Home / Romance / You're Gonna Miss Me When I'm Gone / Kabanata 3 Hinding Hindi na Siya Babalik Doon

Share

Kabanata 3 Hinding Hindi na Siya Babalik Doon

Author: Cora Smith
Pinisil ng mga salitang "mamuhay nang magkahiwalay" ang puso ni Calista. Ito ay isang malungkot at masakit na pakiramdam.

Mabibilang niya sa dalawang kamay kung ilang beses bumalik si Lucian sa Everglade Manor pagkatapos nilang ikasal. Wala itong pinagkaiba sa pamumuhay nang hiwalay.

"Tatlong buwan na lang ang natitira. Ano pa bang point nang pagtira natin sa iisang bubong?"

Tinitigan siya nito ng ilang saglit. Tapos, nagsmirk siya.

"Ako ang magdedesisyon kung wala nang point o meron pa. Magrequest ka kay David ng dalawang oras na break ngayon. Ibalik mo ang gamit mo sa manor."

"Eh ku—"

Isang katok sa pinto ang nagpatigil sa kanya.

Nasa labas si David. Pinaalalahanan niya si Lucian, "Mr. Northwood, malapit nang magsimula ang meeting."

Itinaas ni Lucian ang kanyang manggas. "Labas."

Nanatiling walang kibo si Calista. "Lucian Northwood, hindi na ako babalik."

"Paulit-ulit ka ng sinasabi."

Hindi ito ang unang beses na nag-away sila. Kaya, hindi siya nabahala.

Hindi rin ito ang unang beses na sa ibang lugar pumupunta si Calista. Pero kadalasan ay inaabot lang siya ng ilang araw at bumabalik din sa manor.

Alam niyang hindi magpapatalo si Lucian at naisip niyang pag-aaksaya lang ng oras ang makipagtalo pa. Sa kalaunan, mauunawaan niya ang sitwasyon sa paglipas ng panahon. Sa pagkakataong ito, hindi na siya babalik.

Lumabas siya ng opisina at dumiretso sa washroom. Kailangan niyang ayusin ang kanyang makeup. Mukhang magkakapasa ang baba niya mula sa pagkakahawak ni Lucian.

Pagkatapos nito, dadalhin niya ang kanyang resignation letter sa HR Department.

Saktong may tumawag sa kanya. "Calista, naubusan ng ink yung printer. Refill-an mo 'yan dali. Naghihintay kami."

Sanay na siya araw-araw na nakakakuha ng mga ganoong utos.

Bilang personal na assistant ni Lucian, kailangan niyang asikasuhin ang mga pagkain nito at pangasiwaan ang iba pang maliliit na bagay. Pero hindi pa rin siya nakaramdam ng approval ni Lucian.

Mas pinagkakatiwalaan ni Lucian si David na gawin ang trabaho ng isang assistant. Bilang resulta, nagiging utusan ng ibang empleyado si Calista

"Calista Everhart, sabi ko mag-refill ka ng ink."

Si Jenny Winchester iyon. Hindi niya gusto si Calista. Si Jenny ang nanunuya kay Calista kanina sa nalamang pakikipaghiwalay sa mayaman nitong boyfriend.

"Kahit mag-reresign ka na, be professional naman. Hindi pa official ang resignation mo."

"Ang trabaho ko ay sundin ang mga utos ni Mr. Northwood at asikasuhin ang mga pagkain niya. Sa tingin mo ba pwede kang mag-utos dahil lang wala siyang ibang inuutos sakin?"

Sa katunayan, maraming tao ang gustong maging personal assistant ni Lucian. Lahat sila ay naghihintay ng kanilang pagkakataon.

Isa si Jenny sa kanila. Desperada na siyang umalis si Calista at maging kapalit nito.

Sinamaan siya ni Jenny ng tingin. "Calista, naiwan mo ba ang utak mo sa kung saan? Nag-aasikaso ka ng mga pagkain ni Mr. Northwood? Nakita mo na ba siyang kumain ng inorder mong pagkain?"

