Kapag galit tayo sa mahal natin diba galit lang pero mahal parin natin? Tulak ng bibig, kabig ng dibdib itong si Lumiere eh... pero anyways thanks po sa pagsubaybay sa kwento nilang hilahan at konting kiss. Labyu poooow..
Simula ng gabing iyon nagbago ang lahat sa pagitan nila ni Drake. Madalas wala itong kibo kapag nagtatagpo sila ni Lumiere di katulad ng dati ay lagi itong gumagawa ng bagay para mabigyan siya ng pansin ngunit ngayon ay wala itong imik. Parehas sila ni Lumiere na tinuturing na hangin ang isa't-isa. Ilang araw narin itong pumapasok sa opisina at hating gabi na kung umuwi. Kung dumating siya at madalas ay mahimbing na ang tulog ni Lumiere.Maaaring nag-eenjoy si Lumiere sa pagtrato sa kanya ni Drake ng ganito ngunit hindi ito ang nais niya dahil sa isang sulok ng puso niya ay hinahanap parin niya na gumawa ito ng hakbang para lang magmakaaawa sa pagmamahal. Pero hindi na ito ang ginagawa ni Drake kundi pag-iwas ayon sa gusto niya.Kaya isang gabi ay hinintay niya ito. Halos mag-ekis ekis na ang paglakad nito papunta sa kanyang tulugan. Kaya tinakbo siya ni Lumiere pero inalis ni Drake ang kamay niya na nakahawak sa kanyang braso."Ka-Kaya ko naman. Thank you.. Matulog ka na!" utos ni Dr
Maagang umuwi si Drake para makita niya si Luke. Dala-dala ang isang box ng ice cream at mga laruan. Nais niya itong dalhin sa isang Amusement Park. Kung saan siya dinadala madalas ng kanyang ina noong maliit pa siya. Ang paalam lang kasi niya ay dadalhin niya kay Lumiere ang bata dahil weekend.Hawak niya ang kaliwang kamay ni Luke habang iniikot siya sa lugar. Kitang-kita niya ang tuwa sa mukha ng bata dahil first time lang niyang makarating sa ganitong lugar. Halos dalawang oras silang naroon at sumasakay sa ibat-ibang rides. Andyan sumigaw sa tuwa ang bata at maging si Drake ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman para sa batang kasama niya. Hindi niya alam kung bakit sobrang saya niya at kahit hindi niya ito anak ay ramdam niya ang ligaya nito. Matapos iyon ay nakaramdam sila ng gutom at dinala siya nito sa isang restaurant. Kumain sila at makaraan ay nagpasya naring umuwi.Akay-akay ni Drake si Luke ng sila ay bumaba ng kotse. "Now, little man you can go to your mother" sabi ni D
Maagang nagising si Lumiere para ipaghanda ng pagkain ang kanyang anak na si Luke. Napakahimbing din ng tulog nito kaya hindi na niya ito ginising pa. Napadako ang tingin niya sa higaan ni Drake ngunit wala na ito kaya inayos na lamang niya ang kanyang sarili para sa makababa na. Bumaba siya at naamoy niya ang napakabangong amoy sa kusina. Napaka-tamis na amoy na para may bine-bake or 'waffle'. Agad siyang nagmadali matagal na siyang hindi nakakakain ng waffle at iyan ang pinaka-paborito niya.Malaki ang kanyang mga hakbang papunta sa kusina ngunit si Drake ang nakita niya roon na nakasuot ng apron at simpleng pambahay. Halos mapalunok siya ng makita sa mesa ang mga bagong lutong waffle. Hindi na niya napigilan na umupo roon at kumuha. May roong chocolate syrup, strawberry at mayron din ang Maple syrup. Nakatalikod noon si Drake kaya hindi siya nito napansing nakaupo na at kumakain na. Kaya laking gulat nito ng makita si Lumiere. "Morning! I hope you like it" nasabi na lang niya out
