JAKE ANDREW "Sir..." bulong sa akin ni Loi sa gitna ng meeting namin. Wala ako sa aking sarili dahil sa nangyari. Halos wala akong tulog sa kaiisip kung saang lupalop ko hahanapin si Joyce. Lalo na't sinabi sa akin ni Loi na hindi talaga kasama ni Dennis si Joyce ng minsan pasundan niya ito. Eto ako ngayon sa gitna ng meeting at halos hindi ko nagugustuhan ang lahat ng aking naririnig. Sarado ang aking isipan sa meeting na ito. At ramdam kong mainit ang aking ulo. Ibinagsak ko sa ibabaw ng mesa ang hawak kong mineral bottle na ikinagulat ng lahat. "S...sir, may h..hindi po ba kayo nagustuhan sa presentation para sa photo shoot ng commercial ni Irish?" ani ng Team Leader ng marketing. "All of you! Get out!" sigaw ko sa mga ito na mabilis na at tarantang umalis sa aking harapan. Si Loi lamang ang natira sa aking tabi at nanatiling nakatayo. "Loi," sabay lingon ko sa kaniya. "Sir!" mabilis nitong sagot. "Wala bang paraan para mahanap si Joyce?" tanong ko rito. "Nag hire na po
JOYCE ANNE"Are you sure na a-attend ka ng kasal ko? Babalik ka dito sa Pinas para maka attend ng kasal ko?" ani ni Mystica sa akin."Paulit ulit Misty? Natural! Best friend kita hindi ba. At sobrang na miss kaya kita. Ilang taon ba naman tayong hindi nagkita noh. At eto na ang pagkakataon na muli tayong magkita," sabi ko sa kaniya."Kasama mo ba si Jonas?" "Yes! Kasama ko siya. At hindi puwedeng hindi ko siya makasama.""Hay..., sa wakas! Makikita ko rin iyang mahal mong si Jonas," "Basta kahit na anong mangyari ay a-attend ako ng kasal mo," sabi ko sabay paalam sa aking best friend.Nakahanda na ang lahat ng aking gamit maging ang passport at ticket namin ni Jonas ay nakaayos na."Hija, are you sure na uuwi ka na ng Pinas?" bungad na tanong sa akin ni Auntie habang nakatingin ito sa aming maleta ni Jonas."Yes po Auntie, tutal po ay doon na rin malilipat ang aking trabaho. Wala po talaga akong choice kundi ang sumunod kay boss," sabi ko na nakangiti.Ang tinutukoy kong boss ay ang
JOYCE ANNEPaglabas ko ng banyo ay mabilis na lumapit sa akin si Dennis."Nakita ko na lumabas si Jake mula dito kaya nag-alala ako kung ano ba ang nangyari?" aniya sa akin."Okay lang ako. Denz, magpaalam na tayo. Biglang sumama ang katawan ko at baka inaantay tayo ni Jonas. Alam mo na baka di pa iyon natutulog dahil namamahay," sabi ko sa kaniya."Are you sure na uuwi ka na agad in a middle of this?" tanong sa akin ni Dennis na may puno ng pag-aalala. "Tama ba na madistino ka dito kung alam mong anytime ay puwede kang lapitan ni Jake?" dugtong nito."Denz, saka na lang natin iyan pag-usapan. Gusto ko lang muna lumayo dito." sabi ko lalo na't nakita kong muli si Jake na sa akin mismo siya nakatingin kahit na may kausap itong may edad na lalake.Umiwas ako ng tingin rito at lumapit sa bride at sa groom na noo'y nakikipag-usap sa mga bisita."Misty, uuwi na ako. Saka na lang tayo magkuwentuhan kapag tapos na ang honeymoon n'yo ni Loi. At ikaw Loi, marami kang papaliwanag sa akin." saba
JOYCE ANNEMakailang beses akong nagpipindot sa doorbell bago ako pinagbuksan ni Misty."What?! Ang aga mo naman mang-istorbo?" aniya na naka bathrobe pa. This time wala akong pakealam kung nasa honeymoon stage silang mag asawa."Bakit hindi mo sinabi sa akin na iyong bahay na pinaasikaso ko sa'yo ay pag-aari ni Jake?" tanong ko agad sa kaniya."What?! Sandali ha... wala akong alam diyan," sagot sa akin ni Misty sabay labas ng kuwarto ni Loi na naka bathrobe din at nagkakamot pa ng kaniyang ulo.Dalawa kaming napatingin dito at kapwa nakakunot noo."What?" takang tanong ni Loi ng mapansin nito na kapwa kami nakatingin sa kaniya."May alam ka ba sa bahay na inialok ko kay Joyce?" tanong ni Misty sa kanjyang asawa."Sinabihan na kita na lahat ng impormasyon ko ay hindi puwedeng makarating kay Jake. Ngayon... na si Loi ang asawa mo palagay mo ba hindi nga iyon nakakarating kay Jake kung wala ka naman sinasabi sa kaniya?" sabi ko sa aking kaibigan na sinabayan ko pa ng aking pamemewang.