Sumakit ang puso ni Calista sa kakaisip sa lahat ng nasayang na pagkain. Tapos, kumirotang dibdib niya. May ibinato sa kanya si Jenny na mga dokumento.

Mayabang na sabi niya, "Magprint ka ng 20 sets nito by 2 pm. Ms. Everhart, matuto kang lumugar."

Kumunot ang noo ni Calista dahil doon. Maya-maya pa ay may narinig siyang yabag sa likuran niya. Lumingon siya at nakita niya si Lucian at David na papalabas ng opisina.

Sinalubong siya ni Lucian ng tingin at ngumisi. Tila kinukutya siya, na parang sinasabing, "Sa tingin mo talaga kaya mong makipaghiwalay sa akin eh ni hindi mo nga magawa yang simpleng bagay na 'yan?"

Napabuntong hininga na lang si Calista at binato pabalik kay Jenny ang mga dokumento habang nakatingin si Lucian. Nagkalat ang mga papel sa sahig.

Bago pa makapag-react si Jenny, tumalikod na si Calista at naglakad palayo.

"Ms. Winchester, hindi lang natin kailangang matutunang lumugar, pero kailangan din nating matutunan na ang ibig sabihin ng hindi ay hindi.

"Isa pa, mahilig siya sa mga babaeng walang utak pero maganda ang katawan. Wala ka ngang utak, pero medyo flat ka naman."

Naglakas loob siyang magsalita ng ganun dahil magreresign na rin naman siya. Sulit ito, dahil nakakapagsalita siya ng masama tungkol kay Lucian.

Malungkot ang mukha ni Lucian, at itinikom niya ang kanyang mga labi.

Pagkatapos noon, pumunta si Calista sa HR Department para iabot ang kanyang resignation letter.

Tiningnan ito ng manager at sinabing, "Ms. Everhart, kunin mo na 'to. Personal assistant ka ni Mr. Northwodd. Mapaprocess lang namin 'to kung binigyan ka na niya ng permiso."

"Hindi na ako papasok simula bukas. Kayo na ang bahala kung bibilangin niyo yun as absence o kaya leave." madiin niyang wika.

Nataranta ang manager. "Hindi ito pwede ayon sa kontrata. Kahit mag-resign ka, may two-week transition period pa."

"Para saan pa kung ang trabaho ko lang naman ay mag-asikaso ng pagkain ng amo ko? kailangan ko pa bang turuan yung papalit sa'kin kung ano ang hindi kinakain ni Lucian? Naku baka mamatay lang yun sa gutom kasi inorder ko na lahat ng pwedeng orderin., " hinahamak niya si Lucian sa isip niya.

Wala siyang pakialam dito. "Edi dalhin ni Mr. Northwood sa korte."

Nang umalis siya sa Northwood Corporation, nakatanggap siya ng tawag mula kay Yara Quinn, ang kanyang matalik na kaibigan.

Inaya ni Yara si Calista na lumabas at uminom. Nag-aalala siya sa pagiging malungkot ni Calista pagkatapos ng balita kahapon.

Nakaramdam ng pagod si Calista kaya tumanggi siya. Bumalik siya sa hotel, nilaktawan ang hapunan, at natulog lang.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto at gumising sa kanya. Tinignan niya ang oras at napagtantong 7:30 pm na pala.

Bumangon siya sa kama at binuksan ang pinto.

Siya ang manager ng hotel. Nakatayo siya doon na may propesyonal na ngiti. "Hello, Ms. Everhart. Mukhang may problema sa kwarto mo, kaya kailangan natin itong ayusin."

"Bigyan mo na lang ako ng bagong kwarto, kung ganun." Hindi niya ginawang mahirap ang mga bagay para sa kanya. Sa halip, pupunta siya sa kanyang kwarto at mag-impake ng kanyang mga gamit.

Pero, pinigilan niya ito at sinabing, "Sorry po pero wala na pong available na kwarto. Narefund na po namin ang bayad. Dahil kasalanan naman po namin, waived na po yung compensation fee."

