CHAPTER 22: Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Good morning po teacher." “Good morning din, maaga tayo ngayon ah.” Ngumiti ako sa guro ni Amalthea and Lysithea. "Medyo excited lang po-” saad ko. Nakilala na ako ng kanilang guro dahil isinama ako ni boss noong pumunta siya rito para ipakilala ako sa mga magiging teachers ng mga bata and of course inilibot din ako sa buong campus para alam ko kung saan hahanapin ang mga bata in case of emergency. "Hindi nga halata, thank you Miss Lingling." ani ng guro. Dahil nasa loob na ang mga bata kaya dito lang ako sa hallway maghihintay sa kanila hanggang sa masanay sila na sila na lang ang mag-isa na papasok. Panay babae lamang ang mga estudyante rito kaya hindi ako masyadong kinakabahan. Ewan ko ba, hindi ko naman mga anak itong mga bata na ito ngunit parang ako ang natatakot para sa kanila, marahil na experience ko ang trauma noon na nag-aaral ako. Kaya bantay sarado si nanay sa akin noon at hindi hinayaan na mawala ako sa paningin
CHAPTER 23: Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Hello daddy…” sabay na naman na wika ng mga bata sa kanilang ama. Kakarating lang ni boss galing sa isang meeting kaya hindi na namin naabutan sa kanyang office. Sinabi lang ng kanilang secretary na lalaki na nasa conference room at may meeting siya kanina. Kaya hinintay nalang namin siya ng mga bata sa kanyang opisina.Nanonood sila ngayon ng cartoon sa laptop, may dalawang laptop kasi sa office ni boss, para sa kanya at para mismo sa mga bata kung pupunta sila rito at kung gusto manood para hindi mabo-boring samantalang ako ay ito at binabasa ang mga nagchachat sa akin sa phone. Ang ibang chat ay may reply ako, ang iba naman ay binalewala ko lamang. “Hi…how's school?” Tanong nito sa kanyang mga anak habang tinatanggal ang kanyang black suit at nilapag sa likod ng kanyang office chair. Lumapit ang mga bata sa kanya para magmano. “Very good naman po daddy." si Lysithea ang unang sumagot.“Yeah…very good daddy kasi wala po ka
CHAPTER 24Yaya Lingling and the Billionaire's twin Kanina inaamin ko na gutom na rin ako pero dahil sa sinabi ng boss ko ay hanggang ngayon ay nasasaktan ako. Hindi dahil tinawag ako na mommy ng mga bata na hindi naman niya ako asawa pero sa kadahilanan na ipagkait niya sa kanyang anak na may matatawag sila na mommy sobrang masakit sa akin. “Here pa mommy oh…”"Kids…she's your Yaya not your mother." biglang natigilan ai Amalthea pagbibigay sa akin ng ulam dahil sa sinabi ng kanyang ama, ganoon din si Lysithea. “I'm sorry daddy…”” hingi ng bata ng paumanhin. Hindi ko alam kung bakit wala akong lakas para sawayin si Mr Callisto. “Here Yaya, you want this?" Tukoy ni Lysithea sa pizza na ibibigay sa akin. Umiling ako dahil nawalan na talaga akong ganang kumain. “Ayoko na baby, thank you -" "Ayaw mo nang kumain?” sa akin naman bumaling ang attention ni boss. Sinabi ko na kanina at alam ko na narinig n'ya ang sinabi ko kaya bakit pa siya nagtatanong. Umiling nalang ako at masama an
