG kahoy ang unang nakita ni Amber nang magmulat siya ng mga mata. Saglit siyang natigilan pagkuwa’y naalalang na-kidnap pala siya. Naupo siya at sumulyap sa bintana, nakasara na iyon, pero tingin niya’y umaga na dahil mula sa siwang noon ay pumapasok ang kaunting liwanag ng araw. Napa-iling siya, saka napansing hindi na naka-kadena ang isa niyang paa. Bumangon na siya at lumabas ng kwarto, doon niya nagpagmasdan ang kabuuan ng kubo.

Napakatahimik na sala ang bumungad sa kanya paglabas niya ng kwarto, ngunit napakaganda ng ambiance nito kahit kakaunting gamit lang ang naroon. Ngayon rin lang siya nakarating sa isang bahay-kubo, at gustong-gusto niya ang kaunting sikat ng araw na pumapasok sa nakabukas na mga bintana at pinto doon. Walang division ang sala at dining-area, at mula sa huli, nakita niyang naghahain sa pang-apatang mesa si Raiden.

“Good morning, gising ka na pala,” malawak na ngiting bati ng lalaki sa kanya.

Nais niya naman itong pagtaasan ng kilay. Ano bang maganda sa morning niya?

“Halika na, mag-almusal na tayo,” ani Raiden na animo may himig na lambing na alok nito.

Tumingin lang siya sa sahig at hindi kumibo. Pero ilang saglit lang ay nagulat siya dahil parang nag-teleport nanaman lang ang lalaki papunta sa kanya! Ba’t ‘di niya man lang narinig ang mga pagyabag nito?

“Mag-almusal ka na. Sigurado akong nagugutom ka,” mahina nitong sabi.

“H-hindi ako nagugutom,” matigas niyang sabi na sinalubong ang malamlam nitong tingin. Hinawakan ni Raiden ang kamay niya at banayad na hinila papalapit sa mesa na hindi na niya natanggihan, saka pinag-hila siya ng upuan at pilit na pinaupo.

Sinangag, bacon at hotdog ang nakahain sa mesa, ang inumin naman ay barakong kape na amoy na amoy niya. Seriously, those foods are temptation to her, pero hindi ngayon dahil hindi siya makaramdam ng gutom. Siguro dahil na rin sa kasalukuyan niyang sitwasyon.

“Hindi ka rin makulit no? Sabi ko hindi ako nagugutom!” simangot niya, humalukipkip at iniwasan niya ng tingin ang lalaki na nakaupo lang sa katapat niya at nilagyan pa ng pag-kain ang plato niya.

“Manghihina ka pag ‘di ka kumain,” simple nitong sabi. Sumulyap siya sa pagkadami-daming pagkain sa kanyang pinggan.  “I don’t eat these kinds of foods for breakfast. Masyadong ma oil at ma-cholesterol ang mga ‘yan. I eat cereals for breakfast and drink pineapple juice. Mababa rin ang tolerance ko sa caffeine,” reklamo niya pa.

“Amber… alam kong artista at modelo ka at iniingatan mo ang figure mo. Pero ba’t hindi mo subukan? Masarap ang mga ito.”

Hindi siya kumibo. Doon niya narinig ang pagbuntong-hininga nito at pagtayo sa upuan para tumabi sa kanya, muli ay nagulat siya.

“Oh,” anitong pinaharap siya at itinapat ang kutsarang may pagkain sa kanyang bibig.

She looked at him, look at the spoon and to him again. “Hindi ako nagugutom, ba’t ba ang kulit mo?” umiwas siya ng tingin. Pero nagulat siya nang may diin siya nitong hinawakan sa panga at pilit siyang pinapakain, kaya tuloy napilitan siyang tabigin iyon. “Ano ba?! Sinabing hindi ako nagugutom, eh!”

Kung siya ay nabigla sa kanyang sinabi, mas lalo siyang nabigla sa ginawa ni Raiden, malakas na hinampas nito ang mesa dahilan kung bakit siya napatili! Bahagya siyang napa-atras at mariin na napapikit. Bigla namang nanginig ang kanyang katawan, bigla siyang natakot.

“Amber…” inilapit nito ang sarili sa kanya. Siya naman ay tumingin dito kahit bigla nalang namasa ang kanyang mga mata. “Please, ayoko namang gawin ito. Paki-usap sumunod ka nalang sa’kin,” anito at kumuha ng pagkain gamit ang tinidor, napalunok naman si Amber at napilitang kainin ang sinubo nito. Hindi niya malasahan iyon dahil natatakot na siya, baka saktan siya ni Raiden!

