CHAPTER 32Yaya Lingling and the Billionaire's twin "Boss Kale?” masama itong nakatingin sa kamay namin ni Carpo na magkahawak, nakatalikod si Carpo sa akin dahil nakatuon ang tingin niya sa counter para pumili rin na bibilhin at hindi ko rin kayang bawiin agad, pero nang lumingon siya sa akin ay nakita niya kung sino ang pinagmamasdan ko. “Pinauna mo ang dalawang nasa likod natin kanina, don't say pagbibigyan mo rin iyan na baka magkasing-edad lang pala kami niyan, huwag masyadong mapagbigay sa kapwa Char–” bago niya pa sabihin ang buong pangalan ko ay tinakpan ko na naman ang bibig niya gamit ang aking palad. "Hindi no! Ano ka ba, mali ang iniisip mo.” halos magmakaawa ako sa kanya na umalis na lang sa harapan namin dahil nakakahiya pero langya ng lalaking ito Hindi makuha sa eye to eye contact, ginagawa naman namin ito noon kung plano namin na mag-cutting class. "Yaya Lingling!” malamig ang aircon sa loob ng fast food na ito pero mas lalong lumamig pa pala na narito sila na ini
CHAPTER 33Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Tama na at kanina ka pa umiiyak." mas lalo pa akong napahagulgol ng iyak kay nanay dahil sa sinabi niya. Umuwi kasi ako ng condo unit na si Manang Marivic lang ang sinabihan ko, umalis ako sa bahay kaninang 12:30 midnight. Hindi ako nagtext kay boss o kahit nagpaalam sa mga bata na lagi kong ginagawa, bukas ay linggo at day-off ko naman kaya mas maaga akong umalis. Pag-uwi ko ng unit ay iyak ko agad ang bumungad kay nanay. Kahit kasi hapon lang yon nangyari pero ang sakit ay narito pa rin at siguro matagal bago mawala. Sobra akong naapektuhan. Ang sakit kasi sa pakiramdam ang sinasabi niya. Ako lumalandi? Saan ang landi roon? Ang pag-hawak ko sa kaibigan ko? Kahit naman siguro hindi ko sabihin sa kanya na hindi ko kasintahan si Carpo ay wala pa rin siyang karapatan para sabihin sa akin na malandi o maglalandi ako. Baliw ba siya? “Kasi nanay, ang sakit kasi na hindi naman ako ganoon ay ganoon ang pagkasabi niya sa akin. Hindi
CHAPTER 34Yaya Lingling and the Billionaire's twin Bumaling ako sa paghiga ngunit sobrang masakit talaga ang ulo ko. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata para tawagin si nanay. Naalala ko na dumating ako rito kagabi para dito na ako matulog. Ngunit sa pagdilat ko ay ibang mukha ang nagpakita sa akin walang iba kundi kay boss. Pinikit ko ulit ang aking mga mata at inayos ang kumot sa katawan ko hanggang sa aking mukha. Nakatabon mismo ang katawan ko ng malaking comforter na kulay lavender. Balot na balot ako sa lagay ko. “Sa daming pwede makita, mukha niya pa talaga.” reklamo ko sa sarili ko. “Ahhh ... .I hate you…I hate you, boss Kale Callisto for telling me malandi! I hate you! Nakakainis ka na talaga,” sigaw ko sa ilalim ng aking comforter habang pagulong-gulong sa kama ko, nakabalot ako na parang lumpia, at baka sa paraan na ganito ay mawala bigla ang sakit ng aking ulo at kakaisip sa kanyang sinabi pero isang tikhim ang narinig ko. See…kahit nakapikit pa ang mga ma