Kasalukuyan ko uling maaabot ang rurok ng kaligayahan ng bigla kong marinig ang pagtawag sa aking pangalan ng isang bata."Mommy! Mommy, you had a bad dream!" sigaw nito sa akin habang naramdaman ko ang uga nito sa aking balikat.Unti unti akong napadilat at mukha ni Jonas ang aking nabungaran.Napaupo akong bigla sapagkat isang panaginip lamang pala ang nangyari sa amin ni Jake. It was a wet dream!"You had a bad dream and i'm so worried you might not wake up," yakap bigla sa akin ni Jonas."No, it's not a bad dream...it's a great dream i ever had!" sabi ko na nakangiti sa aking anak.Ano bang sinasabi ko? A great dream?Bakit ko ba iyon nasabi?"A great dream? You said Ohhh.. ahhh... What is that mommy?" aning bigla ng aking anak na sabay napatakip ako ng aking bibig sa pagkakabigla dahil ginaya nito ang ingay kung paano umungol ang nasarapan na tao."Did i say that?" tanong ko na halos hindi ako makapaniwala.Tumango ang aking anak. "And you said I'm coming," dugtong nitong muli.
JAKE ANDREW"Siya po sir si Lorenzo Estrada ang may ari ng LE's Coffee shop and snacks. At eto rin po ang company profile nila," abot ni Loi sa akin ng naka plastic na folder ng pinalakad ko sa kaniya minsan."Mukhang naghahanap sila ng mag i-invest sa company nila sir," sabi ni Loi sa akin."Alam ko. Kaya nga pinalakad ko sa'yo eto. Nagsara na ang ilang shop nila at ang natitira na lamang ay lima." sabi ko kay Loi habang pinagmamasdan ko ang company profile na pag-aari ni Lorenzo ang tiyuhin ni Joyce."Mababa lang ang sales stock nila sa loob ng dalawang taon. At kung walang taong mag i-invest dito ay malamang na magsara ang lahat ng branches nito," paliwanag ni Loi na matagal ko ng alam."I book mo ako sa Singapore as soon as possible then contact Mr. Lorenzo. Gusto ko siyang makausap about his company," utos ko rito."Sir... don't tell me na mag i-invest ka sa company niya? Hindi ba't wala sa bokabularyo ng GGC na mag-invest sa maliliit lamang na kompanya?" takang tanong ni Loi sa
Nakita ni Joyce kung paano nagpamewang si Stephanie sa kaniyang sinabi. Kita sa mukha nito ang pagkapikon na hindi rin nakaligtas sa paningin ni Jake. Kaya naman maagap na pumagitna si Jake sa pagitan ng dalawang dalaga."Hindi porke nakabihis ka ng maganda ngayon ay kailangan mo na akong angasan ng gan'yang salita. Alalahanin mong katulong ka pa rin sa paningin ko at kahit na anong pustura mo ngayon ay isa ka pa ring mababang uri!" malakas na salita ni Stephanie kay Joyce.Napangiti ng painsulto si Joyce sa naging asal ni Stephanie."Natatakot ka bang maagaw ng isang katulong ang dati mong boyfriend? Paano ba iyan, magkikita at magkikita kami araw araw ni Mr. Jake. So, pag-igihan mo ang pagbuntot sa kaniya baka magulat ka... sa akin na pala siya," pang iinis ni Joyce kay Stephanie na lalong namula sa galit.Nang akmang lalapitan na ni Steff si Joyce ay agad na inawat iyon ni Jake."Huwag kang mag iskandalo dito sa aking opisina Steff. Sinabihan na kita na mamaya mag-uusap tayo." Mari