“Good girl…” halos pabulong na sabi nito at tumingin sa kanyang mga labi.

“R-Raiden, n–nauuhaw ako. Pwede bang pahingi ng tubig?” aniya.

Agad namang tumango si Raiden at tumayo bago naglakad palayo. Halos hindi huminga si Amber nang sundan niya ito ng tingin, at nang mawala ang lalaki sa kabilang pinto ay saglit siyang natigilan at walang pagdadalawang-isip na kumaripas ng takbo! Saglit pa siyang natigilan nang makalabas ng kubo. Nasa isang gubat pala sila! Saan siya tatakbo? Bahala na, basta tumakbo nalang siya sa abot ng kanyang makakaya!

“Amber!” ngunit mula sa main door ng kubo, lumabas doon si Raiden at hinabol siya!

“Oh! My God!” bulalas niyang mas lalo pang binilisan ang pagtakbo. Patuloy siyang tumakbo sa malalaking puno, ugat at damo. Bahala na kung saan siya makapunta, ang importante ay makalayo siya. Ngunit minamalas pa ata siya ngayon dahil bigla siyang natapilok sabay ang pagkahulog niya sa mababaw na bangin! Bumagsak siyang nakadapa at napangiwi sa sakit ng katawan. And the last thing she saw were Raiden’s feet.

Kaugnay na kabanata

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Three

    NARAMDAMAN agad ni Amber ang sakit sa kanyang ulo nang marahan siyang magmulat. Napangiwi siya nang maramdaman ang sakit sa dibdib. Ang akala niya’y mamamatay na siya sa pagkakahulog, ngunit napansin niyang nasa kwarto siya ulit ng kubo ni Raiden, at nang pumasok sa pinto ang lalaki ay ganoon nalang siya na-alarma! Napa-atras siya sa head board ng kama at pilit na sumiksik doon, bumilis rin ang tibok ng kanyang puso, baka saktan na siya nito!Nang maupo si Raiden sa tabi niya ay nayuko siya at ipinikit ang mga mata, silently praying and hoping that he will not

    Huling Na-update : 2020-09-22
  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Four

    KUMAKAIN ng cup noodles si Amber nang maabutan ni Raiden sa kusina mismo. May karne sa maliit na ref na pwedeng lutuin, pero tinamad siya kaya nag-noodles na lang siya nang makaramdam ng gutom.“Andito ka pa pala, akala ko umalis ka na,” tila pabirong sabi ni Raiden sa kanya. Pansin niyang may kaunting ngiti sa mga labi nito.

    Huling Na-update : 2020-09-22
  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Five

    “RAIDEN, walang tubig sa CR. I wanna take a bath,” iyon ang agad na sabi ni Amber sa binata nang lumabas siya ng banyo at masalubong ito. Ilang araw na siyang hindi naliligo, kaya kating-kati na siya dahil hindi pa rin siya nakapagpapalit ng damit. “Wala ring sabon at shampoo, and also body scrub.”“Ah, pasensya na sira kasi ‘yung water pump,” iyon lang ang sabi nito sabaya nag pag-kamot sa batok.

    Huling Na-update : 2020-09-29
  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Six

    SA KASALUKUYAN ay hindi muna iniisip ni Amber kung ano na ang nangyayari sa outside world. Malamang ay naibalita na ang pagkakidnap sa kanya sa iba’t-ibang uri ng pahayagan at nag-aalala na rin malamang ang mga kaibigan niya sa kanya. Hindi niya naman nais mag-alala ang mga iyon, pero kinailangan niya munang mapag-isa dahil nga sa pagdaramdam sa sariling ama, wala naman masama kung sarili muna niya ang isipin dahil para bang kalahati ng buhay niya ay iniisip ng ibang tao ang kanyang kinokonsidera.