CHAPTER 25Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Baby…wake up…” gising ko sa dalawang makukulit na bata. Nasa loob ako ng kwarto nila para gisingin sila. May pasok sila ngayong araw at hindi pa rin nagigising o bumangon man lang. "Yaya…" ngumiti ako na makita si Lysithea na gising na ngunit si Amalthea ay hindi pa at mahimbing pang natutulog.“Good morning baby…may pasok po tayo ngayong araw, wake up na everyone. Baka malalate kayo sa school,” saad ko at hinawi ang kanilang pink na kurtina sa kanilang kwarto. At nagligpit ng ilang laruan na hindi nailagay sa maayos na lagayan. Binalik ko ang attention sa kanila na hindi pa rin kumikilos. Natutulog pa yata, si Lysithea ay bumangon na sa kanyang higaan at nagdasal muna bago bumaba sa kama, samantalang si Amalthea ay natutulog pa rin. Nilapitan ko siya at tinapik ng mahina ang kanyang balikat. “Baby…wake up…gising na ang kakambal mo. Di ba may pasok kayo ngayon?” tawag ko sa kanya pero hindi parin siya nagigising. Ngunit napa
CHAPTER 26Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na may sakit ang mga anak ko. Sa iba ko pa nalaman." halos tinayuan ako ng balahibo na marinig ang boses ni boss na parang galit I mean, galit talaga.“Medyo okay na po sila ngayon, boss-" "That's not my point, Miss Montaño. Paano kung malala ang nangyari sa mga bata, saka mo palang sasabihin sa akin?”"Sasabihin ko po pero medyo humupa na po no'ng pinainom namin ni Manang ng gamot boss at plano kong-” “How sure you are na tama ang pinapainom mo na gamot, may sarili silang doctor kung tinawagan niyo agad ako specially you na Yaya ka ng mga bata ay baka nariyan na ang doctor kanina pa at sinusuri na sila.” halos maiyak na ako dahil sa malamig na boses ni Mr. Callisto sa akin. Habang natutulog ang mga bata ay may dumating na doctor at agad pumunta sa kanilang kwarto at chineck ang kalagayan nila at until now hindi pa sila makalabas kasama si Manang Marivic. Tumawag kasi si boss sa akin at ito
CHAPTER 27Yaya Lingling and the Billionaire's twin Hindi ko alam kung anong oras na ngayon, idinilat ko ang mga mata ko para i-check ang mga bata kung may sakit pa rin ba ngayon. Pero laking gulat ko na pagdilat ng mga mata ko ay nasa kwarto ako nakahiga. Nakakunot ang noo ko at magkasalubong ang mga kilay dahil hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa kama. Ang alam ko ay nakahiga ako sa single sofa at malapit ako sa mga bata para madali ko silang malapitan kung sakali. “Sa sobrang puyat ko ba kagabi ay naglalakad ako papunta sa kwarto ko para dito matulog?” tanong ko sa sarili ko. Wait…tama ba? Pinilig ko ulit ang ulo ko pero wala talaga akong maalala kahit siguro ialog ko ito ng sobra. “Hala shit!" bulalas ko. Paano ba naman kasi, alas dyes na ng umaga tapos narito pa ako kakagising palang, “omg, ang mga bata?” Agad akong bumaba sa kama at nagpunta sa banyo para mag-ayos sa aking sarili. Pagkatapos kong maghimalos at maglinis ng ngipin ay agad akong lumabas ng kwarto
CHAPTER 28Yaya Lingling and the Billionaire's twin Umikot muna ako sa arched full length mirror dito sa loob ng kwarto ko kung ayos na ba ang pananamit ko. T-shirt at black pants ang suot ko ngayong araw with white shoes. Napangiti ako na naging kuntento naman sa aking damit. Kinuha ko ang ibang gamit ko sa ibabaw ng kama at lumabas na ng aking kwarto. Nasa baba na ang mga bata dahil pagkatapos ko silang bihisan at inihanda ang kanilang bag na may lamang gamit sa school ay pinauna ko na silang bumaba dahil ganitong oras ay may inihanda na si Manang Marivic ng almusal. Pumasok muna ako sa loob ng kwarto ng mga bata at baka may naiwan pang iilang gamit nila. Ganito ang lagi kong ginagawa bago bumaba ng hagdan. At nang makita na wala ng naiwan ang mga bata sa kanilang kwarto ay dali-dali akong bumaba at baka ma late pa sila nang dahil sa akin. Baka mabawasan na talaga ako ng sahod nito.Lalo at narito ang daddy nila kahit wala ako ay pwedeng mauna ang mga bata sa school at magco-c