Huminto si Calista sa kanyang paglalakad, naalala niya na hiniling ni Lucian na bumalik siya pagsapit ng alas-8 ng gabi. Sa pagtataboy sa kanya ng manager ng hotel noong 7:30 pm, magiging tanga siya kung hindi niya makita ang totoong dahilan sa likod ng lahat ng ito.

"Yang sira ulong si Lucian Northwood ang nag-utos 'no? Hindi ako aalis!" Sa sobrang galit niya ay hindi niya napigilan ang kanyang mga salita.

Walang intensyon ang manager ng hotel na ilihim ito. "Ms. Everhart, please wag mo na akong pahirapan. Maliit na negosyo lang ang pinapatakbo namin."

"Anong maliit na negosyo ang madaling kumikita ng 15 million dollars?" tanong niya sa sarili dahil katawa-tawa ito.

Hindi mahalaga kahit gaano niya ipilit ang gusto niya, wala siyang pagpipilian kundi ang mag-check out.

Ang manager ng hotel ay matatag at handang i-waive ang compensation. Samantala, ang mga repairman ay nakatayo sa tabi ng pinto, na sinasabing pwede umanong sumiklab ang apoy dahil sa problema sa circuitry.

Sa huli, lumabas siya ng hotel dala ang kanyang bagahe. May kotseng naghihintay sa kanya sa entrance. Ito ay mula sa Northwood family.

Napansin siya ni Jonathan Whitman at mabilis na bumaba ng sasakyan para tulungan siya sa mga bagahe. "Madam Calista, inutusan po ako ni Mr. Northwood na sunduin ka."

"Sabihin mo kay Lucian na hindi na ako babalik." Iniwasan niya ito at pumunta sa malapit na hotel.

Hindi niya ito pinigilan, at hindi nagtagal, alam na niya kung bakit.

Ibinalik ng receptionist ang kanyang card. "Sorry po, pero declined po ang card niyo. May iba pa po ba kayong card?"

Kaugnay na kabanata

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 4 Isang Pagdiriwang Para sa Pagtakas Mula sa Kalungkutan

    Ginagamit ni Calista ang credit card ni Lucian. Naisip niya na sayang ang paggamit ng kanyang pera para manatili sa isang hotel.Tinawagan niya si Yara para tanungin ang address niya. Pagkatapos, nagmaneho siya papunta doon.Sinundan siya ni Jonathan sa buong daan, pero hindi niya ito pinansin.Isang palamuti ang nadali sa kanyang kamay habang inilalabas ang kanyang bagahe sa sasakyan. Dumudugo ito, buti na lang at hindi ito masyadong malalimNakatira si Yara sa ika-17 na palapag. Inaasahan niya si Calista, kaya iniwan niyang bahagyang nakabukas ang pinto.Sandali siyang natigilan nang dalhin ni Calista ang kanyang bagahe sa loob ng bahay. Hindi ito binanggit ni Calista sa telepono.Naisip ni Yara na parang tumakas si Calista sa bahay.Nilampasan niya ang pagsusuot ng face mask habang tinutulungan niya si Calista sa mga bagahe. "Dapat sinabi mo sa akin na may dala kang mga luggage. Hinintay sana kita sa ibaba ..."Tapos napansin niya, "May gasgas ka. Anong nangyari?"Nag-alala

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 5 Ang Shirt Niya

    Tahimik ang paglalakbay patungong Stansend Manor. Hindi nangahas si Jonathan na baguhin ang bilis ng takbo niya sa ganoon ka-tense na kapaligiran.Hanggang sa huminto siya sa parking lot ay napabuntong-hininga siya. Bumaba siya ng sasakyan para pagbuksan sila ng pinto.Hindi tulad ni Lucian, hindi gusto ni Calista ang pinagsisilbihan siya. Bubuksan na sana niya ang pinto, pero bigla itong nagtanong, "Mahilig ako sa mga walang utak pero may magandang katawan?"Halos masamid si Calista. Nakalimutan niyang sinabi niya iyon.Gusto lang niyang magsalita ng masama tungkol sa kanya. Sino ba talagang nakakaalam kung anong klaseng babae ang gusto niya?Tumingin siya sa likod at napansin niya ang titig nito. Tumingin ito sa ibaba lamang ng kanyang collarbone. Hindi sigurado si Calista kung sinasadya ni Lucian.May kung anong namumuo sa kanyang mga tingin, isa na itinuturing niyang panghahamak."Hindi ba gusto naman talaga ng mga lalaki ang malalaking boobs?" Baka 'yun ang dahilan kaya hin