CHAPTER 35Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Goodnight Yaya….” sabay na wika ni Amalthea and Lysithea paghatid nila sa akin sa aking kwarto dito sa kanilang mansion. Sumama na ako sa kanila dahil medyo maayos na ang pakiramdam ko. Sa sobrang iyak ko no'ng umuwi ako sa condo unit kung saan kami nakatira ni nanay ay nilagnat ako. “Goodnight…see you tomorrow at thank you pala kanina, sa ginawa niyong dalawa na pag-aalaga sa akin kaya gumaling na ako.” “Magaling kana talaga Yaya? You're not tired anymore or do you feel like… dizzy, sleepy, how about…. headache? Take your medicine okay? We bought a lot kanina.” umiling ako sa mga tanong ni Lysithea at ngumiti dahil kanina pa nila sinasabi na uminom ako ng gamot. Sinabi niya sa akin na gusto niya raw maging doctor kapag nakatapos na siya sa pag-aaral. Hindi ito alam ng daddy nila at ako pa lang ang sinabihan. “Wala na po, konting pahinga nalang ito ngayong gabi at okay na ako. Thank you for asking me, babies." "You're welcome
CHAPTER 36Yaya Lingling and the Billionaire's twin Kale Callisto POV“What happened? Wala ka sa sarili habang nasa meeting tayo kanina. Kahit mga board member ay nagtataka sa iyo, any problem to share?” tanong ng kaibigan ko at kasosyo sa trabaho na si Edrick del Zoro. Magkakilala kami sa isang club na kung saan siya ang nagmamay-ari at iba pang kasamahan niya. “Nothing, someone’s bothering me." ani ko sa kanya ngunit isang mapaglaro na ngisi ang ginawad niya sa akin kaya mas lalo akong nainis sa pagmumukha niya. Nakaupo ito sa mahabang sofa na nasa opisina ko, while me, sitting on my chair while tapping my fingers on the table. Wala akong ganang magtrabaho at gusto ko nang umuwi sa bahay. Kaso kailangan ko pang sunduin ang mga bata mamaya sa kanilang private school.“Babae ba?" “Shut up!" “Oh c’mon dude. Spill the tea. Ano ngayon kung babae naman ang pag-usapan natin kaysa business? Wala na tayo sa meeting dahil kanina pa iyon. Mabuti nga at ako lang ang narito, paano na lang
CHAPTER 37Yaya Lingling and the Billionaire's twin May isang oras pa bago ang uwian ng mga bata. Mabuti nalang talaga at may libro ako na dala-dala kapag nagbabantay sa mga bata sa kanilang school. Para hindi ako antukin ay nagbabasa ako kung ayaw kong silipin ang cellphone ko. “Miss Lingling!" kunot-noo akong nakatitig sa libro ko dahil may tumawag sa ka pareho kong pangalan. Tumingala ako at para ma-confirm kung tama ako. “Yes- ay kuya Ben? Ang aga niyo ah," saad ko kay kuya, ang driver namin. " May isang oras pa para sa dismissal ng mga bata kuya, ang aga niyo ngayon.” sabi ko."Kaya nga ma’am eh, maaga rin kasi natapos ang meeting ni boss Kale kaya maaga kaming nakarating dito para iwas na rin sa traffic,” aniya sa akin at tumango ako. Nariyan na pala si boss? Himala."Kaya pala, nanibago nga ako ngayon dahil di ba mostly kayo lang po ang narito at babalikan natin si boss sa kanyang opisina tapos ngayon sumama pa, nasaan na po s'ya ngayon?” Wait, at bakit ko naman siya hinah
CHAPTER 38Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Swimming tayo later Yaya?" bumaling ako kay Amalthea. Swimming ha, sabagay matagal na rin na hindi ako nakapag-swimming at matagal na rin akong inaalok ng mga bata at ako lang talaga ang ayaw, pwede naman siguro na pagbigyan ko sila, total walang pasok dahil weekend. Isa pa, wala naman si boss dahil nasa opisina niya ngayon. “Sige ba, game ako riyan!" masayang wika ko na ikinatuwa naman ng mga bata, kumakain kami ngayon ng tanghalian at dahil medyo mainit ang panahon at walang lakad ang mga bata kaya siguro napagdesisyonan nila na maligo. Timing at nakabili ako ng bagong bikini no'ng last na punta ko sa mall. At least magagamit ko mamaya. “Yes! Then let's play later, Yaya." “Pwede rin," sabi ko at mas lalo silang masaya dahil sa sinabi ko. Minsan kasi kapag naliligo ang mga bata ay wala naman ako sa mood maligo kaya ngayon na full battery ako then why not to join them. Pagkatapos naming kumain ng tanghalian at tumulong din mun