    Huling Na-update : 2020-10-10
  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Seven

    BUONG ARAW hindi nakipag-usap ng maayos sina Amber kay Raiden. Sa mga tanong ng binata ay simple at maikling sagot lang ang kanyang isinasagot, at malamang ay nahahalata naman iyon nito. Hindi na siya pinuwersa ni Raiden na sabihin kung galit ba si Amber dahil sa narinig niyang hindi magandang usapan nito at ng kausap nito sa kabilang linya ng cellphone ng nakaraang gabi. Naiinis siya dahil mukha talagang wala itong balak na sabihin sa kanya kung anoman, basta puro na lang ‘magtiwala’ ang sinasabi nito sa kanya. May tiwa

    Huling Na-update : 2020-10-10
  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Eight

    PARANG ISANG malaking kahon ang nag-iisang motel sa Isla Odio na maraming pinto at bintana. Hindi iyon kalayuan sa Abyss bar, kung saan ang karamihan sa mga parokyano ay mga customers doon na may kasamang mga babae.“Hindi lang ang Abyss ang bar dito sa Isla Odio. Mayroon pa sa mismong sentro nito,” sabi ni Raiden nang mapansin siya nitong hindi makapaniwala sa mga naghahamlakang pares habang papasok sa bawat kwarto.

    Huling Na-update : 2020-10-26
  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Nine

    NAGISING SI Amber na wala si Raiden sa loob ng kwarto. Inisip niya na baka tumambay muna ito sa labas kaya iginayak niya muna ang sarili. Naligo siya at nagpalit ng jogging pants at suot na t-shirt, pero iyong dating hooded jacket ang isinuot niya. Pagkatapos maigayak ang sarili, lumabas siya ng kwarto pero hindi si Raiden ang nabungaran niya kundi isang payat at maliit na lalaki, mukhang inaabangan nito ang paglabas niya!“Good morning!” bati nito, ngumisi na halos labas ang lahat ng ngipin, ang ilan ay bulok pa.

    Huling Na-update : 2020-10-27
  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Ten

    LULAN ng motor, binaybay nina Mon at Amber ang papuntang lugar kung saan ang kinaroroonan ni Raiden. Medyo maputik, lubak-lubak at may madamong daan. Ang mga bahay na yari sa kahoy ay hiwa-hiwalay, ngunit bawat madaanan nilang mga tao sa mga bahay ay mga matang tila nanlilisik ang tumitingin sa kanila. Ano ba naman kung maging friendly ang mga ito? O kaya ‘wag na lang silang pasinin kaysa sa ga’nun? Maliwanag pa ang paligid ngunit ramdam ni Amber na delikado ang aura doon, pinagtitingnan sila ng mga tao na animo gusto silang tagain. Pati ang ibang mga bata roon ay hinaharang ang sasakyan nila dahilan kung bakit kamuntik na silang tumilapon ni Mon pagka

    Huling Na-update : 2020-10-28

Pinakabagong kabanata

  • Your Embrace, My Sanctuary   EPILOGUE

    PAGKALIPAS ng isang buwan, nag-propose ng kasal si Raiden kay Amber na hindi niya naman tinanggihan. Sabi ng lalaki, kahit anong klaseng kasal ay ibibigay nito sa kanya. Dati ay nangangarap si Amber ng magarbong kasal, iyong mala-fairy tale at makikipasabayan siya sa mga bigating celebrities. Ngunit ang lahat ng iyon ay nagbago. Kahit saan siya ikasal, basta si Raiden ang groom ay masayang-masaya na siya. Simpleng church wedding ang naganap, si Pastor Dominic ang nagkasal sa kanila at tanging malalapit lang na kaibigan ang imbitado katulad nina Marco at Reign, Gavin at Hope, si Mon at pamilya nito, ang kaibigan ni Raiden na sina Aling Buena at Mang David, Ang manager ni Amber, Ynes at Melbert at ilang malalapit na kaibigan ni Raiden pati ni Amber sa showbiz. Kung si Jordan ang pag-

  • Your Embrace, My Sanctuary   AUTHOR'S NOTE

    There are songs I must sing to you, there are melodiesSounding oh so sweet inside my solitudeThere are rhymes, there are remedies for a lonely heartMay we never part for what we have is trueDon't you know that time is as endless as foreverSo each day I lo

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Twenty Eight

    “CUT!” sigaw ng direktor para putulin ang eksena sa pagitan ni Amber at kasama niyang lalaking modelo. May panibagong shoot ulit sila para sa sparkle toothpaste na dati na niyang ine-endorse. Naiinis na nga siya dahil nakailang take na sila ng kissing scene ng lalaking kapareha pero hindi ma-satisfied ang direktor. Ang kapareha niya naman ay tuwang-tuwa habang siya ay nagagalit na dahil parang hindi ito propesyunal. Naroon sila sa Quezon Memorial circle at nagsu-shooting, inabot sila ng maghapon dahil hindi ma-perfect ang eksenang nais ng direktor.“Ano ka ba, Amber. What’s going on with you? You did some kissing scenes before, ba’t ngayon hindi mo