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 6 Gusto Niyang Pilitin Ito

    Walang napansing mali si Calista sa sinabi ni Lucian. At saka, galit pa rin siya sa kawalang-interes nito. Kaya, tumango na lang siya.Humigop ng sabaw si Lucian. Ibinalik niya ang kutsara nang may kaunting puwersa, at kumalansing ito sa mangkok.Pagkatapos ay itinaas niya na kumot at humiga sakama. Nakatalikod pa rin sa kanya si Calista habang pinapatay ang bedside lamp. Pagkatapos noon, ipinikit niya ang kanyang mga mata, handa nang matulog.Sa nakalipas na taon, minsan sila ay natutulog sa iisang kama. Pero palaging may puwang sa pagitan nila. Malaki ang kama para sa dalawang tao.Pero, iba ang gabing iyon.Mahimbing ang tulog ni Calista nang biglang idiin ni Lucian ang katawan nito sa kanya. Ang matigas nitong dibdib ay nakadikit sa likod niya, at bigla itong napayakap sa kanya. Nararamdaman niya ang mga muscles nito sa manipis na mga telang namamagitan sa kanila.Ang mainit at malalim na paghinga nito ay dumampi sa kanyang tenga, nagpapataas ng temperatura sa silid. Tila nak

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 7 Hindi Magaling sa Kama

    Hindi pinahalata ni Lucian. Pero naintindihan naman ni Selena ang ibig niyang sabihin.Kitang-kita ang epekto ng soup. Kung tutuusin, hiningi ni Selena ang recipe mula sa isang sikat na doktor.Isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. "Ano ka teenager? Hindi ka ba marunong maging marahan? Sige na bumili ka na."She added, "Teka lang. Isama mo na rin si Calista. Dapat pumunta siya sa ospital. Masama kung ma-iinfect siya."Walang masabi si Lucian.Pero, hindi niya magawang tumanggi sa umaasang tingin ni Selena. Sa huli, tinawag na lang niya si Calista at niyaya itong bumaba pagkatapos magbihis.Napaisip si Calista na baka may nangyaring hindi maganda dahil sa tono ni Lucian. Kaya, mabilis siyang tumakbo pababa pagkatapos magpalit.Hindi niya inaasahan na makikita niya doon sina Selena at Lucian.Medyo walang pakialam ang malalim na boses ni Lucian. "Hindi maganda ang pakiramdam mo. Samahan mo akong bumili ng gamot."Hindi maiwasang magtaka ni Calista kung kailan niya sinabing m

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 8 Hinihiling ni Mr. Northwood na Hintayin Niyo Siya

    Nabalot ng gauze ang sugat sa binti ni Lily. Mahirap sabihin kung infected ba ito. Pero, ang lugar ay talagang namamaga at nakaumbok."Tiningnan na ba 'to ng doktor?"Masyadong walang pakialam si Lucian. Mukhang hindi naman siya nabahala o naabala nang tingnan niya ang namamaga nitong binti. Hindi masabi ni Lily kung ano ang iniisip niya, kaya hindi siya naglakas-loob na magsinungaling."Hinayaan ko na yung doktor na magpalit ng dressing. Siguro dahil hindi ko sinasadya na nabuhusan ko 'to ng tubig habang naliligo... Kaya naman na-infect."Kumuha ng sigarilyo si Lucian at inilagay sa pagitan ng kanyang mga labi. Hindi niya pinansin ang no-smoking sign sa dingding. Sa isang click, bumukas ang lighter. Nagbigay ito ng mainit na glow sa kanyang mukha.Humithit muna siya ng yosi bago ibinalik ang tingin sa binti ni Lily. "Lily, ipagpatuloy mo ang career path na 'yan dahil pinili mo 'yan. 'Wag mong sirain ang mga plano mo sa pamamagitan ng pagsuko. Ibinigay mo ang lahat para sa pangara