CHAPTER 39Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Daddy!" “Daddy! Hi Tito!" kumaway ang mga bata sa kanyang ama at doon palang natauhan si boss at binaling ang tingin sa mga bata. “Mauna na kayo sa office. Kakausapin ko lang ang mga bata. Hi babies- your Tito's are here, may meeting lang kami sa office, babalikan ko kayo mamaya.” aniya. Kaya pala sila narito dahil may meeting pa, pero galing na sila sa office? Hindi pa ba sila natapos doon at dito ipinagpatuloy ang trabaho nila, anong oras na? O baka ibang tropa itong narito dahil sa nakikita ko ay hindi naman sila mukhang mga businessman dahil sa t-shirt lang halos ang mga suot nila or dahil weekend kaya ganyan ang mga suot nila. Wait, anong paki ko sa kung ano ang gusto ng amo ko at sino ba sila? Hays.Itinuro ng katulong kung saan sila pupunta kaya umalis na ang mga kasama ni boss sa garden pwera lang si boss na ang attention ay nasa kanyang mga anak. “Naligo po kami kasama si Yaya daddy, at nagplay din kami sa pool, ang
CHAPTER 141Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Oh, hindi pa nga nagsisimula, iiyak ka na?" Si Diwata na kanina pa ako tinutukso. “Baliw to, di ba pwede tears of joy?”"Sige na lang eh no. Saka ka na umiyak kapag honeymoon niyo na.” Lumingon ako sa kanya habang magkasalubong ang aking mga kilay. “Bakit ako iiyak sa araw ng honeymoon namin?”"Ang inosente mo talagang babae ka. First time mo di ba?”"oo-” walang paligoy-ligoy ko na sagot. "Masakit ang una pasok at iiyak ka talaga.”“Diwata–” "Ano? Totoo naman a kaya ihanda mo na ang sarili mo, baka di mo kayanin ang kahabaan niya, baka ma hospital ka o di kaya one month kang nasa wheelchair-” namutla ako sa sinabi ni Diwata. Kanina tinatakot ako ni Manang Lo dahil mahaba ang ano ni Kale tapos ngayon si Diwata naman? What if kung totoo ang sinabi nila?“Kung ganoon, wala munang honeymoon na mangyayari. Hindi pa ako ready na masaktan at higit sa lahat umiyak.” "Uy, ituloy mo, mas masarap na ang kapalit-” bulong ni Diwata saba
CHAPTER 140Yaya Lingling and the Billionaire's twin Ang bilis ng panahon, noon, para kaming aso at pusa ni Kale pero ngayon? Ito na ang araw na hinihintay naming lahat. Lalo na sa aming dalawa .Ang aming pag-iisang dibdib. Ngayon ang araw na ikakasal kami. Last week, umuwi kami ng probinsya dahil gaganapin ang kasal namin ay sa mismong garden ng mansyon. Dito ang naisip ko na view na gusto kong maranasan sa kasal ko. Malawak ang garden na kasya ang mahigit limang daan na tao. Ito ang isa sa napili ko na wedding place dahil dito ako lumaki sa probinsya. Dito ako lumaki na kasama ko ang mga tao sa hacienda at manggagawa. Naalala ko pa noong bata pa ako, habang sumasama ako sa aking mga kuya at lolo na puntahan ang manggahan namin ay wala sa sarili ko na may binanggit daw ako na kapag ako ikasal ay invited silang lahat. Bibong-bibo ako noon dahil sa murang edad ay kasama ko ang mga masasayang tao. At ngayon ay nangyari na nga ang araw na ito, ikakasal na ako at ang una na makaka
