Nathan could feel someone was staring at him from afar. He could feel those tiny eyes studying his every move, and watching him with curiousity. At alam na niya kung sino iyon. Minsan ay kinaiinisan niya pero binabalewala na lang dahil nakakasanayan na rin naman.
Ibinalik niya ang pansin sa binabasang aklat at itinuloy ang pagbabasa. Magpapanggap siyang hindi ito napansin. Magpapanggap na naman siyang hindi alam na nasa paligid ito at nagmamatyag.
Hanggang sa...
“Hi!"
Sinasabi na nga ba.
Bagot niyang nilingon ang pinanggalingan ng maliit na tinig na iyon. Arni was standing a few feet from where he was sitting, wearing a faded black shirt and a white jogging pants. Ang mahaba at tuwid nitong buhok ay nakalugay, ang mga kamay ay nakatago sa likuran.
She was smiling from ear to ear, and he couldn't help but shake his head.
"Ano na naman ang kailangan mo?" aniya rito bago ibinalik ang tingin sa binabasang libro.
"Wala lang, napadaan lang."
Napadaan? Ang pool area ay sinasadyang puntahan, hindi dinadaanan.
Pero ayaw niyang makipagtalo sa bubwit. He continued to read his book and ignored her.
At tulad ng inasahan niya'y hindi ito tumigil.
"Ano'ng binabasa mo?" Lumapit pa ito lalo at sumilip sa librong hawak niya.
"Percy Jackson and the Lightning Thief," bagot niyang sagot bago inilipat sa kasunod na pahina.
"Maganda ba iyan?”
He took a deep breath. "Kung gusto mo ay hiramin mo na lang ito pagkatapos kong basahin. Now, leave me alone please. Gusto ko ng katahimikan kapag nagbabasa.”
He didn't want to be rude with kids pero napupuno na siya sa isang ito. Una niyang nakilala si Arni nang una itong isama ni Adelfa sa mansion dalawang taon na ang nakakaraan. She was only eight then, at mahiyain pa. Pero nang masanay na ito sa mansion ay saka ito nagpakita ng kakulitan. Lagi itong umaaligid sa kanya kapag nakakatakas sa ina. Tuwing naroon sa mansion ay walang ibang ginawa kung hindi sumilip sa kanya kahit nasaan man siya naupo, pagmamasdan sya, lalapitan at kakausapin.
Minsan, kapag nasa sala siya at naglalaro ng computer games ay naroon ito para manood. Hindi niya madesisyunan kung ang paglalaro niya ang pinapanood nito o siya; he could feel her eyes on his face. Minsan naman ay nagbabasa siya ng comics sa garden at naroon din ito para kunwari ay maghatid ng meryenda o magtanong kung ano ang mga paborito niya, mula sa kulay, pagkain, hanggang hayop. Naiirita siya sa kakulitan nito at minsan ay hindi niya mapigilang ismiran ang bata.
"Dito lang ako, sasamahan kita," sabi pa ni Arni bago naupo sa katabing upuan. "Hindi ako mag-iingay, promise.”
He took a deep breath and continued to read his book. Subalit wala pang limang minuto ay naiirita na niyang isinara ang aklat at hinarap ang bata. "You have been staring at me and it's making me uncomfortable. Kung hindi ka aalis ay ako ang aalis." Tumayo siya at iniwan ito.
"Ang suplado mo talaga. Pero okay lang, pogi ka naman kaya walang problema.”
Natigilan siya sa sinabi nito at marahas itong nilingon. "How old are you again?”
“Ten."
"Ten," ulit niya. "Sa edad mong iyan ay dapat hindi pa lumalabas sa bibig mo ang ganiyang mga salita.”
Kumunot ang noo nito. "At bakit hindi? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah?" Nasa tinig at mukha nito ang kainosentehan.
"Ano'ng totoo?”
"Na suplado at pogi ka.”
Nagpakawala siya ng marahas na paghinga. "Nag-aaral ka, hindi ba?" Tumango ito. "Ganyan ba ang mga natututunan mo sa school?”
"Hindi kaya. Marami kaming lessons sa school at marami akong natututunan. Ako kaya ang laging perfect sa Math at Science." Sinundan nito iyon ng pag-irap. Minsan ay totoong cute ang bulinggit pero madalas ay nakakairita talaga ang kakulitan nito.