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 9 Ang Bago Niyang Date

    Naisip ni Calista na baka may problema sa kanya para magpahintay si Lucian. Pero, hindi niya inaasahan kung gaano ito kabilis na darating.Palabas na sana siya ng pinto nang may nakita siyang matangkad na lalaking papunta sa direksyon niya.Si Lucian ay nakasuot ng fitted black shirt at tailored pants. Mukha siyang guwapo at napaka-refined, nababagay sa tangkad at tindig niya. May natural na pagmamalaki sa pagdadala niya ng sarili, na naging dahilan para maging kapansin-pansin siya .Siya ay guwapo, matikas, bata, at mayaman.Kung babalewalain lang ang katotohanan na isa siyang g*go, tiyak na si Lucian na sana ang perfect heartthrob.Si David ay naglalakad sa tabi niya. Kung ikukumpara sa kanya, imposibleng hindi mapansin ang presensya ni Lucian.Sandaling natigilan si Calista.Tumayo si Lucian sa harapan niya. "Sinabi sa akin ni Jonathan na hindi ka umuwi kagabi?"Bakas sa nakakunot niyang noo na wala siya sa magandang mood.Iniisip ni Calista kung pumunta ba siya para lang t

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 10 Mabuhay na Parang Nabyuda

    Gulat na tumingin sa kanya si Calista."Hahayaan mo bang mamuhay na parang byuda sa loob ng tatlong taon ang isang tao kung in love ka sa kanya? Ang baluktot ng pananaw mo sa love kung sa tingin mo ay normal iyon."Sumang-ayon naman si Yara. "Tama ka. Pero bakit niya ipinipilit na bumalik ka? Aalis ka rin naman pagtapos ng tatlong buwan. Hindi lang kasi logical."Hindi alam ni Calista kung bakit. Pero hindi rin siya interesadong alamin.Nang sumapit ang hapunan, sa huli ay pinili na lang nilang lumabas at saka kumain ng stew.Pumili si Calista ng super spicy na stew dahilan para pagpawisan siya sa sobrang init. Nabuhayan siya ng loob pagkatapos kumain.Natatakot siyang magsimula ng gulo si Lucian. Kaya, pinatay niya ang cellphone niya nang gabing iyon.Maaga siyang nagising kinabukasan.Inilagay niya ang kanyang bagahe sa kotse at lumipat sa apartment na nirentahan niya.Pagkatapos noon, inayos niya ang kanyang hitsura at pumunta sa kanyang magiging trabaho—Justa Workshop.S

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 11 Siya Yung Bago mong Boyfriend?

    Puno ng buhay ang lugar dahil puno ng mga tao ang mga food stalls. Nag-uusap usap ang lahat at nag-e-enjoy sa kanilang oras.Naka-bun ang mahaba at kulot na buhok ni Calista. Nakataas2 ito sa likod ng kanyang ulo gamit ang claw clip. Nang ibaba niya ang kanyang ulo, ilang hibla ng buhok ang nalugay. Tinakpan nila nang bahagya ang kanyang mukha, binibigyang-diin ang kanyang maganda at makinis na balat.Tinuro niya ang menu at lumingon para kausapin ang lalaking katabi niya. Tumango siya, at ngumiti ito, senyales sa waiter.Nagtaas ng kilay si Cade. "Tingin ko nag-e-enjoy ang asawa mo sa oras niya ngayong iniwan ka na niya!"Hindi sumagot si Lucian. Tumalikod na lang siya para lumabas ng private room.Sa isang lugar malapit sa food stall, naubos ni Bryan ang isang bote ng beer. Hindi pa rin siya makapaniwala. "Ikaw ba talaga si Callie? Yung Callie na nag-ayos ng sirang antique vase?"Napatingin sa kanya si Calista, natigilan. Paulit-ulit niya itong tinanong habang papunta sila rito