CHAPTER 139Yaya Lingling and the Billionaire's twin “What? Bakit hanggang ngayon nakangiti ka pa rin diyan?" Taas-noong tanong ko kay Kale na kanina pa naka-stretch yang labi niya. Nilagay n'ya ang kanyang daliri sa ilalim ng kanyang bibig habang ang sikonay nasa bintana ng sasakyan para pigilan ang pagngiti pero kitang-kita ko naman sa gilid ang guhit nito na naka-angat habang nasa manibela naman ang isang kamay niya.Nakabalik na kami ngayon sa kotse niya para umalis na ng kanyang building pagkatapos niya akong ipakilala sa mga katrabaho niya at may kinuha lang siya ng mga documents to sign later sa bahay. Tapos siya…ang saya-saya niya, daig pa yata nanalo ng lotto ang tao na ito.. “What?" "Ang tapang ng misis ko. Ibang klase kaya love ma love ko si Chaldenne Montaño Callisto.” pagmamalaki niya. "Dapat lang-" proud kong sabi. “Dapat ngayon palang na hindi pa tayo kasal ay dapat alam nila kung saan lang dapat ang boundaries ng mga babaeng may gusto sa'yo-” ani ko sabay irap sa
CHAPTER 138Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Let's go?" “Wait, sandali muna, uhmmm hindi ako nakahanda. Anong gagawin natin dito? May trabaho ka pa pala?" Nakita ko ang pagsilay ng ngiti niya."I am the CEO, the owner of this building. I can do whatever I want lalo na kung papasok ako o hindi." Napanguso ako. "Don't worry, may sasabihin lang ako sa mga employees natin and let's go home after that. Naghihintay na ang mga bata sa atin.” Aniya pero bago pa ako bumaba ay inayusan ko muna ang sarili ko. I put light make-up on and comb my hair neatly.At nang makita ko ang sarili ko na maayos na sa maliit na salamin na nalasabit sa kotse niya ay saka palang ako lumingon sa kanya. Ngunit napatigil ako na makita siyang malagkit kung makatingin sa akin.“What?" Hinuli niya ang kamay ko at hinalikan ang palad nito. "You are so beautiful.” Naramdaman ko na naman ang pamumula ng pisngi ko kaya umiwas ako. Natawa siya. “Beautiful…kasi nakamake-up ako, kaya maganda ako sa paningin mo.”
CHAPTER 137Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Dumaan muna tayo sa mall? Doon sa Baltimoore mall, may bagong mall na sila na sila ang may-ari, di ba? Gusto ko sanang bumili ng pagkain o ibang ulam doon." “Yeah sure," pero bago niya pa pinaandar ang sasakyan niya ay lumapit siya sa akin, ilang dangkal na lang ay magkahalikan na kami, kaya mariin kong pinikit ang aking mga mata at naghihintay nalang na dumampi ang labi niya sa labi ko pero segundo na ang lumipas ay walang malambot na labi na tumama sa labi ko. Kaya binuksan ko ng dahan-dahan ang isang mata ko at saka ko narinig ang pagclick ng aking seatbelt at s'ya ay nakangiting nakatitig sa akin, biglang uminit ang pisngi ko dahil sa ginawang magpikit ko. “Why are you closing your eyes?" Agad ko naman dinilat ang dalawang mata ko at mariing nakagat ang ibabang labi dahil sa inasta ko bago lang. Mali pala ang nasa isip ko. “A-akala ko kasi…ano ..uhmm…” nakita ko kung paano niya dinaanan ng kanyang dila ang kanyang mapupul
CHAPTER 136 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Sabay kaming pumasok sa loob at pinuntahan ang hepe na kung saan naka-assign sa mga oras na ito. Hanggang sa pinapasok kami sa visitation ward para kamustahin ang matagal na rin naming hindi nakita. Napag-usapan na namin ito ni Kale and what I like about him dahil ang lawak ng pag-iisip niya lalo sa mga bagay ba ganito. “Sino ba ang bisita ko? Natutulog ang tao eh?" Narinig ko na wika ng isang babae na paparating sa gawi namin, nakaposas pa ang kanyang mga kamay at may suot na kulay orange na damit ay may nakalagay na pangalan na inmate at nang tingnan ko siya ay nakita ko kung paano nagbago ang pangangatawan niya at hitsura. Pumayat siya at kung noon ay nakasuot siya ng magagarang mga damit at make-up, ngayon ay marami ng nagbago. “Kayo! Bakit kayo nandito?” Galit na tanong nito sa amin. Nagkatinginan kami ni Kale at binalik kay Jeniza. “Hindi kami pumunta rito para makipag-away sa'yo, narito kami para kamustahin ka." b