WARNING! SPG Ahead! Some scenes are not suitable for sensitive and young readers!. READ AT YOUR OWN RISK! Drake Achlys Tahimik lamang siya sa buong biyahe balik na naman kami sa ganitong set-up. Kailangan ko na sigurong tanggapin na mahirap na para sa kanya ang maging tulad ng dati. Kaya halip na sundan ko siya sa kwarto ay dumeretso ako sa aking opisina at duon muna hanggang sa makatulog siya at saka ako aakyat para naman hindi na siya maasiwa kung anong gusto niyang gawin. Nakakapanibagong gumising ako ng sobrang aga para lang magtrial ng ilang beses para lang maperfect ko ang paggawa ng waffle na iyon. Hindi ko na hiningi ang tulong ng mga katulong dahil nais kong gawin ito para kay Lumiere at para narin kay Luke. Buti na lamang at okay na ang mga waffles na natikman niya kundi nakakahiya. For the first time I cook and I can say I'm not bad at it. Muli kong tinignan ang mga naopen kong windows para sa ibat-ibang ways para mapasarap ang waffles at isa-isa ko narin ito sinara dahi
Nagising akong mabigat ang buong katawan ko ngunit wala na si Drake sa aking tabi. Matapos kong mabalikan ang nangyari kagabi ay mabilis akong tumayo para hanapin ang contaceptive pills ko. Wala akong balak na masundan si Luke. Ang nangyari kagabi ay dahil lamang sa pasasalamat at saya na pinakita niyang pagmamahal sa aking anak. Naligo ako at bumaba para kumain. Sinalubong ako ng katulong para ibigay ang isang bouquet ng rosas. "Maam, pinadala po ni Sir Drake para sa inyo. Maaga po siyang nakaalis kanina" pero hindi ko na kinuha iyon bagkos ay inutos kong ilagay na lamang niya sa isang vase. Kaiba ang panahon ngayong araw dahil umuulan kahapon naman ay napakaaraw. Ganon din ba ang pakiramdam ko hindi maganda at para akong magkakasakit. Mabigat ang pakiramdam ko o dahil lamang sa nangyari kagabi dahil hindi ko alam kung ilang beses niya akong inangkin. Wala naman ako nais gawin ngayon kundi ang basahin ang iba'-ibang libro na naroon. Nagtagal ako roon at isang tawag ang nagpamanhid
Ng araw na iyon hindi niya makayang makakain o kahit uminom manlang dahil sa pangambang naiisip para kay Luke. Gayundin ang mag-ina na laging nakamasid kay Lumiere. Maaari din kasi itong biglang umalis at lumala lang ang lahat. Nayuko lamang ito at tila ang lalim ng iniisip. Lumapit si Coreen kay Lumiere at dinala siya sa may beranda. Samantalang nakabantay si Drake sa mga telepono. "Hindi ba magandang malaman na ni Drake kung ano si Luke sa buhay niya. It will help para hindi ganoon ka bigat ang dinadala mo" "Para saan pa pong malaman niya. Lalo lang po ako mahihirapan. Kailangan na nating makita si Luke dahil para akong nauubusan ng lakas sa tuwing naiisip ang anak ko" sunod-sunod na pag-agos ng luha ni Lumiere habang kausap ang kanyang biyenan. "Oh Lumiere, kasalanan ko ito" Niyakap niya si Lumiere na parang nanghihina sa mga nangyari. "Hindi ko na kakayanin pa kung mawala si Luke sa akin. May sumpa ba ako? bakit lahat ng mahal ko sa buhay ganito sa akin" "H'wag mong isipin iy
Hindi na niya natiis na hindi lapitan ang dalawa dahil halos tatlong oras na silang magkausap sa may beranda. Napansin niyang hindi na inaalis ni Orphen ang kanyang mga kamay sa likod ni Lumiere. Ilang beses niyang balak baliwalain ang kanyang nakikita ngunit lalo lang uminit ang kanyang ulo simula ng malamnan ng alak ang kanyang sistema."Wala ba kayong ibang gagawin kundi magyakapan nalang diyan? Come with me Lumiere" ngunit hindi sumunod si Lumiere at parang umasal pa itong hindi niya nakikita si Drake. Kaya hinablot niya ang kamay nito at hinatak pa papunta sa kanya. Kaya tinignan siya nito ng masama."Ano ba? Nasasaktan ako?""Talagang masasaktan ka kapag dika sumunod sa akin!" galit na ang tono nito ngunit hindi sumunod si Lumiere bagkos pilit siyang kumawala sa pagkakahawak ni Drake."Nawawala ang anak ko! At hindi ko alam kung makikita ko pa siya! Hindi ako makapag-isip kapag kasama kita lalo akong parang dinudurog at hindi ako okay sa tuwing nariyan ka sa tabi ko Drake. Pleas