Pinakabagong kabanata

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 358 May Mangyayari Ngayong Gabi

    Nagpadala siya sa kanya ng mga liham sa loob ng isang buwan ngunit walang tugon. Noong panahong iyon, hindi siya gusto ni Paul, kaya't makatuwiran na itinapon niya ang kanyang mga sulat. Agad na natigilan si Lucian. Gayunpaman, kaswal na tanong lamang ni Calista. Hindi niya inaasahan ang isang tugon at hindi niya namalayan na nanigas si Lucian. Hindi niya alam na pinag-iisipan niya kung sasabihin sa kanya ang totoo. Bagama't maaaring maging katanggap-tanggap ang ilang paraan na ginagamit upang ituloy ang mga babae, niloko na niya ito tungkol sa insidente sa relo.Makakahanap pa siya ng mga dahilan noon. Pero pagdating sa love letters, ibang usapan. Bago niya ito maisip, inabot ni Calista at iniligpit ang credit cards, itinulak ang mga ito patungo kay Lucian."Sige, ingatan mo sila." Nakaupo sila sa tabi ng bintana sa unang palapag, at masyadong kitang-kita ang mga credit cards. Nakikita ni Calista ang ilang dumadaan na sumulyap sa kanilang pwesto.Ayaw niyang mawalan ng mala

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 357 Itinapon niya ba ang Love Letter ko.

    "Kailan ako … "Nakalimutan na ni Calista ang ganoong maliit na insidente.Bigla niyang naalala at nagpaliwanag, " Noon ay tinutulungan ko ang isang direktor na maghanap ng artista para sa kanyang bagong drama. Agad ko siyang binlock pagkatapos kong ibigay sa direktor ang contact niya." Lumiwanag ang mga mata ni Lucian, ngunit tumahimik siya at walang tigil na tumugon."Hmm." Ang kanyang sumunod na sinabi ay nakapukaw ng atensyon ni Lucian, "Naka-blind date mo si Ms. Turner noon." Mukhang naguguluhan si Lucian, "Ms. Turner? Sino iyon?" Pinanlakihan siya ng mata ni Calista."Nakipag-date ka sa kanya at hindi mo na matandaan ang pangalan niya. Nadamay pa niya ang negosyo ng kanyang ama dahil sa iyo." Nang marinig ito, naalala ni Lucian ang pangyayari.Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Yung hindi sinasadyang mapaso ang kamay mo ng kumukulong tubig?" Puno pa rin ng galit ang tono nito kahit na matagal na, at nakalimutan na niya ang hitsura nito. ... Nagpareserba si D

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 356 Manood Ng Action Movies

    Sabi ni Calista, "May isang beses ka lang para magsalita, kaya pagbutihin mo. Marami rin akong natuklasan sa mga taon na ito. Huwag mo ng subukan mag sinungaling pa. Isipin mo ang ginawa ni Nikolette ngayon. Baka kailanganin ko kumuha ng doktor para tingnan ang mga natamo ko. Pagkatapos non, tsaka ka lang pwede bumalik sa iyong anak na babae." Ipinakita pa nito sa kanya ang isang larawang kuha ng mga nanonood sa restaurant, na kinukunan nang hilahin ni Nikolette ang kanyang buhok.Sa larawan, lumitaw si Calista na mahina, nakakaawa, at walang magawa. Ito ay maliwanag na siya ay tinatakot. Hindi nakaimik si Zachary. Naisip ni Zachary na si Nikolette ay hindi nag-iisip na ibigay sa kanya ang ebidensya ng ganon kadali, ngunit naramdaman din niya na dapat ay mas pahirapan niya si Calista, tinitingnan ang kanyang mapagmataas na kilos. "May lumapit sa akin noon, humihingi ng tulong sa nanay mo sa pagpapanumbalik ng isang painting. Akala ko wala lang, kaya pumayag ako." Nilaktawan ni