CHAPTER 29Yaya Lingling and the Billionaire's twin “May family day kayo?” basag ko sa katahimikan. "Opo Yaya, next month po.” tumango ako sa sinabi ni Amalthea."Ah okay, don't worry baka hindi naman busy si daddy mo sa araw na ‘yan, baka puntahan kayo sa school.” saad ko sa kanila. Mahal sila ng daddy nila kaya for sure dadalo ang ama nila sa special day event ng mga bata. "We're not sure about daddy Yaya…sana wala siyang meeting that day." Hinaplos ko ang buhok ni Lysithea habang nakangiti." Well…pagdating natin sa kanyang office ay sabihin niyo agad para macancel niya ang lahat na meeting para dadalo siya on that day.” sabi ko pero parang hindi pa rin sila mapakali na baka hindi pupunta ang kanilang ama. Nakikita ko pa rin ang lungkot sa kanilang mga mata. Sasabihin ko siguro kay boss tungkol sa bagay na iyan para naman alam niya and to remind him about that family day.“We will po Yaya, pero were a bit sad po because kami lang po ang walang mommy sa classmates namin.” Natigi
CHAPTER 88Yaya Lingling and the Billionaire's twin (Matured warning)“Saan mo nakuha ang impormasyon na iyan huh?" galit nitong tanong sa akin, mas lalo pa akong lumayo sa kanya dahil ibang-iba siya ngayon. “I always find ways, Jeniza, sa simula palang na dumating ka, may kakaiba sa kinikilos mo. Sa tingin mo ba palampasin ko lang lahat na ginawa mo? Hindi!" " Wala kang alam!” "Marahil tama ka, wala pa akong masyadong alam kung bakit mo ginawa ang bagay na ‘yon. Alam mo na masama pero anong ginawa mo, dahil lang sa ambisyon mo na mapasa iyo si Mr. Callisto ay ginawa mo iyon sa ina ng mga bata! Nakipaglaban ang tao sa sakit sa puso kahit mahirap pero sinikap niya na ipaganak ang kambal, nakipaglaban siya kahit mahirap pero anong ginawa mo? You killed her habang nasa hospital pa siya! Anong klase kang kaibigan ha Jeniza, kung hindi mo man siya itinuturing na kaibigan but still, anong klase kang tao huh para gawin sa kanya ang bagay na iyon?” Walang preno ko na salita sa kanya. “Ba
CHAPTER 87Yaya Lingling and the Billionaire's twin “I asked you again, what are you doing here? Sa pagkakaalam ko bawal pumasok sa kwarto na hindi sa kanya, unless... if needed. Tumayo ako ng matuwid habang titig na titig sa kanya. Balisa ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Halos hindi makatingin sa akin.Pilit itong tumawa. “Ako pa ang tatanungin mo ng ganyan? Hindi ba dapat iyan ang itanong mo sa sarili mo kung bakit ka pumasok sa kwarto ng boyfriend ko?" giit niya pa na ako dapat ang may kasalanan. “Are you sure, dahil ba boyfriend mo siya ay malaya kang makapasok sa kwarto niya kung sa simula palang doon ka nga sa guess room pinapatulog?" Galit itong bumaling sa akin. “Ano bang pakialaman mo kung pumasok ako, eh sa namimiss ko siya kaya may karapatan ako." “Pumayag ba siya?" “What?" “Pumayag ba siya na dito ka dapat pupunta kapag namimiss mo siya?" Tanong ko sa kanya at tingnan mo ang bruha pumunta pa talaga sa kama at humiga.“Oh common Lingling, kahit hindi ko sabihi
