Maxine's POVSobrang saya ko wala na akong problema lahat ayos na, yung mga inuutangan namin ay mga bayad na, ang tatay ko mas kampante na ako dahil ayos na talaga siya. Ang kuya ko nahanap ko na, at ang lalaking mahal ko, kami na."Maxine ayos ka lang ba?" nandito kami ngayon sa garden kung saan lagi kami noon nag kikita."Iniisip ko lang ang lahat ng nangyari sa buhay ko, hindi ako makapaniwala na nalampasan ko iyon.""Basta simulan ngayon, sa lahat ng problema mo kasama mo ako!"nakangiting tugon nito at niyakap ako."Mahal na mahal kita Clarance." at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap.____________"Ano ba yan" may inahanda daw siya sa akin, at tinakpan pa ang mga mata ko."Tadaaaaa!" wow, ang ganda hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon, para akong nasa palasyo at ako ang prinsesa."A-ang ganda!" manghang manghang sabi ko dito."Ako ang nag handa niyan" "Salamat" at niyakap ko siya.__________"Halika tumayo ka!" sabi ni Clarance."A-anong gagawin natin"
Maxine's POV"Kuya!" nagulat ito dahilan para malaglag ang dala niya."K-kuya wag mong s-sabihin na b-bakla ka!" pagkasabi ko nun, tumawa siya ng tumawa."Tangek! Anong bakla, sayo ito!" ng bigla niyang iaabot sa akin ang napaka gandang dress."Anong gagawin ko naman dito?" "Pamunas! Basahan Yan e!" kaya tinignan ko siya ng masama."Alam ko! Pero para saan? Bakit mo ako binigyan nito?" "Kawawa ka naman kasi e, iisa lang ang dress mo." napangiti naman ako, pero biglang nawala iyon ng may sinabi pa siya."Isang suot na lang kasi ng dress mo, warak na! Kawawa naman!" "KUYAAAAAAAA!!" at nag habulan kami na parang mga bata._______________Andito kami sa isang university, kasama ko si Clarance at si kuya."Kuya ano bang gagawin natin dito?" pagtatanong ko dito."I-aaply kita na janitress dito." "Kuya!" "Malamang ano bang ginagawa sa school? Nag aaral diba? Alangan naman na mag shopping ka! Maganda nga boba naman!" pagkasabi niya nun ay tinalikuran niya kami, at ng tignan ko si Claranc
Maxine's POVWala pa rin akong naiisip na kurso na gusto ko."Baby" si Clarance pala."B-bakit?" naiilang na tanong ko dito."May problema ba?" "Iniisip ko kase-""Na kinakasal kana sakin? Ikaw ah!" nakangising aniya nito."Ikaw talaga, iniisip ko kung ano ang kukunin kong kurso." at biglang nagbago ang reaksiyon niya."Ay akala ko yung future natin" nakangusong sambit nito, ang cute niya pag ganyan siya."Engineering na lang din ang kunin mo" sabi niya."H-huh? H-hindi ko naman alam yun!" "Ako ang bahala, yun na lang ang kunin."___________*tok*tok*tokPagkatok ko sa kwarto ni kuya."Sino ba Yan? Baka mag nanakaw ka ah!" si kuya talaga."Ako ito" pagsasalita ko."Wala akong kakilala na ang pangalan ay ako Ito." natuluyan na nga."Si maxine Ito!" pagsigaw ko."Pasok!" tsk."Oh anong problema mo?""May naisip na akong kurso kuya.""May isip ka pala? Ano iyon?" "E-engineering kuya" "Engineering, kaya mo ba iyan at higit sa lahat gusto mo ba talaga iyan?" tanong nito.Kaya ko nga ba
Clarance POVNasaan na kayo iyon, paghahanap ko Kay maxine."Ang sweet naman ng dalawa na yon." pagsasalita ni Jenna Dominguez ang ka-partner ko ngayon, pagtingin ko natulala ako, si maxine at ang montefalco na iyon, bakit ganiyan ang posisyon nila.Nandito kami sa malayo kaya tiyak akong hindi nila kami nakikita."T-tara na" pag aaya ko Kay Jenna.Okay naman kasama si Jenna mabait siya, mag ka-vibes kami, kanina nga puro tawanan lang ang nagawa namin.Kung sa una ay titignan mo, muka siyang di makabasag pinggan, pero pag nakilala mo naman, tiyak akong sira ang buhay mo.____________Nandito kami sa Canteen kasama si maxine."Maxine, kamusta yung school tour mo? Ako ang saya ko si Jenna Dominguez grabe vibes na vibes na kami! Tapos may baon siya kanina bake daw niya yun kaya kinain namin, tapos hilig pala niya ang pag gigitara kaya sa susunod mag gigitara kami" pero napansin ko na hindi ito sumasagot at patuloy lang sa pagkain."I-ikaw? K-kamusta?" pagtatanong ko ulit."Ayos lang mas
Maxine's POVLunch Break na, kaya naman nag silabasan na ang mga estudyante.Pinangakuan ako ni Clarance na sabay daw kaming kakain. Nang tignan ko ang upuan nila ay wala na siya. "Saan nag punta Yun" nag biglang may kumalabit sa likod ko."Ano ba!" tsk si gunggong lang pala."Tabi ka diyan! Baliw kana ata nagsasalita ka mag isa." sabi nito at umalis na nang bigla akong may na aalala kaya hinanap ko siya, tsk ang bilis naman mag lakad ng tukmol na iyon, nandito ako sa loob ng cafeteria kung nandito ba iyon, pero hindi ko inaasahan ng may nakita ako si Clarance at Jenna mag kasama,sabay silang kumain, pero paano ako. Pinangakuan niya ako.Kaya pumunta ako sa likod ng school para mag muni muni."Bakit may pulubi dito" pag harap ko, si Bryle pala kasama niya ang mga tropa niya."Chix ah!" "Ganda""Liligawan ko nga yan"Naririnig kong sabi ng mga tropa niya. Nang biglang tumayo si Luhan at itinapon ang upos ng sigarilyo at hinatak ako palayo doon."Ano ba! Masakit!" pag pupumiglas ko."