CHAPTER 135Yaya Lingling and the Billionaire's twin Inalalayan niya ako na bumaba sa sasakyan. Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang akong nakangiti. “What?" Lumingon ako kay Kale at mas lalong lumawak ang ngiti ko. “Eh kasi, may naalala lang, huwag kang mag-alala, hindi pa naman ako nabaliw o ano, naalala ko ang, kasi dati, hindi mo ako tinutulungan na bumaba sa kotse but now? Look out you, kaya ko naman pero mas na inlove ako sa'yo dahil sa paganito mo, boss gulay." "Matagal ko na rin na gustong gawin ito sa yo kaso pinipigilan ko palagi ang sarili ko dahil sa mga oras na iyon ay hindi pa ako sigurado kung gusto mo rin ba ako at ayokong nagpapakita na nag-alala ako dahil ayokong umasa ang puso ko.” Sagot nito na siya namang napapangiti sa akin. “So, ibig sabihin niyan na malaya ka ng gawin sa akin kahit sa private Ang mga gusto mong gawin–” "Yeah,” tipid nito na sagot at nakita ko sa kanyang mga mata at pagngiti niya na may binabalak ito na baka ikakabigla ko.
CHAPTER 134 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Ang ganda ng gising ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at laking gulat ko na matanaw si Kale na nakatitig sa akin. Biglang uminit ang pisngi. Kung ganito ba naman ka gwapong mukha ang makikita ko every morning ay talaga namang nagpapasalamat na lang talaga ako na nagising pa ako at magandang tanawin agad ang masisilayan ko. Pero dahil hindi pa ako sanay na ganito na nga ang magiging galawan namin kaya umiinit ang mga pisngi ko at ramdam ko na ang pamumula na parang kamatis na siguro. Nakita ko kung paano sumilay ang ngiti niya. Lumapit siya akin at hinalikan ako ng ilang beses sa labi. At sa panghuli niya na halik ay natakpan ko ang bibig ko. “Bagong gising pa lang ako, baka ang baho ng bibig ko…” saad ko sa paos na boses pero kinuha niya ang kamay ko para di matakpan ang bibig at para mahalikan ulit ako sa labi. "Good morning wife -” malambing niyang wika. Pero ramdam ko na sumasayaw ang mga bulate sa tiyan k
CHAPTER 133 “What?" “Don't touch that stuff toy, we owned it." turo nila sa bear na laruan. Naningkit ang mga mata ko na nakatitig sa kanila at binalik ang tingin sa teddy na nasa kamay ko na. Tumaas ang kilay ko, ako ang nakakita. Wala naman sila nang dumating ako. Where have they been kung ganoon?Binalik ko ang attention sa kanila. “Wee…I saw it too, and I think…the one who got it first will be the owner and since I'm holding this stuffed toy and so, this is mine….got it little kids?” pagmamalaki ko habang nakataas ang sulok ng bibig ko. "No…. that's ours, isusumbong kita kay daddy!" “Well, Isumbong niyo ako…." Pang-aasar ko pa lalo, hindi ko maisip na may makasalamuha ako ng mga batang ma attitude. “At isa pa, bakit kayo narito? Saan ang mga magulang niyo? Naglayas kayo ano?" “Amalthea! Lysithea! Nandito lang pala kayo! Di ba ang sabi ko, hintayin niyo muna ako? Kahit na may bodyguard tayo ay dapat huwag kayong lumayo sa akin at mapapagalitan ako ng daddy niyo. Teka! An