JOYCE ANNE Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako sapagkat ang mukha kaagad ni Jake ang aking nabungaran at agad na lumapit ito ng makita niya ako agad. Hinawakan niya ang aking pisngi maging ang gilid ng aking labi kung saan naroon ang sugat. "A...anong ginagawa mo dito? Hindi ba't may meeting ka kamo?" sabi ko sa kaniya. "Bakit mo hinayaang saktan ka ni Steff?" agad nitong tanong. Kita ko sa kaniyang mga mata ang pag-aalala na humaplos sa aking dibdib. Hinawi ko ang kaniyang kamay at umiwas ako ng tingin dito dahil baka matalo ako ng aking damdamin sa pinakikita ni Jake. "Okay lang ako huwag mo akong intindihin," sabi ko na lamang sabay lampas ko sa kaniya. "Hindi ako makakapayag na hanggang ngayon ay tratuhin kang gan'yan ni Steff," habol na salita ni Jake sa akin. "Bakit? Ano bang magagawa mo para pigilan ang obsession ng iyong Ex?" sabi ko sa kaniya. "Ex? Hindi ko alam na Ex ko na pala si Steff? Sa pagkakaalam ko ang naging Ex ko ay iyong dati pa," nakangiting sagot niya s
Dalawang araw ding nasa U.S si Jake kasama ang pamilya ni Stephanie. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay maka ilang beses itong tumatawag at nagbi-video call kay Joyce kasama na ang kanilang anak na si Jonas. Hindi naman nakaramdam ng selos si Joyce kahit alam niyang magkasama ang dalawa dahil alam niya sa kaniyang sarili na tumutulong lamang si Jake para sa kabutihan ni Stephanie at dahil na rin sa pakiusap ng mga magulang nito. "Ma'm Joyce?" ani ng isang may edad na babae na nakasalamin ang lumapit kay Joyce. "Yes, po?" sagot ni Joyce sa may edad na babae. "Tawag po kayo ng Chairman sa kaniyang opisina," ani nito sabay ayos ng kaniyang salamin sa mata. Mula kasi ng umalis si Jake ay saka dumating ang Papa nito na Chairman ng GGC. Sa ilang araw ay hindi pa niya natetyempuhan ang ama ni Jake. Tumayo siya at inayos ang kaniyang sarili bago sumunod sa may edad na babae. Medyo kinakabahan si Joyce dahil sa pangalawang pagkakataon ay magkikita silang muli ng ama ni Jake. Pagpas
JOYCE ANNE Masaya ako sa nangyari sa amin ni Jake. Akala ko no'ng magising ako ay isa lamang iyong wet dreams pero hindi pala dahil sa katabi ko pa itong natutulog at kapwa kami nakayakap sa isa't isa. "Ma'm mula po kaninang pagpasok ninyo ay napansin ko na po iyang ngiting yan... at sa pagkakaalam ko po kahapon ay namumula ang pisngi ninyo dahil sa mga sampal ng bruhang si Stephanie na yun... pero bakit po hanggang ngayon ay namumula pa rin iyan?" bating bigla sa akin ni Glenda na titig na titig sa akin. At hindi lang siya maging ang aking ka team ay gano'n rin."Ha? Namumula ako ngayon?" ang hindi ko makapaniwalang tanong sabay hipo ko sa sarili kong pisngi."Alam ko na kung bakit?!" masayang salita ni Carla. "Kinikilig kasi si Ma'm dahil sila na ni big boss," aniya."Ay, oo nga ano! Usap usapan nga pala kayo kahapon mula sa sweetness hanggang sa nagkagulo. Wow! Ang daming nangyari kahapong action na live pa talaga. At malamang may maganda uling nangyari kay Ma'm at kay Sir!" kini