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Twenty Seven

    MULA sa maalong pampang ng dagat ng Curiao, ipinaanod ni Amber ang mga puting bulaklak hanggang sa itinangay na ang mga iyon patungong gitna ng dagat. Madilim ang kalangitan, sumasabay rin sa malamig at may kalakasang ihip ng hangin ang buhok at suot na summer dress ni Amber. Pareho rin ng nagbabadyang pag-ulan, ganoon din ang mga mata niya na anumang sandali ay babagsak ang kanyang mga luha.Almost two weeks na namang laman ng mga pahayagan si Amber dahil sa nangyaring insidente magtatatlong linggo na ang nakalipas. Ang mga nangya

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Twenty Six

    ILANG MINUTO lamang ang nakalilipas nang maikulong si Amber sa kanyang kwarto sa yate. Sumigaw siya para pakawalan at kinalabog ang pinto, pero ayaw makinig ng mga bantay sa labas hanggang siya ay mapagod. Paroon-parito siya at nilalaro ang mga daliri sa kamay. Ano na kayang nangyayari sa labas? At ang mas iniisip niya kung ano na ang nangyari kay Raiden.“Lord, please help Raiden. Please help the man I love. Huwag niyo pong hayaang may gawing masama sa kanya si Juancho,” pikit niyang tinangala. Yes, she called him Juancho, and why not? He’s not her father after all. Buong buhay niya ay minahal niya ng buong puso ang kinilala niyang ama, pero ang marinig niya m

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Twenty Five

    FOR THE past two weeks, laging laman ng pahayagan ang pagbabalik ni Amber sa mundo ng showbiz. She was being investigated by the authorities regarding her kidnapped case. Para hindi na magduda at wala nang maraming tanong, sinabi niya na lang na isang obssessed fan ang kumidnap sa kanya, na tinago siya sa bahay nito ngunit pilit niyang pinakiusapan na palayain na siya, of course kunwari ay nahabag ito sa kanya kaya pinalaya na siya. Tinanong rin si Amber ng may hawak ng kaso niya kung ano’ng mga ginawa sa kanya, sinabi niyang mabait naman ang kahit papaano ang ‘obssessed fan’ niya at pinamili pa siya ng mga gamit. Marami pang itinanong ang mga pulis sa kanya gaya ng kung may natatandaan niyang lugar, pero kunwari wala siyang maalala kung saan siya dinala. At siya na mismo ang nagmungkahi sa awtoridad na gawin ng case cl

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Twenty Four

    NANG sumunod na araw, mag-isang pumaroon ng bayan si Raiden para mamili ng pagkain at naiwan si Amber sa bahay ng binata. Nang matapos niya ang isang librong binabasa, napagpasyahan niyang magwalis at magpunas-punas sa bahay kahit ba malinis na iyon, gusto niyang may magawa at sadyang hindi lang siya sanay na walang ginagawa. Hanggang sa matapos siya at napagpasyahang buksan ang T.V. na naroon sa sala para mag libang, eksakto naman ay sa news channel iyon nakalagay. Napaupo si Amber nang makitang balita iyon tungkol sa kanya. Ayon sa pahayagan, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya natatagpuan. Mga kaibigan, kasama sa trabaho, mga fans at si Ynes ay alalang-alala na sa kanya at

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Twenty Three

    PAGKATAPOS makipagkita ni Raiden sa kaibigang sina Marco at Gavin at pag-usapan ang mga naganap sa underground fighting, napagpasyahan niyang mamili ng mga buto ng rosas sa palengke at itanim iyon doon sa maliit na garden sa likod-bahay at para iwaksi muna sa kasalukuyan ang mga isipin. Ayaw niya naman talaga ng bulaklak, pero ang rosas na kanyang itinanim ay paborito ng yumao niyang ina. Kahit saan man siya pumunta ay naaalala niya ang ina kapag nak

  • Your Embrace, My Sanctuary   Chapter Twenty Two

    SANA naman, huwag mong kakalimutan ang totoo mong pakay kung bakit kinidnap mo si Amber.”“Hindi ko ‘yun makakalimutan, naroon pa rin ako sa plano.”“Hindi ganoon ang nakikita ko! Ang nakikita ko nahuhulog ka na sa babaeng ‘yun! Kapag nag kataon wala lahat ng pinaghirapan nain ng mahabang taon!”

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status