"Well, good for you. But now, could you just leave me alone? Gusto kong mapag-isa at ayaw kong iniistorbo kapag nagbabasa ako." Muli niya itong tinalikuran. Pero bago pa man siya makalayo ay narinig na niya ang sinabi nito.
"Hmp! Kung ‘di lang kita crush…"
Hindi niya alam kung lalong maiinis o matatawa. Arni was just ten. Saan nito natututunan ang ganoon? Bagaman mahirap ay matinong ina si Aling Adelfa, imposibleng ito ang nagtuturo ng ganoon sa anak?
Umiling-iling na lang siya at itinuloy ang paglalakad. Aakyat na lang siya sa kanyang silid; siguradong doon ay hindi siya nito magugulo.
*
*
*
"Hi, Nathan!" masigla bati ni Arni isang araw na isinama na naman siya ng inay niya sa mansion. Naroon ang binata sa gilid ng pool at nakaupo, ang mga paa'y nakababad sa tubig.
Lumingon ito at nang makita siya ay kumunot ang noo. "Nagpagupit ka ba ng buhok?”
Natutuwa siyang tumango. "Maganda ba?”
Nagkibit lang ito ng balikat at ibinalik ang pansin sa mga kasamang naglalangoy.
Napatingin din siya sa mga iyon. Pagkapasok pa lang nila ng ina sa gate ng mansion kanina ay ang ingay na nagmumula sa pool area na ang kaagad na umagaw sa kaniyang pansin, dahilan kaya doon siya dumiretso.
Sa pool ay may dalawang binata siyang nakita; ang isa ay nakahiga sa transparent na inflatable bed habang ang isa naman ay lumalangoy kasama ang isang dalaga.
"Sino sila?”
"They are my classmates.”
"Hmm..." Tumango-tango siya. "Mabuti at nakadalaw sila ngayon. Akala ko ay wala ka nang ibang kaibigan maliban sa akin.”
Salubong ang mga kilay ni Nathan nang lingunin siya nitong muli. ”And who told you we're friends? Ikaw ang pinakamakulit na batang nakilala ko and for that reason, I don't want to befriend you.”
“Sa ayaw at sa gusto mo, kakaibiganin pa rin kita."
"Paano kung ayaw ko nga?"
"Wala kang magagawa. Iko-konsidera pa rin kitang kaibigan."
“You are ten, and I am eighteen. Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga bata.”
“Ang sabi ng teacher ko ay hindi basehan ang edad para makipagkaibigan. Kahit sixty years old ka pa, kakaibiganin pa rin kita.”
Akma itong sasagot nang tawagin ito ng kasamang babae na nasa pool. ”Hey, Nathan! Come join us!"
Napatingin siya sa babaeng nakasuot ng puting bathing suit. Maganda, makinis, mukhang mayaman.
”Sino 'yan?” tanong pa niya.
"Her name is Sofia. I like her, kaya h’wag kang magulo." Dumausdos si Nathan at lumusong na sa tubig.
"Haaah?" eksaheradong reaksyon niya kasabay ng panlalaki ng mga mata. "Bakit siya, gusto mo. Pero sa akin, ayaw?”
"What?" salubong ang kilay na muli siya nitong hinarap. “Ano ba iyang mga pinagsasasabi mo? Can you just go? Hindi pwede ang bata rito.”
Subalit nagmatigas siya at hindi umalis sa kinatatayuan. "Nathan, paglaki ko ay ligawan mo ako ha?”
Sukat sa sinabi niya ay pinanlakihan ng mga mata si Nathan. Tila ito napako sa kinatatayuan; nasa mukha ang matinding pagkagulat.
"Pangako, gaganda ako paglaki ko. At kapag nangyari 'yon, ligawan mo ako kaagad, ha? Pangako din na sasagutin kita kaagad.”
"Hey." Nakuha ni Sofia ang atensyon ni Nathan nang lumapit ito at hawakan sa balikat ang binata. "Who is she?"