CHAPTER 86Yaya Lingling and the Billionaire's twin Umalis si Yaya Marivic kasama si Lysithea papunta sa kanyang dentist ngayong hapon at si Amalthea ay nasa kanyang kwarto at natutulog. Nasa kwarto ako habang naghihintay na magising si Amal para sabay kaming kumain ng merienda. Samantalang si Jeniza ay nasa guess room at hindi namin alam kung ano ang ginagawa, two days na ngayon at bukas ng gabi ang balik ni boss sa Pinas. Kaya siguro hindi lumalabas madalas si Jeniza sa kanyang kwarto dahil alam niya na wala siyang kakampi rito sa bahay. Kasalanan naman niya kung bakit niya nilalayo ang sarili niya lalo sa mga bata, umaalis naman ng bahay at babalik lang para dito matulog. Wala rin akong natanggap na tawag galing kay boss para pagalitan ako na sinagot sagot ko ang girlfriend niya. Hindi ko alam kung nagsumbong ba o hindi ang bruha, at isa pa, wala naman kaming kasalanan, kung tutuusin may kasalanan pa nga siya sa mga bata. Lahat na nakalap ko na impormasyon kay Jeniza ay pi
CHAPTER 85 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Isusumbong kita kay Kale, ang lakas ng loob mo para kalabanin ako, hoy babae ka na isa lang naman na Yaya sa mga maiingay na batang iyan! Wala kang karapatan na ganyanin ako, hindi mo ako kilala! You don't even know what can I do for you kapag sinagad mo ang pasensya ko,” halos lumabas na ang ugat nito sa kanyang leeg habang gigil na gigil na magsalita sa harapan ko. “Sabihin mo bilis, ang bagal naman. Kahit ngayon mo na tawagan." utos ko." Talaga.... isusumbong kita." aniya na nakapamewang na galit na galit kung makatingin sa akin. Sasagutin ko pa sana ngunit tinalikuran niya ako. Aba! Duwag ang bruha? Gusto ko man siyang sugurin pero hindi ko na nagawa at nagsasayang lang ako ng oras. “Are you alright, Yaya?" Saka palang ako lumingon sa mga bata na nasa tabi ko lang pala. Nag-alala sila sa akin na hindi naman ako nasaktan na dapat ako ang magtanong sa kanila, dahil sila na naman ang nakikita ni Jeniza. “I'm okay, sinak
CHAPTER 84 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Pagbalik ko, sabihan niyo ako kung saan tayo ulit magbabakasyon, okay? Para alam ni daddy." “Really daddy…kahit saan po?" “Yes baby…kahit saan. Babawi ako sa inyo pagbalik ko galing sa business trip. Magpakabait kayong dalawa rito, okay?" Malapad ang mga ngiti ng dalawang bata sa kanilang ama. "Yes daddy, and you too po, take care kayo kung saan po kayo pupunta.” "Do you want pasalubong?” tanong pa nito sa mga bata at lumingon sa akin. Nasa kwarto kami ng mga bata at nagpaalam ito na aalis na. May business trip ito na pupuntahan sa Dubai for three days kaya ito siya at pinapapili ang mga bata na kung gusto magbakasyon tulad noong pumunta kami sa Negros ay magsabi lang sila kung saan ang gusto naman nila na puntahan. Mabuti naman at kahit busy siya ay binigyan niya na nang oras ang mga bata, pwera lang ngayon dahil may pupuntahan nga siya. “No na po daddy, umuwi ka lang po na safe sa amin ni Lysithea po ay masay
CHAPTER 83Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Really kuya?" “Yes bunso, ayon sa nakalap namin na impormasyon tungkol sa lalaki niya ay may mga illegal ito na gawain sa ibang bansa." Malalim akong napabuntong hininga dahil sa mga iilang impormasyon na binigay ni kuya Danzekiel sa akin. Kakagising ko lang at ito agad ang nalalaman ko. “At ngayon, ginamit niya ang bruha na ito para lang mas lumago at maraming connection ang baliw na iyon kuya." Natawa siya sa ginamit ko na salita. “I must say yes or depende na rin kung in love na talaga siya dahil look alam mo na ganyan ang gawain ng partner mo and then nariyan ka pa rin sa kanya? Kabaliwan iyan.” Hindi ko rin kayang sagutin ang sinabi ni kuya. Marahil tama siya o may dahilan pa ang lahat kung bakit niya ginagawa ang mali."Sige kuya, thank you for telling me about this. Maging mapagmatyag na rin ako dito sa mga kinikilos niya at baka mamaya ano pa ang gagawin niya.”"Kailan mo sasabihin sa crush mo….I mean sa amo mo ang tungk