Ng oras na iyon nakuha na ni Lumiere ang kailangan ni Drake malaman. Nagngingit ito sa galit dahil sa ginawa ni Lumiere. Tumayo at lumuhod siya sa harap ni Drake umiiyak. Inabot niya ang laylayan ng pants nito. "Pa-Patawarin mo ako, Drake?!" sabi niya "Ganyan ba kalala ang galit mo sa akin para paniwalain ako sa isang kasinungalingan? Ipinagkait mo sa akin ang anak ko? K-kaya pala ganoon ang pakiramdam ko para kay Luke. Ka-Kaya pala sobra akong nadudurog sa loob ng hindi ko lubusang naiintindihan dahil anak ko siya!" Lumevel si Drake kay Lumiere. "Patawarin mo ako, Drake!" pagsamo niya ngunit iisang emosyon lang ang nakikita ni Lumiere sa mga mata ni Drake. Galit at nakakatakot ito. Hinablot niya ang braso ni Lumiere. "Nakaganti kana sa akin. Siguro ngayon masaya kana. Ka-kapag nahanap ko si Luke sisiguraduhin kong ilalayo ko siya sa iyo" "H'wag mo sa aking gawin ito. Natatakot lang akong malaman mo at ipagpilitan mo na magsama tayo" "Lumiere! I hate you as much you hate me. Kah
Hi Milabs,A year din ang inabot ng story na ito at labis-labis akong nagpapasalamat sa pagbabasa ninyo sa aking munting akda. Medyo matagal din ang pag-update ko pasensya na po kayo. Pangalawa itong story na sinimulan ko dito sa Goodnovel. Bilang isang baguhang manunulat sana po ay nagustuhan ninyo ang story nila Lumiere at Drake na nagstart sa isang Arranged Marriage at mala-roller coaster na taguan ng totoong nararamdaman. Sana po ay suportahan din po ninyo ang iba ko pang story dito kay GN. Utang na loob ko po ito sa inyo na laging naka-antabay sa updates ko. May ilang chapters pa po tayo bago tuluyang isara ang kuwento nila Drake at Lumiere. Gusto ko lang mag-pasalamat sa inyo. Hanggang sa huli!Maraming Salamat po sa inyo!Lexie,
LUMIERE POV“Drake, mukhang manganganak na ako?” ani ko kay Drake na nasa kusina at may kung anong niluluto. Pinatay niya ang kalan at pinukol ako ng mapag-alalang tingin.Dali-dali niya akong nilapitan at bakas’ron ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Hindi ko pa nakita ang ganitong itsura ni Drake. At sa ganitong eksena hindi ko narin magawang maipinta ang mukha ko. “May masakit ba sa iyo? Tell me where? or just tell me you’re atleast okay!” taranta niyang sabi. Hinubad niya ang kaniyang suot na apron at binalibag nalang kung saan. Saka ako hinawakan. “I’m in labor, Drake! Yes, I’m gonna be okay basta dalhin mo ako sa hospital ngayon ‘din!” mahinahon kong sabi pero mukhang lalo ko lamang siyang pinakaba at pinag-alala.Dahan-dahan kaming lumakad palabas ng bahay at hindi niya malaman kung bubuhatin na ba niya ako or hindi? Kaya bahagya kong pinisil ang kamay niya. At pinakatitigan ko ang mga mata niya.“I’m gonna be okay! Just drive!” “O-Oo.” Kahit sobrang sakit na ng tiyan ko ay n