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 355 Hindi Makakalimutan ang Bastardong iyon

    Mabilis na sinagot ni Calista ang telepono na bahagyang nagpawi ng galit sa puso ni Lucian. "Nagpareserve ako sa isang restaurant. Mag dinner tayong dalawa ngayong gabi. Asan ka? Susunduin kita." Kung narinig ito ni David, iikutin niya lang ang kanyang mga mata. Si Lucian ang nagpumilit na hindi niya pallaambutin ang kanyang puso. Akala niya ay tumigas na puso ng kanyang amo, ngunit hindi iyon totoo. Ang malumanay na tono ni Lucian ay wala sa lahat ng kumpiyansa niya noong kausap niya si David kanina. “Sige, ibigay mo sakin ang address ng restaurant, at magta-taxi ako papunta doon,” tuwang tugon ni Calista. Nakahinga si Lucian, at may ngiti sa labi. Alam niyang, sa pagitan niya at ng matanda, mas pinili siya ni Calista. Marahil ay dahil sa kawalan niya ng karanasan sa pakikipag-date kaya nagkaroon ng pagkakataon ang isang may karanasang nakatatandang lalaki. Walang ideya si Calista tungkol sa kaguluhan sa kanyang puso ngayon. Nakaupo siya sa harap ng kulungan, nag-sketch.

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 354 Nakipag-away Siya Sa Kanya

    Kakapasok lang ni Calista sa pinto ng pumasok si Liam. Sinalubong niya ito ng bahagyang pagtagilid ng ulo bago mabilis na nilapitan si Hugo."Napagmasdan ko ito, Mr. Jacquez. Kamakailan ay kumunsulta si Nikolette sa isang abogado. Tinitingnan niya kung ang pera na ginastos sa isang bata ay maaaring bawiin o hindi pagkatapos na mapatunayang hindi sila bahagi ng pamilya. Inamin niya na kaya niyang hinila ang buhok ni Ms.Calista ay dahil inutusan siya ni Zachary. Ayaw ni Zachary na makulong. Ayaw niyang susundan siya ng mga loan shark kapag nakalaya na rin siya. Kaya, naisip niya na pilitin si Ms. Calista na tulungan siya sa ganitong paraan."Nagiging awkward na ito. Gayunpaman, mabilis na inamin ni Calista ang kanyang mga pagkakamali. Lumingon siya at nag-alok ng isang pilit ngunit humihingi ng tawad na ngiti."I'm sorry. Mukhang mali ang pagkakakilala ko sainyo ni Vivian. Gabi na rin. Maghahanda ako ng regalo sa ibang pagkakataon bilang paghingi ng tawad.""Maliit na hindi hindi pag

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 353 Ito ay Usaping Pang Pamilya

    Napansin ni David ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ni Lucian nang lumabas siya ng police station. Parang may namumuong gulo.Sa katunayan, nang ilibot ni Lucian ang lugar ngunit walang nakitang palatandaan ni Calista, mas lalong nagdilim ang kanyang ekspresyon."Nasaan si Calista?""Nakatanggap ng tawag si Madam Calista at..." Itinuro ni David ang direksyon kung saan siya umalis. "Pumara siya ng taxi at umalis.""Bakit hindi mo siya pinigilan?" tanong ni Lucian na nagngangalit ang mga ngipin."Pinigilan ko. Pero, hindi siya nagpatinag." Sinubukan ni David na ipaliwanag ang sarili. "Susundan ko sana siya pero sinabi ni Madam Calista na kung susubukan ko, babalikin lang niya ako sayo. Nagbanta pa siya na paalisin ako para mag manual labor.""Sino ang tumawag sa kanya?" Tanong ni Lucian pero hindi niya inaasahan na malalaman ni David ang sagot.Mukhang naiipit ang assistant. Pinagsalubong niya ang kanyang mga kilay. Kahit hindi siya nagsasalita, sumisigaw ang buong pagkatao n

