CHAPTER 28Yaya Lingling and the Billionaire's twin Umikot muna ako sa arched full length mirror dito sa loob ng kwarto ko kung ayos na ba ang pananamit ko. T-shirt at black pants ang suot ko ngayong araw with white shoes. Napangiti ako na naging kuntento naman sa aking damit. Kinuha ko ang ibang gamit ko sa ibabaw ng kama at lumabas na ng aking kwarto. Nasa baba na ang mga bata dahil pagkatapos ko silang bihisan at inihanda ang kanilang bag na may lamang gamit sa school ay pinauna ko na silang bumaba dahil ganitong oras ay may inihanda na si Manang Marivic ng almusal. Pumasok muna ako sa loob ng kwarto ng mga bata at baka may naiwan pang iilang gamit nila. Ganito ang lagi kong ginagawa bago bumaba ng hagdan. At nang makita na wala ng naiwan ang mga bata sa kanilang kwarto ay dali-dali akong bumaba at baka ma late pa sila nang dahil sa akin. Baka mabawasan na talaga ako ng sahod nito.Lalo at narito ang daddy nila kahit wala ako ay pwedeng mauna ang mga bata sa school at magco-c
CHAPTER 29Yaya Lingling and the Billionaire's twin “May family day kayo?” basag ko sa katahimikan. "Opo Yaya, next month po.” tumango ako sa sinabi ni Amalthea."Ah okay, don't worry baka hindi naman busy si daddy mo sa araw na ‘yan, baka puntahan kayo sa school.” saad ko sa kanila. Mahal sila ng daddy nila kaya for sure dadalo ang ama nila sa special day event ng mga bata. "We're not sure about daddy Yaya…sana wala siyang meeting that day." Hinaplos ko ang buhok ni Lysithea habang nakangiti." Well…pagdating natin sa kanyang office ay sabihin niyo agad para macancel niya ang lahat na meeting para dadalo siya on that day.” sabi ko pero parang hindi pa rin sila mapakali na baka hindi pupunta ang kanilang ama. Nakikita ko pa rin ang lungkot sa kanilang mga mata. Sasabihin ko siguro kay boss tungkol sa bagay na iyan para naman alam niya and to remind him about that family day.“We will po Yaya, pero were a bit sad po because kami lang po ang walang mommy sa classmates namin.” Natigi
CHAPTER 01 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Nakangiting lumabas si Lingling sa public restroom at pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin. Umikot pa siya para makita ang kabuuhan niya. "Ang ganda ko talaga-" sambit niya sa sarili niya. "Kung sino ang tumutol ay tatadyakan ko," dagdag niya pa habang palinga-linga siya sa loob ng cr dahil may apat pa na pinto ang nakasarado. Baka mamaya may gumamit rin ng kabilang cubicle at narinig siya. At nang matanto niya na wala naman kaya napabuntong hininga na lamang s'ya at ngumiti ulit sa salamin. Tama naman ako na maganda ako ah. Bakit sila lang ba? Sabi ni nanay na dapat maging proud ka sa sarili, ipagmalaki mo ang sarili mo. Hindi ko nga alam kung hanggang saan ako o kailan magtatago. Ang mahalaga ngayon sa akin ay kasama ko si nanay. Hanggang nariyan siya ay alam ko na safe ako. Maging maayos din ang lahat pero sa ngayon, e-enjoy ko muna ang buhay ko na malaya. Nasa mall kasi ako ngayon at may bibilhin at nang may nak
CHAPTER 02YAYA LINGLING AND THE BILLIONAIRE'S TWIN "This is mine." Binaling ko ang ulo ko para makita kung sino ang nagsasalita. Isang maliit na bata na nasa edad four to six years old at may mahabang buhok na straight at nakahead band na kulay pink, na may bilugang mata at mahabang pilikmata. Wow, totoong manika na ata itong nakikita ko eh. Kaso mataray na manika.Tinaasan ko siya ng kilay na masama ang tingin sa akin, pareho naming hawak ang teddy bear na kulay pink. "What? This is mine... ako ang unang kumuha nito!" taas-noo kong sinabi. "But I saw it first. Ikaw ang unang kumuha because you have a long braso, and look at mine, ang liit. But still…this is mine." mataray talaga nitong diin na siya ang una.Well…pumapatol ako sa bata."Alam mo pala eh na malaki ang braso ko, at fyi, ako ang unang nakakita nito, so, sa akin na ito mapupunta, ako dapat ang nagmamay-ari nito dahil ako ang unang kumuha." mayabang sabi ko, hindi pa rin namin binitawan ang kawawang teddy bear dahil