JOYCE ANNE"Mom... my?" excited na lumapit sa akin si Jonas pero napahinto ito ng may mapansin agad sa akin."Are you hurt?" pag-aalala nitong tanong ng hawakan nito ang suot kong cream slacks na may bahid na dugo. At saka napatingin ito kay Jake. "Hi, baby!" nakangiting bati ni Jake sabay upo nito upang salubungin ng yakap ang aming anak pero umatras ito sa kaniyang Daddy."Did you hurt my mommy?" aniyang mangiyak ngiyak.Nagulat kami ng marinig namin iyon at nagkatinginan kami ni Jake."Of course not! I can't hurt your mommy because i love her," ani ni Jake sabay akbay sa akin."He didn't hurt me Jonas," sabi ko rin."Why you have that?" sabay turo niya sa mga bahid ng dugo sa aking pants at blouse."It's a long story my baby... and it's not important now. The important is...the status of our relationship of your mommy," masayang sabi ni Jake."Don't tell me that both of you are okay now? I have now complete family?" biglang saya ng mukha ni Jonas.Sabay kaming tumango ni Jake sa a
JOYCE ANNEPagbalik ko ng Department namin ay nabungaran ko agad si Glenda na sumenyas ang kaniyang mga mata at itinuturo nito ng palihim ang aking puwesto.Si Stephanie ay nakatayo sa gilid ng aking mesa at nakahalukipkip pa ito ng kaniyang mga braso dagdag pa ang matalim na tingin nito sa akin.Nagulantang ako ng salubungin ako nito ng napakalakas na sampal at hindi pa ito nakontento ay sinundan pa niya ito ng isa pang sampal.Hawak ko ang aking pisngi ng tumingin kay Stephanie. Si Carla na ka team ko at si Glenda ay naka alalay ka agad sa akin."Ano?! Kay Joyce ba kayo?! Gusto ninyong matanggal sa trabaho?!" sitang bigla ni Stephanie sa dalawa kong ka team."Ikaw! Masaya ka dahil nakuha mo na ng tuluyan si Jake at maging ang atensyon ng lahat ay nakuha mo. Pabida ang datingan mo! Kung hindi ko lang alam na isa kang mababang babae na bayaran para sa serbisyo ni Jake! Bakit? Akala mo hindi ko alam ang lahat ng iyon? Hindi ako tanga! Kung noon napatahimik ako ni Jake ngayon hindi na!
JOYCE ANNENaging busy ang lahat sa muling pagbubukas ng Coffee shop ni Uncle. Kasabay no'n ay hindi ko na napagkikita si Jake mula ng magtapat ito ng kaniyang nararamdaman. Maka ilang beses na akong nagtatanong kay Jonas kung nagpupunta ba ito para dalawin siya na oo naman ang siyang sagot ng aking anak. Pero hindi ko ito nadadatnan sa aming bahay. Dagdag pa na tuluyan ng ibinenta ng buo ang extension house nito sa akin. Ang nakakainis pa ay minsan si Loi ang nagsundo kay Jonas upang mamasyal sila ni Jake at dalhin sa lolo at lola nito. Lalo na't parang nanadya si Stephanie na magparinig sa kaniya ng ilang beses na kesyo nagkakalinawagan na daw sila ni Jake at ilang beses ng nag de date. Kung makapag k'wento pa ito sa mga ka team niya ay ubod ng lakas. Para itong naka microphone para marinig ng buong Department ang status nila ni Jake na siyang kinaiinisan ko.At ngayon nga ay usap usapan ang nababasa ng mga empleyado sa celebrity news ang patungkol kay Jake at sa kanilang anak.Nag
JAKE ANDREW"Umuwi ka na Loi, magpapahinga lang ako at mawawala rin itong lagnat ko mamaya," sabi ko kay Loi na nakatayo sa gilid ko. Sa mga oras no'n ay nakahiga ako sa sofa."Sir lumipat po kaya kayo sa inyong kuwarto," ani ni Loi."Don't worry Loi lilipat din ako roon maya maya. For now umuwi ka muna sa Misis mo at nakainom naman na ako ng gamot," sabi kong muli."Are you sure na hindi n'yo na po ako kailangan?" muling tanong ni Loi na tinanguan ko bago ako pumikit. Hindi ko na naramdaman ang pag-alis ni Loi dahil sa nakatulog ako agad. Epekto marahil ng gamot na ininom ko.Naramdaman kong may mabigat na nakapatong sa aking noo. Hinawakan ko agad kung ano ba iyon. Isang basang towel pala ang nakapatong.Pero sino ang may gawa?Ilang oras ba akong nakatulog at hindi ko man lang naramdaman na may taong tumitingin sa akin?Marahil ay nagbalik si Loi o baka naman hindi ito umalis at binabantayan niya ako.Hindi na masakit at mabigat ang aking ulo ng maupo ako. Hawak ko ngayon ang bas