Maxine's POVHindi na ako sasama sa kanila kaya nag paalam na ako, hindi ko alam kung saang lugar na ito basta maliblib siya. Ang sarap mapag isa dito, dahil ang tahimik kaya napagdisyunan ko na umupo muna at pagod din ako.Nang bigla kong naisip si Clarance bakit ganon? Ako ang girlfriend niya, bakit pakiramdam ko hindi, sa totoo lang hindi na kami nag kakasama ng kaming dalawa lang.Wala na kaming oras sa isat isa paano pa pag nagsimula ang mga project, activity mas lalo siyang wala nang oras sa akin.Habang nag mumuni ako may narinig akong sumisigaw na babae ng tignan ko ang pinang gagalingan niyon may nira-rape."Hoy tumigil ka!" at nakakita ako ng malaking kahoy kaya ipinalo ko sa kaniya.Nasaktan ito kaya nabitawan niya ang babaeng binabalak niya ng maaninag ko ng maayos ang babae ay si."K-kris" hindi na ako nag atubili pa kinuha ko na siya doon, at umalis na kami hindi ko alam kung anong nangyari sa lalaki na iyon.Nandito na kami sa highway, kaya naman napagdisyunan namin n
Lunch na, habang ako nandito parin sa Classroom, hindi lang pala ako kundi si Bryle, at Clarance ay nandito din.Nang biglang tumayo si Bryle kaya pinigilan ko siya."Teka! Kainin natin itong dala mo!" nakangiting sabi ko dito."S-sayo na lang" si Bryle, at tuluyan na akong tinalikuran.Palabas na sana ako ng room ng bigla akong tinawag ni Clarance."M-maxine, sabay tayong kumain" ng biglang pamasok si Jenna."Ayan may kasabay kana" walang ganang sabi ko dito.Simula kasi kagabi ay hindi ko na siya pinapansin._____________Uwian na kaya hinihintay kong matapos si Bryle para sa gagawin namin."M-maxine" si Clarance, pero tinignan ko lang Ito."Tara na!" pag aaya ni Bryle."Teka! Hintay!" ang bilis niyang maglakad kasi ang haba ng mga hita niya.Nandito na kami sa field ng school, pero ni isa sa amin ay walang gumagawa."Paano daw?" pagtatanong ko kay Bryle."Hindi din Alam" "Ibig sabihin parehas natin hindi alam ang gagawin?""Tsk, ang dami ko kaseng makaka partner bakit boba pa!" Sa
Makalipas ang isang linggo ay normal na ulit si Clarance ay parang walang nangyari, at mas lalo pa silang naging Close ni Jenna.Sa Totoo lang ayoko talaga kay Jenna gustong gusto ko sabihin sa kaniya na layuan niya iyon.Lalong akong nasasaktan dahil may araw talaga na ikinu-kompara niya ako.Mas lalong masakit na parang mas masaya siya pag si Jenna ang kasama niya kaysa sa akin, nalaman ko nun na ako na mismo ang nag aya ng date, dahil ang huli noon ay ang nag motel pa kami.Pero tumanggi siya dahil may lakad daw sila ni Jenna at sasamahan pa daw niyang mag shopping."Ahmmm guys! Celebrate naman tayo!" pag aaya ng Classmate ko."SIGE!""GAME AKO!""GUSTO KO YAN!" Ilan iyan sa mga sigawan ng Classmate ko, ng tignan ko si Clarance ay mukang okay lang sa kaniya ang opinyon ng kaklase ko."Mamaya? 7pm diyan sa RestoBar!"pagsigaw ng Classmate ko_________"Maxine! Hindi ka ba sasama?" Tanong ng Classmate ko."S-susunod ako!" sabi ko.Si kuya kasi tinawagan ako samahan ko daw siyang mam