CHAPTER 82Yaya Lingling and the Billionaire's twin Bumangon ako dahil nagugutom. Madaling araw na at nagising lang dahil nagrereklamo ang tiyan ko. Kumain naman ako kanina pero hindi ko alam kung bakit umiiyak ang mga alaga ko sa tiyan. Nasa guess room natutulog si Yaya nanay, hindi ko siya pinatabi sa akin matulog dahil ayokong magkasakit siya at mahawa sa akin. Gabi na at hindi ko na muna pinauwi kaya bukas nalang. Tumatawag nga si mommy at daddy sa kanya at kinu-kumusta ako noong mag-isa nalang kami sa kwarto. Pinihit ko ang doorknob para makalabas ng kwarto at pumunta ng kusina, dahan-dahan ang kilos ko lalo at bababa pa ako ng hagdan, medyo mabigat pa ang pakiramdam ko pero carry na , hindi ko na gigisingin si nanay dahil alam ko na pagod din siya sa kababantay sa akin kanina. Naging pangalawang nanay ko na talaga siya at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako iniiwan.“Where are you going?" Napalundag ako na may narinig na boses lalaki pagbaba ko mismo ng hagdan. Muntik na
CHAPTER 81Yaya Lingling and the Billionaire's twin Kinapa ko kung nasaan ang cellphone ko nakalagay para matawagan si Yaya nanay. “Oh hija, bakit napatawag ka?”“Yaya nanay, come to my room please…I think I have a fever po.” “Nilagnat ka? Bakit naman, dahil ba yan kahapon sa school ng mga bata?" “Siguro po…" sagot ko sa kanya.“Sige, tatawagin ko lang ang driver para pupunta ako diyan," aniya at saka lang ako natauhan, pilit kong binubuksan ang mga mata ko kung totoo bang hindi ako nanaginip. “Sorry Yaya, nasa ibang bahay pala ako, akala ko nasa sariling room ako ngayon. Huwag ka na lang pumunta yaya. I can take care of myself naman po.” “No. Pupunta ako ngayon, wait lang kinuha ko lang ang mga gamot mo." Napangiti nalang ako kahit nasa kabilang linya ang kausap ko na alam ko na nagmamadali ang mga kilos ni Yaya. Dati ko pa kasi ginagawa ito na kapag may gusto ako o may sakit ay tinatawagan ko nalang si Yaya nanay. Malaki na ako pero bini-baby pa rin ako. “Thank you yaya-" “
CHAPTER 80Yaya Lingling and the Billionaire's twin "Do you?" “I did. Nag-sorry na ako sa mga bata, and we are both okay.” pilit kong pinapasok sa utak ko ang salitang sinabi niya. “Sincere ba ang sorry mo?" Nakita ko ang pagkalito sa kanyang mga mata sa tanong ko. “What do you mean? Of course, I apologized to them and were both okay na nga, and why I'm here because I know, I made mistakes with you too.”"Wala naman akong pakialam kung hindi ka humingi ng sorry sa akin boss, dahil una palang hindi ka sa akin dapat magsosorry kung di sa mga bata, sa mismong anak mo, kasi sila po ang nasasaktan sa ginagawa mo kaninang umaga. That's why I'm asking you kung sincere ba talaga ang sorry mo dahil kung paulit-ulit lang din ang paghingi mo ng sorry but still you're breaking their hearts, masasaktan at masasaktan pa rin sila boss Kale.”"Nag-sorry na nga ako. I already apologized! I said sorry to them na hindi na mauulit, don't you get it?” Pabulong ngunit may galit nitong banggit sa aki