Bago pa man makapagsalita si Nathan ay nauna nang sumagot si Arni, "Ako si Arni. At paglaki ko, ako ang magiging girlfriend at asawa ni Nathan. Sa ngayon, ipahihiram ko muna siya sa iyo. Babawiin ko na lang siya kapag nasa tamang edad na ako.”
Una'y nagulat si Sofia sa sinabi niya subalit kaagad ding nakabawi at tumawa.
Si Nathan ay napailing na lang at tumalikod na. "Go now, Arni. Pumunta ka na sa nanay mo.”
Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong bumaba sa hubad na likod ni Sofia upang yayain na itong lumangoy. Napasimangot siya. Pero wala siyang magawa kung hindi sundan na lang ng tingin ang paglayo ng dalawa. Nang makitang nagkatuwaan na ang mga ito sa gitna ng pool ay saka lang siya tumalikod at naglakad palayo.
Sa isip ay itinatak niyang kailangan niyang gumanda nang sobra upang sa kaniyang paglaki ay pansinin na siya ni Nathan.
“A friend invited you to a wedding?" Kunot noong nag-angat ng tingin si Yago at sandali siyang sinulyapan bago muling ibinalik ang pansin sa binabasang dokumento. He paused for a while before asking, "That’s a first. Hindi ka mahilig pumunta sa mga ganiyang klaseng okasyon…”“Well, I guess there’s always a first time for everything…” nakangiti naman niyang sagot.Nagkibit-balikat si Yago, ang tingin ay pinanatili nito sa dokumentong hawak. “Ilang araw ka namang mawawala?”"Hmm. Just three days top, I guess? Or two, kung hindi ako pipilitin ni Shiela na manatili.”“Si Shiela ba talaga ang magpupumilit na manatili ka roon? I guess there’s someone else…”Nawala ang ngiti niya sa mga labi matapos marinig ang sinabi ni Yago. She knew what and who he was talking about, pero kung inaasahan nitong bubuksan niya ang topiko tungkol sa taong tinutukoy nito ay nagkakamali si Yago. She would never speak of that bastard ever again.Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa single sofa na nakaha
"THIS PLACE IS PARADISE, ARNIE. Dito ka ba talaga lumaki?" manghang sabi ni Yago na pumukaw mula sa malalim niyang iniisip. Kanina pa siya tulalang nakatingin sa labas ng bintana habang binabaybay nila ang daan patungo sa bahay ng kaibigan niyang si Shiela. Nilingon niya ito at ningitian. "This place is perfect for retirement. Maraming lupang ibinebenta rito, baka gusto mong bumili para paghandaan ang retirement?"Ngumisi ito. "I'm too young to think about retirement, but you're right. Pwede ko nang paghandaan. At pag-iisipan ko 'yang sinabi mo."Nakangiti niyang ibinalik ang tingin sa daan. Sa gilid ng kalsada ay may mga bata siyang nakikitang naglalakad kasa-kasama ang kanilang mga magulang na maghahatid sa mga ito sa eskwela. Alam niyang may malapit na elemetary school sa bahaging iyon ng San Mateo at karamihan sa mga tagaroon ay nilalakad lang ang papuntang eskwelahan. Parang tulad niya noon. Ibinaling niya ang tingin sa palayan; sa dako pa roon ay may nakikita siyang kabahayan
Nathan could feel someone was staring at him from afar. He could feel those tiny eyes studying his every move, and watching him with curiousity. At alam na niya kung sino iyon. Minsan ay kinaiinisan niya pero binabalewala na lang dahil nakakasanayan na rin naman. Ibinalik niya ang pansin sa binabasang aklat at itinuloy ang pagbabasa. Magpapanggap siyang hindi ito napansin. Magpapanggap na naman siyang hindi alam na nasa paligid ito at nagmamatyag.Hanggang sa... “Hi!" Sinasabi na nga ba. Bagot niyang nilingon ang pinanggalingan ng maliit na tinig na iyon. Arni was standing a few feet from where he was sitting, wearing a faded black shirt and a white jogging pants. Ang mahaba at tuwid nitong buhok ay nakalugay, ang mga kamay ay nakatago sa likuran.She was smiling from ear to ear, and he couldn't help but shake his head."Ano na naman ang kailangan mo?" aniya rito bago ibinalik ang tingin sa binabasang libro."Wala lang, napadaan lang.