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 352 Hindi Na Kailangan ng Dignidad

    Sinamaan sila ni Nikolette ng mapang-asar na titig."Kayo ang may balak. Pareho kayo ni Calista. Mapanlinlang ka..."Agad na pinasok ni Yara ang tuwalya na ginamit niya sa pagpunas ng kanyang mga kamay sa bibig ni Nikolette .Nagpupunas siya ng kamay bago siya lumabas. Sa sobrang pagmamadali niya, hindi niya sinasadyang nailabas niya ito.Ilang sandali pa, iniisip niya kung saan niya maaaring ilagay ang tuwalya. Ngayon, nakita niyang medyo madali pala ito dalhin.Napatitig siya kay Calista na nakaluhod sa sahig na para bang may hinahanap."Anong ginagawa mo? Anong hinahanap mo dyan sa tapat ng cr?""Naghahanap ako ng buhok," sagot ni Calista.Nagkaroon ng biglaang naisip si Calista. Ngunit hindi siya lubos na sigurado kung tama ang kanyang hula.Si Vivian ay nagpunta sa Everglade Manor noong upang manipulahin siya at si Hugo na sumailalim sa isang paternity test.Base sa reaksyon niya, siya ay tunay na umaasa na anak siya ng Jacquez family.Dahil sa kanyang ugali, tiyak na h

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 351 Anong Binabalak Mo Ngayon?

    Hindi naman gaanong maaabala si Calista kung hindi niya ito pinansin. Ngunit napagtanto niya na wala siyang nakitang anumang mga pagbabago sa kabila ng kanyang mahabang pagsisiyasat.Si Julia ay tila naglaho sa hangin pagkatapos ng kanilang minamadaling pagkikita pabalik sa Apthon . Maging ang pribadong detective na binayaran niya sa mataas na halaga ay hindi niya natunton kung nasaan siya.Pinasadahan ni Calista ng daliri ang buhok niya sa inis."Natanong mo na ba si Zachary tungkol dito?" tanong ni Yara."Oo. Pero, nag maang-maangan siya na parang wala siyang alam.""Wala kang ebidensya. Pero sa diary ng nanay mo, hindi maikakaila ang pagkakasangkot niya. Kung makonsensya siya, makakahanap ka ng butas sakanya."Ipinatong ni Calista ang kanyang baba sa kanyang kamay at mahinang sinabi, "Si Zachary ay nasa detensyon at naghihintay ng paglilitis. Walang sinuman maliban sa kanyang abogado ang pinapayagang makipagkita sa kanya.""Puntahan mo si Lucian. Sabi mo bawal makipagkita sa

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 350 Pagtatago sa Relasyon

    Hindi na kailangang i-rehash ang mga nalalaman na nila. Kaya naman umiling si Calista."Mga bagay na may kinalaman sa trabaho. Tara na."Hinaplos niya ang kanyang tiyan. Sasabihin pa lang niya na nagugutom siya pero pinigilan niya ang sarili bago umalis ang mga salita sa kanya.Sa halip ay sinabi niya, "Hindi pa tayo naghahapunan."Para sa isang tulad ni Lucian, na ang isip ay napuno ng mga maling kaisipan, ang pariralang "Nagugutom ako" ay may nagpapahiwatig na kahulugan.Si Elizabeth ay kumikilos nang palihim kaya't isinantabi niya si Calista para lamang makausap ito. Wala itong kinalaman sa trabaho.Pero si Calista ay tila hindi interesadong magbahagi. Sa kabila ng sama ng loob ni Lucian, hindi siya nagpilit ng mga sagot. Boyfriend pa rin siya sa trial run. Wala siyang karapatang makialam sa mga gawain nito."Tara na. Ano ang gusto mong kainin?"Wala siyang pakialam sa pagkain. Nakatuon lang siya sa kamay ni Calista na nakalaylay sa gilid niya. Hindi niya maiwasang hawakan a

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status