JOYCE ANNEIlang araw ang lumipas ay napansin kong hindi nagpupunta si Jake sa aming bahay upang dalawin niya si Jonas. At nagtataka ako kung bakit hindi naman ito hinahanap ni Jonas. Maging si Loi ay hindi ko nakikita kaya naman agad kong tinawagan si Mystica upang alamin kung na saan ito."Anong nakain mo at bigla bigla mo akong tinawagan ha? At kailan mo kaya ako dadalawin hindi puro yung lagi na lang kita nakaka text? Nabuburyo na ako dito besh! Baka naman..." bungad na salita agad sa akin ni Misty."Napaka daldal mo talaga. Hindi ako makasingit ah! Sige mamaya labas tayo pag out ko dito. Manood tayo ng sine at kumain sa paborito nating restaurant. Okay na ba? Payagan ka kaya ng mahal mong asawa na si Mr. Loi?""Wala dito si Loi. Hindi mo ba alam na mayron silang meeting outside the country? Limang araw sila roon," "Saang bansa sila nagpunta," "Sa US tapos sabi ni Loi dederetso sila ng Singapore kasi may kakausapin pa daw silang tao dun," Kaya pala hindi ko ito nakikita dahil u
JAKE ANDREW"Why you closed your eyes?" takang tanong ko kay Joyce ng pumikit ito at animo'y may inaantay. Napangiti ako ng maisip ko bigla ang isang bagay na noon ko pa nais."Ha?" ani nito ng mapadilat.Isang dangkal lamang ang layo ng mukha ko sa mukha niya."Inaantay mo ba na halikan kita?" ngiting tanong ko sa kaniya sabay tingin ko sa kaniyang mapang akit na labi.Bigla ay itinulak niya ako ng sabihin ko iyon."Do you fantasize that I'm kissing you now?" biro kong tanong kay Joyce na biglang namula ang magkabila niyang pisngi."Sir! Kung wala ka namang importanteng sasabihin aalis na ako," aniya sabay talikod nito sa akin. Pero sadyang mabilis ang aking pagkilos upang harangin ko ito sa kaniyang paglabas."No! Gusto kong maging malinaw ang lahat sa pagitan nating dalawa. Gusto kong malaman kung ang lahat ng sinabi mo noong nakaraang gabi ay totoo?" tanong ko sa kaniya."Ano ba ang sinabi ko sa'yo na hindi ko naman natatandaan?" kunot noong tanong nito. Kanina pa ako naiinis sa
JOYCE ANNEPagpasok ko ng Marketing Department nagtaka ako kung bakit lahat ng kasama ko ay mga nakatayo sa kanilang gilid ng mesa at puros sila nakayuko. "So you are here now?" ani ng pamilyar na boses na aking ikinalingon.Si Stephanie nakasandal sa gilid ng aking mesa at nakahalukipkip ang kaniyang mga braso na nakangiting nakatingin sa akin. "Ma'm, kapalit po ng head natin," bulong sa akin ng aking ka team.Deretso akong nagtungo sa aking mesa at inilapag roon ang aking gamit na dala."Hindi mo ba ako babatiin?" ani nito."Good morning," sarcasm kong pagbati pero hindi ko ito pinag-ukulan ng pansin."Lahat sila ay magalang na binati ako bakit parang ang bastos mo," sabi nito.Ngumiti ako ng mapakla bago ko siya tiningnan ng deretso.."Hello ma'm... good morning po," sabi ko sabay pilit akong ngumiti at nag bow sa kaniya na labis nitong ikinatuwa."Okay guy's! For now on lahat ng mga projects na ipe-present ninyo ay dadaan muna sa akin," ani nito sa kanila."We will ma'm," sabi k