Nagising si Lumiere dahil sa sinag ng araw na tumagos mula sa bintana. Naramdaman niya ang maiinit na hininga na dumadampi sa kaniyang mukha. Si Drake. Natulog sila ng magkatabi dahil nag-aalala ito at hindi din kasi mapigil ang kaniyang pag-iyak. Kumislot siya pero nanatili siyang nakakulong sa mga bisig nito. Pinagmasdan niya ang guwapong mukha nito at naalala niya ang unang beses na makita niya ito noon sa Campus. Magkaiba sila ng mundo noon at hindi sa hinagap ay mapapansin siya nito. Mabigat parin ang kaniyang talukap at nagsisimula na namang mangilid ang kaniyang luha. Kahit mahina ang kaniyang hikbi ay nagising si Drake. Pinunasan nito ang unang luha na umagos at kinintalan siya ng halik sa noo, sa ilong at marahang dampi sa kaniyang labi.“L-Lumiere, mag-start ulit tayo,” panunuyo ni Drake.“H-Hindi ko alam kung paano tayo magsisimula’t kung paano ko iha-handle ang sarili ko. I was still recovering,” nangangatal na sagot ni Lumiere.“Andito ako sa tabi mo. Bubuo ulit tayo ng pa
HINAWAKAN ni Drake ang mga kamay ni Lumiere at minasahe ng kaunti. Gayundin ang saya ng mga titig nila sa isat-isa.“How are you?” tanong ni Drake habang hindi binibitawan ang kaniyang mga palad.“Ahmm. I’m okay.” may pamumula sa mga pisngi ni Lumiere habang ngumingiti kay Drake.“You know what? It feels like a dream to me, Lumiere.” “Sa akin naman para akong tumutulay na naka-blindfold. Wala parin akong matandaan,” ani ni Lumiere.“Don’t worry, I’ll help you out,” sabi ni Drake at biglang naging seryoso ang mukha nito. “Thank You! Magkuwento ka about sa atin,” sabi ni Lumiere.“A-Actually, hindi naging maganda ang nangyari sa atin nitong mga nakaraang taon. But, I realize last night na kailangan mong malaman ang lahat. Promise me na hinding-hindi ka magagalit sa akin.”Bigla namang dumating si Coreen at pinukol niya ng matalim na tingin si Drake para huwag bumanggit ng kahit anong masamang memories kay Lumiere.“N-Nako halika na kayo sa dining para makapag-umagahan tayo.” muli niy
NATAGPUAN ni Coreen ang anak na sapo-sapo ang mukha habang hinihintay na lumabas ang doktor na sumusuri kay Lumiere. Masyado ng maraming dugo ang nawala kay Lumiere, halos patay na siya ng matagpuan ni Drake.Lumapit si Coreen at umupo. “Son?” tawag ni Coreen. Bahagyang inangat ni Drake ang mukha. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala at namumula ang mga mata.“Makakayanan ito ni Lumiere. Babalik siya sa atin.”“I know, Mom. Kayang-kaya niya ito,” Ngunit hindi niya napigilan ang hindi humagulgol ng iyak sa harap ng ina. Ito lamang ang nakakakita ng weak side ni Drake. Niyakap ni Coreen ang anak.“Be strong para sa kaniya anak. Magiging masaya na si Luke dahil nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay niya.”“Mom, sa tuwing nasa poder ko si Lumiere ay lagi nalang siyang napapahamak. Maybe I need to accept this. Pinilit kong bumalik siya pero bakit ganoon lagi siyang nalalagay sa panganib.”“Hahayaan mo nalang ba siya ngayon? Susundin mo na ba ang Dad mo?” pinunasan niya ang luha ni
NAGSIMULA siyang mabalot nang takot para sa kaniyang buhay. Hindi na niya mapigil ang pagbuhos nang kaniyang luha ng oras ding iyon kasabay ang dumadagundong na kaba. Napansin siya ulit nang lalaki kaya’t muli siyang pinasadahan ng tingin at nilapitan.“Oh, Miss bakit ka umiiyak?” muling pa sanang magsasalita ang lalaki ngunit narinig nilang pareha ang pagdating nang isang kotse.Tinalikuran siya ng lalaki at tinungo kung sino ang nasa labas. Maya-maya pa ay nakarinig siya nang tunog nang nakatakong. Marahil ay ganito din ang naramdaman ng anak niya bago ito mawala.“Oooh my sweet cousin…” bungad nito. Naiangat niya ang ulo at pinagmasdan si Layla. Napaka-elegante parin nito sa pulang tight dress na suot nito.“L-Layla! Maguusap lang naman tayo hindi ba? P-Pakawalan mo ako!” pagmamakaawa niya.“Sa tingin mo ay pakakawalan kita para ano? M-Maging masaya na kayo ni Drake? Wala akong ibang balak na gawin ngayon kundi ang tapusin ang kawawa mong buhay.” Kinuha niya ang baril mula sa kaniy