CHAPTER 03 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Nakahinga nalang ako ng maluwag habang hinihingal na tumigil sa tapat ng elevator at hinawakan ko pa ang dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito, mabuti nalang nakaalis na ako sa mga bata na iyon at nasa kamay ko na ang pinanggrocery ko kanina na iniwan sa bagger area. Bitbit ang mg supot at pagbukas ng pinto ng elevator ay agad akong pumasok dahil wala namang tao pagsilip ko ngunit halos mapasigaw nalang ako bigla na may biglang sumulpot palabas na nanggaling sa gilid na katapat ng number kaya nabitawan ko ang dalawang supot. Nagkabungguan pa kasi kami sa mismong tapat na nakabukas na pinto, tumama ang noo ko sa matigas niya na dibdib? "What the hell?" halos isigaw niya, baliw to. Umikot ang itim ko na mata dahil boses palang naiirita na ako. Nasa loob na ako ng elevator at siya naman ay nasa labas, may kausap yata sa phone. At nang nagkatinginan kami ay biglang luminaw ang mata ko dahil bigla siyang gumagwapo sa paningin
CHAPTER 04Yaya Lingling and the Billionaire's twin Kahapon linggo ay naghahanap ako ng trabaho through online kaso di ko nagustuhan ang nakita ko. Kaya ngayon na lunes ay agad akong nagpaalam kay nanay at tulad sa nakikita ko sa iba, the way sila na mag-apply ng trabaho na kung saan pinupuntahan pa talaga nila ang building o kumpanya na may wanted na nakalagay, kaya ganito ang ginagawa ko. Maghahanap ng trabaho. Marami akong napag-tanungan, ngunit wala siyang magustuhan. Narinig ko na tumutunog ang cellphone ko na nilagay sa bag kaya agad itong kinuha at nakita ko ang pangalan ni nanay. “Hello nay!" masayang wika ko. “Ano, nakahanap kana ba?" “Wala pa po nay eh." “Kung ganoon, umuwi ka na lang kaya anak! Ako ang malilintikan sa ‘yo, saan ka na ba at ipapasundo nalang kita diyan ng taxi.” “Nanay! Huwag na po, paano ako maging independent nito kung hindi ko po susubukan. Dito lang naman ako nag-iikot sa may Pasig nay kaya huwag kang mag-alala.” "Nakung bata ka, kahit dalaga k
CHAPTER 05Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Miss, may hiring po kayo?” tanong ko sa babae bago ako talikuran. “Yes Miss, anong position po?” "Ahmmm, kung ano po ang available Miss, susubukan ko po.” sagot ko sa kanya. "Ok Miss, may hiring po sa 23 meron din sa room 30,” malayo ang isa, kaya uunhan ko muna ang malapit sa akin. “Sige Miss, saan po ako dadaan? Nakakalito po kasi eh.” Tanong sabay kamot ng ulo, ang daming kwarto kaya malilito ka talaga. “Diretso ka lang po diyan, lumiko ka sa left side at and magbilang po kayo ng limang kwarto sa right side, sa right side mismo, nariyan po ang room 23, may nakapila pa naman po, kung wala nang tao sa labas ay baka last interviewer na kaya pasok lang po kayo Miss.” saad nito. "Sige Miss, thank you.” "Alright po good luck!” masayang wika nito bago ako iwan dahil may pinapautos pa sa kanya ang head. Napanguso pa ako dahil nakalimutan ko nga palang itanong kung sino ang pangalan ng staff nila kanina na lalaki na n
CHAPTER 06 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Umabot ng ilang minuto na tinititigan niya ang biodata ko. Hindi ko akalain na ganyan pala siya kabusisi sa mga papasok na trabaho sa kanya. Naninigurado at baka hindi tama ang nakalagay? Nakahanda ang matamis ko na ngiti at hindi na ito binago pa, habang nakatayo lang ako at nakaupo siya sa kanyang swivel chair. Medyo nangangalay na ang mga paa ko pero titiisin ko nalang lalo at hindi naman siya nagsabi na umupo ako. Ang damot naman ng upuan nito. Hindi ko naman akalain na ganito pala katagal. Tumingala siya sa akin at timing na nakangiti pa rin ako, kamuntikan ko na sana isarado ang bibig ko at baka may langaw na pumasok o di kaya lamok, wait meron ba iyan sa kanyang office? Wala naman siguro. “Lingling Montaño? Are you related to someone else?" “Po?" Bigla akong kinabahan sa tanong niya. "Uhmm…no po…I mean…si nanay ko lang po, ang kasama ko sa condo unit." related ko naman si nanay ah, tinitigan niya ako sa mata at t