NANG imulat niya ang kaniyang mga mata ay ilang segundo pang napako sa kisame ang mga ito kasabay ang pagbuga ng hangin dahil parang isang magandang panaginip ang nangyari sa kaniya ng nakaraang gabi. Ilang beses siyang napapikit at napatingin sa kaniyang katabi. Mahimbing paring natutulog si Lumiere. Tulad parin ng dati, para parin itong isang anghel sa kaniyang paningin. Pinagmasdan niya ito at bahagyang kinapa ang pisngi nito. Ilang beses itong kumislot ngunit hindi parin ito nagising. Napangiti siya sa kaniyang sarili sa naiisip siguradong pagod na pagod ito sa nagdaang gabi. Nang magising kasi ito ng madaling araw ay muli niya pa itong inangkin. Hindi niya kasi ito hinayaang makabuwelo. Napuno ng ungol nito ang kaniyang kuwarto at dahil na lamang sa pagod kaya parehas silang nakatulog.Hinalikan niya ang pisngi nito patungo sa ilong at sa labi nito. Bahagyang napaungol ito dahil sa sensasyong nararamdaman nang madampian ng haplos niya ang hita nito. Naimulat ni Lumiere ang kaniya
TRIGGER WARNING! Some scenes are not suitable for young and sensitive readers. READ at YOUR risk!Ang mga sumusunod na pangyayari ay may karupukan.LUMIERE POVNanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang kaniyang labi kaya agad akong lumayo. Ayokong magkaroon ng kaugnayan ulit sa kaniya. Ngunit hinigit niya ako kaya muling dumampi ang aking labi sa kaniya. Tinulak ko siya dahil hindi ito tama.“I need to go, D-Drake! This isn’t right!” tumayo ako.Alam kong mas magiging kumplikado ang lahat kapag pinagpatuloy ko pa ang pananatili ko sa lugar na ito. Kalmado na siya. Mukha namang maayos na siya. Pero muli niyang hinawakan ang kamay ko at hinila para makaupo ulit.“Look, I’m sorry,” he lowered his head.Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan. Ayokong magsalita at ganon din siguro siya. Hindi naging maganda ang pagsasama namin at parang ang kasal namin ay naging tanikala para sa amin.“I assumed you had already left. I was in Brimways drinking and thinking how my life could be if ou
Lumiere POV Sa halos 10 taon ngayon lang ako magkakalakas ng loob na pumasok sa lugar na ito. ‘Drake’ siya na naman ang naaalala ko. Gusto kong maging masaya at kalimutan na siya para sa ikatatahimik ng mga sarili namin. We need to move on. Kinuha ko ang cocktail na inorder namin ni Khia at sumabay sa nakakabinging ingay ng Bar. Sumayaw kami at nag-enjoy kami. Kinulong ko ang sarili ko sa mga alaala ni Luke. And I let the time slip away. Kinuha ni Khia ang aking kamay at hinila sa dance floor. Hindi ba masyado na kaming matanda para makipagsayaw sa mga tao ‘ron? Nah for Khia I can do anything. Nagsayaw kami hanggang lumabas ang lahat ng pawis ko. Gusto kong ayusin ang buhay ko at kahit papaano ay mag-enjoy. Ayoko ng umiyak at magkulong sa Gallery. Bukas na bukas ay aalis na ako at hahanapin ko ang sarili ko para maging masaya. Ngunit nagulat nalang ako ng may humapit sa aking baywang. Parehas kaming naliligo sa pawis at natagpuan ko ang sarili kong nasa bisig ng isang estranghero. Nas